Ano Billings Ovulation Method o Cervical mucus method: Natural Family Planning

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ba ang Billings Ovulation Method?


Ang “Billings ovulation method” ay isang uri ng “natural birth control” o pagkontrol sa panganganak sa natural na paaraan. Ang pamamaraan na ito na tinatawag ring “Ovulation method/Cervical mucus method”, ay naglalayon na maturuan ang mga kababaihan kung paano malaman ang kanilang pinaka-“fertile” o pinaka-mataas ang puruhan na magbuntis na mga araw upang magkaroon sila ng pagpipilian kung kailan iiwas sa pakikipagtalik (para hindi muna makapag-buntis) o makipagtalik (para sa pag-asang mabuntis).


Saan binabase ang Billings Ovulation method?


Ang Billings Ovulation method ay base sa interpretasyon sa lumalabas na “mucus” sa mga babae. Sa kabuuan ng sikolo ng buwanang daloy ng isang babae, ang “cervical mucus” ay nag-iiba-iba. Ang “cervical mucus” ay naaapektuhan ng “estrogen”, isang hormone ng babae, anim na araw bago ang “ovulation” o paglabas ng itlog sa obaryo at ginagawang malinaw at nababanat ang “cervical mucus”. Kaya naman ang “ovulation” ay malamang nagaganap sa mga huling araw na nagiging ganito ang katangian ng “mucus”. Matapos ang “ovulation”, ang katangian ng “cervical mucus” ay apektado ng produksyon ng hormone na “progesterone” at nagiging makapal, malagkit, at nagiging kulay puti.


Ang Billings method ay nagtuturo sa isang babae na maunawaan ang kanyang “fertility” sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa “cervical mucus” bawat buwan. Ito ay madaling nagagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng sample ng mucus sa pagkakamay nito bawat araw at pag-rekord kung gaano ito karami, ano ang hitsura nito, at paano ito sa pakiramdam – at nilalagay ito araw-araw sa isang chart. Ang Billings ovulation method ay nagbibigay-daan upang matukoy mo kung kailan ka pinaka-“fertile” sa iyong “menstrual cycle” sa presensya ng “cervical mucus” at ang sensasyon na dala nito sa iyo.


Para sa Billings method, merong apat na panuntunan para sa natural na kontrasepsyon: 3 “early day rules at ang “peak rule”.


· Ang “early days rule” ay may kinalaman sa mga araw patungo sa “ovulation” – sa panahong ito, ang “cervical mucus” ay nagsasabi sa iyo na nagsimula na ang iyong “fertile phase”. Ang “peak rule” ay nabibigyang-katuturan kapag ang “peak day o ovulation” ay natukoy na.


· Ang “peak day” ay linalarawan bilang huling araw ng “lubricative sensation” o ng mamamasang pakiramdam ng babae at nangyayari pinakalamalapit sa panahon ng “ovulation”. Ayon sa Billings ovulation method, maaaring ikaw ay “fertile” ng tatlo pang araw matapos ang ovulation at ang buwanang-daloy ay nangyayari pagkalipas ng 11 hanggang 16 na araw.


Ang Billings ovulation method ay hindi nangangailangan ng kahit ano mang klase ng “rhythm counting”, pagkuha ng temperature, paggamit ng “hormonal drugs” at nagbibigay-pagkakataon sa mag-asawa na pagsaluhan ang responsibilidad sa natural family planning. Ang paraan na ito ay maaari ring gamitin sa pagdadalaga hanggang sa menopause, habang nagpapa-suso ang ina, at ng mga babaeng hindi regular ang menstrual cycle. Importanteng malaman na hindi epektibo ang Billings method kasama ng “hormonal contraception” tulad ng “pills” dahil ang birth control method na ito ay nakakaapekta sa “hormones” na nagre-regulate sa fertilidad. Kapag nagsisimula pa lamang sa Billings method, mangyaring huwag munang makipagtalik dahil baka mapagkamalan mong “sperm o seminal fluid” ang “cervical mucus”. Malaki ang papel ng wastong kaalaman ukol sa pamamaraan na ito upang maging matagumpay ang iyong family planning. Ang tagumpay ng Billings method ay nagdedepende sa wastong pagtuturo, pag-unawa, eksaktong obserbasyon sa cervical mucus at araw-araw na pag-rekord, at ang pagtutulungan ng mag-asawa.




Gaano ka-epektibo ang Billings method?


Ang Billings ovulation method ay 78 hanggang 97 na porsyentong epektibo. Ito ay nangangahulugan na sa perpektong pagsunod sa alituntunin ay 3 sa bawat 100 kababaihan na gumagamit nito ay nabubuntis sa isang taon. Kapag hindi naman masyadong sumusunod sa mga tips ay 22 sa bawat 100 kababaihan ang nabubuntis kada taon.




About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi doc tanong ko lang po paano naman po ang di regular ang mens? tapos ang gusto naman ay mapabilis ang pagkakaroon ng baby? :) tnx po
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.