Ano Pagkain Dapat Kainin ng Buntis Para Tumalino ang Sanggol nasa Sinapupunan

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Lahat ng ina ay gustong lumaking matalino at malusog ang kanilang mga sanggol. Lahat ng ito ay nakadepende sa pagkaing kakainin ng ina habang pinagbubuntis pa lang ang kanilang anak. Kailangan ng tamang pagkain at masustansiya ang kinakain ng mga buntis. Kung hindi masustansiya at salat sa pagkain, isisilang ang sanggol na sakitin at magkakaroon ng negatibong pag-uugali. Mahalagang malaman ng mga nagdadalantao na ang mga kinakain nila ay nakakaapekto din ito sa brain development, pag-uugali at kalusugan ng mga sanggol na nasa sinapupunan.

Yoghurt

Ang katawan ng isang buntis ang may malaking pagbabago lalo na sa panahon na nabubuo pa lamang ang utak ng sanggol, sa loob ng sinapupunan. Dahil dito kailangan ng katawan mo ng pagkaing mayaman sa protina. Ang Yoghurt ay isa sa mga mayaman sa protina. Maliban sa protina, may calcium din ito kung saan kailangan ng isang buntis.

Sariwang Pagkain

Ang prutas at gulay ay mayaman sa antioxidant kung saan nagproprotekta ng utak ng sanggol laban sa mga pinsala o sakit sa loob ng tiyan ng ina. Mas mainam kung ang kakainan ng buntis ay gaya ng mga blueberries, kamatis, red beans at kale (isang uri ng dahon ng gulay). Ang mga ito ay mas mataas ang antioxidants kung saan tumutulong sa pagprotekta ng brain tissue ng sanggol. Malahagang hugasan muna ang mga gulay at prutas bago kainin.

Itlog

Ang itlog ang mayaman sa Amino Acid Choline, kung saan mas mabilis ang brain development at matalas na memorya. Ang babaeng buntis ay kailangang kumain ng dalawang itlog kada araw. Nagbibigay ng kalahating halaga ng Choline na pinapayong kailangan sa mga buntis. Mayaman din ang itlog sa Iron at Protien o Protina na nakakatulong sa bigat ng timbang ng sanggol. Ang mga pinapanganak na sanggol na may mababang timbang madalas ay mababa din ang IQ o Intelligence Quotient nito.



Spinach ( uri ng dahon ng gulay), Beans at Lean Chicken ( walang balat na laman ng manok)

Ang Spinach, Lean Chicken at Beans ay mayaman sa Iron kung saan nakakapagpatalino ito sa sanggol na nasa sinapupunan. Ang Iron ay tumutulong upang magdadala ng oygen sa brain cells ng sanggol. Maaring uminom ng tablet na mayaman sa Iron sa payo ng iyong doctor.

Matabang Isda o Mamantikang Isda

Ang isda gaya ng Salmon, Tuna, Mackerel ay mayaman sa Omega-3 Fatty Acid. Ang Omega-3 Fatty Acid ay isa sa mga importante sa pagbuo ng utak ng sanggol na dinadala ng ina sa tiyan. Ayon sa pag-aaral ang ang mga buntis na kumakain ng isda ng mas mababa sa dalawang beses sa isang linggo, ang mga sanggol na kanilang pinapanganak ay mababa ang IQ at negatibong pag-uugali. Iwasang kumain ng mga malalaking isda na kumakain ng kapwa isda gaya ng swordfish, shark at iba pa dahil nagdudulot ito ng pagtaas ng Mercury. Ang Mercury ay isang ng hangin na binubuga ng mga pabrika kagaya ng semento, power plant at marami pang iba. Maraming bagay na kinakailangan ng mercury gaya ng Thermometer, Thermostat, ilaw. Ang Mercury ay delikado sa pinagbubuntis dahil makakaapekto ito sa utak ng sanggol. Maaring uminom ng Fish Oil Capsule ang isang buntis kung hindi ito kumakain ng sariwang isda.

Vitamin D

Ang bitaminang ito ay nakakatulong sa pagbuo ng utak ng sanggol upang tumalino. Ayon sa pagaaral ang sanggol na pinanganak na mababa ang Vitamin D ay mahina ang utak. Importante sa nagdadaltaong may bitamina D na iniinom at pagpapainit sa araw tuwing umaga. Tandaan makakabuti ang pagpapainit ngunit hindi maganda ang at kapag tirik na ang araw. Magandang kumain ng mga mayayaman sa bitamina D gaya ng itlog, karne ng baka, keso, atay at iba pa.

Folic Acid

Mahalaga ang pagkakaroon ng pag-inom ng bitamina na mayaman sa Folic Acid dahil nakakatalino din ito sa sanggol. Ayon sa pagaaral ang mga inang umiinom ng gamot na Vitamin D ay mababa ang porsyentong magiging Autistic ang kanilang bagong silang na anak. Ang Autistic ay isang uri ng sakit kung saan matagal ang pagresponde ng utak ng bata na nagging sanhi ng bulol na salita, mabagal na pagsasalita at ang iba naman ay hindi nakakapagsalita. Ngunit may mga Autistic na tao na nagging matalino kagaya ni Albert Einstein, kung saan limang taon na siya bago nakapagsalita. Kumain ng pagkaing mayaman sa bitamina D kagaya ng mga kulay berdeng dahon ng gulay, atay, baga at maraming pang iba. Uminom ng folic acid supplement gaya ng B12.

Iodine

Ang kakulangan ng Iodine sa mga buntis ay nakakapagpababa ng IQ ng bata. May maiging kumain ng pagkain na may iodize salt, makakatulong din ang mga pagkaing isda na galing sa dagat, talaba, tahong at kung anu-ano pang mayaman sa Iodine.

Wastong Pagkain


Ang pinakaimportanteng parte sa brain development ng bata ay kung gaano kadami ang pagkain na iyong kinakain araw-araw. Ang kulang at sobrang pagkain ay hindi mainam para sa brain cells ng sanggol. Maging sanhi ng pagkasira ng pagbuo ng utak nito. Maaari ding maapektuhan ang pag-uugali ng sanggol. Ang tamang calories na dapat pumapasok sa katawan ng isang buntis ay 300 calories.




About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)