ANO ANG GLAUCOMA AT PAGKABULAG? GAMOT, LUNAS, SANHI, SINTOMAS, Symptoms, blindness

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang Glaucoma ay isang kundisyon na nagdudulot ng pagkasira sa optic nerves ng iyong mga mata. Ito ay madalas na naiuugnay sa pagtaas ng presyon sa loob ng mata. Kapag tumaas ang presyon, nasisira nito ang mga optic nerves. Ang mga optic nerves ang nagpapadala ng mga imahe sa ating utak. Kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyon sa loob ng mata at hindi maaagapan, ito ay maaring magresulta sa pagkabulag.



Mayroong 2 klase ng glaucoma: ang open-angle glaucoma at ang angle-closure glaucoma. Ang open-angle glaucoma, o tinatawag din na wide-angle glaucoma, ang pinaka madalas na klase ng glaucoma. Dito, ang struktura ng mata ay maaring mukhang normal, ngunit hindi maayos ang pagdaloy ng likido papunta sa drain ng mata.


Ang angle-closure glaucoma naman, o ang tinatawag din na acute o chronic angle-closure o narrow-angle glaucoma, ay hindi karaniwan. Ngunit ito ay maaring magdulot ng biglang pagkaipon ng presyon sa mata at hindi rin gaano kaayos ang drainage dito dahil masyado makitid ang daanan ng likido.


Ano mga Sintomas ng Glaucoma? Symptoms


Karamihan sa mga taong may glaucoma ay walang nararamdamang sintomas sa pag-uumpisa ng sakit. Ang madalas na unang senyales nito ay ang pagkawala ng peripheral o side vision. Ngunit madalas, ito ay napapansin lamang kapag malalala na ang sakit. Sa biglang pagtaas ng presyon sa mata, ito ay madalas na nagdudulot ng biglang pagsakit ng mata, pagsakit ng ulo, panlalabo ng paningin o ang pagkakakita ng halo o nimbo sa paligid ng ilaw, pagkahilo at pagsusuka, pamumula ng mata, o pagkabulag.




Ano mga Sanhi ng Glaucoma? Causes


Nagkakaroon ng glaucoma kapag mataas ang presyon sa loob ng mata. Ang loob ng ating mga mata ay mayroong dumadaloy na fluid o likido na tinatatwag na aqueous humor. Kapag nagkaroon ng pagbabara sa daanan nito, hindi ito makakadaloy ng maayos at magreresulta sa pagkakaroon ng glaucoma. Ang pagbabarang ito ay walang tiyak na sanhi ayon sa mga doctor. Subalit, ayon sa kanila, ang glaucoma ay maaaring mamana mula sa ating mga magulang. Ito rin ay maaaring dulot ng kemikal na pinsala sa mata, malubhang impeksyon ng mata, pagbabara ng mga ugat sa mata, pamamaga ng mata, o minsan, dahil sa operasyon sa mata para ayusin ang ibang kundisyon. Ang glaucoma ay madalas na nangyayari sa parehong mata, at maaaring magkaiba ang lebel ng pinsala.




Ano ang Lunas, Gamot o Treatments sa Glaucoma?


Ang glaucoma ay nilulunasan sa pamamagitan ng paggamit ng eye drops, laser surgery o microsurgery.


Ang paggamit ng eye drops ay maaaring makatulong sa pamamagitan ng pagbawas sa produksyon ng likido sa mata, at pagpapa-bilis sa paglabas nito.


Ang laser surgery naman para sa glaucoma ay nakakatulong sa pamamagitan ng pagtaas ng outflow ng likido sa open-angle glaucoma o ang pag-alis ng bara sa angle-closure glaucoma.


Sa microsurgery operation para sa glaucoma, gumagawa ang mga doctor ng bagong daanan o daluyan para sa likido sa loob ng mata para ma-drain ito at bumaba ang presyon sa mata. Para sa iba, ang glaucoma implant ang pinakamagandang operasyon. Ngunit, ito ay maaring magdulot ng panandalian o permanenteng pagkabulag, pagdudugo o impeksyon.


Para naman sa mga batang ipinanganak na may glaucoma, na tinatawag na infant o congenital glaucoma, ito ay nilulunasan sa pamamagitan ng operasyon dahil sa depektibong drainage system sa mata.



Prevention o Paano maiwasan ang Glaucoma?


Ang pagkakaroon ng glaucoma ay hindi maaring pigilan. Ngunit ang maagang deteskyon at maaagang paggagamot nito ay makakatulong sa pag control sa sakit na ito.


Alternatibong treatments, paggamot at home remedies


Ang paggamit ng herbal medicines gaya ng Ginkgo biloba o marijuana ay maaring makatulong, ngunit walang sapat na ebidensya sa paglunas nito sa glaucoma. Mayroon ding mga research na nagsasabi na ang antioxidants na makukuha sa pagkain ng prutas at gulay ay makakatulong sa pagmamanage ng glaucoma, ngunit hindi para maiwasan ang pagkabulag. Subalit, walang kahit isang antioxidant ang pumasa sa clinical studies.


Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, kasama ang tamang dyeta, sapat na ehersisyo at sapat na tulog, ang pinakamagandang payo para sa mga taong may glaucoma.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Malalaman ko po ba kung epektibo ang treatment sa aking glaucoma dahil wala po naman akong sintomas na nararamdaman?
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
I-momonitor ng iyong ophthalmologist o optometrist ang kalagayan ng iyong mga mata upang malaman kung ang treatment sa iyo ay epektibo. Malalaman din nila kung mayroong pagkasira sa iyong mga mata o paningin. Kung gumagamit ng eye drops sa paglunas ng iyong glaucoma, mahalagang sundin ang payo ng iyong ophthalmologist at inumin ang mga niresetang gamot upang maging epektibo ang paggagamot sa iyo. Kung hindi mo ito susundan, ang pressure sa iyong mga mata ay maaaring tumaas ulit. Kapag na-diagnose ka ng may glaucoma, kailangan mong pumunta sa iyong ophthalmologist ng mas madalas. Maaaring every one to four months upang masuri kung epektibo ang medical treatment sa iyo at kung stable na ang pressure sa iyong mga mata. Kung nakita na epektibo ang medical treatment at kung nanatiling stable ang pressure sa iyong mga mata, at kung walang nakitang side effects dahil sa treatment, maaaring mabawasan ang iyong pagpunta sa iyong doktor. Maaaring isa sa loob ng 6 hanggang 24 na buwan, depende sa iyong kalagayan. Dahil walang sintomas ang iyong glaucoma, mahalagang pumunta sa iyong doktor para masuri kung epektibo ang mga gamot na ibinigay sa iyo. Kung hind ito epektibo, ang pressure sa iyong mga mata ay maaaring tumaas at maging sanhi ng iyong pagkabulag. Ang iyong optometrist o ophthalmologist ay maaring gumamit ng tonometry test na ginagamitan ng instrumento na tinatawag na tonometer upang masukat ang pressure sa loob ng iyong mga mata. Maaari ding suriin ng iyong doktor ang iyong paningin gamit ang perimetry test. Kailangan mong tumingin ng diretso at sabihin kung mayroon kang nakitang ilaw sa iyong paligid upang makita ang lagay ng iyong peripheral o side vision. Ang likod ng iyong mga mata ay maaari ding suriin ng optometrist o ophthalmologist gamit ang eye drops upang mabuksan ang iyong pupil – maaapektuhan nito ang iyong paningin kaya naman mas maiging may makakasama ka sa iyong paguwi. Ang gagamitin na mga tests sa iyong mga mata para sa glaucoma ay mas detalyado kaysa sa mga routine eye test na ginagamit sa pagsuri ng mga mata na may normal pa na kalagayan. Humingi ng payo sa iyong optometrist o ophthalmologist para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa mga eye tests at kung gaano kadalas dapat masuri ang iyong mga mata.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po kung nakalimutan kong maglagay ng eye drops para sa glaucoma?
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung nakaligtaan mong maglagay ng eye drops, lagyan ang iyong mga mata kaagad kapag naalala mo ito. Hindi magiging problema kung nakaligtaan mo minsan ang paglalagay ng eye drops. Ngunit, mahalagang magkaroon ng routine at magkaroon ng schedule ang iyong paglalagay ng eye drops upang maiwasan na makalimutan ito. Maaaring gumamit ng listahan upang malagyan ng check ang mga oras na nakapaglagay ka ng eye drops. Maaari din namang maglagay ng alarm sa iyong cellphone upang magremind sa iyo ng paglalagay ng eye drops. Ang paggamit ng eye drops regularly ay makakatulong sa pagiwas o paglala ng glaucoma ayon sa mga doktor. Kahit na walang napapansin na pagbabago sa paggamit ng eye drops, maproprotektahan nito ang iyong mga mata sa pagkabulag.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron po ba akong kailangang sundin na diet kung ako ay may glaucoma?
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Walang medical evidence na nagsasaad na may diet na dapat sundan sa pagiwas o paglunas ng glaucoma. Maraming mga lumalabas na supplements o diet para ditto ngunit mayroon lamang konting scientific evidence upang mapatunayan ang mga ito. Mas maiging magkaroon ng balanced diet, kumain ng masusustansang pagkain, iwasan ang mga matatabang pagkain o mga pagkain na mataas ang saturated fat content, salt at sugar. Ugaliin nating kumain ng prutas at gulay na high in fiber.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede po ba akong magmaneho o drive kung meron akong glaucoma?
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maaari kang magmaneho kahit na may glaucoma kung ito ay nasa early stage pa. Dito sa ating bansa, walang batas tungkol sa pagbabawal ng LTO o kahit na ano pang sangay ng pamahalaan sa pagmamaneho ng mga taong may glaucoma. Sa ganitong sitwasyon, ang nararapat na gawin ay humingi ng payo sa iyong doktor kung maaaring magmaneho at wala itong epekto sa iyong kaligtasan.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede po ba akong mabulag dahil sa glaucoma?
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung naagapan at maagang nalaman at nabigyan ng medical treatment ang glaucoma, maaring magkaroon lamang ng kaunting epekto ito sa iyong paningin o maaari din namang wala. Kung hindi mabibigyan ng medical treatment ang glaucoma, ang iyong first peripheral vision o paningin sa paligid at ang iyong central vision ay maaapektuhan at maaaring mabulag.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maibabalik po ba ang aking normal na paningin pagkatapos ng treatment?
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang mga pagbabago sa iyong paningin na resulta ng glaucoma ay kadalasang permanente at hindi na maibabalik ang iyong dating normal na paningin. Kaya naman, ang regular na pagpapacheck-up ng iyong mga mata ay mahalaga sa pagiwas ng pagkasira ng paningin. Ang mga taong may malubhang pagkawala ng paningin ay maaaring magkaroon ng special optical devices at mga training upang makatulong sa pag-improve ng kanilang paningin.
Recommend Report abuse
Menard Bermudz
is in the Philippines
Doc. Ano po to, biglang medyo didilim ang paningin tapos pagkalipas ng ilang minuto babalik sa normal at sasakit ang mata ng ilang mimuto. din po, pagkatpos nawa2la pero pagka wala po,nag iiwan ng sakit ng ulo 2 days po bago mawala ang sakit ng ulo.. 14 yrs ko na po itong na xperience.Minsan po isang beses sa 1taon...
Recommend Report abuse
Concern Muli
is a staff in the Philippines
yung father ko po may glaucoma sa left eye, katatapos lang po nya malazer sa right eye dahil sa cataract, ang payo ng dr. kailangan na maoperahan yung left eye nya na may glaucoma para matanggal na dw ang glaucoma pero di na maiiwasan ang pgkabulag, ooperahan lang daw sya para di na mahawa ang kanan mata. Totoo po bang mahahawa ang kanan nyang mata pag di sya nag paopera? ayaw na po kasi ng tatay ko magpaopera natatakot sya at matanda na daw sya..Please reply, para mapilit ko yung father ko magpaopera. thank you
Recommend Report abuse
Flodeliza Tolentino
is in Hong Kong
Doc.yung aswa ko po may namamaga daw pong ugat sa likodng mata nya, ngyon po nakakranassiya panghihina ng katawan, kawalan gana sa pgkain. My koneksyon po ba yun magkalayo po kasi kami ngttrabaho po ako dito sa hongkong siya ponagaasikaso s dalawa naming anak. Ano po ba dpt gawin sa namamagang ugat nya sa likod ng knyang mata?
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hindi ko po masyadong nakindat ang aking kaliwang mata.pero malinaw naman po ang aking paningin nung nagmedical po kmi 20/20 nmn po vision ko pero ang problema ko po di ko po makindat ang kaliwa kong mata minsan nakakakita ako ng medyo liwanag o spark lalo po kapag nanunuod ako sa cellphone ko ng movie.. bakit po kaya doktor
Recommend Report abuse
John Alvin Pinco
is in the Philippines
Doktor hindi ko po maikindat ang kaliwa kong pero di naman po nanlalabo ang mata ko last medical po namin sa company ay 20/20 po ang vision ko pero ang problema ko po ay hindi po maikindat ang kaliwa mata ko at minsan kapag nanunuod ng kovie sa cellphone may nkikita po kong extra sa may gilid ng mata ko tapos biglang nawawala..bakit po kaya ganun doktor nasakit din po anv kaliwang likod ng ulo ko pero hindi naman gaano kasakitan?
Recommend Report abuse