ANO MABISANG GAMOT SA PANUNUYO AT NANGANGATING LALAMUNAN? Bakit kumakati?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Paano maiwasan ang makati o nangangating lalamunan?

Karaniwan na, kapag nangangati ang lalamunan, iniisip natin na senyales yan na magkakasakit ka. Pwedeng simpleng sipon o trangkaso. Sa oras na mangati ang lalamunan mo, kasunod na niyan ang pananakit o yung tinatawag na sore throat. Mahihirapan ka ng lumunok o makatulog pa nga dahil sa nakaka-iritang pakiramdam. Sa loob ng lalamunan natin, may mga nerbyo na pwedeng mairita ng pagkain, haingin, virus o allergy. Mag reresulta yan sa panunuyo at pangangati.

ANO MABISANG GAMOT SA PANUNUYO AT NANGANGATING LALAMUNAN, bakit kumakati makati

Pangunahin nang dahilan ng pangangati eh yung hindi palaging pag-inom ng tubig. Syempre, halata naman ang solusyon, tubig. Dahilan din kung nagsalita o kumanta ka maghapon tapos kasabay niyan eh uminom ka ng malamig na tubig. Isa pa, kapag napabayaan ang dehaydrasyon, kasunod na niyan ang ubo o baka lagnatin ka pa nga. Ang malalang pananakit ng lalamunan eh yung tinatawag natin na tonsillitis. Kapag barado ang ilong mo karaniwan na ang pangangati ng lalamuna. Iba-iba ang dahilan at mas madalas yang maranasan ng mga naninigaliryo, manginginom ng alak, mga bata na mahilig sa matatamis, o mahinang immune system. Ano ba ang mga solusyon at paano maiiwasan ang labis na pangangati ng lalamunan?

- Kapag nagdurugo na ang lalamunan mo o sipon, nahihirapang huminga o pinagta-taasan ng lagnat sa loob ng 3 araw o higit pa, kumunsulta na agad sa doktor.

- Ang gamot sa pangangati ay depende sa dahilan. Magmumog agad ng maligamgam na tubig na may asin at palaging uminom ng tubig para madaling mamatay ang mikrobyo. Uminom ng ibuprofen. Kung impeksyon naman ang dahilan, uminom ng antibiotic pero magtanong palagi sa doktor. Palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng pag-inom ng mga vitamin C.

- Kung may makukuhang pulot o honey, ihalo ito sa mainit na tsaa. O di kaya naman ay kalamansi juice o pinulbos na luyang dilaw ,yung tinatawag na turmeric at ihalo sa maligamgam na tubig. Pwede rin kung ilalaga mo ang luyang dilaw.Napakahusay niyan sa pag-dating sa pagpatay ng mikrobyo.

- Subukan ang mga over the counter drugs o yung mga gamot na mabibili lang sa botika kahit walang preskripsyon ng doktor. Subukan ang ilan mga decongestant o antihistamine. Palaging mag-sipilyo.

Ito naman ang mga paraan para maiwasan ang pangangati ng lalamunan o sore throat:

- Iwasan na gumamit o magpahiram ng mga sariling kubyertos o baso. Mas madaling malilipat ang mikrobyo lalo na kung sa bibig ito daraan.

- Panatilihin na malinis ang kamay bago kumain.

- Alamin mo ang mga bagay na nakakapag palala o nagiging dahilan ng sumpong ng allergy mo. Karaniwan na ang mga matatapang na pabango, alikabok, sigarilyo o maduming usok ng sasakyan.

- Mahalaga na magkaroon ng listahan ng mga napapansin mong pagkain na nagpapa sumpong ng pangangati ng lalamunan mo. Regular na isulat iyon at iwasan sa loob ng ilang panahon. Kadalasan na, maanghang o matatamis na pagkain. Nakakatulong naman talaga ang mga herbal o menthol na candy para maibsan ang sakit pero kung minsan lalo lang nitong binubuhay ang mikrobyo.

- Magpacheck-up sa doktor para matukoy mo ang talagang sanhi ng pangangati.


Nakatulong sana sayo ang mga sumusunod.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
i'll try
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.