Ano ang Alikabok o Dust Allergy? Ano sanhi, gamot at lunas?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang dust allergy o allergy sa alikabok ay nagdudulot ng hirap sa paghinga at maaaring magsimula o magtrigger ng mga sintomas ng asthma tulad ng wheezing, pag-ubo, paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.

Ang alikabok ay maaari ring magdulot ng pangangati sa mga tao.

Ang mga taong may allergy sa alikabok ay kadalasang pinakanaghihirap sa loob ng sarili nilang mga tahanan o sa bahay ng ibang tao. Ang kakaiba pa rito, ang mga sintomas nila ay lalong lumalala habang o pagkatapos mag vacuum, magwalis at magtanggal ng alikabok. Ang proseso kasi ng paglilinis ay maaaring magkpalipad ng mga alikabok sa paligid na nagiging dahilan upang mas madali nila itong malanghap.


Sintomas ng Allergy sa Alikabok

- Pagbabahing

- Sipon at baradong ilong

- Pula, makati at maluha-luhang mata

- Wheezing, ubo, paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga

- Pangangati

- Triggers ng dust allergy

- Dust mites

- Ipis

- Amag

- Pollen

- Balahibo ng hayop, o buhok ng hayop


Gamot at Pamamahala ng Dust Allergy

- Baguhin ang gawi sa inyong bahay at pag-uugali

- Tanggalin ang mga wall-wo-wall carpet sa loob ng bahay, lalong lalo na sa silid tulugan.

- Huwag papasukin ang mga alaga sa loob ng kwarto, mas mainam na nasa labas lang sila.

- Bawasan ang halumigmig o humidity sa loob ng bahay.

- Gumamit ng mga “mite-proof” o “anti-dust mites” na mga kutson at unan; palaging hugasan ang mga sapin sa higaan ng mainit na tubig.

- Mag-install ng mabisang media filter sa inyong pugon o airconditioner

Maghanap ng allergist o doktor na nagsspecialize sa allergy na makakatulong sa mga sintomas, makakatukoy ng sanhi at magrereseta ng mabisang gamot o therapy.


Mga Trigger ng Dust Allergy

Dust mites. Ang mga dust mites ay ang pinaka karaniwang dahilan ng allergy sa alikabok. Masaya silang nabubuhay at dumadami sa mga mainit-init at mahalumigmig na mga lugar. Mas gusto nila ang lugar na may temperaturang mas mataas sa 70 degrees Fahrenheit at may 75-80% na humidity o halumigmig. Namamatay sila kapag bumabaa ng 50% ang humidity sa lugar. Hindi sila nakikita sa mga maiinit at tuyong lugar.

Ang mga dust mites ay kadalasang nakikita sa mga unan, kutson, carpet at mga in-upholster na mga kagamitan sa bahay. Lumulutang sila sa hangin kapag may nagva vacuum, naglalakad sa carpet o iniistorbo ang mga kutson o bedsheet at bababa din naman kapag tapos mon a itong galawin.

Ang mga dust mites ang karaniwang dahilan ng asthma sa kabataan.

Hindi kailangang magmukhang madumi tignan ang bahay para mag trigger ng allergic reaction sa dust mites. Ang mga alikabok na ito ay sadyang napakaliit para makita at kadalasang hindi matatanggal ng normal na paglilinis lamang. Sa katunayan, ang masinsinan at masiglang paglilinis ay makakalala pa ng sintomas ng taong may allergy.

Ipis. Ang mga ipis ay naninirahan sa lahat ng uri ng building at lugar. May mga taong nagkakaroon ng sintomas ng allergy kapag napapaligiran ng ipis. Ang mga maliliit ng alikabok galing sa mga ipis ang karaniwang sangkap ng alikabok sa loob ng bahay at maaaring maging tunay na dahilan ng allergy sa alikabok.

Amag. Ang amag ay isang uri ng fungus na gumagawa ng spores na lumulutang sa hangin. Kapag ang mga taong may allergy sa amag ay nakakalanghap nito, nagkakaroon sila ng sintomas ng allergy. Maraming uri ng amag – may ibang nakikita ng iyong mata, may iba ring hindi nakikita ng mata.

Nabubuhay ang mga amag kahit saan – sa mga troso o dahon, sa mga mga mabasa-basang lugar tulad ng banyo at kusina. Maliliit na mga spores at bagay ang kadalasang bahagi ng alikabok sa loob ng bahay at maaaring sanhi ng allergy sa alikabok.

Pollen. Ang pollen ay nagmumula sa mga puno at mga damo. Maaaring maging allergic ang isang tao sa iba’t-ibang klase ng pollen. Halimbawa, may mga taong allergic lamang sa pollen na galing sa mga beech tree; mayroon ding iba na allergic lang sa pollen galing sa ilang klaseng damo. Ang pollen ay karaniwang kasama sa alikabok sa loob ng bahay na maaaring tunay na dahilan ng dust allergy.

Buhok at balahibo ng hayop. Ang mga alaga sa loob ng bahay ay kadalasang nagdudulot ng problema sa mga pasyenteng may allergy sa iba’t-ibang paraan. Ang kanilang danders (skin flakes), ihi at laway ay nakakadulot ng allergic reaction, lalo na kapag nahalo sa alikabok sa loob ng bahay. Sa bahay na may alagang ibon, ang kanilang balahibo at dumi ay maaaring maging parte din ng alikabok sa loob ng bahay ay nakakadulot ng malalang problema sa mga taong allergic sa kanila.


Gamot sa Dust Allergy

Kung sa tingin mo ay may allergy ka sa kahit anong bahagi ng alikabok sa loob ng bahay, magpakonsulta sa isang allergist. Upang matukoy ang dahilan ng iyong sintomas, tatanungin ka ng allergist ng mga detalyadong tanong tungkol sa iyong lugar ng iyong pinagtatrabahuhan o ng iyong bahay, medikal na kasaysayan ng iyong pamilya, dalas at tindi ng sintomas at pagkakalantad sa mga alaga at iba pang posibleng trigger.

Minsan, ang interview na ito ay makakatukoy ng salarin – halimbawa, ang isang babaeng lagging may baradong ilong sa bawant beses na maglalaro siya sa alagang pusa ng kanyang kaibigan ay pwedeng may allergy sa mga pusa o sa alikabok na may buhok ng pusa sa bahay ng kaibigan niya.

Kadalasan ay magsasagawa ng skin test ang allergist para matukoy kung ano eksakto ang nagti trigger ng allergic reaction sa iyo.

Ang skin test ay kadalasang nagdadawit ng isang maliit at malinis na probe na siyang magtuturok ng extracts galing sa iba’t-ibang kalanasang allergen tulad ng tree pollen, dander ng alaga, at titignan ang reaksyon. Kapag positibo ang reaksyon (magkakaroon ng nakaumbok na latay at mamumula sa paligid nito) ay nangangahulugang allergic ka sa mga ito.

Minsan, magsasagawa ng blood test ang iyong allergist at isang skin test para makumpirma ang allergy.

Matapos matukoy ang dust allergy, magrerekomenda ang iyong allergist ng isa o higit pang gamot:

- Gamot

- Ineksyon pang allergy (Allergic shots para sa immunotherapy)

- Pag-iiba sa pamumuhay


Pagmamanage ng Dust Allergy

Para ma manage ang dust allergy, mainam na iwasan ang mga bagay na nakakadulot ng allergic reaction. Heto ang mga simpleng paraan para mabawasan ang pagkaka expose sa alikabok sa loob ng bahay:

- Mas piliin ang kahoy na sahig kesa sa carpet kung posible, lalong-lalo na sa loob ng silid tulugan.

- Regular na linisin ang bahay gamit ng isang central vacuum o vacuum na may HEPA filter. Kung ikaw ay allergic, gumamit ng N95 na filter mask habang nagtatanggal ng alikabok, nagwawalis o nagva cacuum. (Pwedeng higit pa sa 2 oras bago kumalma ang alikabok matapos ang masinsinang paglilinis so kung posible ay maglinis habang wala ang pasyenteng may allergy at iwasang linisin ang kwarto ng taong may allergy sa gabi.)

- Gumamit ng mite-proof na punda at bedsheet para sa kutson at unan. Regular na labhan ang mga linen gamit ng mainit na tubig.

- Gumamit ng HEPA air cleaner at panatilihing tumatakbo ito sa loob ng kwarto ng taong may allergy.

- Iwasang papasukin ang mga alaga sa kwarto ng taong may allergy.

- Takpan ang mga pagkaing hindi pinapa-ref; itapon ang mga tira sa isang selyadong basurahan.

- Kung may ipis, gumamit ng mga panghuli ng ipis at magpa skedyul ng regular na bisita sa isang kumpanyang pumapatay ng mga peste (professional na pest control service).

- Mag install ng high-efficiency na media filter na may MERV rating na 11 o 12 sa pugon at aircon unit. Iwanan ang fan na tumatakbo para makagawa ng air filter para sa buong bahay na nagtatanggal ng alikabok. Palitan ang filter ng isang beses sa kada tatlong buwan (sa pagpalit ng klima) para mapanatiling malinis ang hangin buong taon. Ipa inspeksyon at ipaayos ang aircon kada anim na buwan.

- Ugaliing gumamit ng hygrometer para masukat ang halumigmig o humidity sa loob ng bahay; panatilihin ang humidity na mas mababa sa 55 porsyento. Kung nakatira ka sa lugar na mahalumigmig o maalinsangang klima, makakatulong na gumamit ng dehumidifier. Gumamit ng vent fan para magtanggal ng kahalumigmigan sa mga banyo at kusina. Ayusin din ang mga tumatagas na tubo para maiwasan ang halumigmig sa loob ng bahay.


Gamot sa Dust Allergy

Kung ang iyong mga ginawa ay hindi sapat para maiwasan ang ma expose sa alikabok sa loob ng bahay, maaaring magpayo ang iyong allergist ng gamot na nakareseta o nabibili ng over-the-counter sa botika. Mga decongestant at antihistamine ang pinakakaraniwang gamot sa allergy. Ito ay nagpapabawas ng bara sa ilong, sipon, pagbabahing at pangangati. May ilan ding gamot na nakakatulong na pigilan ang paglabas ng kemikal na nakakadulot ng allergic reaction. Ang mga corticosteroid spray ay mabisa para sa pamamaga sa ilong. Iniksyon pang allergy o allergic shots (immunotherapy) ay nakakatulong din sa pagpapababa ng tolerance ng isang tao sa mga trigger ng allergy.


Ang allergy ay tutulungan ka para matukoy kung ano ang pinakamabisang gamot para sa’yo at kung gaano kadalas at kadami mo ito iinumin.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.