Ano Scabies o Kurikong? Mites at Surot: Sanhi, gamot, lunas, Symptoms, medication, cure

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang scabies o kurikong ay isang napakakating sakit sa balat na dala ng napakaliit na “burrowing mite” o maliit na hayop (purgas o surot) na naghuhukay at naglulungga sa ilalim ng balat na tinatawag na “Sarcoptes scabiei”. Ang pagkakaroon ng “mites” ay nagdudulot ng napaka-kating sensasyon sa lugar na kanyang pinaghukayan. Lalo pang kumakati ang apektadong parte kapag gabi. Ang scabies ay laganap sa buong mundo at inaapektuhan ang lahat ng lahi at estado ng pamumuhay. Ito ay madaling lumalaganap sa matataong lugar kung saan ang “close body contact” ay napakadalas mangyari. Ang scabies mites ay madaling napapasa sa pamamagitan ng direkta, at matagal na “skin-to-skin contact” sa taong may scabies. Dahil sobrang nakakahawa ang scabies, ang mga doktor ay karaniwang nagrerekomenda na lunasan ang buong pamilya o grupo upang mapatay ang lahat ng “mites”. Mayroong gamot para sa scabies. Ang mga gamot na pinapahid sa katawan upang patayin ang mites at itlog nito ay epektibo subalit makakaranas ka pa rin ng pangangati sa loob ng ilang linggo.

Ano ang Sanhi? Hinungdan sa Kurikong, Causes

Ang “mite” na nagdadala ng scabies sa tao ay “microscopic” o napakaliit na kakailanganin pa ng microscope upang makita ito. Ang babaeng “mite” ay naghuhukay sa ilalim ng balat at bumubuo ng lagusan kung saan niya dine-deposito ang kanyang mga itlog. Ang itlog ay napipisa sa loob ng 3 hanggang 4 na araw, at ang “mite larvae” o iyong mga batang “mites” ay pumapataas patungo sa ibabaw ng balat kung saan sila tumatanda at lumalaganap sa iba pang parte ng iyong katawan o sa balat ng ibang tao. Ang pangangati na nararamdaman ay mula sa “allergic reaction” ng katawan sa “mites”, sa kanilang itlog at sa kanilang dumi. Ang malapit na pakikihalubilo, paghihiraman ng damit at higaan sa apektadong tao ay nagpapalaganap sa “mites”.


The root cause of scabies is a parasite known as Sarcoptes scabiei. Our body's immune system reacts to the mites and their saliva, eggs and feces thereby causing intense itching. A scabies infestation starts when a female mite burrows into your skin. Male mites move between different burrow sites looking to mate. After mating, the male mite dies and the female begins to lay eggs, which hatch around three to four days later. After hatching, the young mites move to the surface of the skin, where they mature into adults after 10 to 15 days. Male mites stay on the surface of the skin, while female mites burrow back into the skin to create a new burrow. The life cycle is then repeated. Moreover, scabies can be transmitted by moving from one human body to another through direct and prolonged physical contact such as by holding hands, having sex and sharing clothing and other personal belonging.

Mga taong mas mataas ang tsansang magka-scabies. / Mga tao nga mas dako ang tsansa magka-scabies.

Ang scabies ay madaling napapasa ng “infested person” sa kanyang kapamilya at kanyang sekswal na karelasyon. Ang scabies sa mga “adults” o matatanda ay karaniwang nakukuha mula sa pakikipagtalik. Ang mga institusyon tulad ng “nursing homes”, “extended-care facilities”, at kulungan ay karaniwang mga lugar kung saan lumalaganap ang scabies.


Ano ang mga Sintomas? Symptoms

Ang sintomas ng scabies ay ang mga sumusunod: pangangati, karaniwang napaka-kati at lalong mas kumakati pag gabi, pagkakaroon ng manipis at iregular na mga mitsa ng hukay na gawa ng paltos o umbok sa balat. Ang mga hukay ay karaniwang makikita sa mga parte ng balat na may mga tupi. Datapuwat lahat ng parte ng balat ay pwedeng magka-scabies, ito ay karaniwang makikita sa gitna ng mga daliri, sa kili-kili, sa paligid ng bewang, sa natutuping bahagi ng siko, sa talampakan, sa paligid ng dibdib, ari ng lalaki, sa puwet, tuhod, at sa balikat. Sa mga kabataan naman, karaniwan itong nakikita sa anit, mukha, leeg, kamay at talampakan.


Scabies is a type of skin disorder which commonly affects people in urban areas and in overcrowded places such as refugee camps. The main symptom of scabies is itching that is often severe and tends to be in one place at first (often the hands), and then spreads to other areas. The itch is generally worse at night and after a hot bath. Aside from this, mite tunnels or burrows are also noticeable. These may be seen on the skin as fine, dark, or silvery lines about 2-10 mm long. They most commonly occur in the loose skin between the fingers (the web spaces), the inner surface of the wrists, and the hands. Lastly, rashes that are blotchy, lumpy and red in appearance may also appear soon after the itch starts. These are often most obvious on the inside of the thighs, parts of the tummy (abdomen) and buttocks, armpits, and around the nipples in women.


Mabuti rin na magpatingin sa doctor, upang makuhaan ng test, para makasigurado na scabies ito (maaaring kumuha ng kaunting tuyong balat sa apektadong lugar), at hindi ibang impeksiyon tulad ng hadhad o jock itch.


Paggamot at Lunas / Tambal, Cure, medication, treatment, remedies

Ang gamot sa scabies ay madali lang sa pamamagitan ng pagpapahid dito ng niresetang “scabicide”, na hindi mabibili ng over the counter (kailangan ng reseta ng doctor). Maraming “creams at lotions” ang mabibili. Ang gamot ay karaniwang pinapahid sa buong katawan, mula sa leeg pababa, at hayaan lang muna ang gamot sa balat sa loob ng hindi bababa sa 8 oras ang tagal. Merong pangalawang gamutan kapag may mga bagong hukay at pantal na lumalabas. Dahil ang scabies ay sobrang nakakahawa, ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda na gamutin ang lahat ng miyembro ng pamilya at iba pang napakalapit na tao kahit walang sintomas na nararamdaman. Ang mga karaniwang gamot para sa scabies ay:


· Permethrin 5 percent (Kwell lotion or Elimite). Ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda na ipahid mo ang cream na ito – na naglalaman ng kemikals na pumapatay sa “mites” at mga itlog nito – dalawang beses, na may isa o higit pang linggo ang pagitan bago magpahid na muli. Ang permethrin sa kabuuan ay ligtas para sa mga kabataan at matatanda at lahat ng edad, pati na sa mga babaeng buntis o nagpapasuso.


· Lindane. Ang gamot na ito – isa ring kemikal na gamot – ay “available” sa cream, lotion, at shampoo. Ang gamot na ito ay hindi ligtas sa mga kabataang may edad na mas mababa sa 2 taon, mga kababaihan na buntis o nagpapsuso, o mga taong mahihina ang resistensya.


· Crotamiton (Eurax). Ang kemikal na gamot na ito ay pinapahid sa balat isa o dalawang beses sa isang araw sa loob ng limang araw. Ang doktor ay maaari itong irekomenda kapag ang iyong sanggol ay may scabies.


Aside from using commercially prepared skin insecticides, there is also a natural way of treating scabies. One of these is by using tea tree oil that contains a compound called terpinen-4-ol that helps kill the parasite that causes scabies. Also, the anti-inflammatory, disinfectant, antiseptic, antiparasitic, antibacterial, antifungal and wound-healing qualities of tea tree oil help treat scabies. Moreover, mixing one cup of cayenne pepper in hot bath water can potentially burn and kill the mites, thereby relieving the problem of scabies. Lastly, a mixture of white vinegar and water can also kill the mites with its acidic pH.


Natural Cures, Home Remedies at Prevention o paano maiwasan / Unsaon paglikay sa scabies?

Ang pangangati ay maaaring manatili ng ilan pang mga araw matapos kang maglagay ng gamot upang mapatay ang mga “mites”. Ang mga hakbang na ito ay maaaring makatulong sa iyo upang maibsan ang iyong pangangati.


· Palamigan at ibabad ang iyong balat. Ang pagbabad sa iyong balat sa malamig na tubig o ang paglagay ng malamig, at mamasa-masang tuwalya sa mga apektadong parte ay nakakabawas sa pangangati.


· Maglagay ng “soothing lotion”. Ang “calamine lotion” na mabibili kahit walang reseta ay epektibo sa pagbawas sa kirot at kati ng mga iritasyon.


· Uminom ng “antihistamines”. Sa suhestiyon ng iyong doktor, maaari kang uminom ng mga “over-the-counter” na gamot upang maibsan ang mga sintomas ng scabies.


At para naman sa prevention na magka-scabies ulit at para hindi na lumaganap pa ang “mites” sa ibang mga tao, sundin ang mga hakbang na ito:


· Linisin o labhan ang lahat ng mga damit at “linens”. Gumamit ng mainit at mabulang tubig sa paglalaba ng mga damit, tuwalya at beddings na iyong ginamit ng hindi hihigit sa tatlong araw. Patuyuin sa mainit na mainit na lugar.


· Pagutumin ang mga “mites”. Subukang ilagay ang mga gamit na hindi pwedeng labhan sa selyadong plastic bag at hayaan ito sa isang lugar na walang tao sa loob ng ilang linggo. Ang mga “mites” ay namamatay kapag hindi sila nakakain sa loob ng isang lingo.



Ano po itsura ng surot o kurikong?


Ano po pwede igamot sa scabies o surot?


Medisinang herbal na aprubado ng DOH (Scabies)


Nagkakaroon ba ng scabies sa kili-kili?



About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Meron po ata kami surot sa higaan. Paano ba sila malilipol o mapuksa? Tan-aw nako naa miy mga pulgas – unsaon man nako sila para mangawala?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kung merong surot sa inyo, maraming paraan na magagawa para malipol sila at maiwasan na dumami silang muli.
Ang mga surot ay maliit, manipis, at kulay kayumanggi na kung tingnan ay parang patani. Tuwing araw ay nagtatago sila sa mga bitak at mga tiklop ng mga mattress, higaan, dingding at sahig at naglalabasan tuwing darating gabi. Ang mga kagat ng surot ay karaniwang hindi masakit at hindi nagdadala ng sakit. Kung minsan, ang mga taong nakagat ay nagkakaroon ng maliliit na pamamaga at pamamaltos. Ang mga surot ay sinasabing nangangagat sa mga lugar na hindi natatabunan ng mga damit para sa higaan tulad ng iyong mukha, leeg, kamay at mga braso. Mapapansin mong merong mga maliliit na dugo sa iyong higaan. Kung merong napakaraming surot, maaari mong mapansin na merong matamis na bangong lumalabas mula sa “scent glands” ng mga surot.
Kung meron kang surot, importanteng hindi mo pinalilipat-lipat ang mga kagamitan sa isang lugar patungo sa isa pa dahil nagdudulot ito na sila ay kumalat. Sumangguni sa isang “pest control” na kompanya na maaaring sumuri sa iyong lugar. Kung kinakailangan, gumagamit sila ng “insecticide sprays” upang malunasan ang problema. Takpan rin ang mga bitak sa iyong dingding at sahig upang maiwasang bumalik ang mga surot.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Pwede po ba gumamit ng diethyltoluamide (DEET) sa anak ko? Gaano kadalas pwedeng ilapat sa kanya? Pwede ba kong mugamit ug “diethlytoluamide (DEET)” para sa akong anak ug kada kanus-a nako siya pwede gamiton sa iyaha?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, maaari kang gumamit ng “mosquito repellant (DEET)” sa iyong anak kung siya ay mahigit na sa dalawang buwan. Ang mga produktong “insect repellant” na naglalaman ng DEET ay ang pinakamainam sa pag-iiwas sa kagat ng lamok. Ang DEET ay makukuha sa maraming klase tulad ng sprays, lotions, at bilang roll-on. Ligtas itong gamitin sa balat ng mga bata na higit na sa dalawang-buwang gulang.
Ang haba ng panahon na protektado ang iyong anak mula sa kagat ng lamok ay nagdedepende sa konsentrasyon ng DEET. Ang mas malakas na konsentrasyon (50 percent DEET) ay nangangahulugan na kakailanganin mong magpahid ng repellant nang mas madalang. Ang konsentrasyon na mahigit sa 50 porsyento ay hindi nagbibigay ng karadagang proteksyon.
Marapat na magpahid ng DEET matapos ang sun block dahil kung hindi ay mababawasan ang pagka-epektibo ng sun block. Siguraduhin na hindi malunok ng iyong anak ang repellant at ilayo niya ito sa kanyang mata o bibig. Mayroon pang mga ibang dapat gawin upang maiwasan ng iyong anak na kagatin ng lamok.
• Pasuotin ang iyong anak ng maluluwag at mahahabang damit lalo na kapag gabi.
• Mag-spray ng insecticide sa kwarto ng iyong anak bago matulog upang mapatay ang mga lamok na maaaring nakapasok sa araw.
• Gumamit ng kulambo na ini-sprayhan ng insecticide.
• Gumamit ng air conditioning sa kwarto ng iyong anak upang bumaba ang temperatura.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakita po ako ng pulgas sa pusa namin. Nangangagat ba ng tao ang mga pulgas at kung nangangagat nga sila, ano ang magagawa ko para hindi nila ako kagatin
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, ang mga pulgas ng pusa ay nangangagat ng tao subalit marami kang magagawa para magamot mo ang iyong pusa at iwasang kumalat ang pulgas sa kanilang katawan.
Ang mga kagat mula sa pulgas ng pusa ay karaniwang nag-gugrupo o nagkukumpol-kumpol. Mas pangkaraniwan kang makakakuha ng kagat mula sa pulgas sa iyong mga paa at sa ibaba ng tuhod. Kapag ikaw ay nakagat ng pulgas ng pusa, isang mamula-mula at namamagang lugar sa balat ang lumalabas sa matapos ang lima hanggang 30 minuto. Ang kagat ay magiging makati subalit huwag itong kamutin dahil makakapagdulot ito ng impeksyon.
Kung ang iyong pusa ay merong pulgas, mapapansin mong matindi ang pagkakamot nito. Kung ang iyong pusa ay may pulgas, importanteng gamutin ang iyong alaga at ng iyong bahay gamit ang insecticide. Ang mga pulgas ay tagadala ng bulate ng pusa at mga aso na maaaring makaapekto sa mga tao.
Mayroong maraming mga bagay na pwedeng gawin upang malunasan ang iyong pusa at maiwasang kumalat ang mga pulgas. Sundin ang mga hakbang na nakalista dito.
• Alisin ang mga pulgas mula sa iyong pusa gamit ang suklay na makikipot ang mg ngipin.
• Dalhin ang iyong pusa sa beterinaryo para mabigyan ng lunas sa pulgas.
• I-vacuum ang lahat ng basahan at carpets.
• Lapatan ng insecticide ang mga sahig at beddings, at pati na rin ang mga kagamitan at mga lugar kung saan nagpapahinga o natutulog ang iyong pusa.
• Labhan ang mga kumot gamit ang mainit na tubig upang masiguradong mapapatay ang lahat ng itlog nila.
Siguraduhin na hindi maaabot ng mga bata ang insecticides at malayo sa iyong balat at mga mata.
Ayana Santos
is in the Philippines
Maaari po bang magtake ng "Antihistamines" ang isang babaeng nagpapa-breast feed?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kahit marami ring mga gamot na ligtas kapag nagpapa-dede, karamihan sa mga drugs ay maaaring mapunta sa gatas sa dede o makaapekto sa iyong milk supply. Marami rin sa mga antihistamines ay maaaring inumin kapag nagpapa-dede, pero meron ding iba na hindi pwede, tulad ng Fexofenadine. Para makasiguro, magpa-konsulta sa doctor kung anong pwedeng medication ang gamitin (at depende rin kasi sa sakit), kahit mga over-the-counter-drugs.
Dawn Castillo
is a house wife in the Philippines
ilang araw o linggo ang gamutan ng scabies???
Dawn Castillo
is a house wife in the Philippines
doc.gaano po tatagal ang gamutan ng may sakit na scabies????please answer po
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maaring mamamalagi ang scabies kapag hindi ginamot.
Kapag tama ang paggamot, kadalasang gumagaling ito sa 2-3 lingo.
Dawn Castillo
is a house wife in the Philippines
almost 1 week na po akong nag gagamot....scabicide lotoin po yung ina apply po nmin ng anak ko mula leeg hanggang paa...tapos po betametasone/gentamycin sulfate po para sa mga sugat....
Dawn Castillo
is a house wife in the Philippines
mabisang mabisa po ba talaga tong gamot na ginagamit ko...meron din po kaming gamot na tinatake p[ang tanggal ng kati...
Dawn Castillo
is a house wife in the Philippines
Dr. Arvin Ramos. tanong ko lang po....nag kakaron po ba ng scabies sa part ng kili kili???masakit po ba yun????
Jamil Ladjasali
is a non-Filipino member from the Philippines
Salamat sa payo nyo sir nag lalana kc yong sakin buti nakita ko agad site nyo napaka laking tulong.
Menard Dominguez
is in the Philippines
dok ano ano po ang pwedeng gamot sa scabies n hindi n kelngan ng reseta s doktor?slamt po..ilang linggo nrin po kc aq nk2ranas ng pnga2ti..preho kmi ng aswa q..at unti2x pti anak nmin nagk2roon nrin..mraming slamat.
Lhen Guiriba
is in Malaysia
Doc ano pong herbal na gamot sa allergy sa balahibo sa pusa or kagat ng surot?
Anne Alonzo
is in the Philippines
doc ilang beses po ba dapat magpahid ng permethrin lotion? pati po sa mga bata? first time po kami nagapply ng lotion.. hini po ba un evryday? pls reply po..
Temothew Lagumbay
is in United States
DOCANUNG TAMBAL SA KURIKONG?