Ano Dahilan Pag Sinok at Paano Matanggal? Mabisang gamot o lunas sa sinisinok

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Walang nakakaalam kung ano ang nagiging sanhi ng Sinok at Hiccups kung tawagin sa English. Kapag nasa publiko, may mga maaaring gamitin na ilang mga maliliit na pamamaraan upang kontrolin ang sinok. Lahat tayo ay nakakaranas ng sinok madalas, paminsan minsan hanggang sa pagtanda natin.Madalas ang mga sanggol ay nakakaranas ng sinok, kahit nasa loob pa lamang sila ng sinapupunan ng ina ay nakakaranas pa din sila ng sinok. Normal sa sanggol ang pagkakaroon ng sinok na kailangang malaman ng ina ang sanhi nito, ngunit ito ay hindi delikado para sa sanggol.

Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Sinok

Pag-inom ng softdrinks o alak- Iwasan ang Beer o Carbonated Soda, lalo na kung ang mga ito ay malamig. Ang mababang temperatura, na sinamahan ng mga bula, ay lumilikha ng sari-saring uri ng iritasyon na makaaapekto mula sa iyong lalamunan.


Mabilisang Pagkain- Ugaliing magdahan dahan sa pagkain. Ang pagkain ng mabilis, ay maaaring makalunok ng mas maraming hangin kumpara sa normal na paglanghap nito. Madalas ito ang dahilan kung bakit tayo dumidighay. Ang pagdighay ay nakakatulong sa pagpalabas ng hangin upang makaiwas sa pagkakaroon ng sinok.


Dahilan ng Pagkasinok ng Sanggol

Ang paghinga ng sanggol ay hindi nakakaapekto sa pagkakaroon ng sinok. Kung ang isang sanggol ay may sinok, maaaring ito ay dahil sa pagkakalunok ng maraming hangin habang kumakain o dumedede sa ina. Maaari din na dulot ito ng malamig na temperature sa kapaligiran kaya sumisinok ang bata. Kapag ang ang sanggol ay may sakit na Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) mas madalas itong sumisinok na may kasamang ubo, pagkakairita at paglalaway.


Tamang paraan upang Mawala agad ang Sinok ng Sanggol

Mainam na makakapagdighay ang sanggol upang makalabas ang hangin. Pwera sa pagkakaroon ng Sinok sa hindi nailabas na hangin, maaaring maging sanhi din ito ng pagkakaroon ng kabag o sakit ng tiyan. Hawakan ang sanggol at isandal paharap sa iyong balikat, tapikin o hagurin ng malumanay sa likod. Sa gayon ay maaaring lumabas ang hangin at titigil ang pagsinok. Suriin ang nipple o tsupon ng bote ng sanggol upang makita kung ito ay nagbibigay daan sa tamang dami ng gatas na dumadaloy palabas. Buksan ang isang buong bote pa-baligtad. Dapat mong makuha ang isang regular na patak-patak na mabagal at kalaunan hihinto. Kung masyadong marami o masyadong maliit na likido ang lumalabas ito ay maaaring magdulot ng sinok sa sanggol.

Uminom ng tubig na may Pasak ang Tenga

Uminom ng isang basong tubig at gamitan ng straw at takpan ang magkabilang tainga gamit ang dalawang kamay. Kapag hirap kang gawin ito, magpatulongc sa kaibigan o mag-anak upang gawin ito habang ikaw ay iinom.


Paghila ng Dila

Maaaring itinuturing na bastos o masagwa tingnan kung gagawin sa publiko, ngunit ang paghila ng iyong dila ay tumutulong upang huminto ang walang humpay na pagsinok. Ang paglabas ng iyong dila ay tumutulong upang sumigla ang vagus nerve at lumuwag ang daluyan patungo sa iyong baga na maging sanhi ng maluwag na paghinga. Makakatulong din ito upang maiwasan ang pagsuka.


Pindutin ang Palad

Pindutin ang palad gamit ang iyong hinlalaki. Mas makabubuti kung madiin ang pagkakapindot nito. Bilang kahalili, maaari mong pisilin gamit ng iyong kaliwang kamay ang buto na parang bola sa hinlalaki at hintuturo sa kanan. At maaari mong gawin ito sa ilalim ng mesa ang mga kamay habang walang nakatingin sayo. Ang pagiging balisa ay nagiging sanhi ng kaguluhan ng kaisipan na maaaring makatulong upang mawala ang sinok.


Madamdaming Halik

Ang isang mahaba, madamdamin na halik ay kilalang mabisang gamot para sa sinok. At kung ito ay hindi? Ayus lang sapagkat, ito ay di nakakapinsala. Hindi na mahalaga kung tama ang kapareha mo dahil maari kang pumili kung sino ang gusto mong kahalikan.


Magkaroon ng Orgasm

Ang isang tao kapag nilalabasan habang sa panahon ng pakikipagtalik ay maaaring makagamot ng sinok. Sa pag-aaral noong taong 2000, ang isang lalaki na nasa edad 40 taong gulang ay nagdusa mula sa malalang pagsisinok hanggang siya nakipagtalik. Biglang naglaho ang kanyang sinok at hindi na bumalik sa loob ng isang taon. Gayunpaman, hindi alam kung ang isang orgasm pagdating sa mga kababaihan ay maaaring maging lunas.


Huminga ng Malalim

Pigilin mo ang iyong isang malamin na paghinga. Kapag mayroong isang nabuong Carbon Dioxide sa iyong baga, ang iyong dayapragm ay marerelaks at maging sanhi ng pagtigil ng sinok.


Pagmamasahe sa Pwet

Ang ganitong uri ng pagtanggal ng sinok ay hindi pangkaraniwan ngunit ang pag mamasahe sa pwet gamit ang isang daliri, ay nagsilbing lunas upang magamot sinok. Ayon sa pag-aaral, pito sa pitong mga pasyente ay nalunasan ang sinok sa pamamagitan ng pagpapasigla ng kaisipan. Ayon sa mananaliksik dapat isaalang-alang ang kaso ng nakakairetang sinok bago magpatuloy sa pharmacological .


Kumain ng Matamis

Isa sa mga nakakatanggal ng sinok ay ang pagkain ng isang pagkain na matamis,maglagay ng isang kutsarita na asukal o honey at ihalo sa maligamgam na tubig. Ilagay sa likod ng iyong dila, at lunukin ito.


Maasim na Bagay

Ang isang nakakasorpresa ay ang isang pagkain na maasim. Maaaring kumulubot ang labi mo sa sobrang asim ngunit ito ay isa sa mga epektibo kontra sa sinok. Isa sa mga halimawa ay ang Lemon, maghiwa at ilagay ito o dilaan upang maibsan ang sinok.



About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)