ANO ANG PCOS (POLYSISTIC OVARY SYNDROME)? Symptoms, causes, remedies, cure, treatment

CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines

ANO PO BA ANG PCOS (POLYSISTIC OVARY SYNDROME)?? ANO ANO PO ANG SINTOMAS AT LUNAS DITO ? NEED TO KNOW PO .


Topic: What is Polycystic ovary syndrome (PCOS)? What are the symptoms and treatments for this?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay isang kondisyon kung saan nawawalan ng balance ang “hormones” sa katawan ng kababaihan. Nagdudulot ito ng problema sa iyong buwanang-daloy o menstruation, at nagpapahirap sa babaeng magdalang-tao o mabuntis. Ang PCOS rin ay nagdudulot ng hindi magandang pagbabago sa itsura ng babae. Kung hindi malulunasan, sa paglipas ng ilang taon, maaari itong makapagdala ng seryosong problema sa kalusugan tulad ng diabetes at heart disease.
Maraming kababaihan na apektado ng PCOS ay may maliliit na cysts na tumubo sa kanilang obaryo o “ovary”. Kaya ito tinatawag na polycystic ovary syndrome. Ang mga cysts ay karaniwang hindi nakakapaminsala subalit nagdulot ito ng ‘hormone imbalances’.
Sa pamamagitan ng maagang pagpapatingin sa doctor at paglunas sa sintomas, maiiwasan ang mga malubhang problema.
Ang mga “hormones” ay mga kemikal na tagadala ng mensahe sa katawan upang magawa ng katawan ang mga gawain tulad ng produksyon ng enerhiya. Sa hindi malamang mga dahilan, sa PCOS, ang hormones ay hindi nagiging balanse. Ang pag-iiba sa produksyon ng isang hormone ay umaapekto sa produksyon ng isa pang hormone. Halimbawa nito ay kapag hindi balanse ang “sex hormones”. Sa normal na sitwasyon, ang obaryo ay gumagawa ng maliit lamang na bilang ng “male sex hormones” o “androgens”. Kapag nawala ang balanse, gumagawa ang obaryo ng mas marami kaysa sa normal na “androgens”. Maaaring magdulot ito sa kababaihan na huminto sa pag-ovulate, makasanhi ng maraming tagihawat, tumubo ang maraming balahibo sa mukha at katawan. Isa pang halimbawa ay maaaring magkaproblema sa paggawa ng “insulin”, ang hormone na responsable sa pag-regulate ng glucose sa ating katawan. Dahil sa pagbabago sa hormone level, ang ating asukal sa dugo (blood sugar level) ay maaaring tumaas at sa pagtaas nito ay maaari tayong magka-diabetes.
Ang sanhi ng PCOS ay hindi pa ganap na mawari subalit ang pagkakaroon nito sa ating ninuno ay isang dahilan (genetics). Kung mayroong PCOS ang ilan sa iyong kapamilya ay maaari ka ring magkaroon nito. Maaari itong magmula sa lahi ng iyong ina o ama.
Ang sintomas ng PCOS ay hindi masyadong seryoso sa simula. Maaari ka lamang makaramdam ng ilang sintomas tulad ng tighyawat, pagbigat ng timbang o hirap sa pagbabawas ng timbang, mas maraming balahibo sa mukha at katawan. Malimit na ang kababaihan ay magkakaroon ng makakapal at maiitim na balahibo sa mukha, sa dibdib, tiyan at likod. Mayroong pagnipis sa buhok sa ulo, hindi regular ang buwanang daloy, may problema sa pagbubuntis, at maaaring magka-depresyon.
Upang malaman ng doktor kung merron ka bang PCOS, magtatanong muna siya ng mga nakaraang kondisyon ng kalusugan, mga nararamdamang sintomas at “menstrual cycles”. Siya rin ay gagawa ng pagsusuri sa iyong katawan, kukunin ang iyong timbang at tangkad at titingnan ang iyong body mass index o BMI. Karaniwan gagawa rin ng “lab tests” upang malaman ang dami ng asukal sa katawan, insulin, at iba pang pagsusukat ng hormones. Maaari ring sumailalim ang pasyente sa pelvic ultrasound upang tingnan kung meron bang cysts sa obaryo.
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
AKO PO AY NAKAKARAMDAM NA PARANG MABIGAT PO ANG TIBANG AT MEDYO MANIPIS PO ANG BUHOK SA ULO. MALAPAD PO ANG AKENG LIKOD. AT MEDYO MALAKI PO ANG AKENG TYAN. ISANG TAON NA KAMI GUMAGAWA PERO WALA PARIN PO KAMI NABUBUO . IRREGULAR PO ANG AKENG MENS PERO BWANAN PO ITONG DUMARATING PERO HINDI PO NAAYON SA ARAW NG AKENG MENS AT MADALAS PO AKONG NAG PUPUYAT
ETO PO ANG AKENG MGA DATE OF MENS.
DECEMBER 25
JANUARY 20
FEBRARY 17
MARCH 17-NAGPATAAS PO AKO AFTER PO NG MENS KO NG MATRIS NG HINDI PO KINOKUNSULTA NG DOCTOR
APRIL 14 -APRIL 23 NAGTAKE PO AKO NG PILLS NA MABABA ANG DOSAGE TRUST PILL PO ITO UNG KULAY PINK
MAY 22 - NATAPOS PO ANG PILLS KO NUNG MAY 24 .AT NAG SIMULA PO NUNG ULT NG BAGO NA PILLS NA TRUST PILL (LADY)

NEED KO PO ANG CONSULT NYO.. PLEASE PAKI EXPLAIN PO ANG NANGYAYARI XAKEN ASAP PO THANKS
 
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc bat po kaya ganun na check up na po aq at ultrasound polycystic cyst nga po sa ovary ang result nagresita po sila sakin ng gamot ( metformin at eveprimrose oil) iniinom ko po itong mga gamot tuwing gabi bago matulog yung check up ko po nung march 21 at 3 mos ko po iniinom yung mga gamot pinababalik po ako sa june 21 saktong 3mos makaraan yung paginom ng gamot, pero nagtataka po ako bakit hindi parin aq dinadatnan monthly po aq nagppt pero negative naman po, tapos inform ko na lang din po kau na almost 3 mos a year lang po ako datnan at minsan 4-6mos po ang pagitan bago ko datnan.... mahihirapan po ba ako mabuntis doc? panu po kaya mareregular yung mens ko.... sana matulungan nyo po aq... Salamat po
Mj Diaz
is in the Philippines
Doc my itatanong lng po sana aq kc po wala na ko ovary sa kaliwa isa nlng po meron pero buwanan nmn po aqng dinadatnan tapos po nakitaan nnmn ang cyst 1 year ago na po un pero buwanan pa din po ang nagkakaroon pero this month of November lng po aq Hindi dinatnan last na regla ko po October 21 to25 tapos po etong November 21 to 24 spotting lng po pahid lng po n brown ngayon lng po ngyare skin to pero ngPT po aq nung ika 5 days na delayed aq negative nmn po pero feeling ko po tlga buntis aq ano po tingin nio buntis po kaya aq gusto n din po kc nmin ng asawa q magka anak eh sana po masagot nio po aq kc nasstress na po tlga aq kakaisip ngayon lng po kc ngyare skin to na de nagkaroon sa isang buwan salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nalulunasan po ba ang polycystic ovary syndrome? Naa bay tambala ng PCOS?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Hindi, ang PCOS ay hindi nalulunasan. Subalit, maraming mga treatment ang nandiyan para makatulong guminhawa ang pakiramdam. Marami sa mga sintomas ng PCOS ay nagagamot. Ang iyong treatment ay depende sa klase at lubha ng mga sintomas, at kung may kagustuhan kang magkaanak. Maraming iba’t ibang treatment para sa mga sintomas ng PCOS. Ilan sa mga ito ay:
• Baguhin ang pamumuhay
• Mga gamot
• Fertility treatments
Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon ukol dito, kausapin ang doktor. Papayuhan ka nito sa treatment na babagay sa iyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nagpapa-fertility treatment ako at narinig ko ang tungkol sa ovarian hyperstimulation syndrome. Ano po ba ito? Unsa man ning ovarian hypersensitivity stimulation?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang ovarian hyperstimulation syndrome (OHSS) ay isang kondisyon na nadedevelop kapag ang obaryo ay nagkakaroon ng matinding reaksyon sa mga gamot na ginagamit para mapasimulan ang pagkakabuo ng itlog sa obaryo. Mas may tsansa kang magkaroon nito kapag meron kang polycystic ovary syndrome (PCOS) at nagpapa-fertility treatment. Kung meron kang PCOS, malamang ay magkakaroon ka ng OHSS habang nagpapa-fertility treatment. Nangyayari ito kapag ang obaryo mo ay nagkakaroon ng matinding reaksyon sa mga pang-fertility na gamot na iyong iniinom. Maaari ka ring magkaroon ng OHSS matapos mong sumailalim sa ilang reproductive techniques para matulungan magka-anak, tulad ng in vitro fertilization (IVF).
Ang OHSS ang dahilan ng hindi normal na paglaki ng obaryo. Kabilang sa mga sintomas ng OHSS ay:
• Pamamaga ng tiyan o bloating
• Pananakit ng tiyan
• Masama ang pakiramdam
• Pagsusuka
• Kakapusan ng hininga
Pumunta sa iyong doktor kapag nakaramdam ng alinman sa mga sintomas na ito. Maaari ka pa ring mabuntis kahit may OHSS ka. Pwedeng magpatuloy na normal ang iyong pagbubuntis pero depende sa iyong kondisyon, maaaring naisin ng iyong doktor na regular kang tingnan sa mga panahong ito. Kung mas malala ang iyong OHSS, baka kailanganin mong magpagaling sa ospital.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maaari po bang umayos ang sintomas ng polycystic ovary syndrome kapag nagbawas ako ng timbang? / Kung magpaniwang ko, makulangan baa ng sintomas sa PCOS?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kung labis ang iyong timbang, ang pagbabawas nito ay nakakatulong mapabuti ang sintomas ng PCOS. Kapag meron kang PCOS, maaaring hindi ka gaanong sensitibo sa insulin, ang hormone na kumokontrol sa antas ng iyong blood sugar. Ang ibig sabihin nito ay kailangan mo ng mas maraming insulin sa iyong dugo para mapanatiling maayos ang antas nito. Ang ekstrang insulin ay maaring maging dahilan para gumawa ang obaryo ng sobrang testosterone, na pumipigil sa ovulation.
Ang pagiging labis ang timbang ay nakakapagpalala sa mga sintomas. Ang pag-eehersisyo at ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay makakatulong makabawas sa timbang at maging mas sensitibo sa insulin. Sikaping mag-ehersisyo ng hindi kukulang sa 150 minuto na hindi bababa sa 10 minuto ang tagal. Ang ilang benepisyo ng pag-eehersisyo ay ipapaliwanag sa baba.
• Kapag hindi regular ang iyong regla, makikita mong ang pagbabawas ng timbang ay tumutulong upang gawin itong regular. Ang tsansa mong mabuntis ay tataas din.
• Ang regular na pag-eehersisyo ay nakakatulong din para bumaba ang panganib ng pagkakaroon ng type 2 diabetes at sakit sa puso.
• Sa paglipas ng panahon, makikita mong gagaling ang iyong acne at hihina ang pagtubo ng buhok.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Makakaapekto po ba sa akin o sa aking baby ang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome kapag nabuntis ako? Kung maburos ko, makaapekto ba kini sa bata?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Oo, mas malamang magkakaroon ka ng komplikasyon sa panahon ng iyong pagbubuntis kung meron kang PCOS. Kapag meron kang PCOS, mataas ang tsansa mong magkaroon ng diabetes habang ikaw ay nagdadalang-tao (gestational diabetes). May test para dito na imumungkahi sayo maaga pa lang sa iyong pagbubuntis. Kapag nagkaroon ka nga ng diabetes habang ikaw ay buntis, isasangguni ka ng doktor o midwife sa isang specialist clinic. Ang gestational diabetes ay kadalasang nawawala pagkatapos mong manganak, pero mas malamang ay magkakaroon ka ng type 2 diabetes sa darating na panahon.
Kapag meron kang PCOS, mataas din ang tsansa mong manganak ng mas maaga at magkaroon ng alta presyon habang nagbubuntis. Ang obstetrician (doktor na espesiyalista sa pagbubuntis at panganganak) o midwife ay regular na susukatin ang iyong blood pressure para mabantayan ito. Maaari kang magkaroon ng isang kondisyon na tinatawag na pre-eclampsia, kung saan ang iyong blood pressure ay napakataas. Ang matinding pananakit ng ulo, pamamaga ng paa, bukong-bukong, mukha o kamay, malabong paningin at pananakit ng tiyan ay mga sintomas ng pre-eclampsia. Kapag meron ka ng alinman sa mga sintomas na ito, bumisita kaagad sa iyong doktor o midwife. Kung meron kang pre-eclampsia, maaari mong kailanganing imonitor sa ospital kung sakaling kailangan mo ng treatment o kailangan mong manganak ng maaga.
Mj Diaz
is in the Philippines
Doc my itatanong lng po sana aq kc po wala na ko ovary sa kaliwa isa nlng po meron pero buwanan nmn po aqng dinadatnan tapos po nakitaan nnmn ang cyst 1 year ago na po un pero buwanan pa din po ang nagkakaroon pero this month of November lng po aq Hindi dinatnan last na regla ko po October 21 to25 tapos po etong November 21 to 24 spotting lng po pahid lng po n brown ngayon lng po ngyare skin to pero ngPT po aq nung ika 5 days na delayed aq negative nmn po pero feeling ko po tlga buntis aq ano po tingin nio buntis po kaya aq gusto n din po kc nmin ng asawa q magka anak eh sana po masagot nio po aq kc nasstress na po tlga aq kakaisip ngayon lng po kc ngyare skin to na de nagkaroon sa isang buwan salamat po
Ems Villaganas
is in the Philippines
Ano po ba ang best diet na applicable sa aming may polycystic ovary syndrome? Nagbabasa basa po ako sa internet. Nagttake po kasi ako ngayon ng metformin at pills. According to research (not final), prolonged used of metformin will result to Vitamin B12 deficiency. So pwede ba akong magtake ng VITAMIN B COMPLEX 100 kasabay nung mga iniinom ko? wala po bang magiging problema kung sabay sabay ko silang ittake? Im trying to stay away from white rice na rin kasi medyo bawal ata ito sa amin. Im 23 years old. 167cm and 78kg. Thanks po in advance sa response.
Raja GArcia
is a Server in United Arab Emirates
Nag pachek up ako and nakita na may pcos ako. 5months ago napanasin ko lang ung menstruation ko dark blood talaga pero regular naman ang menstruation ko.nagkakaroo din ako ng maraming pimples sa mukha which is hindi naman ako ganoon before. And napansin ko minsan makati and at para mahapdi ang maselang bahagi ng katawan ko. Tinubuan din ako ng pigsa sa may front area na akala ko pimple lang but kusa lumaki at masakit siya hanggang nawala at nag dry.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
M
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc patulong naman po ako. 2 yrs ago nalaman ko po na may PCOS ako both ovaries. Last january 2017 nagpa check up po ako uli kasi nag missed po ako ng mens nung dec. Tinigil ko po kasi ang pagpipills nung December. At nalaman ko po na okay na po yung isang ovary ko. Ngaun po nag missed po ako ng pills MAY 15 at 16. MAY 17 ko na po nainom lahat. At nung MAY 18 po ang last inom ko kasi nasa 21 pill na po ako.. tinake ko po yung 7 days free.. may possibility po ba na mabuntis ako?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi po gusto ko lng po itanong my ovarian cyst po aq sa kanang ovary ko tas un kaliwa po wala n kc tanggal na po pero simula po nung naoperahan para tanggalin un kaliwang ovary ko buwanan nmn po aqng nireregla tapos po 1 year ago nakitaan nnmn po aq ng csyt sa kanan ko pero buwanan pa din po aqng nireregla pero this November po Hindi aq dinatnan... last mens ko po oct,21 to 25 pero ngayon November 21 to 24 spotting lng po na brown buntis po ba ko nun kc ng PT nmn po ko 4 days delayed aq negative nmn po ano po kaya ibigsabihin nun ngayon lng po kc ngyare skin to na Hindi niregla pls po sana po masagot nio ko sobra na po kc aq nasstress kakaisip gusto na din po kc nmin ng asawa ko mgkaanak salamat po
Mj Diaz
is in the Philippines
Doc my itatanong lng po sana aq kc po wala na ko ovary sa kaliwa isa nlng po meron pero buwanan nmn po aqng dinadatnan tapos po nakitaan nnmn ang cyst 1 year ago na po un pero buwanan pa din po ang nagkakaroon pero this month of November lng po aq Hindi dinatnan last na regla ko po October 21 to25 tapos po etong November 21 to 24 spotting lng po pahid lng po n brown ngayon lng po ngyare skin to pero ngPT po aq nung ika 5 days na delayed aq negative nmn po pero feeling ko po tlga buntis aq ano po tingin nio buntis po kaya aq gusto n din po kc nmin ng asawa q magka anak eh sana po masagot nio po aq kc nasstress na po tlga aq kakaisip ngayon lng po kc ngyare skin to na de nagkaroon sa isang buwan salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi Doc, last 2013 po nagpatingin ako sa OB at sabi po ay may PCOS aq. Then nagfertility pills tapos ndi ko rin po napagpatuloy. Overweight po ako noon nasa 80kgs. Nagibanh bansa po ako 2015 tapos po ngppyat ako 65kgs po kaso hndi pa rin po ako nabuntis. Ano pa po ba ang puwedeng gawin?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang araw po sa inyo . Aq po ay isang ofw na diagnosed po aq last feb 2016 na may PCOS po aq sa kadahilanang hndi po regular ang menstruation ko . Dinadadnan namn po aq bwan bwan pero bahid lang po . Tapos po ngayon pong last August 2017 neregla po aq ng maaaus simula po kc nung ikinasal aq last 2010 naging e regular po ang menstruation ko . Tapos po un nga po last august 2017 natuwa po aq kc nag karoon po aq ng regular menstruation 5 days po aq nag karoon .tapos po September 2017 nag karoon po ulit aq pero kaunti lang ganon din po sa October 2017 nagkaroon po ulit aq pwro kaunti lng din tapos po last November 2017 nag karoon aq ulit ng parang normal na menstruation na 6 na araw aq ng karoon 3 day na malakas po regla po nag start po aq ng 23 hanggang 28 November tapos ngaung December namn po nag karoon po ulit aq ng maaus na menstruation same date po sa November ... Doc posible po ba na mawala na ang PCOS ko pag tuloy tuloy na pong maaus ang regla ko at posible na rin po ba akong mabuntis naway masagot nio po ang katanungan ko maraming salamt po may God bless you merry Christmas and a happy new year
Rocelyn Cuison
is in Brunei Darussalam
Magandang araw po sa inyo bali po na diagnosed po aq na may PCOS last feb 2016 . Nong dalaga pa po aq regular nmn po ang menstruation ko rapos po nung nagka asawa po aq nag bago po ang hormone inbalance ko . Since 2010 po bahid bahid lang ang regla ko kya po nag pa checkup po aq both ovaries ko may polycystic. . Tapos po last august 2017 nag karoon po aq ng maaus na regla para pong ng balik ang dati 6 days po aq ng karoon ung first 3 days ko malakas po regla ko at may buo buo pong lumabas . So nag expect po aq na sa September at October onwards ay maaus na regla ko pero hndi parin po . Last September at October bahid bahid lang ulit ang lumabas. Tapos po last November naging maaus po ulit regla ko marami ulit lumabas . Kaya po nag expect po ulit aq netong December na mag kakaroon po ulit aq ng maaus ng regla . Last November 23to28 ang duration ng menstruation ko tapos po ngaung December thanks God dinatnan ulit aq nag start po nung December 24 at mukhang katulad sin sya nung November na maaus .. DOC .. may possible po ba na maging ok na ng tuluyan ang menstruation ko at mawala na po ang polycystic cyst ko ?.. posible na po ba na mag buntis na po aq .once po na maaus na at regular na menstruation ko?. .

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.