Home Remedies at paano maiwasan
Makatutulong magbigay ginhawa mula sa mga senyales at sintomas ng kabag ang mga sumusunod na hakbang:
· Kapag madalas na hindi natutunawan, kumain ng paunti-unti ngunit madalas para mabawasan ang epekto ng stomach acid sa tiyan.
· Iwasan ang mga pagkain na magdudulot ng iritasyon sa tiyan kagaya ng mga maanghang, acidic, pinirito at mamantikang o matatabang pagkain. Iwasan din ang lactose mula sa mga dairy products o kaya gluten mula sa wheat.
· Limitahan ang pag-inom ng alak o kaya iwasan na lamanag dahil ang alcohol ay nagdudulot ng iritasyon sa lining ng tiyan.
· Palitan ang iniinom na pain reliever. Kapag madalas uminom ng pain reliever, tanungin sa doktor kung pwedeng inumin ang paracetamol dahil hindi pinapalala ng gamot na ito ang kabag.
· Kontrolin ang stress. Pinapalala ng stress ang sintomas ng kabag.