ANO HALAMANG GAMOT O NATURAL NA REMEDYO SA LOOB NG BAHAY SA ALMORANAS?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Hindi mo naman kailangan na pumunta agad sa doktor para gumihawa kapag nananakit o nangangati dahil sa Almoranas. Baka nga ang mga pinakamabibilis na solusyon eh nasa bahay mo lang pala. Pero ano ba yung almoranas o hemorrhoids?

ANO HALAMANG GAMOT O NATURAL NA REMEDYO SA LOOB NG BAHAY SA ALMORANAS

Eto yung pamamaga ng mga ugat sa puwet o lower rectum. Maaring dahil yan sa sobrang pag-ire kapag dudumi o karagdagang presyon sa pagbubuntis. Pwede itong mangyari sa loob o labas ng rectum. Naaapektuhan nito karaniwan na ang mga edad 40 hanggang 60. Pero pwedeng-pwede din yang mangyari sa kahit na ano pang edad. Kung nararanasan mo ito, malamang na hindi ka komportable at naaasiwa pa nga. Normal lang yan pero hindi naman seyosong sakit ito. Kaya ano yung mga pwede mong gawin pangontra sa almuranas?

- Lagyan ng yelo ang icepack o damit na cotton at idampi ito sa loob ng 10minuto. Gawin ito nga ilang beses sa isang araw hanggang sa mawala na ang almoranas.

- Aloe vera. Ang natural na mga sangkap nito eh anti-inflammatory kaya ma-iibsan niyan ang pangangati. Para sa external hemorrhoids , ilagay ang gel nito sa puwet at imasahe ng dahan dahan. Aalisin niyan ang pangangati at ang mainit na pakiramdam. Para naman sa internal hemorrhoids, alisin ang tinik ng aloe vera at palamigin ito sa ref. Kapag malamig na ito, ipahid ito sa almoranas at antayin hanggang sa maalis ang pangangati at pangingirot.

- Maligo ng maligamgam na tubig. Gamit ang non-fragrant soa[s o yung mga walang amoy na sabon, marahang hugasan ito at wag na wag kaskasin.

- Pwede ka ding uminom ng mga pain killers pero wag masanay dito. Gawin lang iyan kapag hindi mawala-wala ang sakit at pangangati.

- Limitahan ang tagal sa pag dumi. Wag masyadong magtagal at piliting ilabas lahat ng dumi. Subukan din na mag squats. Gawin ito sa tuwing makakaramdam ng pagdumi. I-aayos niyan ang bowel movement mo.

- Uminom ng maraming tubig dahil mas pabibilisin niyan ang metabolismo m at palalambutin ang dumi. Iwasan ang mga pagkaing nagpapatigas sa dumi. Mahusay ang mga gulat at prutas gaya ng papaya at green leafy vegetable sa pagpapabilis ng pagdumi mo.

- Apple cider vinegar. Dahil sa astringent properties ng Apple cider, maiiwasan ang pangangati at pangingirot kahit sa loob pa o labas ang almoranas mo. Para sa external hemorrhoids, lagyan ng apple cider ang bulak at ipahid ito sa almoranas ng mayat-maya hanggang sa mawala ang pangangati. Makakaramdam ka ng mainit na pakiramdam o kirot sa simula pero antayin din na humupa yan. Kapag naman nasa loob ang almoranas, uminom ng isang kutsaritang apple cider na may maligamgam na tubig, dalawang beses sa isang araw.

- Black tea bags. Makakabili ka niyan kahit sa botika lang. Aalisin niyan ang sakit at pangangati. Basain ng mainit na tubig ang tea bag. Pag lumamig na ito ng bahagya, idampi ito sa almoranas o puwet. Gawin ang remedyo na yan sa loob ng tatalong beses sa isang araw.

-Subukan din ang olive o almond oil. Ipahid lang ito ng madalas sa loob ng isang araw.


Hindi mo kailangan na gumastos at sumugod agad sa doktor sa tuwing aatake ang almoranas mo. Subukan lang ang mga tips na yan at sigurado na giginhawa ka.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.