Ano gamot sa Nosebleed? Sanhi pagdugo ng ilong at lunas, Remedy

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ang nosebleed ay ang pagdudugo mula sa loob ng iyong ilong. Epistaxis ang tawag sa paminsan-minsang pag nosebleed. Kung may paminsan-minsang pag nosebleed, meron ding paulit-ulit na nosebleed. Nangyayari ito ng mahigit sa isang beses kada linggo. Maaaring nakakatakot ang nosebleed ngunit karaniwan naman sa mga ito ay hindi delikado at madaling agapan.


May dalawang klase ng nosebleed at ito ay ang mga sumusunod:


· Anterior nosebleed ay ang klase ng 90% ng mga kaso ng nosebleed. Ang pagdurugo ng ilong ay nanggagaling sa blood vessel na nasa harap na parte ng ilong. Madali itong makontrol mula sa mga simpleng paraan sa bahay o sa tulong ng doktor.


· Posterior nosebleed naman ay hindi pangkaraniwang klase ng nosebleed. Kadalasang nangyayari ito sa mga nakatatanda kung saan ang pagdurugo ay nanggagaling sa artery na nasa likod na parte ng ilong. Mas komplikado ang nosebleed na ganito at nangangailangan ng tulong mula sa ospital at otolaryngologist.


Dahilan ng Nosebleed -Causes

Ang ating ilong ay nabubuo ng maraming blood vessels na madaling masira. Ang isa sa karaniwang dahilan ng nosebleed ay tuyong hangin o tuyong klima, na nagdudulot ng panunuyo ng nasal membranes kung saan mas madaling magdugo ito at madaling kapitan ng impeksiyon.


Isa pang karaniwang dahilan ay ang pangungulangot at ang paulit-ulit na iritasiyon mula sa sipon.


Ang trauma sa ilong ay karaniwang nagdudulot din ng pag-nosebleed. Trauma gaya ng malakas na pagkabunggo ng ilong.


Ang mga hindi pangkaraniwang dahilan naman ng nosebleed ay ang pagkakaroon ng ibang karamdaman, tulad na lamang ng kawalan ng kakayahan ng dugo na magclot. Ang kawalan ng kakayahang ito ay maaari ding dulot ng mga gamot tulad ng warfarin o aspirin. Ang pagkakaroon ng liver disease ay maaari ding magdulot ng ganitong kondisiyon ng dugo.


Ang paulit ulit na nosebleed ay dulot ng mga nasabing dahilan at karagdagan dito ay pagkakaroon ng structural problem sa ilong, allergy, at pagkakaroon ng karamdaman na nagdudulot ng abnormal na blood vessels.

Nosebleed is a result of several factors and problems. The most common cause is lack of humidity in the air because this can cause the nasal membrane to dry out. As a result, it becomes more prone to bleeding and infection. Aside from this, acute sinusitis, allergies, chemical irritants such as ammonia, chronic sinusitis, cocaine use, common cold, deviated septum, foreign body in the nose, nasal sprays, nonallergic rhinitis and trauma to the nose.


Mga Sintomas ng Nosebleed


Ang pagdurugo at kadalasang nangyayari lamang sa isang nostril o butas ng ilong. Ngunit kapag matindi ang pagdurugo, maaaring mapuno ang apektadong nostril at mapunta sa kabilang nostril, kung saan ang pagdurugo ay mangyayari sa dalawang butas ng ilong. Ang malalang nosebleed ay maaari din magdulot ng pagsuka ng dugo dahil ang dugo ay napupunta sa lalamunan papunta sa tiyan.


Ang mga senyales ng malalang pagkawala ng dugo ay pagkahilo, pagkalito, light-headedness, at pagkawala ng malay. Ang malalang pagkawala ng dugo ay hindi naman karaniwang nangyayari mula sa nosebleed.

Nosebleed, also known as epistaxis, is described as blood flowing from one nostril or sometimes both nostrils. It may last anywhere from a few seconds to more than 10 minutes and may occur while you are asleep. Moreover, while a person is lying down, he may feel liquid in the back of your throat before the blood runs from your nose.


On the other hand, some symptoms may appear in severe cases. These include heavy bleeding from your nose, which may persist for 30 minutes, an irregular heart beat (palpitations), shortness of breath and pallor (paleness of the skin). Severity of epistaxis may be aggravated by certain medical conditions such as hypertension, heart failure, blood clotting disorder and intake of blood-thinning medicines. Thus, when symptoms of heavy bleeding appear, emergency medical services should be called immediately.


Pano agapan ang Nosebleed: Gamot o treatments


Karaniwan sa mga nosebleed ay madaling agapan at hindi delikado. And mga sumusunod na hakbang ay first aid para maagapan ang nosebleed:


· Umupo ng tuwid at sumandal paharap. Ang pagupo ng tuwid ay makakabawas sa blood pressure sa mga ugat ng iyong ilong. Ang pagsandal naman paharap ay makakaiwas na malunok ang dugo na magdudulot ng iritasyon sa tiyan.


· Pisilin nang sumara ang ilong. Gamitin ang hinlalaki at hintuturo para isara ang ilong ng 5 hanggang 10 minuto. Huminga mula sa bibig. Ang pagpisil na ito ay magbibigay ng presyon sa dumudugong parte nang patigilin ang pagdurugong ito.



Upang hindi umulit ang nosebleed, iwasang mangulangot at suminga sa ilong, 24 oras matapos ang pagnosebleed. Kapag umulit ang pagnosebleed, suminga sa ilong para ilabas ang mga blood clot, maglagay ng decongestant nasal spray at pisilin muli ang ilong.

Nosebleed with no complications is easily treated at home. The first thing to do when you experience nosebleed is to pinch your nose on either side of its bridge while leaning forward in an upright sitting position. Another known remedy is to wet a bit of cotton or plain sterile gauze with white vinegar and place it in your nose. Leave it in place for at least ten minutes. The acid of the vinegar will gently cauterize the inside of the nose and stop the bleeding. Lastly, include considerable amount of Vitamin C and bioflavonoids in your diet to help prevent capillary fragility.

Magpatingin sa ospital kapag ang nosebleed ay tumatagal ng 20 minuto, nangyayari ng 4 na beses o higit pa sa isang linggo o kapag ang nosebleed ay dulot ng aksidente.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)