Sugat sa gilagid na hindi gumagaling: Ano pinakamabisang gamot sa Singaw na makikita sa bahay? Halamang gamot

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang Singaw o canker sores o mouth ulcer?

Ang singaw ay maliliit at mababaw na sugat sa loob ng bibig, dila, loob ng labi, at gilagid na lumilitaw sa bibig. Kadalasang kulay puti o abo ang singaw, na bilog bilog ang hugis na may pamumula sa gilid.

Nagiging sagabal ang singaw sa ating pagkain o sa pagsasalita. Maaaring umangal ang mga taong may singaw ng pananakit o paghapdi ng sugat sa loob ng bibig, sa dila, o gilagid.

 

Hindi nakakahawa at napapasa sa ibang tao ang singaw. 


Ano ang dahilan o nagiging sanhi ng mga pabalik-balik na singaw?

Iba-ibang kadahilanan ang maaaring sanhi ng singaw, kasama na ang sugat sa may bibig, mga acidic o maaanghang na pagkain, kakulangan ng bitamina sa katawan, hormones, stress o pagkapagod at autoimmune disorders.


Ang eksaktong dahilan ng karamihan sa mga singaw ay hindi kilala. Ang ilang mga pagkain - kabilang na ang mga citrus o acidic na mga prutas at gulay (tulad ng mga limon, mga dalandan, pineapples, apples, igos, mga kamatis, at strawberry) – ay maaaring magpalitaw ng singaw o gawing mas malala ang problema.

 

Kadalasan, iritasyon na sanhi ng sirang ngipin, pagkagat ng labi o dila, pagkain ng sobrang mainit na pagkain o inumin, at pagkagat ng sigarilyo ang nagiging sanhi ng singaw. Minsan ang matalim na ngipin o dental appliance, tulad ng maling pagsuot ng pustiso o braces ay maaari ring maging dahilan ng mga singaw.


Ang ilang mga kaso ng komplikadong singaw ay dulot ng ilang problema sa kalusugan, tulad ng mababang resistansiya, nutritional na mga problema, o kakulangan ng mga bitamina tulad ng bitamina B-12, zinc, folic acid, o iron, at mga gastrointestinal na sakit tulad ng Celiac disease and Crohn's disease.


Maaari ring dahil ito sa paghina ng depensa ng katawan, hormone changes, stress, pagkabahala, at pagbilad sa araw.


Paano Ba Maiwasan Ang Pagkakaroon Ng Mga Singaw? Ano pangontra sa Singaw?

Bagaman walang lunas para sa mga singaw at madalas silang bumabalik, maaaring mabawasan ang kanilang pagkadalas sa pamamagitan ng:

- Pag-iwas sa mga pagkain na nagdudulot ng iritasyon sa bibig, kabilang na ang mga citrus na prutas at acidic na gulay at maanghang na pagkain. Iwasan ang mga pagkain ng mga acidic at maanghang na pagkain. Iwasan ding kumain ng ang mga makatas na prutas, ito’y nakadadagdag lang sa sakit ng singaw.

-       Pag-iwas sa pangangati at pag nguya mula sa chewing gum

-       Ang pagsipilyo gamit ang malambot na toothbrush pagkatapos kumain at pag-floss araw araw. Magsipilyo ng maayos, huwag magmadali at huwag din masyadong madiin. Dahan dahan sa pagsisipilyo ng iyong mga ngipin. Gumamit ng mga toothbrush na mayroong soft bristles.

-       Huwag gumamit ng mga toothpastes na masyadong mabula, tulad ng mga mumurahing toothpastes. Umiwas din sa mga toothpaste o mouthwash na may sodium lauryl sulfate.


Dapat mong tawagan ang iyong dentista tungkol sa mga singaw kung mayroon kang:
- Hindi karaniwan at malalaking mga singaw
- Mga singaw na kumakalat
- Mga singaw na tumatagal ng 3 linggo o mas matagal pa
- Matinding sakit kahit na ikaw ay umiiwas na sa pagkain ng mga bawal na pagkain at kahit ikaw ay gumagamit na ng mga gamot para mawala ang sakit
- Nahihirapan sa pag-inom ng mga likido
- Mataas na lagnat kasabay ng paglitaw ng mga singaw

 

Ano ang mga Lunas at Gamot: Paano ginagamot ang mga singaw?

Ayon sa mga doctor sa Cleveland Clinic, ang sakit mula sa singaw ay nawawala pagkatapos ng ilang araw at ang mga sugat ay karaniwang gumagaling kahit walang paggamot sa loob ng isa o dalawang linggo.

 

Kung nais mapabilis ang paggaling, maraming mga paraan na maaaring gawin para maibsan ang sakit ng singaw. Iilang lunas ang mahahanap sa loob ng bahay upang maibsan ang sakit dulot ng singaw. Sundin lamang ang mga sumusunod:


1. Ilapat ang yelo sa mga singaw upang mabawasan ang sakit at pamamaga. Ang paggamit ng mga tinipak na yelo o ice chips ay makatutulong maibsan ang sakit ng singaw. Hayaan lang na matunaw ng kusa ang yelo sa bigbig na may singaw.

 

2. Pagmumumog ng tubig na may asin – isa sa pinakapraktikal at matipid na paraan ay ang pagmumunog nito. Medyo masakit pero ang pagmumumog ng tubig na may asin ay nakatutulong matuyo at mapahilom ang singaw. 
Magdagdag ng isang kutsara ng asin sa isang baso ng maligamgam na tubig at gamitin ito na pangmugmog buong araw. Ang asin ay tumutulong para matuyo ang mga singaw para mabilis silang gumaling.
Paano gawin? Kumuha ng 1 kutsaritang asin at tunawin o ihalo sa kalahating tasa ng maligamgam na tubig. Tapos, ang pinaghalong tubig at asin ay maaari nang imumog sa loob ng 15-30 segundo, bago iluwa. Maaari itong gawin ilang beses kada araw.

3. Maglagay ng isang piraso ng hilaw na sibuyas apektadong lugar upang ito’y mapagaling.


4. Baking Soda – bukod sa tubig na may asin, maaari ding magmumog ng tubig na may baking soda. Sinasabing binabalik nito ang pH balance sa bibig at nakakatanggal ng maga ng singaw. Ang paghahanda at paggamit nito ay parehas lang sa tubig na may asin. Ang baking soda ay isa sa mga pinaka-karaniwang ginagamit na mga remedyo sa bahay para sa mga singaw. Gawing paste ang baking soda at lagyan ng kaunting tubig at ilapat sa mga singaw. Maaari mo ring idagdag ang baking soda sa maligamgam na tubig at gawing pangmumog


4. Coconut oil – Pwede ring gamiting ang coconut oil o katas o langis ng niyog na meron ding sangkap na nakakabawas ng pamamaga ng singaw. Ito daw ay may antimicrobial abilities na pumipigil sa pagkalat ng bakteriya ng singaw. Ito din ay pangtanggal ng maga at pananakit ng singaw. 
Paano gawin? Direktang ipahid ang coconutoil sa singaw ilang beses kada araw.


5. Honey – ang pagpapahid ng pulot-pukyutan sa singaw ay nakakapagpabilis ng paghilom nito. Sinasabing may antibacterial at anti-inflammatory effects ang honey. Maaring maglagay nito haggang 4 na beses sa isang araw.


6. Pagkain ng yogurt- ang mga yogurt ay may mga probiotics, isang magandang panlaban sa bakteriya. Mainam na kumain ng 1 tasa o cup ng yogurt isang araw.

 

7. Ang peppermint at eucalyptus essential oil ay parehas na mayroong anti-inflammatory at anti-microbial properties, na pampabawas ng pamamaga.

 

8. Maari ding uminom ng chamomile tea bag na binabad sa tubig para mapabilis ang paggaling ng singaw. Mayroong chemical compound na bisabolol o levomenol ang Chamomile, na napatunayan mayroong nakakalinis ng dumi at impeksiyon dulot ng singaw. Ibabad ang teabag sa mainit na tubig at palamigin. Pagkamalamig na ay gamitin ito pangmumog.

 

9. Apple Cider Vinegar - ito ay sinasabing lunas sa halos kahit anong sakit, maging sa singaw. Ang asido ng apple cider vinegar ay pumapatay sa mga bakteryang nkakapit sa singaw.
Paano gawin? Paghaluin ang 1 kutsaritang apple cider vinegar at 1 tasang tubig. Tapos, imumog ito ng may kalahati hanggang 1 minuto, bago idura. Gawin araw-araw hanggang mawala ang singaw.

 

 

10. Paggamit ng hydrogen peroxide (Agua Oxinada) – ito’y nakatutulong na malinis ang singaw at pinababa din ang bakterya sa bibig.

Paano gawin? Gamit ang 3% solution ng hydrogen peroxide, ihalo ito sa kasing dami ng tubig (1:1). Kumuha ng bulak o cotton swab at isawsaw sa pinaghalong hydrogen peroxide at tubig. Gamitin itong pang-dampi sa mismong singaw ng ilang beses. Pwede ding imumog ang mixture na ito sa loob ng 1 minuto, bago iluwa.

 

Kung ang mga singaw ay malalaki, masakit, o paulit-ulit, ang iyong dentista ay maaaring mag-atas ng antimicrobial mouthwash, corticosteroid ointment, o over-the-counter na mga gamot upang mabawasan ang sakit at pangangati. Maari ring bumili ng softgel na Vitamin E capsule at buksan ito para lumabas ang likidong laman nito. Ipahid ang likido sa mga singaw. Ito’y pangtanggal sa maga at maibsan ang sakit ng singaw.


Sinasabing hindi na kailangan gamutin ang singaw dahil gumagaling ito ng kusa. Ngunit kung madalas kang nagkakasingaw o kaya naman ang iyong singaw ay lagpas na ng 2 linggo, ipinapayong magpakonsulta na sa doktor. Maaring di lang basta singaw ang nararanasan mo. May mga seryosong sakit tulad ng Chron’s disease, HIV, AIDS, kanser sa bibig, at mga vitamins deficiencies ang maaaring nagdudulot nitong mga singaw, canker sores o mouth ulcers. Mainam ng masuri agad para malaman mo ang mga kailangan mong gawin at dapat iwasan.

 

Masakit at kumikirot talaga ang mga singaw, lalo na't kung madalas ka nagkakaroon nito. Makakatulong na tandaan at ilista ang mga araw na nagkaroon ka ng singaw, upang mapagaralan ang mga posibleng mga pagkain o bagay na nagsasanhi sa pagkakaroon ng singaw at kung paano ito maiiwasan. 

 


Maaari rin magdala palagi ng mga pagkain o over the counter na gamot sa tuwin ikaw ay lalakbay, upang mabawasan ang sakit nito sa tuwing may lakad ka.


References: 
Cleveland Clinic. (2015, March 3). Canker sores. Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10945-canker-sores

Mayo Clinic. (2018 April 3). Canker sore. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/canker-sore/symptoms-causes/syc-20370615

American Academy of Oral Medicine. (2007, December 31). Canker sores. Retrieved from https://www.aaom.com/index.php?option=com_content&view=article&id=82:canker-sores&catid=22:patient-condition-information&Itemid=120

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.