Ano Conjunctivitis or Pink Eye? Sanhi, gamot namumula mata, symptoms remedies

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Bakit may pula sa mata o namumula mata ko? Why is there something red in my eye?
Ang conjunctivitis o “pink eye” ay ang pamamaga o impeksiyon sa parte ng mata na tinatawag na “conjunctiva”. Ang “conjunctiva” ay ang parte ng mata na naglilinya sa talukap ng mata at bumabalot sa puting parte ng mata. Kapag ang maliliit na ugat o “blood vessels” sa “conjunctiva” ay namamaga, nagiging mas kapansin-pansin ang “pink eye”. Ito ang dahilan kung bakit ang puti ng ating mga mata ay nagiging mapula o “pinkish”. Ang kondisyon na ito ay karaniwang dala ng impeksyon mula sa bacteria o virus o kaya naman ay “allergic reaction”, o para sa mga sanggol, dala ito ng hindi pa ganap na nabubuksan na labasan ng luha o “tear duct”. Datapuwat ang “pink eye” ay hindi komportable sa pakiramdam, hindi nito naaapektuhan ang kakayanan nating makakita. May mga gamot na maaaring ibigay upang maibsan ang hindi magandang pakiramdam sa mata. At dahil madaling makahawa ang “pink eye”, ang maagang paglunas dito ay ang maiging gawin upang hindi na ito makapaminsala pa sa iba.

Ano ang Sanhi ng conjunctivitis?
Ang sanhi ng “pink eye” ay ang viruses, bacteria, allergies, kemikals na tumalsik sa mata, bagay na pumasok sa mata, sa mga sanggol – baradong labasan ng luha. Ang “pink eye” na dala ng virus at bacteria ay maaaring umapekto sa isa o dalawang mata. Ang viral na “pink eye” ay karaniwang nagsasanhi sa mata na gumawa ng tubig o lumuha. Ang “pink eye” naman na dahil sa bacteria ay gumagawa ng mas malapot, at kulay dilaw o berde na discharge. Kapwa ang viral at bacterial “pink eye” ay konektado sa pagkakaroon ng sipon o impeksyon sa “respiratory system” gaya ng “sore throat” o pananakit ng lalamunan. Ang “allergic pink eye” naman ay umaapekta sa kapwa dalawang mata at ito ay nangyayari dahil sa bagay na nakakasanhi ng allergy tulad ng mga “pollen” ng bulaklak. Ang “pink eye” naman ay pwede ring mula sa iritasyon tulad ng talsik ng kemikal sa mata. Kung minsan ang sobrang paghugas at paglinis sa mata upang matanggal ang kemikal ang nagiging sanhi ng pamumula at iritasyon.

Ano ang Sintomas ng conjunctivitis? Symptoms
Ang mga pinaka-karaniwang sintomas ng “pink eye” ay ang pamumula ng isa o ng kapwa dalawang mata, pangangati ng isa o dalawang mata, pakiramdam na parang may buhangin sa mata, pagkakaroon ng maraming muta sa mata, para ka ring naiiyak dahil dito. Ang ilan pang sintomas ay ang pananakit ng mata at pamamaga.

Kailan kailangang magpa-konsulta sa doktor? When to see a doctor
Kapag napansing meron kang mga sintomas ng “pink eye” ay makipag-appointment na sa iyong doktor. Ito ay sobrang nakakahawa sa loob ng dalawang linggo matapos lumabas ang mga sintomas. Kapag maaga mong natukoy kung ikaw ba ay may “pink eye”, mas mapapangalagaan mo ang mga taong malapit sa iyo na hindi mahawa. Ang mga taong may mga contact lens ay marapat na huminto muna sa pagsuot ng kanilang contacts sa pagsisimula pa lamang ng sintomas. At kung nakakaramdam ka ng sakit at panlalabo ng paningin, pumunta na agad sa iyong doktor.

Ano ang Lunas at paggamot sa conjunctivitis? Cure, medicines, treatment
May iba-t-ibang dahilan ang “pink eye” kaya naman may mga gamot na angkop sa bawat klase. Para sa “pink eye” na dala ng bacteria, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng antibiotic eyedrops at ang impeksyon ay dapat mawala matapos ang ilang araw. Ang antibiotic eye ointment, na kahalili ng eyedrops ay kung minsan nirereseta sa bacterial pink eye ng mga kabataan. Mas madali kasing ilagay sa mata ng mga bata ang ointment kumpara sa eyedrops. Subalit kung alin man ang gamitin mo, makalipas ang ilang araw ay gagaling rin ang “pink eye”. Para naman sa viral na pink eye, walang gamot para sa maraming kaso. At ang nangyayari ay pinapabayaan lamang natin ang virus na gawin ang kanyang dapat gawin at nawawala rin naman ito matapos ang dalawa hanggang tatlong linggo. Para sa “pink eye” na sanhi ng allergy, ang doktor ay maaaring magbigay mga gamot upang makontrol ang allergy tulad ng “antihistamine”, “decongestants” at “steroids”.

Home Remedies o paggamot sa bahay at Prevention o paano maiwasan
Upang tulungan ka sa paggamot sa “pink eye” sa bahay, kailangan mong maglagay ng “compress” sa mata na kailangang malinis bago ilagay sa mata. Ang malamig na “compress” ang maiging gamitin dahil nakakagaan ito sa pakiramdam. Pwede ring gumamit ng eyedrops sa bahay upang maibsan ang mga sintomas. Tigilan munang suotin ang iyong contact lenses. Upang maiwasan ang paglaganap ng “pink eye” dapat na obserbahan ang pagiging mlinis sa katawan. Halimbawa ay huwag hawakan ang iyong mga mata, palaging maghugas ng kamay, gumamit na malinis na towel palagi, huwag maghiraman ng towels, palaging palitan ang mga punda ng unan, itapon ang mga eye cosmetics matapos gamitin.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ano kaya ibig sabihin yung sa iris my spot na parang laman? ngayon ko lang nalaman na conjunctivitis pala yung sakit ng father ko. nag papacheckup naman kami pero sa loob ng dalawang linggo yung doktor hindi nya nasabi samin na conjunctivitis na pala sakit ng father ko.