Ano pinakamabisang lunas o gamot sa loob ng bahay laban sa Almuranas?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Home Remedies at treatments laban sa Almuranas

Makakatulong din ang mga sumusunod para agapan ang pananakit at pamamaga na dulot ng almoranas o hemorrhoids, at kadalasan ito lamang ang nakakagamot sa almuranas:


1. Gumamit ng mga over-the-counter na cream o suppository na may gamot na hydrocortisone para sa pangangati at pamamaga o kaya uminom ng pain relievers gaya ng paracetamol para sa pananakit. Mahalagang gamitin o inumin ang mga ito sa tamang paraan at wastong tagal ng paggamit base sa turo ng doktor.


2. Ibabad ang puwet sa mainit na tubig 10 hanggang 15 minuto ng dalawa o tatlong beses sa isang araw.


3. Panatilihing malinis ang puwet. Maligo araw araw at linis ang puwet at ang parte sa paligid ng butas nito gamit ang tubig lamang, dahil maaaring magdulot ng iritasyon ang sabon at palalain ang almoranas.


4. Iwasang mairita ang puwet mula sa paggamit ng tuyong toilet paper. Gumamit ng basang toilet paper para linisin ang puwet pagkatapos dumumi.


5. Maglagay ng cold compress para agapan ang pamamaga

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.