Ano ang Pancreatitis? Pamamaga ng lapay o pancreas, bato sa apdo, symptoms, remedy

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang pancreatitis ang tawag sa pamamaga ng “pancreas” o lapay kung tawagin sa atin sa Filipino. Ang lapay ay isang mahaba at manipis na “gland” na nakatago sa likod ng itaas na bahagi ng tiyan. Ang lapay ay gumagawa ng “enzymes” o kemikals na nagpapagana sa paglusaw ng ating kinakain at gumagawa rin ito ng “hormones” o mga kemikal na siyang namamahala kung paano gagamitin ng ating katawan ang “glucose” o asukal. Ang pancreatitis ay maaaring mangyari nang biglaan at tumatagal lamang ng ilang araw, “acute pancreatitis” ang tawag dito. O kaya naman nangyayari ito sa loob ng mahabang panahon. Ito ay tinatawag na “chronic pancreatitis”. Sa Amerika, tinatayang 80 libong kaso ng pancreatitis ang naitatala. Isa sa bawat 3,400 katao ang nagkakaroon nito. At sa 80 libo na kaso, mayroong 20 porsyento ang malubha ang klase ng pancreatitis. May ibang kaso ng pancreatitis ang nawawala lamang kahit walang ilapat na lunas. Ngunit ang iba naman ay napakalubha na maaaring kumitil ng buhay.



Ano ba ang nagaganap sa pancreatitis?


Ang pancreatitis ay nagaganap kapag ang kemikals sa paglusaw ng pagkain na ginagawa buhat sa lapay ay nagiging aktibo kahit nasa loob pa ito ng lapay na nagreresulta sa pinsala direkta sa lapay mismo. Sa normal na “digestion” o pagtunaw ng pagkain, ang hindi aktibo na “pancreatic enzymes” ay dumadaan sa “ducts” sa lapay at tumutungo sa maliliit na bituka, kung saan ang “enzymes” ay nagiging aktibo upang makatulong sa “digestion”. Sa pancreatitis, ang “enzymes” na ito ay nagiging aktibo kahit nasa loob pa ito ng lapay. Kaya naman na-iirita nito ang “cells” ng lapay, at nagreresulta sa pamamaga nito at nagdudulot ng mga sintomas ng pancreatitis.

Pancreatitis, a condition described as the inflammation of large gland behind the stomach and next to the small intestine, occurs when the digestive enzymes are activated before they are released into the small intestine and begin attacking the pancreas. Pancreatitis can either be acute or chronic. Hence, symptoms may vary. In acute pancreatitis, the patient may experience an upper abdominal pain that radiates into the back, which can be aggravated by eating foods high in fat, swollen, and tender abdomen, nausea and vomiting, fever and increased heart rate. On the other hand, chronic pancreatitis is manifested by the symptoms associated with the acute type plus weight loss caused by poor absorption (malabsorption) of food and possibly diabetes if the insulin-producing cells of the pancreas are damaged.


Ano ang Sanhi ng Pancreatitis? Causes


Maraming mga dahilan ang pagkakaroon ng pancreatitis. Ang mga ito ay ang: bisyo sa pag-inom ng alak o alkohol, bato sa apdo, operasyon sa tiyan, ilang mga medikasyon, paninigarilyo, “cystic fibrosis”, pagkakaroon ng kapamilyang may pancreatitis, mataas na lebel ng calcium, mataas na lebel ng taba sa dugo, impeksyon, pinsala sa tiyan, pancreatic cancer. Ang pinaka-karaniwang sanhi ng pancreatitis na dahil sa bato sa apdo ay nagdudulot ng pamamaga sa lapay habang dumadaan ang bato sa “bile duct”. Ang pag-inom naman ng alak ay karaniwan ring dahilan. Ito ay nagdudulot ng pamamaga ng lapay sa loob ng dalawang oras lamang hanggang dalawang araw matapos uminom.

In normal digestion, digestive enzymes produced in the pancreas are still inactivated and serves its function once they go to the small intestine. However, in the case of pancreatitis, digestive enzymes become activated while they are still in the pancreas. Consequently, the cells of the pancreas become irritated thereby causing inflammation. Some of the contributory factors that can lead to pancreatitis, either acute or chronic, are alcoholism, gallstones, abdominal surgery, certain medications, cigarette smoking, cystic fibrosis, endoscopic retrograde cholangiopancreatography (ERCP), heredity, high calcium levels in the blood (hypercalcemia), due to an overactive parathyroid gland (hyperparathyroidism), high triglyceride levels in the blood (hypertriglyceridemia), infection, injury to the abdomen and pancreatic cancer.


Ano ang Lunas o Paggamot?


Ang paglunas sa pancreatitis ay nangangailangan ng hospitalisasyon. Ang mga inisyal na gagawin upang pigilang mamaga pa ang lapay ay ang mga ito:


· “Fasting” o hindi ka muna papainumin o pakakainin ng kahit na ano sa loob ng ilang araw upang mabigyan ng panahon ang lapay na makapagpahinga. Sa sandaling nakarecover na ang lapay sa pamamaga, maaari ka ng simulang painumin ng walang kulay na mga inumin o kaya’y matatabang na mga pagkain. Sa loob pa ng ilang araw, maaari ka na ring pakainin kagaya ng dati.


· Gamot para sa sakit. Ang pancreatitis ay nagdudulot ng matinding sakit kaya naman bibigyan ka ng mga gamot upang makontrol ito.


· “Intravenous fluids”. Ito iyong mga tinatawag nating “dextrose”. Ito ay upang hindi ka ma-dehydrate habang abala ang iyong katawan sa pagpapagaling sa iyong lapay.


· Operasyon. Ito ay ginagawa kapag natukoy na ang sanhi ng pancreatitis. Mayroong tinatawag na “gallbladder surgery” at “pancreas surgery”.

Pancreatitis is a serious health condition that should be managed by a healthcare professional. Hence, a patient with this condition is usually treated in a general ward or in severe cases, he may be admitted in an intensive care unit (ICU). Management includes fluid replacement to treat dehydration and prevent hypovolemic shock, diet restrictions for mild acute pancreatitis or NPO diet in severe cases, oxygenation and regimens to relieve pain.


Natural Cures, Home Remedies at Prevention o Paano maiwasan


Kapag ikaw ay nakalabas na sa ospital, ito ang mga hakbang na pwede mong sundin upang ipagpatuloy ang iyong pag-recover.


· Tumigil na sa pag-inom ng alkohol. Kapag nahihirapan kang tumigil sa pag-inom, maaari kang humingi ng tulong sa iyong doktor kung ano ang mga dapat gawin.


· Tumigil sa paninigarilyo. Kapag ikaw ay naninigarilyo, tumigil. Kapag hindi ka naninigarilyo ay huwag mong simulan.


· Piliin ang “low-fat diet”. Ito ay diet na nag-lilimit sa taba na kinakain. Imbes na matataba ay prutas at gulay, whole grains, at protina na lamang ang kainin.


· Uminom ng maraming tubig. Ang pancreatitis ay nakakapag-dulot ng dehydration kaya naman uminom ng maraming tubig sa buong araw. Nakakatulong kapag palagi kang may dalang tubig sa iyong tabi.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Rox Anne
is in the Philippines
pwede po ba sya sa apple diet?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.