BUTLIG SA MATA: ANO ANG MABISANG GAMOT SA KULITI? BAKIT NAGKAKA KULITI? NAKAKAHAWA BA ANG KULITI?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ang kuliti (sty) ay maliit at masakit na bukol na nabubuo sa loob o labas ng eyelid o pilik mata. Ang maliit na bukol na ito ay mukhang pigsa o tigyawat dahil kadalasang may laman itong nana. Ang bacteria na staphylococcus ang kadalasang sanhi na nagdudulot ng impeksiyon sa mata. Sa karamihan na kaso ng kuliti, nawawala ito ng mag-isa pagkatapos ng ilang araw. Ngunit mayroon rin mga malubhang kaso na kailangan magpatingin sa doktor.

Walang pinipiling edad ang mga nagkakaroon ng kuliti at may maaari itong magpabalik-balik. Karaniwang hindi naman delikado ang kuliti sa mata at hindi nakakaapekto sa paningin.


Ano ang Senyales, Palatandaan at Sintomas ng Kuliti?
Ang mga palatandaan at sintomas ng kuliti ay ang mga sumusunod:
· Maliit na mapulang bukol sa eyelid na mukhang pigsa o tigyawat
· Masakit na eyelid, o tila napuwing
· Namamagang eyelid
· Naluluhang mata
· Pagkaroon ng mga langib o paltos  sa paligid ng eyelids

May dalawang klase ng kuliti – ang external at internal na kuliti. Ang external  na kuliti ay nagsisimula bilang isang maliit na tuldok katabi ng pilik-mata. Pagkatapos, ito ay mamumula, masakit at mamamaga, na tatagal ng ilang araw bago ito pumutok at maghilom. Ang internal na kuliti naman ay ang mapula at masakit na pamamagang nasa loob ng eyelid. Maaaring mawala ng tuluyan ang internal na kuliti kapag nawala na ang impeksiyon o kaya naman mag-iwan ito ng cyst o nodule na kailangang ma-drain.

A sty (hordeolum) is a red, painful lump near the edge of your eyelid that may look like a boil or a pimple which is often filled with pus. Other than this, eyelid pain, eyelid swelling, tearing and crusting around the eyelids are also some of the manifestations.

Sanhi o Dahilan ng Kuliti
Isa sa dahilan ng pagkakaroon ng kuliti ay ang poor hygiene o ang maruming pangangatawan. Halimbawa na lamang ay ang paghawak o pagkusot sa mata gamit ang maruming kamay ay paraan para malipat ang bacteria sa eyelids.

Ang pamamaga ng eyelid ay isa din sa mga dahilan na nagdudulot ng kuliti. Ang pamamagang ito ay dahil sa pagbabara ng oil gland sa gilid ng eyelid, sa likod lamang ng pilik-mata. Make-up, dumi o kaya scar tissue ang mga halimbawa ng bagay na magdudulot ng pagbabara. Ang baradong gland na ito ay maaari ding maimpeksiyon.

Sty is caused by an infection brought about by staphylococcus bacteria. Sty is classified as either external or internal. An external sty (on the outside of your eyelid) may be caused by an infection of an eyelash follicle (a structure where individual eyelash grows), an infection of the sebaceous (Zeis) gland (gland attached to the eyelash follicle and produces an oily substance called sebum, which lubricates the eyelash to prevent it drying out) and an infection of the apocrine (Moll) gland (a sweat gland that empties into the eyelash follicle; the fluid joins the tear film that covers your eye and prevents the eye from drying out).

On the other hand, an internal sty is caused by an infection of the meibomian gland which are found on the eyelids and produce an oily liquid, which makes up part of the tear film that covers your eye.


Ano ang Mabisang gamot o Medisina, Lunas o Gamot sa Kuliti?
Kadalasan, hindi na kailangang gamutin ang mga kuliti dahil maaari itong mawala na lang mag-isa. Ngunit kapag ang kuliti ay hindi nawawala sa matagal na panahon, nakakaapekto sa paningin at sumasakit ang mata o kaya ay pabalik-balik ito, kailangan na nitong gamutin.

Antibiotic ang gamot sa impeksiyong nagdudulot ng kuliti. Nirereseta ng doktor ang antibiotic na eyedrops o kaya antibiotic cream o ointment na ipapahid sa eyelid. Nagrereseta din ang mga doktor ng oral antibiotics para gamutin ang impeksiyon ng kuliti na tumatagal o kaya ay kumakalat sa eyelid. Maaaring operahan din ang kuliti at i-drain ito para maginhawahan sa pananakit at presyon na dulot nito.

Ang pabalik-balik na kuliti ay maaaring dahilan ng ibang karamdaman, kaya mahalagang gamutin muna ang karamdamang ito para maiwasan bumalik ng kuliti.

Paano ito maiiwasan?
1. Maghugas ng kamay gamit ang sabon bago humawak sa mata.
2. Banlawan ng tubig ang mata at pilik mata
3. Tanggalin ang make-up gabi gabi bago matulog
4. Iwasan o wag makipaghiram ng mga tuwalya o twalya, lalo na sa taong may kuliti.

Ilang araw tumatagal ang kuliti? Gaano katagal bago mawala o gumaling ang kuliti?
Kadalasan mayroong pamamaga ng 3 araw. Pagkaraan ng araw, puputok din ang kuliti at lalabas ang nana. Tatagal ang paghilom ng mula mga pito hanggang sampung araw (7-10), o mahigit isang linggo, kapag sinundan ang mga tuntunin at payo. Hindi naman nakakamatay ang kuliti, ngunit nakakasagabal ito sa araw araw na pamumuhay o trabaho.

Pumunta kaagad sa doktor o opthalmologist kapag tuluyang lumalaki ang kuliti at lumalala ang pananakit nito.
(Last reviewed: 26 March 2019)


References:

NHS website. (2018, December 1). Stye. Retrieved from https://www.nhs.uk/conditions/stye/

WebMD. (2018, November 12). How to get rid of a stye. Retrieved from https://www.webmd.com/eye-health/get-rid-of-stye#1


Next: Ano pinakamabisang halamang gamot laban sa Kuliti? Ano mainam gawin para gumaling?

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Casiano Bajao
is in Papua New Guinea
Hello Dr. Jen,
May anak po ako na paulit ulit na bumabalik ang kuliti palipat lipat sa magkabilaang mata. Ano po ba ang dapat gawin. Kung ipatingin sa doctor saan po ba at anong specialization ng doctor? 7 years old pa lang ang anak ko. dito po kami ngayon nakatira sa Bohol. Pwede nyo po ba ako matulungan? kindly reply po sa personal email add ko [email protected]
Salamat po ng marami.
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Isa sa mga cause ng kuliti ay ang exposure sa mga usok o alikabok. Maaari din paulit-ulit ma-impeksyon ang mata kapag humahawak sa mata ng marumi ang kamay. Upang masuri mabuti ang dahilan at kung anong lunas, pinak-maigi na ipatingin agad ang iyong anak sa Ophthalmologist, o spesialista sa mata.
Daynalin Dela Rosa
is in the Philippines
Hello po..tatanung ko lng po kung delikado po ba umg kuliti na matagal na d pa po nawawala may bukol pa din po s mata ko..pero d na pp sya masakit
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maaaring hindi yan kuliti, kundi chronic chalazion. Ang chalazion ay isang hindi gumaling-galing na impeksiyon sa eyelid gland, na nagiging sanhi ng bukol sa may takip mata (eyelid). Maaaring mapagaling ito ng warm compress at oral antibiotics, pero baka kailanganin din hiwain at alisin ang fluid sa loob. Simpleng operasyon lang naman kung sakali, hindi katagalan at hindi naman mahihirapan ang pasyente at kailangan ma-confine sa ospital. Magpatingin ka sa eye doctor o opthalmologist. Take care.
Sarah Nicolas
is in the Philippines
hello po. kuliti po ba yung namamaga ung eyebag tpos my bukol sa loob
tpos namula ang mata minsan. please help po anu po dpat kong gwin. 3days na po sya ngaung araw. please reply po.
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Masakit ba ang namamaga sa mata mo? Kung hindi naman, maaaring chalazion (maramihan: chalazia) yan, sanhi ng baradong oil gland sa may mata. Warm/hot compress ang kadalasang paggamot. Gamit ang basang towel na pinainit, ilagay ng mga 10 minutes ng 3-4 times a day. Kadalasan mga isang buwan bago yan mawala, pero kapag malaki, kailangan ipa-drain sa doctor. Pinakamabuti ang magpatingin ka sa eye doctor.
Sarah Nicolas
is in the Philippines
indi n po xa msakit.nung unang araw po oo.ngsimula po ito nung nlgayan po ng sabon yung mata ko tpos po aun kinamot ko po kc makati
tpos po ngulat nlng ako na my bukol. na sa eyebag ko.
Sarah Nicolas
is in the Philippines
d ba po pwedeng mainit ung ipatong sa mata? kc po mainit po ung pinapatong ko.pero kaya ko nman pong tiisin ung init. kc po minsan po makati e.kya dhil po dun nwawala din po ung pangangati
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Pwede gamitin ang warm o hot compress.
Mae Lomibao
is in the Philippines
Hello po,pano naman po kung nagtake na po ako ng antibiotic at gumaling po ang aking kuliti, then after 3 days lang po meron po ulit sa itaas naman po ng eyelids ko?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Maaaring may baradong glands. Namumuo ang kuliti sa mga baradong glands. Mabuting gumamit ng warm/hot compress para magbukas ang mga pores para lumabas ang oils sa glands, na nagpro-protekta sa 'tear film' ng mata. Magpatingin din sa eye doctor/ophthalmologist sa mga ibang posibleng dahilan tulad ng ocular rosacea. Take care.
Ciriaco Rosario
is in the Philippines
Maam ano po bang gamot ang pang alis ng kirot kapag namamaga yung mata? kasi after a week magiging kuliti na siya.
Ciriaco Rosario
is in the Philippines
Paano ko po ba maiiwasan itong stye or chalazion? Lagi po akong nagkakaroon ng ganito tuwing month of June,July and August.
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Importante ang eyelid hygiene. Makakatulong ang paglinis ng eyelids (takipmata) ng dalawang beses sa isang araw. Pwede ka rin uminum ng flax seed oil (2 capsules sa isang araw) o omega 3 essential fatty acid. Makakatulong din ang warm compress o heat pack. Kapag hindi nawala after 1 linggo, kailangan magpatingin sa opthalmologist. Maaaring kailangan ng antibiotic kasama ang steroid treatment. O kung hindi, maaaring surgical cleaning ng stye at steroid injection ang kailangan.
Jo R
is in the Philippines
Hi po, yung anak ko may kuliti ilang months na at start nawala o nagsubside ginamitan ko ng ointment sa mata as per advice by her pedia after few weeks bumalik na naman bale this time kitang kita na, the pedia advised another ointment which is foskina na ilalagay sa nose and we also did hot compress sa eyes pero mas namaga at lumaki sya instead na magsubside o mawala.. Ano po kaya ang next na dapat gawin? Kinakamot po ng anak ko paminsan minsan. Nakakaworry lang po kasi dahil months na din..
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Kailangan ninyo patingin anak ninyo sa ophthalmologist. Maaaring makatulong ang eyelid hygiene (paglinis ng eyelids ng 2 beses sa isang araw), warm compress. At maaari rin kailangan ng steroid treatment. Pero baka rin kailangan i-drain (tangalan ng tubig) o incised (hiwain). Simpleng procedure lang naman ito ng hindi katagalan at hindi kailangan ma-admit sa ospital.
Ciriaco Rosario
is in the Philippines
Ma'am mga 1month na po siya mahigit. pero di pa rin gumagaling. na drain na po sya kaso lang po may natira. how much po ba ang pa remove ng ganto?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good Morning mayron po akong KULITI mga 1 WEEK na po ito gusto ko na poh sya gumaling pag-nagpupuyat poh ako lalo po tung lumala yun po ba ay dahilan para lalong lumala at tumagal yung paggaling ng kuliti ko?
ano po bang klaseng Gamot(medicine) ang kailangan ko para gumaling po agad ito kailangan poh ba uminom ako ng Gamot or magpahid ng Ointment please asap Thank You!?
April Lopez
is a None in the Philippines
hi. sana matulungan nyo po ako sa matagal ko ng problema. may kuliti po yung kanang talukap mata ko. matagal na kong meron neto siguro dalawang buwan na mahigit. tapos ngayon tinubuan ako ng bagong kuliti sa kaliwang talukap naman ng mata ko. nung bago pa lang siya tumubo namamaga na namumula at masakit siya. paglipas ng ilang araw wala na yung sintomas tumubona yung kuliti. pinaopera ko na to last year 2 beses pero bumalik ulit. at sipunin din po ako hindi gumagaling sipon ko unless iinom ako ng neozep pero bumabalik ulit. ano po bang dapat kong gawin? hirap na hirap na ko. hindi ako matanggap sa work dahil sa kuliti ko sa kanan at kaliwang talukap ko.
Rj Olazo
is in the Philippines
Hello Dr. Jen
pabalik balik po yung kuliti ko, pagkatapos ng isa mawawala. ang tagal nya din po mawala buwan pa ang bibilangin. turning 16 na po ako. ano pwedeng ointment ang ilagay para mawala? salamat po.
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Have frequent hot compresses. The best way to handle an early stye is to soak a washcloth in very warm (not hot) tap water for 4 minutes at a time at least 4-5 times per day. If the sty persists, you should see an ophthalmologist.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello Dr. Jen,

paano po pag tumagal ng mahigit isang buwan na yung bukol sa eyelid di po ba delikado? hangang ngayon kasi di parin lumiliit yung bukol kahit na ginagawa ko na yung hot compress. mahal po ba ang bayad kung ipa drain ko po ito? maraming maraming salamat po.paki reply nyo nalang po ako sa personal email ko. [email protected]

salamat po
Alizza Adele  Cruz
is in United States
Hi po, 12 years old po ako tapos 1 week na po yung kuliti ko besides hot compress ano pa po ang pwede kong ilagay sa mata ko para gumaling kasi po gusto ko na po siya gumaling agad...
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello poh,
ask ko lang p., ung anak ko poh na 1yr and 6 months nagkaroon po cia ng kuliti. start lng cia n parang kagat sa ilalim ng mata tas 1 wik ciang namula., tas after nun napunta nmn sa itaas ng eyelid., ung pamumula at nagkaroon na cia ng maliit na bukol., tas 1 month na., lumabas na ung bukol sa eyelid., 2 maliit na bukol ung isa may color violet sa gitna., wala akong ginamot sknya o ginawa sknya kc ang alam ko kuliti lang cia at mawawala din nman., ok lang poh ba un., 1 month na cia may kuliti
Emilyn Modequillo
is in the Philippines
hello po, nagkakuliti po ako pero saglit lang po ung pananakit pero ung bukol po sa ilalim ng mata ko andun pa rin po medyo matagal na ito pero andito pa rin po ung bukol. ano po dapat kong gawin. salamat
Joylene Daroy
is in Czech Republic
hello po..ask q lng po kc ung kanang mata ng baby q sa loob ng taas ng talukap ng mata nya matagal ng my bukol pag binabliktad q po mapula xa pero matagal n po xa mga 2 months na xa pero d nmn po namumula,nagluluha or nagmumuta ung eyes nya pero kita po ung bukol na maliit sa labas ng talukap nya,pinacheck up q n po xa sa eye center tapos resetahan po xa ng tobradel ointment pero walang nangyari ganun pa rin po xa...hirap po kcng check upin mata nya nagwawala xa by the way doc 19months n po ung baby q...thank you and hoping for your reply doc...
Jheapilyn Lipae
is in the Philippines
Dr. Jen may alam po ba kayo espicialist sa tagum city po maam..paulit ulit din kuliti sa dalawang mata ko at may bukol na din sa magkabilaan [email protected] ito po email ko mam ...
Jheapilyn Lipae
is in the Philippines
2 years na po mata ko doc palipat lipat nlng ng pag tubo kuliti ..nag umpisa po ito nong nasa taiwan ako ibat ibang spicialist napo ako nagpatingin mga gamot na neresita at oinment ganun parin pabalikbalik every month.ngayon nasa pinas na ako wla paring nabago..saang eye doctor po ba pwede nyo mairecomend
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Warm compresses (wash cloth with hot water and hold it on the stye for 5 to 10 minutes), or surgical incision and drainage, or steroid are effective treatments to get rid of a stye.
You should also consult an ophthalmologist as there may be a problem with chronic dryness or inflammation of the eyelid glands and ducts that may need intensive treatments with soaks and eye medications in order that recurrent inflection will not happen.
Jerome Lat
is in the Philippines
Doc,gaano po kadalas dapat gawin ang warm/hot compress?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
If you have a sty, avoid getting the bacteria coming into contact with another person's eye. This would likely cause them to develop a stye or other infection as well. Most importantly, keep your eyes and hands clean, and don't share pillowcases, bedsheets, washcloths or towels with others.
Shant Obuyes
is in the Philippines
doc yung anak ko po namumula sa kanya na parang pimple sa eyelid niya .. alam ko kuliti ito pero parang hindi natuloy at halata sa kanya ano kayang dapat gawin dito para kasing singkit na siya ehh .. pero ngayon hindi na makati at masyado namumula pero may maliit na bilog pa din
Chan Ji
is in the Philippines
Bakit po ang tagal bago mawala nung akin? Ilang weeks na po siya. Ano pong gagawin ko?
Katrina Santos
is in the Philippines
kuliti po ba kahit hindi namumula and wala pong nana? Hindi rin po siya masyadong masakit makati lang po. Ano pong pwedeng remedy?
Mary ROse
is in the Philippines
Hi Dok,
Tanong ko lang po yung sa pamamgkin ko magiisang bwan na po yung kuliti nya.. Magdadalawang taon plng po kasi sya dok.. Bukod po sa warm compress no po kaya magandang gawin?
Janice Dalusung
is in the Philippines
hi po doc, dati po nagkakuliti ako sa mata namaga tlga sya, nung naghotcompress ako naalis naman po sya, pero may naiwan na matigas na bukol, d naman po sya halata, nung triny ko po syang i-hotcompress namula po sya at parang lumaki at puputok na, nahinog po b sya dahil sa paghotcompress ko ?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hi po doc, dati po nagkakuliti ako sa mata namaga tlga sya, nung naghotcompress ako naalis naman po sya, pero may naiwan na matigas na bukol, d naman po sya halata, nung triny ko po syang i-hotcompress namula po sya at parang lumaki at puputok na, nahinog po b sya dahil sa paghotcompress ko ?
Arnijen Valida
is in the Philippines
Hello Dr jen,

May kuliti po ako last month pa hanggang ngayon d pa natatanggal ano po ba ang dapat kung gawin para matanggal to..buntis po ako anu po ba ang pwd na ilagay dito para matanggal na sya..thanks po
Akira :)
is in the Philippines
Hello po, iatanong ko lang po sana kung totoo ba yung kapag may kuliti ka ay kailangan mong magtanggal ng isang pilikmata para po kumipis siya. Tapos po kelangan yung magtanggal ay bunso. Ginawa na rin po sa'kin yon at ngayon po parang kumikipis na siya. Atsaka po kelangan ho bang lumayo sa mga bagay na may radiation like computer and cellphones.
Hi doc, my anak po ako na nag gagamot ng kuliti bale tobradex yung gngmit niya dahil tinapangan ng pedia opthal dahil 3 kuliti na ang nsa ilalim ng mata. possible b na kayanin n ng gamot ito dhil my child is only 5 years old and ayaw ko na maoperhan siya. salamat.
Ronah Sotto
is in the Philippines
Hi po .. Yung anak ko po may ganyan sya halos mag 2months na ayaw prin maalis pina check up ko na sa pedia nya pinainom na po sya ng anti biotic nka 2 klase na sya cefalexin at stafloxin winawarm compress ko ndin pero hindi prin po sya nawawala anu na po ba dapat kong gawin ?
Rinalyn Cerezo
is in the Philippines
Ano po yung common na antibiotic eyedrops ang dapat gamitin?
Leahlyn Jimeno
is in the Philippines
Hi po. Meron po akong nakapa na maliit na bukol sa mata ko. Parang kulitiw na nasa loob ng balat ng mata'ano po kayang tawag dun?nagwoworry po kasi ako. Sana matulungan nyo ako
Shirley Yap
is in the Philippines
Hi doc, my baby has a sty din..pabalik balik lng sa magkabilang mata..she is 1 yr and 2 mos..ano po ba kailangan ko gawin pra mawala na ito?salamat sa sagot..tnx
Khari Agnes
is in the Philippines
Hello , Yung baby Ko po 2years old may kukiti pati sa taas po namamaga . Mawawala din po ba yun ? 3days na po kasi eeh . Ganon pa din . Pero hindi naman po sia nasasaktan pag nahawakan ung part na namaga . Pls . Sana po masagot nio to
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello po , may baby po ako 2years old may kuliti . Namamaga din po ung sa taas nia , pero pag nahawakan naman po ung part na namaga di naman sia nasasaktan bali 3days na po ung kuliti nia ano po dapata gawin ? NawWala lang ba talaga kusa yan ? Pls po pakisagot naman
Angel Ornedo
is in Sweden
Hi I’m angel po papano po pag winter lang ako ngkakakuliti sa tuwing magsnow po yan ang problema ko sa mata ko para my buhamngin Sa loob ng eyelid ko Ano po bah pwede ko gawin?thank you po.
Bethany Guevarra
is in the Philippines
Hi po. Ask ko lang po. Hindi ko po kasi alam kung kuliti talaga to pero ang sabi ng sister ko kuliti daw po tong nasa mata ko. Ang nararamdaman kopo kasi is sobrang kati at ang sakit ang nabasa ko lang po kasing sintomas masakit at wala po akong nabasa na makati sya. Kuliti parin poba ito? , sa eyelid kopo sya tumubo. Maraming salamat po. Sana po masagot niyo☺.