Ano pinakamabisang Gamot o Lunas sa Almuranas? Almoranas o Hemorrhoids

Buhay OFW
is a OFW group representative in the Philippines

Ang almoranas (hemorrhoid) ay isa sa mga sakit na bihirang pag-usapan sa dahilan na ang taong nakakaranas nito ay nahihiya itong banggitin dahil ang apektadong parte ng katawan ay ang puwitan o ang labasan ng dumi. Halos lahat ng tao ay maaring magkaroon ng almoranas. Bihira naman itong nagkakaroon ng komplikasyon maliban na lang kung ito ay mamaga at maimpeksyon. Maraming iba’t ibang dahilan ang almoranas pero kadalasan ito ay nakukuha sa sapilitang pag-ire sa tuwing dumudumi o ang matinding pwersa dahil sa panganganak. May dalawang klase ng almoranas. Ito ay ang almoranas sa loob ng puwitan (internal hemorrhoids) o maari din itong tumubo sa ilalim ng balat  sa paligid ng puwet (external hemorrhoids).

Kadalasan nakakapagpaginhawa at nababawasan ang sakit sa pamamagitan lamang ng mga simpleng paraan.
- Kumain ng high-fiber food o pagkain tulad ng prutas, gulay at whole grains. Nakakapagpalambot ito ng dumi at upang maiwasan ang tibi o constipation.
- Linisin at banlawan ang puwet araw-araw. Wag gumamit ng alcohol. Patuyuin ng hair dryer o mahinang pagpahid ng tissue.
- Gumamit ng basang tissue sa pagpunas ng puwet
- Magbabad sa palanggana na may maligamgam na tubig ng 10-15 minutos.

Almoranas sa loob (Internal Hemorrhoids)
Ito ay kadalasang hindi nararamdaman ng pasyente o nakikita dahil ito ay nasa loob na parte ng labasan ng dumi. Bihira itong sumasakit dahil sa kakaunti lamang ang mga ugat na tinatamaan nito sa loob. Ang pagdurugo sa tuwing dudumi ang kadalasan na senyales nito. Ang labis na pag-ire sa tuwing maglalabas ng dumi o ang matinding pwersa sa pagbubuntis at panganganak ay ilan sa nagiging dahilan ng paglabas nito at magiging sanhi ng pagsakit ng bahaging iyon o ng pangangati.

Almoranas sa labas ng puwet na may kasamang pamamaga ng ugat (Thrombosed Hemorrhoids)
Ito ay makikita sa labas o sa paligid ng balat ng puwet. Kapag ito ay nairita, ito ang nagdadala ng pananakit o pangangati ng bahaging kinalalagyan nya at may kasamang pagdurugo. Maari ding may mamuong dugo sa ugat dahil dito at maging sanhi ng pagbabara. Nagdudulot ito ng matinding pananakit at pagdurugo sa tuwing dudumi, May mararamdaman din na bukol sa paligid nito. Kapag sinabayan ng lagnat ang sakit at pamamaga ng almoranas maaring naimpeksyon ang sugat at nagkaroon ng nana.

Mga Dahilan ng Pamamaga ng Ugat dahil sa Almoranas ((Thrombosed Hemorrhoids)
Ito ay nakukuha dahil sa matinding pwersa sa mga ugat ng puwet katulad ng mga sumusunod.
·       Sa tuwing matigas ang dumi at pinipilit na pag-ire dahil kulang ang fiber sa pagkain.
·       Hindi regular na pagdumi.
·       Pagbubuntis ( ang pwersa na dulot ng sanggol sa sinapupunan ay umiipit sa mga ugat lalo na sang pag-ire sa panganganak).
·       Pag-upo ng matagal sa inodoro.

Patuloy pa rin na inaalam ng mga doctor ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabara ng ugat sa almoranas.
Ang pamumuo ng dugo dahil sa almoranas ay hindi delikado subalit lubhang masakit at minsan ay kailangin na hiwain upang alisin ang nana.

Ano Mga Sintomas o senyales?
·       Kapag dumudumi ay may mapapansin na matingkad na pulang dugo sa inidoro pero walang nararamdaman na sakit.
·       Pangangati sa dinadaan ng dumi.
·       Pagsakit
·       Pamamaga sa paligid ng puwet.
·       Bukol malapit sa puwet na masakit tuwing mahahawakan o madidiinan.

Komplikasyon
Ilan sa mga bihirang komplikasyon nito ang mga sumusunod:
·       Anemya- Ang labis na pagdurugo ay posibleng magdulot ng anemya sa pasyente kung saan ay hindi sapat ang pulang dugo na naghahatid ng oxygen  sa utak ang dumadaloy sa ugat.
·       Strangulated Hemorroid-  Ito ay kung saan napuputol ang pagdaloy ng dugo sa almoranas na nasa loob at nagiging dahilan ng matinding pananakit nito.

Ano mga Paraan para Maiwasan
Ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases ng Amerika, ang pinakamabisang paraan para ito ay maiwasan ay ang panatilihin na hindi matigas ang dumi para hindi ito mahirapan na lumabas.
·       Kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber tulad ng mga gulay at prutas. Ang pagkain nito ay makakatulong para hindi  mahirapan na dumumi. Huwag biglain ang pagkain ng maraming fiber upang hindi sumama ang tyan.
·       Uminom ng maraming tubig. Inirerekomenda na uminom ng 6-8 na baso ng tubig sa loob ng isang araw.
·       Maari ding uminom ng mga produkto na may fiber para maging sapat ang fiber  na kailangan ng katawan.
·       Huwag pigilin ang pagdumi. Sa oras na ito ay maramdaman kinakailangan  na pumunta agad ng banyo. An pagpigil dito ay pwedeng maging dahilan na ang dumi ay matuyo at tumigas,
·       Ugaliin din na mag-ehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay ay makakatulong upang mabawasan ang timbang na maari din maging sanhi ng almoranas.
·       Iwasan ang matagal na pag-upo lalo na sa inidoro para maiwasan ang labis na pwersa sa mga ugat sa puwitan.

Ano mga Pagsusuri na Kailangan
Importante na magpatingin agad sa doktor para malaman ang sanhi ng pagdurugo o pananakit sa tuwing dudumi. Ang dugo sa dumi ay maari din dahil sa ibang mas malalang karamdaman tulad ng kanser sa bituka. Maaring ipagawa ng iyong doktor ang iba’t ibang paraan para malaman ang sanhi nito tulad ng mga sumusunod.
·       Digital rectal exam
·       Sigmoidoscopy
·       Colonoscopy

Paano ito ginagamot? Ano mabisang lunas?
·       Thrombosed hemorrhoid
Ito ay ginagamot sa pamamagitan ng external thrombectomy. Hinihiwaan ng maliit ang parte ng ugat na namaga at nagbara at inaalis ang bara nito. Ginagamitan ito ng pampamanhid. Mabisa ito kung ito ay gagawin sa loob ng tatlong araw na pagsumpong nito. Mabilis umepekto ang paraan na ito subalit maarin pa din na bumalik.
·       Simpleng Almoranas

 

Maaring bumili ng pamahid na gamot sa almoranas sa mga botika. Pwede rin uminom ng gamot para mawala ang sakit tulad ng acetaminophen at ibuprofen. Maari din umupo sa maligamgam sa tubig sa palanggana ng 10-15 na minuto . 2-3 beses isang araw. 

Gaano katagal gumagaling ang pasyente na may sakit nito?
Maaring umabot ng 7-10 na araw bago mawala ang sakit  ng thrombosed hemorrhoids ng hindi
kinakailangan ng operasyon. Samantalang ang simpleng almoranas ay mawawala sa loob ng isang linggo. 

Ang sakit na almoranas ay lubhang masakit at nagdudulot ng di kanais nais na pakiramdam. Tamang pagkain, sapat na pag-inom ng tubig at pag-eehersisyo ay malaking tulong upang ang sakit na ito ay hindi maranasan. 

References:
National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2016, October). Symptoms and causes of hemorrhoids. Retrieved from 
https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/symptoms-causes 

Mayo Clinic. (2018, November 6). Hemorrhoids. Retrieved from 
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268

Continue magbasa:
Ano sanhi o sintomas ng almuranas?
Pag-ibig sa panahon ng almuranas
Paano ko maiiwasan ang almuranas?

About the author

Buhay OFW

Buhay OFW statements are prepared by medical experts of BuhayOFW.
Profession: Admin
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.