Ano pagbabago sa hormones ang makaapekto sa migraine ng babae? Triggers, periods, treatment, prevention

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po ba mga sinasabing pagbabago sa hormones ang makaapekto sa migraine ng babae? Madalas po ako magka migraine lalo na po pag malapit magka regla.


Topic: I often have migraines, especially when I'm expecting my period. Does this have anything to do with changes in hormones of a woman?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kung ikaw ay babae malalaman mo na ang iyong hormone levels ay nakakaapekto sa pagkakaroon mo ng migraine. Ang pagbabago sa iyong hormone levels bago ka magkaroon ng buwanang dalaw ay maaring maging sanhi ng iyong migraine. Para sa iba, maaaring makaapekto ang pagbubuntis, menopause o contraception.
Kadalasan nagkakamigraine ang mga babae kaysa sa mga lalaki, dahil sa pagbabago sa hormone. Kadalasan nagsisimula ang migraine sa pagdadalaga hanggang sa pag menopause. Maari itong huminto o mawala kapag buntis. Maraming kababaihan ang nagsasabing nagkakamigraine sila dahil sa buwanang dalaw. Maaring magkaroon sila nito ng ilang araw bago dumating ang regla o sa mismong unang araw.
Maaaring tumindi at mapadalas ang migraine kapag papunta na sa menopausal stage. Sa ibang mga babae ang HRT( Hormone Replacement Theraphy) ay nakakatulong ngunit para sa iba ito ay nagpapalala lamang. Kung ang migraine mo ay hormone related, ang iyong doctor ay maaaring magbigay ng gamot na pang pakalma. Ang ilang mga kababaihan nagsasabing ang pills ay nagpapalala ng kanilang migraine at ang iba naman nagsasabi nakakatulong ito sa kanila. Kung sa tingin mo ang pills ang nagdudulot ng iyong migraine, kaagad na kausapin ang iyong doctor para mapayuhan ka ng ibang klase ng oral contraceptives. Kung umiinum ka naman ng combined oral contraceptive at nagkaroon ng aura sa migraine, maaring payuhan ka ng iyong doctor na itigil ito. Dahil sa pag inum ng pills ay maaring mapataas ang posibilidad na magkaroon ka ng stroke.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.