Ano mabisang gamot o lunas sa sipon at ubo ng sanggol o baby? Paano mawala o matanggal barado ilong, plema ng sanggol? Uhog bata baby

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Kapag mayroon kang ubo o sipon, pwede kang bumili sa drugstore ng mga over the counter drugs (OTC) na hindi kailangan ng reseta ng doctor. Ngunit hindi mo pwedeng gawin yan para sa mga sanggol o babies at toddlers. Dahil maaaring makasama sa mga batang wala pang 3 taon ang mga gamot na para sa ubo at sipon ng mga matatanda.

Kapag ang iyong baby anak ay sinisipon at inuubo, maaari mong subukan itong mga paraan na safe at ligtas sa bata
Gumamit ng Saline Drops
Kapag barado ang ilong ng iyon baby, mahihirapan siyang huminga, matulog at kumain. Nakakapampalambot ng uhog sa ilong at pampaliit ng magang airways (daanan ng paghinga) ng sanggol ang saline nasal drops. Gamitin ito ng 2 hanggang 3 beses lamang sa isang araw, dahil maaaring mamaga ang ilong ng bata o sanggol kapag napasobra.

Maaaring makatulong makatulong sa pagpadali ng pagtanggal ng uhog o sipon sa ilong ng iyong anak. Sa mga sanggol o babies, pwede ring subukan ang suction bulbs na humihigop ng sipon ng sanggol. Kapag marunong na magsinga ng ilong ang bata, maaaring alalayan paunti-unti ng magulang. Read more: Gamot sa sipon

Damihan ang pagpainom ng tubig
Kapag masama ang pakiramdam ng iyon anak, bigyan sila ng maraming tubig. Ang paginom ng maraming tubig ay nakakapampalambot ng mga sipon o uhog sa ilong. Kaya mababawasan ang barado sa ilong ng iyong bata at mas madali niyang mauubo ang plema.

Nakakatulong mapaginhawa ang lalamunan ng bata ang mga medyo mainit na inumin o pagkain, tulad ng nilagang sabaw ng manok, o apple cider. Ngunit siguraduhing maligamgam ito at hindi masyadong mainit, at pwedeng mapaso ang labi o dila ng bata.

Ang mga sanggol na wala pang 6 buwan ay kailangan lang uminom ng dede ng nanay o formula milk (timplado na gatas), hindi pwede tubig o juice. Pero pwede mong padedein ng mas marami kapag mayroon silang ubo o sipon.

Bigyan ng konting Honey
Nakakapagpaginhawa ng pakiramdam sa ubo at masakit na lalamunan ang honey. Bigyan ang inyong anak ng kalahating kutsarita ng honey bago matulog. HUWAG bibigyan ito sa mga batang wala pang isang taon! Makakasama ito sa mga batang under 1 year old. Mabibili ang honey sa mga supermarket tulad ng SM.

I-angat ang ulo kapag nakahiga o lagyan ng unan

Naranasan mo na ban a matulog ng may dalawang unan kapag barado ang ilong, para mas madali makahinga? Pwede ring i-angat na bahagya ang ulo ng sanggol, tulad ng paglagay ng maliit na unan o tinupi na bimpo sa ilalim ng ulo ng baby. Makakatulong ang konting pag-angat ng ulo sa paghinga ng bata.

Lagnat
May mga ubo at sipon na may kasamang konting sinat o lagnat. Maaring sundan itong mga payo kapag may lagnat ang iyong anak:
- Sanggol na wala pang isang buwan. Tawagan iyon pediatrician. Hindi mabuti ang may lagnat ang mga baby na below 1 month.
- Sanggol na wala pang 3 buwan. Tawagan ang iyong pediatrician o doctor para humingi ng payo
- Sanggol na 3 hanggan 6 buwan. Maaaring bigyan ng acetaminophen (paracetamol) bawat 4-6 na oras. Basahin mabuti ang instruction manual ng gamot.
- Sanggol na higit sa 6 months. Bigyan ng acetaminophen (paracetamol for kids) bawat 4-6 hours. Pwede rin ang ibuprofen. Ngunit hindi pwedeng painuin ng sabay ang paracetamol at ibuprofen, dahil maaaring magsanhi ito ng overdose sa bata.

Pakainin ng mga malalambot at madaling lunukin na pagkain
Kapag masakit ang lalamunan ang sanggol/bata o mayroon silang sore throat, maaaring ayaw nila kumain dahil masakit lumunok. Kaya kailangan pakainin sila ng mga pagkain na mas madaling lunukin.

Subukan ang mga ice cream o gelatin na madulas at malambot. Kapag gusto nila ng mainit na pagkain, pwedeng bigyan ng chicken soup o nilagang sabaw ng karne. Iilan ito sa mga lunas sa sipon at ubo ng inyong baby o sanggol na anak. Makakatulong ito guminhawa ang kanyang pakiramdam.

Continue: Paano magpatahan ng baby o sanggol?



About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Florabelle Camanche
is in the Philippines
Good afternoon po. Ang baby q po ay running 11mos po this Jan. 17 po. May ubo at sipon po kasi cya den nagsuka po cya. Ano po bang mabisang gamot po? Worried na po kasi aq... please naman po. Pa help naman po.
Richelle Ortega
is in Bahrain
may halak po ang baby ko since 1month cya pina check up ko na po sa pedia pero sabi normal naman daw lungs ng baby ko intil now meron pa din running 4months na po cya..may tumutunog pa rin po sa lalamunan ng anak ko at may kunting sipon at ubo..nagbili po ako ng nasal drop for sipon nia..ano po kaya ang gamot sa halak ng baby ko nag woworry na po kasi ako..sabi kasi nila magka bronchitis daw po anak ko..help naman po..