Ano dapat mong gawin sa Ika-Anim na Buwang Pagbubuntis? Wastong bagay

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ikaw ba ay anim na buwang buntis? Sa loob ng iyong pagbubuntis, mapapansin mong tuloy-tuloy na magbabago ang iyong katawan. Bawat buwan, mayroong mga bagong sintomas, pagbabago, at pag-unlad para sa iyong dinadalang sanggol. Ang mga pagbabagong ito ay nakakasabik, at mahalagang alam mo kung ano ang dapat mong gawin sa bawat buwan na darating para sa kalusugan ninyong mag-ina.

Dapat gawin sa pagbubuntiswasto tama pagalaga sanggol

Mula sa pagkain ng masustansya hanggang sa pagkonsulta sa iyong doktor, alamin kung ano ang dapat mong gawin sa iyong ika-anim na buwang pagbubuntis.

1. Simulan nang maghanap ng birthing partner

Habang papalapit ang takdang araw ng iyong panganganak, makabubuting maghanap na ng iyong birthing partner. Maaari ka ring maghanap ng mga doula sa iyong lokal na kinaroroonan. Ang mga doula ay may kasanayan sa pagbubuntis at pagbibigay ng suporta, payo, at tulong sa mga kababaihan habang nagbubuntis, nanganganak, at matapos manganak. Ang pagkakaroon ng isang doula ay makakatulong sa iyong paghahanda para sa panganganak at pagbabawas ng stress kung kaya’t maiging isaalang-alang ang pagkakaroon nito.


2. Sumailalim sa glucose test

Sa pagitan ng iyong ika-24 at ika-28 na linggo ng pagbubuntis, kakailanganin mong sumailalim sa isang glucose test upang suriin para sa gestational diabetes. Paiinumin ka ng isang glucose mixture at kukunan ng dugo makalipas ang isang oras. Kapag ikaw ay mayroong gestational diabetes, bibigyan ka ng ispesyal na diyeta at babantayan ang lebel ng iyong glucose araw-araw. Ito ay hindi nangangahulugang magkakaroon ka na ng diabetes buong buhay; karaniwang nawawala ang gestational diabetes matapos manganak.


3. Magpamasahe Sa Likod

Sa ika-anim na buwan, mapapansin mo ang mga bagong sintomas, na karamihan ay hindi kaaya-aya. Ilan sa mga ito ay ang heartburn, pananakit ng likod at kabag, gayundin ang pamamaga ng paa. Makakatulong sa pagpapahupa ng pananakit ng likod at paa ang masahe, kaya’t itaas ang iyong paa at magpamasahe sa iyong kapareho.


4. Magtayo ng Kwarto ng Sanggol

Kung balak mong magtayo ng kwarto para sa iyong anak, ngayon na ang pinakamainam para magsimula. Mahirap itong gawin, at nakakapagod laluna sa mga unang beses magbuntis. Simulan ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga mahahalagang bagay tulad ng carrier, diaper, onesies, wipes, at duyan. Makakatulong ito laluna sa pagbabawas ng gastusin at paniniguradong kumpleto ang lahat para sa pagdating ng iyong sanggol. Kung hindi mo alam kung saan magsisimula, humingi ka ng tulong sa malapit na kaibigan upang maitakda kung ano ang kailangan at hindi para sa panibagong miyembro ng iyong pamilya.


5. Magsagawa ng ehersisyong kegels

Kapag ikaw ay nasa ika-anim na buwan, patuloy na lalaki ang iyong sanggol. Kasabay nito, lalong mabibigatan ang iyong mga lamang loob, laluna ang iyong pantog. Sa pamamagitan ng kegels, kakayanin mong makontrol pa rin ang iyong pantog sa lahat ng panahon, laluna kapag tumatawa o bumabahing.


6.Bumili ng mga damit pambuntis

Malamang na magsimula ka nang magsuot ng mga damit pambuntis, sa halip na mga malalaking t-shirt at leggings, sa iyong ika-anim na buwan. Huwag kang gumastos ng malaking halaga sa pagbili ng panibagong suotin, dahil ilang buwan mo lang naman itong susuotin. Ang isang dress, pantalon, at ilang pang-itaas ay sapat na. Mainam ring bumili na lamang ng second-hand na damit, sapagkat karamihan sa mga ito ay nasa mabuti pang kalagayan dahil saglit lamang silang isinuot.


7. Kumain ng tamang pagkain

Sa ika-anim na buwan, patuloy na lumalaki at nagmamature ang katawan ng iyong sanggol upang ihanda siya sa kanyang pagsilang. Mahalagang kumain ka ng mga makabubuting pagkain para sa ikalulusog at ikalalakas ng iyong anak. Kabilang dito ang tokwa, black beans, lean meat, sweet corn, oats, beetroot, spinach at dalandan.


8.Iwasan ang ilang mga pagkain

Mayroong mga pagkain na dapat iwasan habang nagbubuntis, sapagkat maaari silang makasama sa iyo at sa iyong sanggol. Iwasan ang mga hilaw na lamang-dagat tulad ng talaba at sushi, gayundin ang atay at pate, sapagkat maaari itong magkaroon ng nakasasamang bacteria. Tingnan ang iba pang mga pagkaing dapat iwasan dito.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Kristina Camille Malabanan
is in the Philippines Medical History
Tanong ko Lang po Kung may nanganganak po ba ng 6 na buwan?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.