Ano ang Contact Dermatitis? Mapulang pantal, pangangati, panunuyo ng balat, symptoms, causes, treatment

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ano ang Contact Dermatitis?


Ang “contact dermatitis” ay ang pamamaga ng balat mula sa kontak nito sa isang bagay mula sa labas ng katawan. Ito ay nangyayari dahil sa dalawang sanhi – “irritant” o “allergic”.



Irritant Contact Dermatitis


Ang “irritants” ang pangunahing sanhi ng contact dermatitis na tinatayang 80 porsyento contact dermatitis ay ganitong klase. Ang reaksyon ng “irritant” ay dulot ng direkta nitong epekto sa balat. Ang “irritants” ay karaniwang matatagpuan sa trabaho, at sa iba pang mga bagay tulad ng sabon, “detergents”, pagkain at semento. Halos lahat ng mga nagtatrabaho sa indutriya ng pagpapaganda, metal engineering, at mga construction workers ay nagkakaroon ng iba-ibang lebel ng “irritant” contact dermatitis. Lalaki man o babae ay apektado nito. Ang mga taong may tuyong mga balat ay madaling makakuha nito. Karaniwang lumalabas sa mga kamay ang irritant contact dermatitis.


Allergic Contact Dermatitis


Ang “allergic contact dermatitis” ang kumukompleto sa kulang na 20 porsyento ng kaso ng contact dermatitis. Sa ganitong kondisyon, ang sanhi ng pamamaga ng balat ay isang “allergic reaction” mula sa mga partikular na bagay kung saan ka “allergic”. Ang “allergic contact dermatitis” ay karaniwang may katangian gaya ng sumusunod: kailangan na merong nauna nang “exposure” sa bagay upang mapasimulan ang allergy, ang reaksyon ay dulot ng isa o grupo ng mga kemikals, lahat ng parte ng balat na nalapat sa bagay na nakaka-allergy ay nagkakaroon ng pantal at kapag iniwasan ang “allergen” ay nawawala ang mga sintomas. Ang mga karaniwang bagay na nakaka-allergy ay ang nickel, pabango, goma, ibang mga halaman, mga gamot sa balat, kemikals.


Ano Sanhi ng Dermatitis? Causes


Tulad ng nauna nang nasabi, ang dalawang klase ng contact dermatitis ay dahil sa “irritants” at “allergens”. Ang mga halimbawa ng “irritants” ay kemikals, produkto para sa balat at kahit na deodorants. Ang pagka-expose dito ay karaniwang nagdudulot ng pamumula, pangangati, panunuyo ng iyong mga kamay, daliri o mukha. Para sa “allergic” naman na klase, ang mga sanhi ay ang nickel, mga alahas, pabango, pangkulay sa buhok at ilang mga halaman. May iba ring matatawag na kapwa “irritant” at “allergen” tulad ng nickel, “poison ivy”, kasoy, antibiotics, pabango, sabon, panglinis sa mukha, kemikals, goma, at mga alahas.


Ano mga Sintomas? Symptoms, Signs


Ang mga sintomas ng contact dermatitis ay ang mapupulang pantal, pangangati na kung minsan ay napakagrabe, panunuyo, pagbibiyak-biyak at paglabas ng tubig sa balat, pantal na karaniwan lamang sa isang parte ng katawan, at masakit ito lalo na kapag hinahawakan.


Kailan kailangang kumonsulta na sa doktor? When to see a doctor


Kinakailangang pumunta ka na sa iyong doktor kapag masyado ka nang hindi mapakali sa pagtulog o pagtatrabaho dahil sa kati, masakit ang iyong balat, nahihiya ka na sa kondisyon ng iyong balat, kapag sa iyong wari ay nagka-impeksyon ka na, at kapag ang iyong dermatitis ay sa tingin mo ay dala ng iyong trabaho.


Ano mga mabisang Lunas at paggamot? Cure, treatment, medicine


Ang mga lunas sa contact dermatitis ay ang pag-iwas sa irritant o allergen. Ang susi naman sa pag-iwas sa mga bagay na ito ay ang tamang pagtukoy kung ano ang nakaka-allergy sa iyo. Maaaring umabot pa ng ilang linggo bago mawala ang iyong mga pantal. Pwede ring maglagay ng “anti-itch creams” at mamasa-masang “compress” sa balat. Para sa hindi masyadong seryosong kaso, ang paglalagay ng “hydrocortisone cream” sa balat ay nakakabawas sa pangangati. Ang isa pang lunas ay ang pag-inom ng mga tabletas na gamot. Para sa malubhang mga kaso, ang iyong doktor ay maaaring bigyan ka ng “oral corticosteroids” upang mabasan ang pamamaga. At para naman sa pangangati, pwedeng magbigay sila ng “antihistamines”.


Home Remedies, Natural Cures at Prevention o Paano maiwasan


Upang mabawasan ang pangangati at maibsan ang pamamaga, pwedeng sundin ang mga tips na ito. Lagyan ng “anti-itch cream” o “calamine lotion” ang apektadong bahagi ng katawan, uminom ng “anti-histamines” kung kinakailangan, maglagay ng “cool o wet compresses”, huwag kamutin ang apektadong parte, palaging maligo at pumili ng “mild” lamang na mga pabango at sabon.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nakakahawa po ba ang contact dermatitis?
Recommend Reply Report abuse