Ano Raspa? Dilation & Curettage, matris buntis, uterine bleeding, cervix paano

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang Raspa?

Ang raspa ay isang paraan ng pag-oopera na naglalayong alisin ang ilang himaymay (tissue) ng o ilang bahagi ng inunang naiwan sa loob ng bahay-bata o matres (womb or uterus) ng isang babae matapos niyang makunan, manganak ng di ganap sa panahon o magpalaglag. Bukod pa rito, maaaring ang maging layunin ng pagraraspa ay upang malaman ang dahilan o di kaya'y gamutin ang abnormal na pagdurugo dulot ng fibroids, polyps, endometriosis, hormonal imbalances at kanser sa uterus. Ang kaalaman tungkol sa operasyong ito ay makatutulong upang masiguro ang kahandaan at maiwasan ang anumang di inaasahang pangyayari na maaring magdulot ng panganib sa buhay ng pasyente.

Paano ginagawa ang raspa?

Bago isagawa ang operasyon, ang pasyente ay inaasahang makatatanggap ng general o local anesthesia upang hindi maramdaman o mabawasan ang sakit. Ang ibibigay na anesthesia ay ibabatay sa dahilan kung bakit gagawin ang operasyon. Sa kabilang dako, asahan ding ipoposisyon ang pasyente ng nakahiga samantala ang kanyang sakong ay nakapatong sa estribo (stirrups). Ang buong operasyon ay tatagal lamang ng labinlima hanggang tatlumpung minuto at pagkatapos nito, maaaring kailanganing manatili ng pasyente sa 'recovery room' upang masubaybayan ang pasyente para sa posibleng matinding pagdurugo at iba pang komplikasyon, gayundin upang mabigyan ng panahong manumbalik ang kanyang lakas hanggang sa mawala ang epekto ng anesthesia. Ilan sa mga inaasahang normal na mararamdaman ng pasyente ay ang pamamanhid at pagdurugo.


Ano mangyayari o maaasahan pagkatapos ng raspa?

Tulad ng nabanggit sa itaas, maaring makaranas ang pasyente ng sakit gaya ng karaniwang nararanasan tuwing siya ay may buwanang dalaw. Dahil dito, makatutulong ang pag-inom ng gamot na mabibili sa botika kahit walang preskripsyon mula sa kanilang doktor (over-the-counter pain relievers). Ilan sa mga ito ay ang mga gamot na walang aspirin tulad ng ibuprofen at acetaminophen. Bukod dito, maaring makaranas din ng hirap sa pag-ihi resulta ng paglalagay ng sonda (catheter) sa loob ng ilang araw. Ang pagtatalik o ang paglalagay ng anumang bagay sa loob ng pwerta gaya ng tampon ay hindi rin pinahihintulutan sa loob ng dalawang linggo matapos and operasyon. Higit sa lahat, dapat ding malaman ng pasyente ang ilan sa mga sintomas na nangangailangan ng agarang konsultasyon: lagnat na higit sa 100 degrees F, matinding pananakit na hindi nawawala kahit uminom ng gamot, hindi makaihi, matinding pagdurugo at paglabas ng mabahong amoy mula sa pwerta.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mark Pwace
is a none in the Philippines
My girlfriend had a miscarriage, she bleeds for one week. Then after to two weeks, she try to use pregnancy test, and the result has one red line and the second line is fainted. Can you help us? What should we need to do?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.