BUKOL NA HOLEN SA PANGA O LEEG: ANO PINAKA MABISANG GAMOT SA KULANI? Halamang Gamot, Sanhi, Sintomas lunas, dahilan

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano ang Kulani o namamagang lymph nodes?
Mayroon ka bang nakakapa na bukol sa leeg mo, sa gilid ng panga o tainga? Natural lamang na ikaw ay mabahala, ngunit 'wag kaagad mag huramentado. Kadalasan, senylaes ito ng namamagang lymph nodes o swollen lymph glands. Ang lymph nodes o lymph glands ay normal na bahagi ng ating katawan. Merong mga kadahilanan o sanhi kung bakit ito namamaga.


Figure 1. Checking size, shape and color of swollen lymph nodes. Image courtesy from "Checking Lymph Nodes" by WikiHow, 2011, https://www.pinterest.ph/pin/568086940467653092/

Ang mga lymph glands ay parte ng lymph system na nagdadala ng mga nutrisiyon at dumi sa pagitan ng body tissues at bloodstream. Mahalagang parte ng ating immune system ang lymph glands dahil dito naninirahan ang mga lymphocytes na siyang lumalaban sa mga mikrobyo, impeksiyon at iba pang mga sakit. Ang mga ito ay nakikita o nakakapa ng paisa-isa o kumpol-kumpol na grupo. Ang sukat nila ay maaaring kasing liit ng ulo ng pardible (perdible, pin, aspili) o kaya kasing laki naman ng jolen o olive. Ang grupo ng lymph glands ay kadalasang nakakapa sa ating leeg, sa ilalim ng panga o baba, sa kili-kili at singit at karamihan ng kulani sa katawan ay hindi nakakapa. Read more: Kulani sa ilalim ng tenga

Ang pamamaga ng lymph glands o kulani ay resulta ng pagkakaroon ng sakit mula sa bacteria o kaya virus. Bihira na cancer ang sanhi ng pamamaga nito. Ang gamot sa namamagng kulani ay depende sa klase ng sakit na nagdudulot nito. Karaniwan kasing laki ito ng holen o monggo.

Ano ang mga Palatandaan, Senyales at Sintomas ng Kulani?
Ang namamagang kulani ay palatandaan na may sakit ang isang tao. Kadalasang nangyayari ang pamamaga sa leeg, kili-kili at singit. Kapag nagsimulang mamaga ang kulani, maaaring maranasan ang mga sumusunod:
· Malambot at masakit na kulani
· Namamagang kulani na kasing laki ng munggo / monggo o mas malaki pa.

Depende sa sakit na dahilan ng namamagang kulani, maaari din maranasan ang mga sumusunod na sintomas:
· Sipon o Runny nose, sore throat, lagnat at iba pang sintomas ng impeksiyon sa upper respiratory tract
· Pamamaga ng kulani sa buong katawan na maaaring indikasyon ng impeksiyon gaya ng HIV o mononucleosis o ang pagkakaroon ng immune disorder
· Namamagang hita na maaaring indikasiyon ng baradong lymph system dahil sa namamagang kulani
· Matigas at mabilis na lumalaking kulani na maaaring indikasiyon ng tumor
· Pagkakaroon ng lagnat
· Pagpapawis sa gabi

Nakikita at natatagpuan din ang kulani sa singit, sa ari, pepe, bayag, suso o balakang ng tao. Lymph nodes are found throughout the body. However, the most common lymph nodes that swell in response to infection or injury are those situated in the head, neck, arm pits and groin areas. Swollen lymph nodes can be an indicator of a problem in your health status. You may feel tender and painful lymph nodes that is comparable to the size of a mung bean.

Bukod dito, meron ding ibang palatandaan o paghahayag na mararamdaman ang pasyente. Iilan na dito ang pagkakaroon ng sipon, namamagang lalamunan (sore throat), lagnat at ibang tanda ng impeksiyon sa paghinga o upper respiratory infections, AIDS/ HIV or mononucleosis, o immune disorder, tulad ng lupus o rheumatoid arthritis; may pilay sa katawan, na posibleng indikasyon pagbara ng lymph system sanhi ng pamamaga ng lymph node na sa malalim na parte ng balat kaya't di nararamdaman; matigas, nakapirmi, mabilis na lumalaking nodes, na posibleng indikasiyon ng tumor; lagnat at pagpawis sa gabi.


Ano Dahilan o Sanhi ng Namamagang Kulani?
Maaaring malaman ang dahilan ng pamamaga ng kulani mula sa kung saan ito matatagpuan. Ang kulani sa leeg, ilalim ng panga o sa likod ng tenga ay namamaga kapag may sipon o sore throat. Ang karaniwang dahilan ng namamagang kulani ay ang pagkakaroon ng impeksiyon. Maaari din magdulot ng pamamaga sa kulani kapag nasugat o nakagat malapit sa lugar ng kulani. Ang kulani sa kili-kili ay namamaga dahil sa pinsala o impeksiyon sa braso o kamay. Ang kulani naman sa singit ay hinihinalang mamaga dahil sa pinsala o impeksiyon sa binti, paa, singit o genitals. Ang kulani sa ibabaw ng kuwelyo ay maaaring mamaga dahil sa impeksiyon o tumor sa baga, dibdib, leeg o tiyan.

Kapag ang pamamaga ng kulani ay nasa dalawa o mahigit na bahagi ng katawan, maaaring indikasyon ito ng mga sumusunod:
- Viral na sakit kagaya ng tigdas, biki, bulutong at iba pa
- Pagkakaroon ng mononucleosis
- Pagkakaroon ng sakit na dala ng virus tulad ng tigdas, rubella (tigdas hangin), o beke
- Bacterial na sakit kagaya ng pamamaga ng lalamunan, strep throat o Lyme disease
- Maaari ding side effect ng gamot na phenytoin o kaya ng pagpapaturok ng bakuna para sa MMR, at iba pa.
- Syphilis at iba pa na STD na makukuha sa pakikipagtalik
- Senyales ng pagkakaroon ng Cancer
- AIDS na umaatake sa ating immune system.

Madalas namamaga ang lymph nodes sa parte ng katawan na maaaring pinagmulan ng pilay, impeksyon o tumor. Kaya't maaaring matukoy ang ugat na sanhi ng kulani mula sa kinalalagyan nito. Halimbawa, kapag nakaramdam ka ng pamamaga o malambot na parte sa ilalim o gilid ng tenga o panga, maaaring dahil ito sa sipon / colds o sore throat. O kaya naman tumor o infection kung ang kulani ay nasa bibig, leeg o ulo.

Sa kabilang dako, maaring namamaga ang kulani sa kili-kili (glands in the armpit or axillary lymph nodes) dahil sa pilay o impeksiyon sa braso o kamay. Bihira o madalang na dahilan ang pamamaga ng kulani dahil sa breast cancer, kanser sa suso, o lymphoma. At panghuli, ang namamagang kulani sa may kwelyo o leeg (collar bone o supraclavicular lymph nodes) ay maaaring sanhi ng impeksyon o tumor sa baga, suso, leeg o tiyan (abdomen).

Ano Mabisang Gamot sa Namamagang Kulani? Medicine
Ang paggamot sa namamagang kulani ay nakadepende sa pagsugpo ng ugat nito. Ang namamagang kulani dulot ng viral na impeksiyon ay bumabalik sa normal pagkatapos mawala ng impeksiyon. Halimbawa, kapag ang dahilan ay impeksiyon mula sa bacteria, antibiotic ang gamot para dito. Read more: Kulani sa ilalim ng tenga

Gaano katagal mamamaga o kailangan antayin bago mawala ang Kulani?
Hindi tiyak na malalaman kung hanggang kailan bago mawala ang kulani o gaano katagal pwedeng antayin. Karaniwang mananatiling namamaga ang kulani hanggang sa mawala na rin ang impeksiyon na kaugnay nito. Kadalasan mawawala ang kulani at babalik ang lymph nodes sa normal na sukat at hugis sa loob lamang ng ilang araw o linggo.

Kapag hindi bumalik sa dating sukat o hugis ang kulani sa loob ng isang buwan, dapat kaagad magpatingin sa doktor.

Paano sugpuin ang Kulani? Ano ang lunas, pinaka mabisang halamang gamot na matatagpuan sa loob ng bahay? Home remedies, treatments
Maaaring makatulong ang mga sumusunod upang mapaginhawa ang sakit ng namamagang kulani:
- Lagyang ng mainit o warm compress ang apektadong kulani. O di kaya ay isawsaw ang twalya o bimpo sa mainit na tubig at pagkatapos ay pigain at ilagay sa namamagang kulani
- Uminom ng pain reliever kagaya ng aspirin, ibuprofen at paracetamol
- Magpahinga para mapabilis ang paggaling ng karamdaman.

Dahil ang namamagang kulani o swollen lymph nodes ay kadalasan na itinuturing sintomas o senyales ng ibang sakit, nakadepende ang lunas sa dahilan o sanhi nito. Ngunit, sa mga hindi malalang kaso, maaaring gamutin o pagalingin ang kulani sa bahay. Isa sa pinaka epektibong lunas o gamot ang bawang, na mayroong antibacterial properties na naglilinis ng ating katawan. Anti-inflammatory din ang bawang, kaya't nakakapagpawala o nakakabawas ito ng pamamaga. Pwedeng kumain ng dalawang butil ng bawang upang mabawasan o mapaginhawaan ang namamagang kulani o kaugnayang karamdaman. Syempre, kailangan din ng tamang pagkain at pangangalaga ng katawan upang makaiwas sa sakit at mapalakas at malusog ang ating resistensiya.

Kailan kailangan magpa-konsulta sa duktor?
Kalimitan ay kusang gumagaling ang kulani, sa sandaling mamatay na ang virus o bacteria at humilom ang katawan. Ngunit mahalaga na magpa-konsulta kaagad sa duktor kung ang kulani ay:
·         Patuloy ang paglaki at tumagal na nang 3 linggo hanggang isang buwan
·         Matigas at hindi sumusunod ang balat kapag ginagalaw
·         Nilalagnat, pinagpapawisan
·         Nahihirapan sa paghinga o paglunok
·         Pamamayat
(Last reviewed 25 March 2019)


List of References:

MedlinePlus. (n.d.). Swollen Lymph Nodes. Retrieved from https://medlineplus.gov/ency/article/003097.htm

American Cancer Society. (2015, April 14). Lymph Nodes and Cancer. Retrieved from https://www.cancer.org/cancer/cancer-basics/lymph-nodes-and-cancer.html


WikiHow (2011, June 14). Check Lymph Nodes [Digital Image].  Retrieved from https://www.pinterest.ph/pin/568086940467653092/

1 person likes this

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dawn Castillo
is a house wife in the Philippines
Doc meron po akong kulani sa mag kabilang kili kili.....ano po sanhi nito doc????
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Gaano po kasigurado ang mga resulta ng sentinel lymph node biopsy?Makananu ya kasiguradu ing resulta
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Sinasabi ng mga pagaaral at pagsusuri na ang SLNB ay accurate sa pagsusuri ng cancer cells sa mga kulani sa bilang na 97 na pasyente sa kabuuan na 100.

Hindi karaniwan sa cancer ang pagkalat sa ibang bahagi ng iyong katawan kung hindi ito dadaan iyong mga kulani. Dahit ditto, ang pagtanggal ng kulani na pinakamalapit sa tumor ay makakatulong sa pagtuklas ng stage ng cancer at sa pagtuklas ng nararapat na lunas. May mga malubhang kumplikasyon na dulot ng pagtanggal ng kulani. Dahil dito, ang SLNB ay ipinapayo ng surgeon na pagdaanan muna ng pasyente upang makasiguro na hindi matanggalan ng kulani nang hindi nararapat.

Nakakatulong ang SLNB sa pagtuklas kung alin ang unang kulani na dinaanan ng tumor. Ang kulani na ito ay tatanggalin at masusuri para sa cancer. Kung negatibo ang resulta, ang ibig sabihin nito ay hindi pa kumakalat ang cancer sa mga kulani at hindi pa kinakailangan na tanggalin. Importante din malaman na sa sa madalang na pagkakataon (nangyayari sa 3 sa 100 na pasyente) ang procedure na ito ay nagbibigay ng maling resulta. Halimbawa, ang iyong sentinel node ay maaaring makitang normal pero ang cancer ay kumalat na (ito ang tinatawag na false negative result). Kung ito ay mangyayari, dapat matanggal ang iyong mga kulani. May mga pagkakataon din na ang sample ay may cancer cells pero ang totoo ay wala naman ito (tinatawag itong false positive result). Maaaring magdulot ito ng pagkakaraoon ng mga treatment na hindi naman nararapat. Maaaring ipaliwanag ng iyong surgeon ang false negative at ang false positive results.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May namamaga po akong mga kulani 4 months na po. Ibig sabihin ba nito dapat na tanggalin mga ito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Hindi dahil may namamaga kang kulani ay dapat na itong matanggal. Ngunit, nararapat na kumonsulta sa iyong doctor kung may namamaga kang kulani na tumagal ng isang linggo pataas.
Ang mga kulani ay nakakalat sa iyong katawan at maaari itong makapa sa iyong kilikili, leeg, at singit. Ang kanilang pangunahin na gamit ay ang paglaban ng impeksyon at ang pagsala ng lymphatic fluid na dumadaan sa mga ito.

Maraming dahilan ang pagkakaroon ng lumalaking kulani. Ang karaniwan na dahilan ay ang impeksyon. Ang mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
• Impeksyon sa genital o pelvic area na maaaring magdulot ng pamamaga ng mga kulani sa singit
• Pamamaga sa dibdib o breast na maaaring magdulot ng pamamaga ng mga kulani sa kilikili
• Glandular fever na may epekto sa iyong buong katawan at maaaring magdulot ng pamamaga sa iyong mga kulani sa leeg, kilikili at singit.
Kung mayroon kang namamagang mga kulani, mahalaga na kumonsulta sa iyong doctor. Susuriin ka ng iyong doctor at magtatanong ito tungkol sa iyong mga sintomas. Kung sa tingin niya ay mayroon kang impeksyon, maaaring kailanganin mong dumaan sa mga blood tests upang malaman ito. Kung hindi makahanap ng dahilan ng pamamaga ng iyong mga kulani, maaaring i-refer ka para sa fine-needle biopsy. Ang prosesong ito ay ginagamitan ng mapino at manipis na karayom upang makakuha ng cell samples mula sa iyong mga kulani. Ang sample ay ipapadala sa laboratoryo upang masuri. Ang isa pang paraan ay and pagtanggal ng kulani upang masuri.
Weng Calarion
is in the Philippines
DOCTOR ED...puwede po bang magpagamot sa iyo? 09288288139..HINDI PO KASE KAYA NG MANILA DOCTORS HOSPITAL..DI PA NILA MALAMAN KUNG ANO DAHILAN...DAMI NG GINAWANG TEST...
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Sa ano po uri ng cancer dapat tinatanggal ang mga kulani?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kadalasan, ang pagtanggal ng kulani ay para sa mga uri ng cancer na mapaminsala o malignant. Ang mga malignant cancers ay may kakayahang kumalat sa ibang bahagi ng katawan. Ang cancer ay karaniwang kumakalat sa ibang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng lymphatic system at ng mga kulani o sa pamamagitan ng pagdaloy sa dugo. Nakakatulong ang pagtanggal ng mga kulani sa mga malignant cancers sa pagtuklas kung ang cancer ay kumalat na. Ito at tinatawag na cancer staging. Makakatulong din ito sa paggawa ng nararapat na lunas. Ang mga uri ng cancer na ito ay maaring cancer sa bala (melanoma), sa dibdib o breast, sa thyroid, sa bibig, sa colon at sa cervix. Dahil may mga kumplikasyon na nakaugnay sa pagtanggal ng iyong mga kulani, kadalasang ipinapayo ng surgeon na magkaroon ng sentinel lymph node biopsy bago ipatanggal ang mga kulani. Ito ay paraan upang malaman ang unang kulani na pinuntahan ng mga tumor cells (sentinel lymph node). Ang tatanggalin lamang ng iyong surgeon ay ang sentinel lymph node upang masuri ukol sa cancer. Kung ang resulta ay negative, ang ibig sabihin nito ay hindi pa kumakalat ang cancer sa iyong mga kulani at hindi kinakailangan na tanggalin ang mga ito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ba ang lymphedema?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang lympphoedema ay ang pamamaga na dulot ng naipon na likido sa bahagi na pinagtanggalan ng kulani. Nangyayari ito kapag ang iyong lymphatic system ay hindi gumagana ng tama. Maaaring maapektuhan ang kahit na anong bahagi ng iyong katawan pero kadalasan itong nakikita sa mga kamay at paa. Ang iyong lymphatic system ay gawa sa mga glands tulad ng tonsils at mga kulani, bone marrow at thymus, spleen at mga istasyon ng mga lymphatic vessels.
Ang lymphatic system ay nahahalintulad sa iyong blood system, konektado ito ng mga network o istasyon ng mga maliliit na lymphatic vessels. Ang iyong blood system ay nagbibigay ng oxygen sa iyong mga body tissues. Kasalungat naman ito ng gingagawa ng iyong lymphatic system na nagtatanggal ng sobrang likido mula sa iyong mga body tissues kasama ang mga hindi nararapat na waste products sa iyong katawan. Kung barado o sira ang lymphatic system, hindi natatanggal ang likido mula sa iyong body tissues at nagdudulot ito ng pamamaga. Kung natanggalan ka ng mga kulani, may posibilidad na magkaroon ng pamamaga o lymphedema. Ang pamamaga ay maaaring mangyari pagkatapos ng surgery o pagtanggal ng kulani, pagkalipas ng ilang linggo o maaari ding pagkalipas ng ilang buwan.

Ang mga sintomas ng lymphedema ay ang mga sumusunod:
• Mararamdaman mo na ang iyong kamay o paa ay bumibigat o sumisikip
• Pamamaga sa kamay o paa, maaaring kaunti lamang sa una at maaaring magdulot ng pagmamanas
• Pagpapalit ng balat tulad ng dry at tight skin
• Pananakit ng kamay o paa
Ang pagsuto ng elastic compression garment sa apektadong paa o kamay at ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo ay makakatulong sa pagdrain at paghupa ng pamamaga. Ang mga specialist na mga nurses sa ganitong sakit ay maaaaring magbigay ng mga payo kung papaano maiiwasan at malulunasan ang lymphedema. Kung ang pamamaga ay lumala, maaaring kailanganin ang pagdrain ng likido o fluid.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sa ano po uri ng cancer pwede ang sentinel lymph node biopsy?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang sentinel lymph node biopsy (SLNB) ay kadalasang ginagawa upang malaman kung ang skin cancer (melanoma) o breast cancer ay kumalat na. Ngunit ito ay hindi masyadong ginagamit sa cancer sa thyroid, colon, head, neck, penis or cervix para sa mga pagsusuri. Hindi karaniwan na kumalat ang cancer sa ibang bahagi ng iyong katawan kung hindi ito dadaan sa iyong mga kulani. Kinakailangan na masuri ng iyong surgeon ang iyong mga kulani kung mayroon kang malignant o malalang cancer. Ito ay nakakatulong upang malaman kung kumalat na ang cancer at ito ay tinatawag na cancer staging. Ginagamit din ito upang malaman kung anong nararapat na lunas para rito. Dahil may mga kumplikasyon na maaaring maging resulta ng pagtanggal ng iyong mga kulani, maipapayo ng iyong doktor na dumaan muna sa sentinel lymph node biopsy (SLNB) bago magpatanggal ng kulani. Nakakatulong ito upang malaman ang unang kulani na pinuntahan ng mga cancer o tumor cells. Tatanggalin ng doctor ang sentinel lymph node at susuriin ito sa cancer. Kung walang nakita na cancer cells, maaaring dahil ito sa hindi pa pagkalat ng cancer sa iyong mga kulani at hindi kinakailangan na tanggalin ang mga ito.

May posibilidad na ipapayo ng iyong doctor na magtanggal ng madaming kulani mula sa iyong katawan. Kakausapin ng iyong doctor tungkol dito.
John Masula
is a non-Filipino member from the Philippines
Hello po doc, hindi ko po talaga alam kong kulani itong nakakapa ko sa bandang taas lamang ng aking mascular organ. Noon una (may 2014) maliit lamang ito. Ngunit nooong lumaon ay lumaki at di nag tagal ay nawala rin. Ngunit, ngayong mga nakaraang buwan ay bumalik muli ito, lalaki liliit at ngayon ay naging 3 na sila. hindi ko po talaga alam kong normal ito o hindi. Thanks
Jhoanne Martin
is in the Philippines
Magandang araw po.. Ang asawa ko po ay nasa kuwait.. Magdadalawang buwan n po syang nilalagnat.. july 24 po ng magsimula ang lagnat nya habang kami ay nasa hongkong.. nung umuwi po kami dinala ko po ang asawa ko sa doc nag pa test po kmi ng typhoid. Dengue. Blood count.. chest xray.. lahat po iyon lumabas n normal.. aug 18 bumalik ang asawa kosa kuwait kahit nilalagnat.. agust 21 sinugod n sa ospital ang asawa ko dahil sa taas ng lagnat. Hanggang ngaun po hindi nila malaman ang sanhi ng lagnat ng asawa ko ilang beses n pong nagtest ng kung anu anu.. ngaun po ang sabi may mga kulani daw po at inaantay ang resulta ng biopsy.. nanghihina po ang asawa ko pls paki sagot po.
Elmerson Boco
is in the Philippines
doc.. bakit po nakakaramdam ako ng pag kirot ng dibdib pag kumakain ako at na inom ng mainit na kape.. at humahapdi pag nag sa sawsaw ako ng pag kain sa suka..
Jhugie Imbat
is in Saudi Arabia
doc. meron akong bukol sa leeg sa bandang kanan parang kasing laki siya ng jolen anu po kaya ito meron ako sipon ngayon at nanunuyo ang aking lalamunan 3 days ago lang po ito .
Juls Reyes
is in the Philippines
hi doc,ask ko lng po kung kelan mawawala ung kulani ng anak ko sa mgkabilang leeg. 3yrs old na po siya ngayon at ung kulani nya po ay since 1yr old palang po siya. until now nandun pa din po..sabi po ng pedia normal lng daw un. worried po ako kasi wala nman po siyang sakit pero ntatakot po ako sa kulani. tnx po sa isasagot ninyo..
Weng Calarion
is in the Philippines
doc...until now hindi po malaman ng doctor sa MANILA DOCTORS HOSPITAL kung ano ang sanhi ng kulani ko po sa ilalim ng tenga at sa mga kalapit na bahagi nito
1 person likes this
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
You can always get a second opinion from another doctor / ENT (Ear nose throat specialist). It could be different possibilities. For example, any infection in the oral cavity can cause a lymph node to swell. It could also be an infected tooth that needs root canal, to a wisdom tooth, to a cancer, or just an allergic reaction or a cold. The lymph nodes on the side of the neck drain the mouth and the nose so they can be infected. It could also be the result of a long standing infection, such as if one of your posterior molar teeth has abscessed
Lillian Luna
is a musician in Thailand
Doc matanung ko lang po. Kung anu po tung tumubona maliit na bukolsa itaas na bahagi ng gilagid? Nilagnat po aku dito? Di ko pa alam kung saan nagmula po ito?
R A
is in the Philippines
doc pwede po bang maging sanhi nf kulani ang pagkakaroon ng sirang ngipin? halos 2 weeks po nung nagsimulang kumirot ang ngipin ko. . sinubukan ko na po ipabunot kaso ayaw po bunutin ng doktor. . ngayon po medyo ok na po yung ngipin ko kaso pimalit po na masakit ang tumubong parang kulani sa may panga ko. . ilalim mismo nung sumasakit na ngipin ko. . sana po mabigyan nyo po ako nf advice dito. .maraming salamat po. .
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
It depends on the problem that you have with the tooth. If the tooth is infected, there is a chance that the infection has spread into the blood stream, etc. Please see your dentist asap to be evaluated.
Casper Dela Fuente
is in the Philippines
doc
minsan po'y nagkaroon ako ng pigsa sa singit!!
nagamot ko po at nawala.
nung mga ilang araw biglang nagkaroon ako ng bukol sa noo ng ari ko
pulang pula po at lumalaki habang tumatagal sumasakit po
at subrang masakit po talaga!! naggamot lng po yung sakit na
sa pag inum ko po ng pain reliever gaya ng ibuprofen + paracetamol alaxan fr!!
doc anu po ba ito at anu po ba solusyon po sa ganitong sakit!!
Kevin Clyde Agcopra
is in the Philippines
Pwede po ba mag tanong may kulani po ako sa ilalim ng baba both sides meron din pong tama ako sa baga ano po bang pwedeng inuming gamot para mwala ung kulani . . . Hnd nmn po sya mskt????
Jm Francisco
is in the Philippines
gudpm po doc, what if po may maliliit na bukol sa ilalim po ng panga sa mismong center po, mga 3 bilog po xa, kulani parin po ba yon dahil sa tonsillitis? maraming salamat po..
Sarah Hermoso
is in Asia/Pacific Region
Doc, yung mother ko po eh nadiagnose na may kulani sa lalamunan...may mga home remedies po ba para dito...ilang percent po ang chance na ndi sya cancerous?
Jove Castro
is in the Philippines
My brother meron tumutobo na parang kasing laki ng beans amd then parang hangin sa loob tapos nag trans per to other part tapos para syang lumaki tapos dahan2x pumutok .ngayon pumotok na pls help
Jove Castro
is in the Philippines
Ung bukol katulod ng nasa picture tapos nag transfer sya leeg taposs kulay red brown and din pumotok po ung bukol pls ano po ito .pag pinipinch ko po masakit
Jeric Baltazar
is in the Philippines
doc ako po meron po akong kulani sa leeg right side po mag iisang buwan na po ito ... nung una tigyawat po tapos parang maga na .. pero ng nawala ung tigyawat doc napansin ko na hindi nawala ung parang maliit na bukol ... tapos po ngayon ay napansin ko ulit .. hindi naman po sya masakit kapag hinahawakan parang kulani lang po talaga ....anu po ba dapat kong gawin ...???
Ian Lebico
is in the Philippines
Doc,may kulani po ako sa mag kabilang tenga lumalaki lumiliit last year dec 20 2014 lang po ako tinubuan ng ganito tas nangangati poh xa anu poh b pwedi kong gawin salamat nag woworri n po ako..
Shane Asam
is in Bahrain
Hello po. Just recently po nagkanapkin rashes ako. Lagi naman pong nangyayari yun, normally, naglalagay lang ako ng petroleum jelly at ok na kaso this time itong last period ko medyo malala kasi hindi ako makaihi, masakit sya. Nagpacheck nako kagabi at binigyan ako ng antibiotic at paracetamol kc may fever ako at dinagdag na din ni doc ang ovules. Well, ngayon, napansin ko may kulani ako sa tigkabilang singit. Im worried actually. Im just waiting for few days to finish d medication they gave me and see if i will get better.
may kulani po ako sa batok ko mga 3 araw ko n po cia npapansin hindi namamn cia sumasakit.
may plema po ako chaka medyo mataas ung blood presure ko.
Izzy Tisuela
is in United States
doc tanong q lng po may bukol po kc aq na nakapa sa may malapit sa kuntil 2days na po nto hindi nmn po masakit e,medyo masakit po ung sa ilalim ng panga.ano po kaya ang sanhi nto?posibleng my sakit po ba aq?natatakot po aq bka my malalang sakit aq.sana po masagot nyo po ang aking tanong.maraming salamat po..
Darwin Aguas
is in United Arab Emirates
hi! po tanong ko lang po yung bukol sa singit nag simula po sumakit nung napa split po ako tpos nagkaron npo siya ng bukol thanks
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
bakit po kaya ako nagkaron ng kulani sa singit pero di naman po ako nasugatan o ano pa man. minsan naman e nahihirapan ako umihi kase mayat maya tas ang init. minsan naman e humahapdi ang anus ko kapag ako e dumudumi. ano po kaya ang sakit ko? :( natatakot po ako Doc.
Good day po Doc., my nakapa po kz akong bukol banda sa ilalim na malapit sa ulo banda sa batok ng baby ko 1year & 4 months po sya, normal lang po ba yon at kulani din po ba yon? Ano po iyon? Ano po dapat kong gawin? Hintayin ko po ang inyong sagot, maraming salamat po at more powers.
Mieme Groß
is in Asia/Pacific Region
Doc meron pong nmmaga sa may ilalim ng panga ko..sa 3 gabi lumaki xa ng pra ng jolen..nag try ako magpa check up kailangan raw surgeon..ano po ba unang aid pwedeng gawin or antibiotic na pwedeng inumin?!
Jsrnl Ledan
is in the Philippines
May kinalaman po ba any paninigarilyo sa pamamaga ng kulani?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May kinalaman po ba any paninigarilyo sa pamamaga ng kulani?
Shane Gulane
is a counter in United Arab Emirates
Doc.meron po akong bukol sa likod ng tenga ko. pina check up ko na to sa doctor and sabi buto lang daw siya na umangat. pero habang tumatagal, kumikirot siya at apektado na ung ilong ko at mabilis sumakit ang ulo ko.anu po ba ibig sabihin nito.bukol ko sa likod ng tenga ko??
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc. merun po akong bukol na tumobo sa bandang gilid sa taas ng tenga ko. anu po ba ibig sabihin nito. minsan meyn time na kumikirot siya,at umaatake ung sinus ng ilong ko, madalas po kumikirot ung bukol sa tenga ko.kulani po to? kc pina check up ko na dati to nun nasa pinas pa ako, ang sabi ng doctor buto lang daw siya na umangat, pero bakit kumikirot.??
Ahyie Pine
is in the Philippines
Doc ung anak ko 9yo nmamaga ung ilalim ng pisngi nya at mskit pg hinahawakan.anu po kaya un?
MARJ GONZALES
is in the Philippines
DOC PLS HELP ME PO :( WORRIED PO KC AQ SA CONDITION NG BABY KO..
1MONTH PLANG PO KC SIA MAY NAKAPA NA AQONG MALIIT NA BUKOL SA LIKOD NG ULO NIA..
PINA CHECK UP Q SIA..AND SBI NG DOCTOR KULANI DW PO..KC THAT TYM MAY UBO DIN PO SIA..
NGYON PO 10MONTHS NA SIA..NTATAKOT PO AQ KC UNG BUKOL NIA SA ULO HINDI PA PO NWAWALA.AND HABANG LUMALAKI SIA..LUMALAKI DN UNG BUKOL NIA SA LIKOD NG ULO..MOVABLE PO YUNG BUKOL NIA..AT MDYO INIINDA NIA PO PAG HINAHAWAKAN KO..
PLS DOC HELP ME PO..
Steven Arpie Aguilar
is in the Philippines
Doc ? may kulani po ako sa kaliwang leeg lagi po akong naglalaway tapos lage pong sobrang saket ng lalaunan ko parang naghahapdi siya ano po ba pinakamabisang igamot dito ?
Angilyn Selosa
is in Taiwan
doc meron po akong kulani sa may collarbone ko 2x q n po xa nararanasang sumasakit..
Andy Solomon
is in the Philippines
hi po, may napansin po kasi akong maliit na bilog sa ilalim ng jaw ko. Pinaglaruan ko po siya, hinawakwakan ko. Napag-alaman ko na lymph node yun. Pero sumunod na araw sumakit na po siya at parang namamaga. Lalala po ba to at ano pong pwede kong gawin para mawala agad ito? Thank you in advance
Andy Solomon
is in the Philippines
hi po, may napansin po kasi akong maliit na bilog sa ilalim ng jaw ko. Pinaglaruan ko po siya, hinawakwakan ko. Napag-alaman ko na lymph node yun. Pero sumunod na araw sumakit na po siya at parang namamaga. Lalala po ba to at ano pong pwede kong gawin para mawala agad ito? Thank you in advance
RIzalyn HAplic
is in the Philippines
Doc meron po aqng parang bukol sa ngala ngala pero hnd q alm kung san galing my kinain kz aqng candy na mhaba sa nsugat cguro..pero wla na ung sugat meron pa dng bukol.. d q alm kung alin ang nauna ung bukol o sugat.. tapos ksbay nito meron dn kz aqng iniinda na third molar sobrang skit nya ipapabunot q na sna kya lng hnd tnablan ng anesthesia.. hnggng ngaun sbay sbay cla ung ngipin q.. my infections dw eh.. tas ung sa mliit na bukol tas tong kulani q.. d q alm kung mgkakaconnect b to or ano..
Charlie Ebarat
is in the Philippines
Doc may mitral valve prolapse (MVP) PO ako at may na kapa akong parang maliit na bokol sa aking gilid ng panga ano po ba to normal lang po ba ito?
Charlie Ebarat
is in the Philippines
Parang kulani po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
doc may tumubo po na parang kulani sa 1 month na baby ko po. pero di nmn po sya nilalagnat at matigas po ang bukol. ano po kaya sanhi nyan at ano po dapat nming gawin. dito ko na po naisipang magtanong gipit na gipit din po kc kami
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po Mam! Ang advice ko lang po ay dalhin niyo po sa health center o Pedia doctor ng isang government hospital ang anak ninyo para po maexamine kung kulani po ba o bukol ang tumubo sa baby ninyo at mabigyan ng tamang diagnosis at lunas. Hindi po kayo gagastos ng malaki kung doon niyo po siya dadalhin.
Valerie Ann Soto
is in the Philippines
Doc ung baby ko po my kulani sa my leeg 3 po ngkaroon po kse sya Ng bulotong gang Ngaun po
Ivy Fernando
is in the Philippines
Magandang araw, doc. may tumubong maliit ng bukol sa likod ng aking tenga posible po bang ito ay kulani? may isang linggo ko na tong napansin pag kinakapa ko may onting sakit akong nararamadaman. ito po ba ay kulani? . . maraming salamat.
Alixandro Trosa
is in the Philippines
Hi po I pray po nasana mabasa ang message ko. Doc dikona po Alam ano gagawin ko. Kasi po halos lahat nang pwiding pag lagyan nang kulani sa katawan ay mirun ako. Una po sa SINGIT, LIIG, ILALIM NANG PANGA AT SA GILID NANG TAYNGA KO. Doc ano po gagawin q kac po since first year papo ito year 2008. Hanggang bgayun po 2018. At Unti2x posyang lumalaki at dumadami. Sa mga sulok nang aking katawan. Minsan po kumikirot lalo na pag nag bubuhat ako nang mabigat na bagay.. Doc subrang dami napo kac.. Sana po talaga mabasa itong message q. Hindi po ako nag bibiro doc. Please po. Pwidi po ako matawagan sa number na into 09076939133. MARAMING SALAMAT PO.