Ano mabisang gamot sa Garapata? Lunas, paano maiwasan tanggal

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang pinakamabisang gamot sa kagat ng garapata?


Para sa lahat ng kagat ng garapata, maaaring linisin at lagyan ng antibiotic cream ang kagat. Kapag nangati ang kagat, inirerekomenda ang paggamit ng mga preparasyong may diphenhydramine (Benadryl). Ang mga Benadryl compound na ito ay pwedeng ilagay nang direkta sa balat para sa pangangati o kaya ay inumin sa pamamagitan ng mga tabletas. Ito ang karaniwang kailangang paggagamot.



Gayunpaman, ang paggagamot sa mga pathogen na maaaring naipasa ng garapata sa isang tao ay nakabatay sa iba pang mga salik, tulad ng tipo ng garapata, tagal ng pagkabit nito sa kanyang host, mga sakit sa komunidad, at mga sintomas na ipinakita ng pasyente. Ang partikular na paggagamot ay nakabatay sa pagkilala sa naipasang pathogen. Halimbawa, maaaring ireseta ang mga oral antibiotics para sa ibang pasyenteng may kagat ng garapata kung nakatira sila sa isang lugar kung saan uso ang Lyme disease. Sa mga mayroong mas malubhang sintomas, maaaring kailanganing ibigay ang antibiotics sa pamamagitan iniksiyon sa ugat at maaaring kailanganing maospital ng pasyente. Ang pinakamahusay na paraan ng paggamot ay ang pagdayagnos kung anong pathogen ang naipasa sa pasyente (halimbawa, Borrelia species ng bacteria) at pagkatapos ay gamitin ang partikular na paggagamot na inirerekomenda para sa pagpapaunti o pagpatay sa pathogen na iyon.


Paano tinaanggal ang garapata sa balat?


Ang sumusunod ay sunud-sunod na mga hakbang na iminumungkahi para sa ligtas at epektibong pagtatanggal ng lahat ng tipo ng garapata. Ipinapakita ng web citation 2 at 3 ang isang dayagram kung paanong gumamit ng tiyani sa pagtanggal ng garapata.


Gumamit ng proteksyon sa kamay tulad ng mga guwantis upang hindi ka makapagpakalat ng mga pathogen mula sa garapata tungo sa iyong mga kamay; gumamit ng mga sipit o tiyani para mahawakan ang garapata sa may balat.


Hawakan nang mahigpit ang garapata gamit ang tiyani nang pinakamalapit sa balat na maaari nang hindi ito pinipisa.


Dahan-dahang hilahin ang garapata hanggang sa bumitiw ito. Hindi mapapadali ang pagtanggal sa pamamagitan ng pagpihit o pag-ikot sa garapata dahil nakakagat ang matutulis na bahagi ng kanyang bibig; sa katunayan, ang paggawa nito ay maaaring magkalas sa ulo at bunganga, at sa gayon ay magpapataas ng tsansang magkaroon ng impeksyon. Ipinapakita ng pangalawang web citation ang tamang pagtanggal ng garapata.


Kapag natanggal na ang garapata, huwag pisain ang garapata dahil maaari itong maglabas ng pathogens. Maaari itong ilagay sa isang garapon na pwedeng isara nang maayos, o idikit gamit ang tape sa isang papel. Ipakita ang garapata sa doktor kapag nagkasakit ang taong nakagat nito. I-flush sa inidoro o sa lababo ang lahat ng garapatang natanggal na hindi itatago para sa pagsusuri ng doktor.

Magkakaroon ng maliit na crater o butas sa kagat kung saan naikabit ang ulo at bunganga ng garapata. Kung may mga bahagi ng ulo o bunganga na naiwan, maaari silang tanggalin ng isang doktor. Linisin nang maigi ang kagat gamit ang sabon at tubig o hindi matapang na disinfectant. Obserbahan ang kagat sa loob ng ilang araw at bantayan ang pagdebelop ng reaksyon sa kagat (pantal o mga senyales ng impeksyon). Maglagay ng antibiotic cream sa kagat bilang paunang pag-iingat. Makakatulong ang paglalagay ng antibiotic cream sa pagpigil ng pagkakaroon ng impeksyon sa sugat ngunit karaniwan ay hindi nakakaapekto sa tsansa ng pagkakaroon ng sakit na naipapasa ng garapata.


Hugasan nang maigi ang mga kamay spagkatapos na hawakan ang garapata o anumang kagamitan na dumikit sa garapata. Linisin at i-disinfect ang lahat ng instrumentong ginamit.


Ang iba pang pamamaraan ng pagtanggal ng garapata, tulad ng paggamit ng mainit na posporo o pagpinta sa garapata ng nail polish, gasolina, o iba pang materyales, ay hindi inirerekomenda. Ang mga nasabing paraan ng paggagamot ay maaaring maging dahilan upang magpakawala ng mas marami pang likido pabalik sa kagat at itinataas ang tsansa ng pagpapasa ng sakit bago pa man bumitiw ang garapata sa balat.


Paano maiwsan o mapigilan ang mga kagat ng garapata?


Ang mga acaricide ay mga kemikal na pumapatay ng mga garapata at mites. Ginagamit ang acaricides sa mga lugar na nakatago ngunit madalas gamitin, kung saan maaaring mayroong maraming garapata, tulad ng mga bakuran o mga deer blind. Ang pagbabawas ng mga pugad ng garapata (tulad ng pagtatanggal ng mga dahon, dumi, matataas na damo, at brush) ay nakitang epektibo sa mga trial na maliitan. Kabilang sa mas bagong pamamaraan ng pagkontrol ang paglalagay ng acaricides sa mga hayop na tinitirhan ng garapata sa pamamagitan ng paggamit ng mga baited tube, kahon, at feeding station sa mga lugar na mayroong maraming garapatang may dala-dalang sakit (halimbawa, mga lugar na may maraming usa). Ang bayolohikal na pagkontrol gamit ang fungi, parasitic nematodes, at parasitic wasps ay maaari ring makatulong na pauntiin ang mga garapata. Iwasan nang buo ang panahon ng garapata sa pamamagitan ng pag-iwas sa paglabas at pagpunta sa mga lugar kung saan maraming namumugad na garapata. Dagdag pa, ang paglalagay ng acaricides (mga kemikal na nakakapatay ng mga garapata at mites) ay maaaring ilagay sa malalawak na lupain upang bawasan ang populasyon ng mga garapata at mites. Ang pagtatanggal ng kalat at brush mula sa mga lugar na tinitirhan at pinagtatrabahuhan ng mga tao ay makakapagpaunti ng tsansang mapalapit ka sa mga garapata.


Nasa ibaba ang mga pamamaraang inirerekomenda (mga tip) para sa mga nagtatrabaho sa labas (at iba pa) upang maiwasan ang makagat ng garapata:


- Iwasan ang mga lugar na madamo at mga palumpong kung saan maaaring mayroong mga garapata at kung saan sila namumugad, habang naghihintay na makasakay sa posibleng maging host.


- Magsuot ng mga damit na maliwanag ang kulay upang madaling makita ang mga garapata, at sa gayon ay madali ring matanggal.


- Ipasok ang dulo ng pantalon sa mga bota o medyas upang maiwasan ang paggapang ng mga garapata sa loob ng maluluwag na pantalon.


- Maglagay ng insect repellent at gamitin ang mga tatak na sinadya para sa pagpapaalis ng mga garapata. Sundin ang mga tagubilin sa label. Iwasan ang paggamit ng mga repellent na may DEET sa mga bata. Maingat na sundin ang mga tagubilin. Ang ibang repellent ay inilalagay nang direkta sa balat, samantalang ang iba ay inilalagay sa damit. Ang mga repellent na may DEET na mayroong konsentrasyon na 15% o mas mababa pa ay maaaring gamitin sa mga bata. Kailangang maingat na gamitin ang mga ito habang mahigpit na sinusundan ang mga direksyon sa label. Ang mga repellent na may permethrins ay maaaring ilagay sa mga damit ngunit hindi maaaring ilagay sa balat. Maaaring kailanganing mas madalas na maglagay ng mga repellent na mayroong DEET sa mga lugar na maraming garapata, ‘di tulad ng pagpuksa sa lamok. Sundin ang mga tagubilin sa pakete nang may mahigpit na pag-iingat.


Laging itsek ang iyong sarili, ang ibang tao, at mga alagang hayop kapag napalapit sa mga lugar kung saan maaaring namumugad ang mga garapata. Siguraduhing gamutin ang mga alagang hayop gamit ang mga flea at tick repellent. Kapag may nakuhang garapata mula sa mga alagang hayop, pangasiwaan ang mga ito sa parehong paraan kapag nakakuha ka ng garapata sa tao. Protektahan ang iyong sarili mula sa posibleng pagdikit sa garapata sa pamamagitan ng paggamit ng mga gwantis. Hindi dapat magbigay ng dugo ang mga taong nakatira sa lugar na maraming garapata at nagkalagnat sa loob ng nakaraang dalawang buwan.


Continue Reading: Ano ang Garapata at ano ang mga sintomas at sakit dulot nito?


Continue Reading: Ano ang Pulgas at paano ito maiwasan?

Continue Reading: Ano gamot sa kagat ng Kuto o Lisa?


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.