Ano itsura ng kuto? Paano malalaman kung kuto o hindi?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po ang kuto sa ulo? Paano po malalaman ang itsura ng kuto sa ulo?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Medical Team
is a Medical expert in United States
Mayroong tatlong anyo ang kuto sa ulo: ang itlog (na tinatawag ring lisa), ang kuyumad, at ang kuto.
Itlog/Lisa: Ang mga lisa ay itlog ng kuto na iniaanak ng babaeng kuto sa may ugat ng hibla ng buhok na pinakamalapit sa anit. Mahigpit na nakakapit ang mga lisa sa hibla ng buhok at may hugis biluhaba at napakaliit (halos kasinlaki lamang ng buhol ng isang sinulid) at mahirap makita. Madalas na mukhang dilaw o puti ang mga lisa, bagama’t ang mga buhay na lisa ay nagmumukhang kasingkulay ng buhok ng taong may kuto. Ang mga lisa ay madalas na naipagkakamaling balakubak, mga langib, o mga maliliit na patak ng spray ng buhok. Madalas na tumatagal nang 8 hanggang 9 na araw bago mapisa ang mga lisa. Ang mga madalas mapisang lisa ay makikita malapit sa ugat ng buhok, na hindi lalagpas sa ¼ na pulgadang layo mula sa base ng hibla. Ang mga lisang nasa mahigit ¼ ng pulgada ang layo mula sa base ng hibla ng buhok ay malamang napisa na, hindi mapipisa, o mga itlog na walang laman. Mahirap itong malaman gamit ang mga mata.
Kuyumad: Ang kuyumad ay isang batang kuto na napipisa mula sa lisa. Ang kuyumad ay kamukha rin ng malaking kuto, ngunit mas maliit kaysa dito. Upang mabuhay, kailangang sumipsip ng dugo ng kuyumad. Nagiging ganap na kuto ang mga kuyumad makalipas ang 9-12 araw matapos silang mapisa mula sa lisa.

Kuto: Ang ganap at matandang kuto ay sinlaki ng linga, may anim na paa, at kayumanggi o kulay abo na may pagkaputi. Maaaring magmukhang mas maitim ang mga kuto sa mga taong may maitim na buhok. Upang mabuhay, kailangang sumipsip ng dugo ng mga kto. Kayang mabuhay ng matandang kuto nang humigit-kumulang 30 araw sa ulo ng tao ngunit mamamatay sa loob ng isa o dalawang araw kapag nalaglag ito mula sa tao.
Madalas na mas malaki ang mga babaeng kuto kaysa sa mga lalaki at kayang mangitlog ng nasa anim na lisa araw-araw.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.