Ano kahulugan ng Sex Education? Paano maiiwasan STD o sakit sa pakikipagtalik?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang Sex Education?

Ano ang mga sexually transmitted diseases (STDs)?

Ang STDs ay mga karamdaman na napapasa mula sa isang tao papunta sa iba sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Kasama ditto ang mga sakit tulad ng chlamydia, gonorrhea, genital herpes, human papillomavirus o mas kilala bilang HPV, syphilis at HIV. Karamihan sa mga STDs ay hindi nagpapakita ng sintomas o palatandaan sa loob ng mahabal panahon, pero ito ay lubhang nakakasama at maaaring mapasa sa pakikipagtalik.

Paano kumakalat ang mga STDs?

Maaari kang magkaroon ng STD sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng pakikipagtalik (vaginal o sa ari ng babae, anal o sa puwitan, at oral o sa bibig) sa isang taong mayroong STD. Sino man na aktibong nakikipagtalik ay maaaring magkaroon ng STD. Hindi mo kailangang makipag “all the way” (makipagtalik ng vaginal o anal) para makuha ito, sapagkat may ilang uri ng STD tulad ng herpes at HPV na napapasa sa pamamagitan lamang ng pagdidikit ng balat.

Gaano ka karaniwan ang mga STD?

Ang STD ay karaniwan, lalo na sa mga kabataan. Mayroong higit kumulang 20 milyong bagong kaso ng STD bawat taon sa Estados Unidos, at halos kalahati sa mga ito ay mga taong nasa edad 15 hanggang 24. Ang mga kabataan ay may mas malaking chance na magkaroon ng STD sa iilang dahilan:

· Ang katawan ng mga mas batang babae ay mas medaling kapitan ng STD.

· May mga kabataan hindi napapayuhang magpa test para sa STD.

· Maraming kabataan ang nahihiyang pag-usapan sa publiko at maging tapat sa kanilang mga doctor at nurse tungkol sa kanilang mga sex lives.

· Ang hindi pagkakaroon ng insurance at tansportasyon ay nakakahadlang sa mga kabataan para magpa test sa STD.

· Karamihan sa mga kabataan ay may higit pa sa isang sex partner.

Ano ang maaari kong gawin para maprotektahan ang aking sarili?

· Ang pinakasiguradong paraan para maprotektahan ang sarili laban sa STD ay ang hindi pakikipagtalik. Ibig sabihin, huwag makikipag talik ng kahit anong klase: anal, vaginal o oral (“abstinence”). Maraming dapat na isipin bago makipagtalik, at hindi maling tumanggi kung ayaw mong makipag sex.

· Kung nag desisyon ka na makipag sex, siguraduhing ikaw at ang partner mo ay magpa test bago magtalik at siguraduhing gumamit ng condom – sa lahat ng beses na makikipag vaginal, anal o oral sex, mula umpisa hanggang matapos. Alamin kung saan makakabili ng condom at kung paano ito gamitin. Hindi ligtas na tumigil gumamit ng condom maliban na lang kung pareho na kayong nagpa test, alam ang inyong kalagayan, at parehong exclusive at monogamous ang relasyon para sa isa’t-isa.

· Mutual monogamy ay isang sitwasyon kung saan ikaw at ang iyong partner ay nagkasundo na makikipag sex lang kayo sa isa’t-isa. Ito ay nakakatulong protektahan kayo laban sa STD, hangga’t pareho kayong nagpa test at parehong walang STD.

· Bago makipagtalik, mag-usap muna kayo ng partner mo kung paano ninyo mapipigilan ang STD at pagbubuntis. Kung sa tingin ninyo ay handa na kayo, kailangan ninyong maghanda at protektahan ang inyong katawan at kinabukasan. Kailangan ding mag-usap muna kayo ng partner mo sa kung ano ang kaya at hindi ninyo kayang gawin habang nakikipagtalik. Kailangang respetuhin ng iyong partner ang iyong karapatang hindian ang ano mang bagay na hindi ka komportable.

· Siguraduhing kumuha ng tamang lunas at alagang kinakailangan. Magtanong sa doktor o nurse tungkol sa pagpapatest para sa STD at mga bakuna laban sa HPV at Hepatitis B.

· Ang mga babae at mga dalagita ay maaaring mangailangan ng iba pang paraan para maprotektahan ang kanilang kalusugang pang sekswal. Kausapin ang iyong doktor at nurse tungkol sa regular na cervical cancer screening at testing para sa chlamydia. Maaari mo rin silang kausapin tungkol sa hindi inaasahang pagbubuntis at birth control.

· Iwasang uminom ng alak at gumamit ng drugs. Kung gumagamit ka o umiinom nito ay mas Malaki ang tiyansang ilagay moa ng sarili mo sa panganib tulad ng hindi gumamit ng condom o pakikipagtalik sa taong hindi mo naman pangkaraniwang pipiliin.

Paano ko Malalaman kung Nagkaroon Ako ng STD?

Karamihan sa mga STD ay hindi kakakitaan ng sintomas kaya ang tanging paraan lang para masigurado kung ikaw ay maroon STD ay ang magpa test. Maaari kang makipag sex sa isang taong may STD pero walang sintomas nito. Tulad mo, maaaring hindi rin alam ng taong yon na may STD siya.


Saan ako maaaring magpa test?

May mga lugar na nagbibigay ng koportable, sikreto at libreng mga STD tests. Dahil ditto, walang makakaalam na nagpa test ka.


Maaari bang gamutin ang STD?

Ang iyong doktor ay pwedeng magreseta ng mga gamot para gamutin ang iilang STD tulad ng chlamydia at gonorrhea. May iba namang STD tulad ng herpes na hindi pwedeng gamutin, pero pwedeng uminom ng gamot para mabawasan ang mga sintomas. Kapag ikaw ay kasalukuyang ginagamot para sa isang STD, siguraduhing tapusin mo ang buong dosage ng gamot kahit na pakiramdam mo ay wala ka nang sakit. Magtanong sa mga doktor tungkol sa testing at gamutan para din sa partner mo.

Pinapayuhang huwag muna makipag sex sa partner mo hanggang sa magamot na kayong dalawa dahil kung hindi, maaaring mapasa niyo lang ang STD ng pabalik balik sa isa’t-isa.


Ano ang mangyayari kapag hindi ako nagpagamot sa aking STD?

May mga nagagamot na STD na delikado kapag hindi pinagamot. Halimbawa, kapag hindi pinagamot ang chlamydia o gonorrhea ay makakapagdulot ng hirap o magiging imposible para sa isang babae ang magbuntis. Nadadagdagan din ang panganib na magkaroon ng HIV kapag hindi napagamot ang STD. May mga STD naman tulad ng HIV na nakakamatay kapag hindi pinagamot.


Paano kung ang partner ko o ako ay mayroong STD na hindi nagagamot?

May mga STD tulad ng Herpes at HIV na hindi nagagamot, pero maaaring bigyan ng reseta ng doktor para magamot ang mga sintomas.

If ikaw ay nabubuhay ng may STD, importanteng sabihin mo ito sa iyong partner bago makipag sex. Kahit na hindi komportable ang pag-usapan ang tungkol sa iyong STD, ang isang bukas at tapat ng pag-uusap ay makakatulong sa iyong partner na gumawa ng isang kalkulado at tamang desisyon para protektahan ang kanyang kalusugan.


Kung mayroon pa akong mga tanong, sino ang makakasagot ditto?

Kung ikaw ay may katanungan, kausapin ang iyong magulang o isang mapapagkatiwalaan nakakatanda. Huwag matakot na maging bukas at tapat sa kanila tungkol sa iyong mga alalahanin. Kung ikaw ay nalilito o nangangailangan ng payo, sila ang magandang tao para simulant ito. Tandaan, dati din silang naging bata.

Ang pakikipag-usap sa iyong magulang o nakakatanda tungkol sa sex ay hindi kailangang isang beses lang mangyari. Mainam na iwang bukas ang usapin para mabalikan sa iba pang araw.


Importante rin na maging tapat sa iyong doktor at nurse. Magtanong kung aling STD test at bakuna ang mairerekomenda nila sa’yo.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.