Ano Benepisyo, Pakinabang, Panganib ng Cesarian section? O Vaginal Natural birth

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang mga sanggol ay maaaring dumating sa mundong ito gamit ang isa sa dalawang paraan: Ang mga babaeng buntis ay maaaring manganak sa normal na panganganak o vaginal birth, o sa isang operadong panganganak o gamit ang Caesarean section, ngunit ang pinakahuling layunin ay maipanganak ng ligtas ang isang malusog na sanggol.

Pakinabang benepisyo panganib ng cesarian section o natural vaginal birth

Sa iilang kaso, ang mga C-section ay pinaplano dahil sa mga medikal na dahilan sa mga sitwasyong delikado ang magpaanak sa pamamagitan ng vaginal birth. Pwedeng malaman ng nanay kung kakailanganin niyang magpa C-section at ipa skedyul ito dahil siya ay magkakaanak ng kambal o mas madami pa, o baka dahil may kondisyon ang nanay tulad ng diabetes o high blood pressure, isang impeksiyon na ginagawang komplikado ang pagbubuntis, tulad ng HIV o herpes, o baka siya ay nagkakaroon ng problema sa kanyang placenta habang nagbubuntis.

Ang C-section ay kakailanganin sa iilang mga sitwasyon, tulad ng pagpapaanak ng napakalaking sanggol sa isang inang may maliit na balakang, o kung ang ulo ng sanggol ay nakaposisyong nakabaliktad, at hindi makayang baliktarin ang sanggol bago maipanganak.

Minsan ang desisyon ng isang obstetrician na mag sagawa ng C-section ay hindi naiplano, at ginagawa lang kapag may emergency tulad ng panganib sa kalusugan ng ina, ng anak o kung pareho silang nasa panganib. Maaari itong mangyari kapag nagkaproblema habang nagbubuntis o kapag sumailalim na sa labor ang babae, tulad ng kapag masyadong mabagal ang labor o kapag hindi nakakakuha ng sapat na oxygen ang bata.

Ang ilang C-section naman ay kinokonsidera na elective, ibig sabihin ay mismong ang ina ang nagmungkahi at nag request dahil sa hindi pang medikal na rason. Ang isang babae may may karapatang mamili na mag C-section kung gusto niyang i-plano kung kailan siya manganganak o kung dati na siyang may komplikadong vaginal delivery.

Kahit na karaniwang ligtas ang mga C-sections at sa iilang pagkakataon ay nakakasagip pa ng buhay, may dala silang karagdagang panganib kumpara sa normal na panganganak. Ito ay isang pangunahing klase ng operasyon at nangangailangang buksan ang tiyan ng isang buntis na babae at tanggalin ang sanggol mula sa kanyang uterus dahil ang vaginal birth o normal na panganganak ay itinuturing na masyadong mapanganib o mahirap.

Dahil ang mga inang sumailalim sa C-section sa unang beses na pagbubuntis ay kadalasang nauuwi sa susunod pang C-section sa susunod na pagbubuntis, ang normal na istilo ng panganganak ay mas ginagamit ng karamihan. Ito ang paraan ng pagpapaanak ng dalawa sa bawat tatlong sanggol sa Estados Unidos.

Karamihan ng mga babae ang nagsasabing ang panganganak ng normal sa pamamagitan ng vaginal birth ay mas natural daw sa pakiramdam, sabi ni Dr. Allison Bryant, isang maternal fetal medicine specialist sa Massachusetts General Hospital sa Boston. Para sa mga babae, mas nararamdaman nilang pinapanganak nila ang kanilang sanggol sa mas natural na paraan na itinadhana para sa kanila, dagdag pa nito.

Ano pa man ang paraan ng panganganak, “dapat alam ng mga kababaihan ang kanilang mga pagpipiliang paraan sa panganganak, para magkaroon sila ng boses sa proseso, suportahan ang kanilang kagustuhan, at gumawa ng isang impormadong desisyon,” sabi ni Bryant. Heto pa ang mas maraming impormasyong tungkol sa kabutihan at kasamaan ng dalawang klase ng panganganak.


Pakinabang ng vaginal birth sa ina

Ang pagsasailalim sa labor at pagkakaroon ng vaginal delivery ay isang napakahabang proseso na nakakapagod at napakahirap para sa ina. Ngunit ang isang benepisyo ng pagsasailalim sa vaginal birth ay ang mas maikling pananatili sa ospital at mas mabilis na paggaling kumpara sa C-section.

Kahit na iba’t-iba ang batas sa bawat state, ang karaniwang tagal ng paglagi ng isang babae pagkatapos ng natural na panganganak ay 24 hanggang 48 na oras. Kapag kaya na ng babae, maaari na siyang umalis sa ospital ng mas maaga kesa sa pinapayagan ng kanyang estado, ang sabi ni Dr. Bryant sa Live Science.

Ang mga babaeng sumasailalim sa vaginal birth ay nakakaiwas sa operasyon at sa panganib na dala nito, tulad ng malalang pagdudugo, pagpepeklat, impeksyon, reaksyon sa anesthesia at mahaba at tumatagal na sakit. At dahil ang isang ina ay hindi mahihilo galing sa operasyon, makakaya niyang kargahin ang kanyang anak ng mas maaga pagkatapos ito isilang.


Hirap sa ina ng vaginal birth

Sa isang vaginal delivery, may panganib na ang balata ng tissue sa paligid ng ari ng babae ay mag-inat at mapunit habang gumagalaw ang fetus sa birth canal. Kapag malala ang pag-inat at pagpunit, maaaring mangailangan ng tahi ang babae at baka magdulot ito ng panghihina o sugat sa pelvic muscles na kumokontrol sa pag-ihi at pagdumi niya.

May mga pag-aaral na nagpapakitang ang mga babaeng nanganak ng normal ay mas may posibilidad na magkaroon ng problema sa pagdumi at pag-ihi kumpara sa mga babaeng nagpa C-section. Sila ay maaari ring magkaroon ng leak urine o tumagas na ihi kapag umuubo, bumabahing o tumatawa.

Matapos ng isang vaginal delivery, ang babae ay maaari ring makaranas ng tumatagal na pananakit sa perineum, ang lugar sa pagitan ng kanyang ari at pwet.


Pakinabang at hirap ng vaginal birth para sa sanggol

Isang pakinabang para sa sanggol ng isang vaginal delivery ay ang pagkakaroon ng mas klarong interaksyon sa ina kumpara sa isang inang sumailalim sa operasyon, at makakapagpasuso na ito agad, sabi ni Bryant.

Sa isang vaginal delivery, ang mga muscles na nagagamit ay maaaring magpiga ng tubig na nasa loob ng baga ng sanggol, sabi ni Bryant, na siyang nakakatulong sapagkat mas kaunti ang posibilidad na magkaroon ng hirap sa paghinga ang mga sanggol pagka panganak. Ang mga batang pinapanganak sa paraang vaginal birth din ay nakakatanggap ng mas maagang dosis ng mabuting bacteria habang sila ay naglalakbay sa birth canal ng ina, na magpapatibay sa kanilang immune system at magpoprotekta sa kanilang intestinal tracts.

Kung ang babae ay may mahabang labor o ang bata ay Malaki at naipanganak vaginally, ang bata ay maaaring masugatang habang pinapanganak, tulad ng sugatang anit o nabaling buto sa kwelyo ayon sa Stanford School of Medicine.


Pakinabang ng C-section sa ina

Wala masyadong pakinabang ang pagsasailalim sa C-section kapag pwede namang manganak ng vaginal delivery ang ina, ayon kay Bryant.

Subalit, kung ang buntis na babae ay alam na kailangan niyang mag C-section, ang isang operasyong surgical na panganganak ay pwedeng maiskedyul agad, at mas magiging maginhawa at predictable kumpara sa panganganak ng vaginal birth at pagsasailalim sa matagal na labor.


Panganib ng C-section para sa ina

Ang babaeng sumailalim sa C-section ay kadalasang mananatili sa ospital ng mas matagal, dalawa hanggang apat na araw sa pangkaraniwan kumpara sa babaeng nanganak ng normal. Ang pagsasailalim sa C-section ay dumadagdag din sa panganib ng isang babae na magkaroon ng pisikal na paghihirap pagkatapos manganak, tulad ng sakit sa lugar ng hiwa at matagal na pangangalay.

Dahil ang babae ay sumasailalim sa isang operasyon, ang C-section ay nagsasangkot ng malakihang pagkawala ng dugo at mas malaking panganib sa impeksyon, ayon kay Bryant. Ang bowel o ang bladder ay maaaring masugatan sa operasyon o magkaroon ng pamumuo ng dugo, dagdag pa niya.

Isang pag-aaaral ang nakadiskubre na ang mga babaeng nag C-section ay mas malabong magpasuso ng maaga kumpara sa mga nanganak ng normal.

And tagal ng pag recover pagkatapos manganak ay mas matagal din dahil ang babae ay mas may sakit sa bandang tiyang bahagi ng katawan dahil sa ang balat at mga ugat na malapit sa sugat ng operasyon ay mangangailangan ng oras para gumaling, kadalasang higit pa sa 2 buwan.

Ang mga babae ay tatlong beses din na mas malaki ang tiyansang mamatay habang nanganganak ng Caesarean kumpara sa normal na panganganak dahil na din kadalasan sa pamumuo ng dugo, impeksyon at kumplikasyon mula sa anesthesia, ayon sa isang pag-aaral ng mga Pranses.

Kapag ang isang babae ay nanganak sa pamamagitan ng C-section, mas malaki ang tiyansang C-section din ang kanyang susunod na panganganak, ayon kay Bryant. Siya din ay may mas malaking panganib na magkaroon ng kumplikasyon sa darating na pagbubuntis tulad ng pagputok ng uterus, lalo na kapag ang peklat mula sa C-section ng kanyang uterus ay pumutok, at abnormalidad sa kanyang inunan. Ang panganib sa mga problema sa inunan ay mas tumataas sa bawat C-section na sasailaliman ng isang babae.


Pakinabang at panganib ng C-section para sa sanggol

Ang mga batang ipinanganak sa C-section ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng hirap sa paghinga pagkapanganak at pati sa kabataan tulad ng asthma. Mas malaki din ang tiyansa ng stillbirth o patay na sanggol pagkapanganak.

Habang nasa C-section, may kaunting panganib na ang bata ay mapatay habang nasa operasyon ayon kay Bryant.


May mga pag-aaral na nagpapakita na may koneksyon sa mga batang pinanganak sa C-section at mas mataas na panganib na maging obese o sobrang taba ang bata at pati sa pagtanda ngunit hindi pa ito lubos na napapatunayan. Isang posibilidad ay ang babae na obese o sobrang taba ay may diabetes sanhi ng pagbubuntis ay mas mangangailangan ng C-section.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.