Pwede din uminom ng folic acid? Drink folic acid without prescription from doctor?

Eduardo Catama
is in the Philippines

Ask ko lang po kung pwede dn po ako uminom ng folic acid? Kasi po sa mga nababasa ko sa google ung mga lalaki daw po pwede din uminom ng folic acid kahit di pa nagpapatingin sa doktor. Need ko lang po ng answer nyo plssss. Im 22 yrs old na dn po at may asawa dn na po ako.


Question: Can I drink folic acid? I read that men can also drink folic acid, even without prescription of doctor. I'm male, 22 years old and married.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Isang water-soluble B vitamin ang folic acid. Natural na makukuha ng isang tao ang folic acid sa mga pagkain na mayaman sa whole grains (tulad ng whole wheat bread), beans, spinach at ibang gulay. Iilan sa mga pagkain na mayaman sa folic acid ay ang spinach, broccoli, lettuce, okra, asparagus, fruits (tulad ng bananas, melons, and lemons) beans, mushrooms, orange juice, at tomato juice.

Kapag hindi balanse ang iyong diet, maaari mo mabili ang folic acid sa over-the-counter multivitamin na mayroong folic acid at ibang B vitamins na kulang sa iyong kinakain. Iwasan na lalagpas sa 400 micrograms ng supplemental folic acid ang iinumin araw-araw, pwera na lang kapag rineseta ng doctor. Kadalasan na non-prescription (hindi kailangan ng reseta ng doctor) ang folic acid tablets na below 1,000 micrograms.

Depende rin kung saan gagamitin ang folic acid. Ginagamit ang folic acid sa pagiwas at paggamot sa low blood levels of folic acid (folic acid deficiency), anemia, liver disease, alcoholism, at kidney dialysis. Mayroon din mga naniniwala na nakaka-prevent ito ng colon cancer, cervical cancer, heart disease at stroke. Ang mga babaeng buntis naman ay umiinum ng folic acid supplements upang maiwasan ang pagkalaglag (miscarriage) o magkaroon ng neural tube defects o depekto ang sanggol.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah