MALABO AT MABAHONG IHI: Ano ang UTI o Sakit sa Daanan ng Ihi? Sintomas, sanhi, lunas, gamot at remedies o treatments for Urinary tract infection

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Alam mo bang taon-taon, milyon-milyong mga pasyente ang nagpapa-tingin sa doktor dahil sa UTI? Pwede kang magkaroon ng UTI o urinary tract infection minsan sa buhay mo. Ngunit mahigit 50 porsyento ang tsansa ng mga babae na magakaroon ng UTI kaysa sa lalaki. 


Kung hindi ka na nagkakaroon ng buwanang dalaw o kapag nasa menopause ka na, mas tataas ang tsansa mo na magkaroon ng UTI. Sa mga babaeng natigil na ang buwanang-dalaw, malaki ang posibilidad na magka-UTI siya sa loob ng isang taon. Kapag naman nag-menopause ang babae, magbabago ang pH level ng ari at nawawala ang pagiging-balanse ng bacteria at yeast. Ano ang resulta? Madaling mapapasok ng mga bacteria ang urethra.

Maaari ring makuha ang UTI ng mga babaing madalas makipagtalik, kahit pa sabihing maiiwasan ito kung iihi muna bago at pagkatapos ng pakikipagtalik. Malaki rin ang tyansa na magka-UTI ang mga may diyabetis, dahil humihina ang kanilang resistensya o immune system.

Ano ang Urinary Tract Infection (UTI)?
Urinary Tract Infection o sa maikling salita UTI, ay ang impeksiyon sa parte ng urinary system. Ang mga parte na maaring maapektuhan ay ang iyong kidneys (bato) na nangongolekta ng dumi sa dugo para gawing ihi, ang ureter o ang daluyan ng ihi mula sa kidney, pantog (bladder) na taga kolekta ng ihi at urethra kung saan dadaan ang ihi palabas ng katawan. Ang kadalasang naaapektuhan ng impeksiyong ito ay ang mababang parte ng urinary tract– kasama sa parteng ito ang bladder at ang urethra. Mga babae ang mas madalas na makaranas ng ganitong klaseng impeksiyon kesa sa mga kalalakihan. Ang taong apektado ng ganitong impeksiyon ay maaring makaramdam ng hindi komportableng pananakit sa mababang parte ng katawan. Kapag ang impeksiyon ay umabot sa kidneys, ito ay magdudulot ng malalang komplikasyon. Antibiotic ang kadalasang gamot para sa Urinary Tract Infection pero mayroon din mga paraan para maiwasang makakuha ng impeksiyon. Read more: Ano pinakamabisang gamot sa UTI?

Ano Senyales at Sintomas ng UTI (Symptoms) ?
Giginhawa ang pakiramdam mo at maiiwasang lumala ang UTI kapag alam mo ang mga dapat mong gawin. Kaya heto ang sintomas na dapat mong bantayan:
-  Kailangan mo ng umihi NGAYON.
Kapag ang iniisip mo nalang lagi eh kailangan mong umihi, eh kakaihi mo lang naman, baka may UTI ka na nga. Iniirita ng mga bacteria ang urethra mo kaya pakiramdam mo, parang lagi mo nalang kailangang umihi ng umihi.

-  Hindi ka pa din komportable kahit naka-ihi ka na.

-  Kung madalas kang maihi, senyales yan na may impeksiyon ka. Pakiramdam ng may UTI, laging puno ang pantog niya pero konti lang naman ang ilalabas niya. Kung lagi kang labas-pasok sa banyo pero ganoon pa din naman ang pakirmadam mo, senyales na yan.

-   Mabula, mamula-mula o minsan ay may dugo pang kasama ang iyong ihi.
Marami tayong malalaman sa ating katawan sa kulay ng ihi natin; kasama na diyan kung mayroon ka ba o walang impeksiyon. Kung parang hindi normal o masyadong madilaw ang ihi mo, baka senyales na nga iyan. Ang mabula, pula, o mangitim-ngitim na kulay ng ihi ay senyales ng UTI. Pero bago ka mataranta, isipin mo muna yung mga kinain mo sa loob ng 24 na oras. May mga pagkain na pag kinain mo, magkukulay pink, orange o pula pa nga ito pero wala ka namang mararamdamang sakit.

-   Mapanghi o matapang na amoy ng ihi
Hindi mo naman kailangang singhutin ang inidoro sa tuwing iihi ka, pero yung masaydong matapang at mapanghing ihi ay sintomas ito ng UTI. Pero may mga pagkain na nakakapag-papanghi ng ihi. Halimbawa, kape at asparagus. Kapag palaging mapanghi o matapang ang amoy ng ihi mo, kasabay pa ng di karaniwang kulay ng ihi, panahon na para komunsulta sa doktor.

Pag-papaginhawa sa sintomas
Lalabas ang mga sintomas ng UTI sa loob ng ilang araw lang. Maaari iyang magsimula sa masakit na pag-ihi at yung pakiramdam na lagi mong gustong umihi. Tapos mapapansin mo sa ikatlo o ikaapat na araw, mamulamula na parang may kahalong dugo na ang ihi mo.

Totoo, papahirapan ka ng UTI dahil sa palaging pananakit at iritasyon, pero ang magandang balita eh ang impeksiyon na ito ay madali lang pagalingin.

Madali lang na naglalaho ang mga sinotmas kung gagamutin ito ng ilang araw gamit ang mga antibiotics. At kung isa ka sa mga babaing nagkaroon ng UTI noon, baka kailangan mo lang na pumunta sa doktor, mag pa test ng ihi at magpa-reseta ng gamot.

May mga kaso ng impeksiyon sa Urinary Tract na hindi nagdudulot ng sinyales at sintomas. Pero pag ito ay nagdulot, maaaring maranasan ang mga sintomas na ito:

· Pressure at masamang pakiramdam sa abdomen

· Madalas at malakas na naiihing karamadaman

· Masakit na pag-ihi

· Pag-ihi ng madalas ngunit paunti-unti

· Malabong itsura ng ihi

· Ihi na kulay red o kaya pink, sinyales na may dugo sa ihi

· Ihi na mapanghi o masamang amoy

· Pananakit ng pelvic area sa mga kababaihan

· Pananakit ng rectal area sa mga kalalakihan

· Pagkapagod, panginginig ng katawan at lagnat

Urinary tract infection (UTI) affects any gender and all ages, but it is most commonly experienced by women. Usually, symptoms associated with UTI are burning sensation when urinating, frequent or intense urge to urinate, pain or pressure in your back or lower abdomen, cloudy, dark, bloody, or strange-smelling urine, feeling tired or shaky and fever or chills (a sign the infection may have reached your kidneys).

Ano Sanhi o Dahilan ng pagkakaroon ng UTI ?
Bacteria ang nagdudulot ng impeksiyon sa Urinary Tract. Nangyayari ang impeksiyon kapag ang bacteria ay nakapasok sa urinary tract mula sa urethra. May kakayahan ang urinary system na iwasang makapasok ang mga masasamang bacteria, pero may mga oras din na hindi ito nagagawa. Sa ganitong sitwasyon, ang bacteria ay magpaparami sa loob ng katawan at magdudulot ng impeksiyon. Nakakapasok ang bacteria sa maraming paraan. Ang pagpunas ng puwet mula sa likod papunta sa harap (o papunta sa may ari) pagkatapos dumumi ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng ganitong impeksiyon. Ang bacteria mula sa pagdumi ay kakalat sa ganitong paraan lalo sa mga kababaihan at mapupunta sa urethra. Ang pakikipagtalik ay isa rin sa mga dahilan kung saan ang bacteria sa ari ay maitutulak papunta sa urethra. Kapag pinipigilan naman ang pag-ihi, dadami ang bacteria sa bladder at magdudulot ito ng impeksiyon. Paggamit ng diaphragm at spermicides para sa birth control ay isa rin sa mga dahilan ng pagkakaroon ng urinary tract infection.

Nagdudulot din ng impeksiyon sa urinary tract ang sakit sa bato ng kidneys. Pinapahina din ng mga sakit tulad ng diabetes ang immune system ng katawan na maaaring makapitan ng impeksiyon tulad ng UTI.

Urinary tract infection can affect either the bladder or urethra. Infection of the bladder is referred to as cystitis while infection of the urethra is called urethritis. Cystitis is commonly due to Escherichia coli (E. coli), a type of bacteria found in the gastrointestinal tract. Aside from this, sexual intercourse may also lead to this type of UTI. However, it may also affect women due to their anatomy - specifically, the short distance from the urethra to the anus and the urethral opening to the bladder. On the other hand, urethritis may occur when GI bacteria spread from the anus to the urethra. Also, because the female urethra is close to the vagina, sexually transmitted infections, such as herpes, gonorrhea and chlamydia, can cause urethritis.

Read more: Ano sanhi ng pangangati ng ari?

Ito ang listahan ng mga pwede mong gawin ngayon para guminhawa ka:

-  Uminom ng maraming tubig. Mas kailangan mo iyan lalo na kung sinimulan mo ng uminom ng antibiotic. Tutulong ang tubig para mas mabilis na makarating ang antibiotic sa apektadong bahagi ng katawan. At syempre, madali ding maglalaho ang bacteria.

-  Paginhawahin ang iyong pantog gamit ang mga over-the-counter na gamot gaya ng mefenamic acid. Pamamanhidin niyan ang pantog para mawala ang masakit na pakiramdam. Hindi mo na din mararamdaman na parang lagi mong gutsong umihi. Pero wag ka ng magtaka kung magkukulay-orange ang ihi mo. Palagi kang pwedeng uminom ng mga over-the-counter para sa pananakit.

-  Iwasan ang kape, soft drinks, alak, o mga citrus juice. Magtubig ka nalang para hindi mairita ang pantog mo. 

Ano Gamot para sa Urinary Tract Infection o UTI?
Antibiotics ang kadalasang gamot para sa Urinary Tract Infection. Ito ang klase ng gamot na pumapatay sa bacteria na nagdudulot ng impeksiyon. Ang mga antibiotic na kadalasang nirereseta ay amoxicillin, ciprofloxacin, sulfamethoxazole-trimethoprim at iba pa. Mahalagang magpatingin muna sa doctor bago uminom ng antibiotic para mabigyan ng tamang klase ng antibiotic, tamang lakas o dose ng gamot at maturuan ng tamang pag-inom para maging epektibo ang gamot sa pag-alis ng impeksiyon. Kadalasang pinapainom ang antibiotic ng tatlo hanggang limang araw, depende sa antas ng impeksiyon. Kung minsan, ang antibiotic ay kailangang ibigay diretso sa ugat; ito ay kapag malala na ang impeksiyon.

Binibigay din ang pain reliever para sa mga taong nakakaramdam ng pananakit dulot ng impeksiyon. Given the fact that UTI is due to a bacterial infection, treatment focuses mainly on eliminating the root cause. Hence, antibiotics are usually prescribed by your physician. However, there are also other home remedies that can effectively relieve the discomfort associated with UTI. These include taking herbal medicines with anti-inflammatory properties to alleviate the pain. Application of heat can also soothe dull ache due to UTI. Lastly, increasing the amount of your daily intake of water also helps in emptying the bacteria inside your bladder and in diluting your urine because concentrated dark urine is more acidic and sometimes, more difficult to pass.

Ano Halamang gamot, Home Remedies o natural na gamot?
Ang mga sumusunod na paraan ay makakatulong sa pag-ginhawa ng pakiramdam habang umiinom ng gamot para sa impeksiyon:
· Ang pag-inom ng maraming tubig ay tumutulong mag-dilute ng ihi at maglabas ng mga bacteria.
· Iwasan ang pag-inom ng kape, softdrinks, alak dahil nagdudulot ang mga ito ng iritasyon sa bladder at pinapalala ang sintomas ng impeksiyon.
· Makakatulong ang paggamit ng heating pad sa pagbawas ng masamang pakiramdam sa abdomen
· Baking soda - Para maiwasan ang progreso ng impeksiyon, subukang magdagdag ng isang kutsaritang baking soda sa isang basong tubig upang makatulong sa pagtanggal ng impeksiyon. Binabawasan ng baking soda ang acidity ng ihi, na nagpapabilis sa iyong paggaling.
· Vitamin C - May mga doktor na nagrereseta ng 5000mg Vitamin C kada araw o higit pa, para sa mga nakakaranas ng paulit-ulit na impeksiyon sa urinary tract. Tumutulong ang Vitamin C na patibayin ang bladder sa pamamagitan ng pag acidify ng ihi, para hindi makapasok at sumakop ang masasamang mikrobyo.
· Pineapple - Bromelain ay isang enzyme mula sa piña. Ang pagkain ng piña ay maaaring makatulong na labanan ang impeksiyon.

Kailangan ng medical intervention ang UTI ng tumatagal ng mahigit sa dalawang araw. Kapag ang UTI ay hindi nagamot, maaring maapektuhan nito ang kidneys na magdudulot ng mas delikadong komplikasyon.

Pwede bang gamutin ang UTI ng walang Antibiotic?
Ang UTI eh talaga naman nakakapag-alala. Naapektuhan nito ang urethra, pantog at bato. Nangyayari iyan kapag nakapasok ang bacteria sa urinary tract at dumami ito. Magdudulot ito ng masakit at madalas na pakiramdam ng pag-ihi, pananakit ng puson at mamula-mulang kulay ng ihi. Dahil sa impeksiyon na ito, 8 milyong pasyente ang bumibisita sa doktor taon-taon. Ang UTI ang pangalawa sa pinaka-karaniwang uri ng impeksiyon. Mas madalas ito sa mga babae pero nangyayari din sa mga lalaki. Mas maikli ang urethra ng mga babae kaya mas madaling makapasok ang bacteria. Tinataya na sa mahigit 50% ng mga babae ay may isang magkakaroon ng UTI sa buhay niya. Sa mga lalaki naman, sanhi ng UTI ang paglaki ng prostate na humaharang sa daluyan ng ihi. Dahil dito, mas maraming panahon ang mga bacteria na pasukin ang urinary tract ng lalaki.
Sa mahigit 90 % ng mga may UTI, ang E. coli (Escherichia coli), isang bacteria na kadalasang nakikita sa bituka. Kapag nasa loob ito ng bituka, hindi naman ito mapanganib. Pero kung minsan, kapag napunta ito sa urethra, magdudulot iyan ng impeksiyon. Pwede ding magka-UTI ang isang babae matapos makipagtalik kasi ang mga bacteria mula sa puwitan eh pwedeng mapunta sa urethra. Maiiwasan naman yan kung maglilinis muna ang babae ng mabuti bago makipagtalik at kung iihi siya pagkatapos. Yung pag-gamit din ng mga spermicides, diaphragms, at condoms ay nagpapalaki ng tsansa na magka UTI. Syempre, mas mataas ang posibilidad ng UTI dun sa mga mahina ang resistensya.

Bakit hindi tumatalab minsan ang mga antibiotics?
Karaniwan sa mga UTI eh hindi naman ganon kaseryoso. Pero kung papabayaan, kakalat ang impeksiyon sa bato at daluyan ng dugo at delikado iyan. Ang impeksiyon sa bato ay pwedeng mauwi sa pagkasira o pagkagasgas ng bato.

Kung iinom ng antibiotic, kadalasan ng unti-unting mawawala ang mga sintomas sa loob ng dalawa o tatlong araw, kahit na inirerekomenda ng mas maraming doktor na inumin ang antibiotic sa loob ng 7 araw. Totoo, ang ganitong uri ng pag-gagamot sa UTI ang pinaka-kilala, pero napansin ng mga mananaliksik na may mga bacteria na hindi kayang patayin ng mga antibiotic. Kaya parang hindi na ganon ka epektibo ang mga antibiotic sa pag-gamot sa UTI. May mga UTI na hindi parin nagagamot ng antibiotic ng lubusan. Kapag hindi napatay ng antibiotic ang bacteria na dahilan ng impeksiyon lalong magpaprami ang mga bacteria.

Nawawalan na ng bisa ang antibitic kapag nasosobrahan o mali ang pag gamit sa mga ito. Pwedeng mangyari iyan kapag iyon at iyon ding antibiotic ang inirereseta sayo para sa paulit-ulit na UTI. Dahil dito, naghahanap ang mga eksperto ng paraan para magamot ang UTI ng hindi gumagamit ng antibiotic.

Nawawalan na ba ng bisa ang Antibiotic?
Hanggang sa ngayon, may magandang resulta ang mga naunang pagsusuri. Ipinakikita ng ilang mga pagsusuri na ang UTI ay kayang magamot kahit na walang antibiotic. Kailangan lang na matumbok ang mismong lugar kung saan nakadikit ang bacteria: FimH
Normal lang na kapag umihi ka, lumalabas ang mga bacteria mula sa urinary tract mo. Pero ayon sa mga maniniliksik, pwedeng padikitin ng husto ng FimH ang E.coli sa mga selula sa urinary tract. At dahil sa sobrang higpit ng pagkakadikit, mahihirapan ang katawan na ilabas lahat ng bacteria sa urinary tract. Kung makakahanap ang mga mananaliksik ng paraan para targetin ang protina na ito gamit ang ibang paraan, magiging bahagi nalang ng nakaraan ang pag gamit ng antibiotic para gamutin ang UTI.
Sa ngayon, sinusubukan at pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga gamot na nagpapa-lakas ng immune system natutulong para yung mga selula sa urinary tract eh maging matatag kontra impeksiyon.
Ang impeksiyon sa pantog ang karaniwang uri ng UTI. Ang ilang pasiyente ay nakakaramdam ng ilang sintomas o kung minsan pa nga eh wala; pero, ang karaniwang sintomas eh yung dysuria o balisawsaw, nananakit na puson, at ihi na may mapanghi o kakaibang kulay.
Yung ilang impeksiyon sa panto o bladder ay hindi nagagamot at lumalala kapag yung mga pathogens ay umaakyat sa ureter ng bato. Ang mga sintomas ng impeksiyon na iyan ay makikita mo sa mga naunang parapo, pero may mga sintomas din gaya ng pananakit ng likod (pananakit ng magkabilang tagiliran sa likod), lagnat, panginginig, pagkaduwal o pagkahilo.
Hindi naman isang medical emergency ang impeksiyon sa bladder o pantog na dapat mong masyadong ikataranta pero heto ang listahan ng mga taong may mataas na tyansa na makaranas ng mga komplikasyon ng UTI gaya ng pagkalat ng impeksiyon sa bato o iba pang organ:
-       Mga buntis
-       May diabetes
-       Mga may problema sa bato gaya ng bato sa bato o naharangang bato
-       May-edad
-       Mga mahina ang resistensiya
-       Mga lalaking lumaki ang prostate
-       Mga taong nabababad ang ihi sa katawan o yung mga gumagamit ng catheter 

Ano ang pagka-kaiba ng UTI at STD?
Yung mga sintomas na ipinakita sa mga naunang parapo eh pwede ding maging sintomas ng ibang impeksiyon gaya ng sexually transmitted diseases o STD. Kasama sa sakit na ito ang gonorrhea (na minsan ay syphilis sa gonorrhea), chlamydia, at trichomoniasis. Maraming lab test an handang tulungan ang pasiyente na magamot o malaman kung UTI ba o STD. Ang karaniwang sintomas ng STD ay kapag nag nana o naglalabas ng mga fluid ang ari ng babae o lalaki, pero hindi ito karaniwan sa UTI.

Ano ang Honeymoon Cystitis?
Ang honeymoon cystitis ang tawag sa UTI na nakuha matapos mapkipagtalik. May ilang babae na madalas na nagkaka-UTi matapos makipagtalik. Kapag nakikipagtalik, naitutulak ang bacteria sa urethra na nagreresulta sa impeksiyon. Ang mga babaing may diaphragm para sa birth control ay may mataas na tyansa sa pagkakaroon ng UTI.

Ano ang stealth UTI?
Bihira ang mga UTI na walang nararamdaman na sintomas; sa tulong ng mga urine test eh malalaman mo kung mat bacteria ba na nagdudulot ng impeksiyon at ang tawag diyan ay asymptomatic bacteriuria. Karaniwan na, hindi ginagamot ang mga ganito pero sa ibang mga pasyente eh mas okay na gamutin ito gamit ang antibiotic ( halimbawa, mga babaeng bunti, ilang mga bata, at mga pasyenteng nagpa-kidney transplant).

Ano ang mga posibleng komplikasyon ng UTI?
May dalawang pangunahing komplikasyon ang UTI. Ang una, kakalat ang impeksiyon sa buong bato o pati narin sa isa pang bato. Kapag nagtuloy ang impeksiyon, hindi gagana ng maayos ang bato o mas malala pa, hindi na talaga gagana ang bato. Ang pangalawa naman eh yung mga bacteria na nagdudulot ng impeksiyon ay pwedeng pumasok sa daluyan ng dugo sa panapanahon. Pwede nitong ma-infect ang ibang parte ng katawan, magka sepsis o ikamatay ng pasiyente pero napakadalang naman ng ganitong kaso.

Sino ang mas malaki ang tsansa na magka-UTI?
Pinakita kanina ang mga dahilan ng pagkakaroon ng UTIpero bukod sa mga babaing nakikipagtalik ng madalas o mga matatandang mahina ang kalusugan, heto pa ang ilang sanhi:
-       Kakulangan sa tubig (pinapabagal ang paglilinis ng pathogen sa katawan)
-       Palaging paliligo (mas malubhang impeksiyon dahil sa pagkababad sa makemikal na sabon)
-       Pag-iintay na maihi (mas lalala ang pagatake ng mga bacteria)
-       Bato sa Bato (pagbagal o bahagyang paghinto ng daloy ng ihi)

Pwede din bang magka UTi ang lalaki? Ano ang mga senyales?
Hindi madalas ang UTI sa mga lalake; kung magkaroon man, baka dahil yan sa ibang dahilan. (Halimbawa, paglaki ng prostate o bato sa bato o ang pag gamit ng catheter.)

Mabubuntis ba ang babaing may UTI?
Baka sinisikap niyo ng asawa mo na maglihi ka, at talagang pinaplano niyo ito lalo na kapag nasa “fertile window.” (Bukod pa yung ibang panahon sa loob ng buwan.) At paano kung palagi kayong nagtatalik? Oo, UTI! Pwede ka bang magbuntis pag may UTI o pipigilan ng impeksiyon ang paglilihi?

Ayon sa research, hindi nangangahulugan na kapag may UTI ka ay apektado na ang kakayahan mo na manganak, at kahit may UTI ka pa eh pwede kang manganak. Ang totoo niyan, sinabi ng APA na pwede pa ngang magresulta sa UTI ang pagbubuntis kasi nagbabago ang uterus mo at pinabibigat nito ang pantog mo na humahadlang naman sa ihi. Hindi niyan maaapektuhan ang paglilihi pero kung papabayaan eh maaapektuhan ang ibang mahahalagang bagay.

Kahit na pwede ka namang magbuntis kahit may UTI, kung hindi mo gagamutin ang UTI mo, pwede kang magkaron ng iba pang sakit sa bato. At delikado yan para sayo at sa batang nasa sinapupunan mo. Kapag natuklasan mo na may UTI ka nga, pumunta na agad sa doktor gaya ng OB-GYN para sa antibiotic. Nagagamot ng mabilis ng mga herbal na gamot at acupuncture ang UTI. Kapag nilagnat ka o di umepekto ang natural na pang-gamot sa loob ng 4 na araw, bumisita ka na sa OB-GYN.

Mga lunas na pwedeng gawin sa bahay
Ito ang ilan sa mga panglunas na pwede mong gawin para mabawasan ang sintomas na nararanasan mo at para na rin maiwasan ang UTI:
1. Palaging uminom ng tubig
Ito yung isa sa pinaka mahalagang dapat mong gawin kapag nalaman mo na may UTI ka. Ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases (NIDDK), kapag regular kang umiinom ng tubig, mas madaling makaka-recover ang katawan mo kasi inilalabas nito lahat ng bacteria na nagpapahirap sayo.

Sikapin mo na uminom ng 2-3 litro ng tubig araw-araw na katumbas naman ng kalahati ng timbang mo, ang sabi ni Holly Lucille, ND, RN, naturopathic doctor at may akda ng Creating and Maintaining Balance: A Woman's Guide to Safe, Natural Hormone Health. Pero kung may iba ka nang sakit sa bato, mas dapat kang mag-ingat at laging komunsulta sa doktor.

2. Pataasin ang iyong Vitamin C
Kumain ng mga pagkain gaya ng orange, brocolli, kale, bell pepper, strawberry at bayabas. Ayon sa Johns Hopkins Medicine, napakahalaga ng Vitamin C dahil mas ginagawa nitong acidic ang ihi ng isang tao na pumipigil naman sa pagpasok ng bacteria sa daluyan ng ihi. Ipinapayo din ng Urologist ang paginom ng mga Vitamin C na supplement.

3.  Tamasin ang init
Ang pag-gamit ng mga heat pan sa apektadong bahago ng katawan dahil sa UTI ay makakatulong. Pinagiginhawa nito ang sakit o hapdi. Pero mag-ingat din na direktang ilapat ang pampainit sa katawan para maiwasan na masunog ang balat.

4. Alamin ang mga nakakapagpasumpong sayo na mga pagkain
Ang ilan sa mga diuretics gaya ng kape, mga soft drinks, atripisyal na pampalasa, tsaa, tsokolate, maaanghang na pagkain at kamatis eh pwedeng makapag-pairita sa iyong pantog, kaya mas maglalabas ng ihi ang katawan mo. Syempre, kasama diyan ang alak. Hindi iyan nakakatulong sa utak mo para kontrolin ang pantog at madi-dehydrate ka. Ang resulta? Mahihiapan kang gumaling. Mag pokus sa mga pagkain na mausustansya gaya ng high-fiber na mga carbohydrates, blueberry at yogurt na maganda sa panunaw.
Nakakatulong ang yogurt para maalis ang hapdi dahil sa UTI.

5. Palaging umihi para malinis ang pantog
Alam na alam mo na kung bakit yan mahalaga. Sa tuwing iihi ka, inilalabas mo yung mga mikrobyo na nagdudulot ng impeksiyon. Kaya wag magpigil ng ihi.

6. Subukan ang Herbal Medicine
Ang ubas o grape daw ay epektibo kasi may berberine ito na pumapatay sa mga bacteria at nagpapalakas sa immune system na labanan ang sakit. Maiiwasan din na dumikit yung mga bacteria sa pantog mo. Baka narinig mo na din yung Uvu ursi. Nilalabanan niyan ang impeksiyon sa tulong ng sangkap nito na tinatawag na arbutin.

7. Baguhin ang pamumuhay
Kapag magbabago ka ng lifestyle, maiiwasan mo din ang iba pang klase ng impeksiyon. Siguraduhing ang ginagamit mo eh yung maluwag at koton na pang-ilalim para di makapasok ang mga bacteria. Mahalaga din na palaging punasan ang ari para maiwasan ang pangangati. 

References:


U.S. Department of Health and Human Services. (2018, February 13). Urinary tract infection (UTI). Retrieved from https://www.hhs.gov/opa/reproductive-health/fact-sheets/urinary-tract-infections/index.html

Centers for Disease Control and Prevention. (2015, April 17). Urinary tract infection. Retrieved from https://www.cdc.gov/antibiotic-use/community/for-patients/common-illnesses/uti.html

Office of Women’s Health. (2019, January 31). Urinary tract infections. Retrieved from https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/urinary-tract-infections

 

Next: Ano pinakamabisang gamot at pangontra sa UTI?

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po simpleng lunas sa uti?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Uminum ng maraming tubig at nakakatulong din ang cranberry juice. Ngunit depende pa rin ito sa tao, at pinakamabuti parin ang magpatingin sa doctor, at maaaring magbigay ng mga antibiotics.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakahawa po ba ang UTI? Magkaroon po ba ang UTI pag nakipag sex sa taong may uti?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Hindi nakakahawa ang UTI. Hindi ito napapasa sa ibang tao.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bawal po ba makipagtalik pag may u.t.i?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Wala naman saliksik na nagsasabing may dahilan para iwasan ang pakikipagtalik kapag may UTI.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Tanung ko LNG po, kpag po ba ang isang babae pabalikbalik lng po ang uti, pag po ba nagpa pap smear mawawala na po ba nun ung uti nya?
Tere Mendoza
is a house wife in the Philippines
Tanung ko lng po kapag po ang isang babae my uti ung on and off po ung uti nya tpos nagpa pap smear maalis na po ba ung uti nya?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Isang test ang pap smear para makita kung may pagbabago ang cells sa cervix o vagina ng babae, na maaaring maging cancer. Kaya walang kaugnayan ang pap smear sa pagpapaalis o paggamot ng iyong uti. Kailangan mong magpatingin sa doctor/ob gyn, at maaaring ireseta ka ng antibiotics para magamot ang uti. Uminum rin ng mararing tubig.
Mary Gutierrez
is in Saudi Arabia
Pag may impeksyon po ba o uti maari bang maapektuhan ang menstration?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Kalimitan, hindi naman nagkakaroon ng late period o delayed menstruation ang mga babae may urinary tract infection (UTI). Pero nakakapagpabagal ng ovulation ang sakit at impeksiyon, na maaring maging dahilan ng pagantala ng dating ng regla. Pero hindi ito karaniwang sanhi ng delayed menses.
Maraming dahilan kung bakit nade-delay o irregular ang menstruation, tulad ng pagbabago ng oras ng tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), stress, medication (tulad ng pills), illness, excessive exercise, sexual activity, at iba pa.
Pinakamabuti magpatingin ka sa doctor/ob gyn, para malaman kung ano mga maaaring sanhi. Take care
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good morning po,nag ka menstration po aq peo ndi malakas kulay blackred po ung blood na lumabas sken na prang malasipon.2 days lng po un tpos ng stop na dhil lumalabas lng po ung dugo pag umiihi aq,tpos po masakit balakang Ko sa kaliwa,Ano po kya dahilan dra?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Kailangan mo magpatingin sa doctor kapag may dugo sa ihi. Maaaring may impeksiyon, sakit sa bato, tumor sa renal systm (kidney, ureter at bladder). Please magpatingin sa urologist o ob gyn, at magpa urinalysis. Take care
Mitch Chua
is a sales in the Philippines
doc may uti po aq kapag may uti po ba talagang may time na nanginginig yung katawan tapos, nangangawit aq minsan sumasakit din po yung bandang likod ko at pabalik-balik yung uti ko, ang iniinom ko po gamot at cefalexin at buko juice.... sana po mareply nyo aq.... salamat po
John Olmedo
is in the Philippines
natural lang po ang pabalik balik na lagnat at tama po ba na pasabaw sabaw muna ang pagkain ng isang tao . ???
at makakatulong din po ba na mawala ang UTI kapag uminom ng gatas
Lea Belmoro
is in Hong Kong
Dra almost 2months na po akong ngkakayellow mens,akala ko po normal lng un pero bakit until now meron prin po.. tsaka masakit po ung balakang q..sintomas rin po ba ito ng my UTI??.salamat po
Esem Santos
is in the Philippines
OMG. May dugo po ihi ni Mama. At masakit ang bandang puson. Ano pong dapat gawin?
Esem Santos
is in the Philippines
OMG. May dugo po ihi ni Mama. At masakit ang bandang puson. Ano pong dapat gawin?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Kailangan matignan kaagad ng doctor at ma-evaluate (tests) ang mama mo. Maaaring senyales ito ng infection , stone (bato), or tumor sa renal system ( kidney, ureter, at bladder.) Makipagusap kaagad sa inyong doctor. Take care
Jayar Talavera
is in the Philippines
Tanong q lang po pag giniginaw masamang sintomas na po ba un
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Magpatingin kaagad sa doctor. Maaaring indikasyon ang giniginaw (chills) at lagnat na ang UTI infection ay umabot na sa kidney (bato). Take care.
Myra Rosales
is in Hong Kong
Hi!tanong ko lng po ang pangangati po ba ng vagina ay isintoms din po b a ng UTI?thanks
Katleen Hallare
is in the Philippines
tanong ko lang po uti din po ang sakit kapag nag didischare ang isang babae ano po kase meron skanya nalabas na parang white mens tpos medyo malansa un amoy..thanks
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
uti din po ang sakit kapag nag didischarge ng parang white mens tpos may malansang amoy?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
doc pag tumitigas ung anu ko tapos pag umihi ako minsan may blood at minsan nga may amoy ung ihi ko.. sign din b un ng isang UTI?
Anielle Lim
is in the Philippines
Panu po ba madidistinguish kung UTI o sakit sa cervic? Base po kasi sa mga nababasa ko mejo magkapareho ung symptoms.. Nakakaranas po ako ng sakit sa pag ihi at mejo mahapdi din po ang ari ko, lalo po after kumain at maihi po ako sobrang sakit po. UTI po kaya ito?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Please see your doctor/ ob gyn. You will need gynecological examination, ultrasound, cultures, pap smear. The symptoms of cervical cancer are usually abnormal vaginal bleeding or pain. The test for this is a pap smear. Although it may have UTI (urinary tract infection) like symptoms, if you have routine paps smears and no other symptoms, such as bleeding or pain or continued urinary symptoms between infections, then cancer would probably not be the cause. On the other hand, it is also important to avoid waiting to treat a urinary tract infection, or also known as a bladder infection. Talk with a doctor as soon as possible.
Weng  Catalon
is in the Philippines
Hi doc.tanong ko lang po,pag umabot po ba ng years ang u.t.i,,malala na po ba yun??pls reply po,
Weng  Catalon
is in the Philippines
Normal lang po ba sa may u.t.i ang ma delay po kada isang buwan??
Michelle Vallery Panit
is in the Philippines
ang pag laki po ba ng tiyan e sintomas din ba ng uti ko , +3 nako sa uti ngaun e . naninigas ung tiyan ko normal nmn ung menstration ko. nag PA check ndin ako sa doc. binigyan ako ng gamot nlumiit sya that time pero lumalkai ulet sya na maskit ndin sa balakang pls rply po.salamat
Charina Rasonabe
is in the Philippines
im 6 months pregnant . pangalawang beses na akong nagpa urinalisis at tumataas raw po ang uti ko . 8 glasses a day nmn akong umiinom ng tubig. ano po bang dapat kong gawin?
Russell Joseph Dominguez
is in the Philippines
nakakasama po ba ang uti sa malapit ng manganak kabuwanan na kasi ng misis ko pinapainum ko naman sya antibiotic reseta ng ob nya
Breniankert Salaya
is a none in the Philippines
Good Morning po doc!!!
Tanung ko lang po,kapag hindi mo umiinum ng antibiotic or kahit anong gamot mawawala po ba yung uti?
Tapos kapag umuhi po ako kahit ramdam ko pog maraming lalabas unti lang po yung lmalabas tapos parang may naiiwan pa pong ihi!!ano po ibig sabihin nun??Salamat po!!!
hoping for your reply doc
Henrhiza Ortaliz
is in the Philippines
good Morning Po paano po pag ang ihi ay dilaw na dilaw tapoz po ang panghi di tulad sa mga typical na amoy ng ihi ng babae then may kaunting nararamdaman sa bandang kaliwa ng tiyan kapag nagpipigil Uti na po ba yun?? Kung uti po san po pwede mag pacheck up???
Jenell Cadapan
is a server in the Philippines
anu po ba ang unang mararamdamn kpag po me uti ?
Marycar De Guzman
is in the Philippines
Gud p m po dra. 3 days na po aq nilalagnat panay din po ang pagduwal q matindi po ang sakit ng ulo at balakang q tapos hirap din po aq kumain dhil sa mapait na panlasa q saka bawat itake q na pagkain isinusuka q rin po. Anu po kaya ito. Pls sana po msagot nyo salmt po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi..i am 23 year old female i get urinalysis last day and the result pus cells 0-2 Rbc 0-2 epithelial cells-few bacteria-few mucus theads-few amorphous-few ano po ang ibig sbhin nto?tnx..
Jasmine Acudili
is in the Philippines
Good Morning po dra.
Sumasakit po kasi ang banda sa kaliwang baywang ko hanggang likod , mga 3days din po sumakit tapos nagkalagnat po ako mga 2days . May UTI kaya ako? Madalas din ako umihi pero marami po hindi unti.
Joefrey Alito
is in the Philippines
Doc. Jen Cruz ano klase baking soda home remedy sa sintomas ng UTI pwede ba gamitin Dra. brand Ferna Baking Soda nabibili sa Grocery, kasi po madalas po me mag pigil ng ihi lalo pag nasa byahe po me... nag pa check up na po me sa doctor matagal na gumaling naman kc ang binigay na gamot na contrimoxazolenn 400/80 mg one capsule every 12hours in one week.. salamat?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
doc.sanhi po ba ng UTI ang pananakit sa bandang pwetan po
Juve Macabalan
is in United Arab Emirates
in my case po parang poh ako nilalagnat then hindi nmn poh masakit umiihi at hindi na poh masakit kilid ko. normal poh ang ihi ko. kaso lang parang ako nilalagnat. inum lang ako lagi ng tubig. ano gawin ko.
Juve Macabalan
is in United Arab Emirates
in my case poh lagnat lang poh nararamdam ko dati kasi masakit i.ihi at masakit ang kilid ko but habang lagi akong nag iinum ng tubig nawala poh siya at hindi masakit ang pag ihi at ok naman pog yung ihi kulay puti siya panay ako inum ng tubig.. pwe po ba akong uminum ng amoxicillin na tablet . ayoko ko po magpa chack up kasi nasa ibang bansa ako. please paki sagot ano inumin ko.
Michelle Vallery Panit
is in the Philippines
doc sistomas din ba ng UTI ang pag laki ng tiyan at matigas ito ksi po +3 napo ang urine ko . nag pa check nko sa doc and nabigyan nko ng mga gamot lumiit nmn ngaun tumaas ulit ung uti ko lumlaki na sya ng parnag 4months pong buntis sna masgot nyo po ako . this is my face book acct . [email protected] tnx and Godbless
Michelle Vallery Panit
is in the Philippines
my uti po ako ngaun +3 po ako ngaun . kinakatakot ko lang po ung tiyan ko lumalaki po tas ang tigas . nag pa check ako sa doctor ko dun ko nlamn na +3 po ako sa uti , ung sa tiyan ko po ba normal sa my uti un ? maskit din sa balakng pero lumalaki na po tlga pls rply po slamt Godbless
Krislyn Tubia
is in the Philippines
Buntis po ako at naka 2 brand na po ako ng Antibiotic na ininom. Una cefalexin at yung pangalawa clindamycin. Pero yung pus cells ko hnd parin bumababa ang last result ng urine test ko 20-25. Ngayon may bago nanaman na reseta sakin ang OB. 7 mos na po akong pregnant. Hindi kaya delikado lalo sa baby na ang dami ko na pong nainom na antibiotic? please reply po. Thankyou :)
Rebecca Purvis
is in the Philippines
nung isang araw nagkron ako ng period at sabay nahirapan ako umihi at sumakit tagiliran ko,, isang araw lng ang period ko,, anu ba cause? at anu po ba pwede kong inumin na gamot para di na sumakit tagiliran ko..tnx in advance
Rebecca Purvis
is in the Philippines
nung isang araw nagkron ako ng period at sabay nahirapan ako umihi at sumakit tagiliran ko,, isang araw lng ang period ko,, anu ba cause? at anu po ba pwede kong inumin na gamot para di na sumakit tagiliran ko..tnx in advance
Joan Cadava
is in the Philippines
ang dahon po b ng laurel ay mkakatulong para malunasan ang UTI?
Mayla Hofileña
is in the Philippines
good pm po ,august 1 ng madaling araw nakaramdam po ako ng pagkabalisawsaw.masakit at kaunting ihi.3to4days napansin ko na parang nagiiba na yung kulay ng ihi ko hanggang kaninang umaga napansin kong halos kulay kape na ang ihi ko.posible po bang may problema na ko sa kidney?o simpleng uti lang po ito?
Romelo Luceto
is in the Philippines
Hello po ms.Beautiful dr.jen cruz, tanon kolang po kung nakaka-UTI po ba ang mga de-latang pagkain?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit po ang batang lalaki may lumalabas na dugo after umihi po???
Fely Caoile
is in the Philippines
Hi po Kung hindi nawawala ang pamamanas sa paa at kamay na sanhi ng lumbosacral fracture spine diabetic din po at maliit na yung left na kidney at madalas may uti na ang patient advisable pa rin po bang pain ng maraming tubig? Sana po ay matugunan nyo ang aking katanungan.