Ano magagawa maibsan ang post-herpetic neuralgia? How to? Unsa mahimo para dili kayo ko mubati ug kasakit gumikan sa post-herpetic neuralgia?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po magagawa ko upang maibsan ang post-herpetic neuralgia? Unsa akong mahimo para dili kayo ko mubati ug kasakit gumikan sa post-herpetic neuralgia?



Topic: What could I do to ease post herpetic neuralgia?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Depende kung gaano kalubha ang kirot na iyong nararamdaman, ang iyong doctor ay maaaring maghandog sa iyo ng mga lunas o gamot upang makatulong sa pagbabawas sa hindi magandang pakiramdam.
Ang sakit na dala ng kulebra kung minsan ay nananatili matapos mawala ang iyong mga pantal. Ito ay tinatawag na “post-herpetic neuralgia” (PHN). Ito ay mas karaniwan kapag tumatanda ka na. Umaabot sa may kalahati sa mga taong mas higit sa 50 taon ang edad ang nagkakaroon ng kulebra at maaaring magkaroon ng klase ng PHN.
Para sa karamihan ng mga taong may PHN, ang sakit na iyong nararamdaman ay gumagaan sa mga unang ilang buwan. Subalit, kung minsan, ang kirot ay nananatili nang napakatagal, kung minsan inaabot pa ng mga taon.
Merong mga “over-the-counter pain killers” (tulad ng paracetamol) ang maaaring magpawala sa mga magaan-gaang kirot. Kapag ang iyong kirot na nararamdaman ay mas malubha, ang iyong doctor ay maaari kang resetahan ng mga gamot na karaniwang ginagamit upang malunasan ang mga kondisyon ng “nervous system” o ng mga ugat-ugat sa ating katawan. Kabilang na dito ang gabapentin at pregabalin, na karaniwang mga “anticonvulsants” (karaniwang gamot para sa epilepsy), at “amitryptylin (karaniwang ginagamit upang malunasan ang depresyon). Palaging magtanong sa iyong doctor para sa mga payo at magbasa ng mga impormasyon kasama ng iyong mga gamot.
Ang iyong doctor ay maaaring maghandog sa iyo ng cream para ilapat sa iyong balat. Ang mga creams na ito ay karaniwang naglalaman ng “capsaicin”, na tinatayang nagdudulot ng kabawasan sa kirot na nararamdaman. Maaari ka ring gumamit ng “topical lidocaine ointment”, na merong epektong parang pamamanhid, o kaya’y “lidocaine patch”.
Ang “opioids”, halimbawa ang “codeine at morphine”, kung minsan ay nirereseta rin, datapuwat merong limitadong mga ebidensya pa lamang na nagsasabing sila ay nagpapababa sa kirot na nararamdaman sa PHN. Ang direktang ineksyon ng “corticosteroid” sa loob ng iyong gulugod ay maaaring makatulong sa mga grabeng sakit, subalit ito ay kung minsan lang ginagawa. Ang “corticosteroid” ay isang klase ng gamot na ginagamit upang malunasan ang pamamaga ng parte ng katawan.
Makipag-usap sa iyong doctor para sa mga gamot na nababagay sa iyo.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.