Hinahapo: Ano Gamot sa ASTHMA O HIKA: Ano dahilan o sanhi bakit nahihirapan huminga? Paano maiwasan

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Kilalanin ang Asthma


Ang asthma o hika kung tawagin sa Tagalog ay isang sakit na umaapekto sa baga. Ito ay nagdudulot ng pabalik-balik na insidente ng hinahabol ang paghinga, hirap sa paghinga, pagsikip ng dibdib, at pag-atake ng ubo. Kalimitan umaatake ang hika sa madaling araw o kaya naman sa gabi.

Ayon sa mga eksperto, ang hika ay hindi nagagamot ngunit nakokontrol lamang. Ang asthma ay nakokontrol sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot at pag-iwas sa mga nakakasanhi ng pagatake. Sa bansang America, ang mga batang may asthma ay tinuturuan kung ano ang gagawin kapag inaatake sa eskwelahan. Dahil ayon sa mga pag-aaral, isa sa bawat labing-limang bata ang may asthma. Ganito kataas ang populasyon ng may asthma sa buong mundo.

Ano kahulugan o ibig sabihin ng asthma o hika?
Ang asthma (asma) ay ang pamamaga ng “bronchial tubes” sa pagdaan ng maraming panahon na nagdudulot ng pagkipot ng daanan ng hangin sa baga. Ang pagkipot ng daluyan ng hangin ay karaniwang buhat ng tatlong dahilan – ang pamamaga, “bronchospasm”, at “hypereactivity” kung tawagin. Mayroong asthma patient na allergy ang dahilan ng hika ngunit hindi lahat ng kaso ay dahil sa allergy sa kung anong bagay. Nadadiagnose ang asthma sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “wheezing” sa baga at nakokonpirma ng “breathing tests”. Karaniwan namang normal ang chest x-ray nila.

Ano mga Sanhi ng pagkakaroon hika?
Sa nauna nang sinabi sa itaas, ang hika ay ang pamamaga ng daanan ng hangin na nagdudulot ng pagkipot ng daanan ng hangin dahil na rin dumadami rin ang pagproduce ng mucus na nagpapasikip rin sa daluyan ng hangin.. Ang resulta nito ay hirap sa paghinga, nakakatrigger ng pag-ubo, at “wheezing”. Kapag nagsimula nang mamaga ang daanan ng hangin, nagiging overly sensitive sila sa mga allergens. Ilan sa mga allergens na ito ay ang usok na galing sa tabako, pwede rin ang ehersisyo, pollen mula sa bulaklak, balahibo ng hayop, ubo at sipon, malamig na hangin, ilang mga gamot tulad ng aspirin, ibuprofen, stress, buwanang daloy para sa ibang mga babae, at iba pa. Para sa ibang tao, ang asthma ay hindi malaking problema ngunit may iba namang nagiging hadlang na ito sa araw-araw na pamumuhay at maaaring humantong sa nakamamatay na asthma attack.

Ano ba Sintomas ng Hika?
Ang sintomas ng asthma ay magugrupo sa mga minor at grabeng klase na nag-iiba-iba depende sa tao. May ilan na minsan lang hinihika, merong iba na kung anong oras lamang sa isang araw kung atakihin at may iba na mayroong sintomas bawat oras. Ang mga sintomas ng asthma ay ang hirap sa paghinga, pagsikip o pagsakit ng dibdib, hindi makatulog dahil sa hirap sa paghinga, “whistling o wheezing” sound kapag humihinga, pag-ubo na may plema. Ito naman ang mga senyales na gumagrabe ang asthma ng pasyente. Hindi ka na tinatantanan ng mga sintomas, walang tigil ito sa pag-atake. Mas humihirap pa ng masyado ang paghinga, at kung ikaw ay gumagamit na ng inhaler upang maibsan ang sintomas ay maaaring hindi pa masyadong kontrolado ang iyong asthma o hika.

Ano mga Lunas ng Hika at paano maiwasan?
Ang pagiwas at long-term control ang mga susi upang maiwasan ang asthma. Ang lunas ay nagsisimula sa pagtukoy kung anu-ano ang iyong mga allergens, iwasan ang mga ito kapag natukoy na, at pamamatyag sa sarili sa pag-inom ng mga gamot. Ang mga gamot para sa asthma ay iyong nakakabawas ng pamamaga sa daluyan ng hangin. Mayroong quick-relief inhalers tulad ng corticosteroids tulad ng fluticasone, budesonide, etc. Maaari ring uminom ng mga anti-allergies tulad ng montelukast, zafirlukast. May kombinasyon din ng mga inhalers, nebulization, at mga naiinom at nabibigay sa dextrose na gamot.

Home Remedies: Mga halamang gamot o lunas na makikita sa bahay
Kahit maraming may asthma na sa gamot nakasalalay ang ginhawa at tuwing dumarating ang sintomas, maraming mga praktikal na paraan upang mapanatiling malusog at maiwasan ang asthma attacks. Ito ang mga paraan upang maiwasan ang mga triggering factors:

A) Paggamit ng air conditioner. Ang paggamit ng air conditioner ay naglalayo sa mga may asthma sa pollen na galing sa mga puno at bulaklak.Kung walang air consitioner, palaging isara ang pinto at bintana upang hindi madaling makakapasok ang mga air pollutants sa bahay.

B) Linisin ang mga decorations. Palaging linisin ang mga items sa bahay. Halimbawa ay palitan ang cases ng unan, labhan ang kurtina in a weekly basis.

C) Takpan ang ilong at bibig kapag malamig ang panahon. Kapag ang klima ay triggering factor sa iyong asthma o hika, makakatulong ang pagsuot ng mask.

At sa lahat ng nasabing prevention, malusog na pangangatawan ang dapat nitong kaakibat. Kung maaari ay mag-ehersisyo nang sapat, huwag masyadong magpapataba, kumain ng prutas at gulay at sundin ang payo ng doctor.

References:
National Institute of Environmental Health Sciences. (2019, March 28). Asthma. Retrieved from https://www.niehs.nih.gov/health/topics/conditions/asthma/index.cfm

National Heart, Lung and Blood Institute. (n.d.). Asthma. Retrieved from https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/asthma

Centers for Disease Control and Prevention. (2018, September 26). How to control Asthma. Retrieved from https://www.cdc.gov/asthma/faqs.htm

 

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakaranas po ako ngayon ng sintomas ng hika, pero wala naman ako hika dati nung bata. Nakukuha po ba asthma sa trabaho?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang occupational asthma ay dulot ng pagka-expose sa mga kemikals at iba pang bagay na makikita sa iyong lugar na pinagtatrabahuan. Mas mataas ang iyong tsansang magka-asthma kung ikaw ay isang panadero, metal worker o spray painter. Mayroong mahigit sa 200 materyales na pang-industrya ang naturang nagdudulot ng occupational asthma. Ang asthma na ito ay nagaganap tuwing nakakalanghap tayo ng bagay tulad ng harina, o alikabok mula sa kahoy na nasa iyong pinagtatrabahuan. Nagiging sensitibo ang mga airways (daanan ng hangin papunta sa ating baga), na ginagawang makipot at masikip ang daluyan ng hangin. Sa pabalik-balik na pagka-expose sa mga bagay na ito, may mas malaking tsansa na magka-asthma.
Ayon sa isang pagaaral, ang mga trabahong ito ang may pinakamatataas na tsansang makakuha ng occupational asthma:
• Panadero – dahil sila ay exposed sa harina habang nagmamasa ng tinapay
• Spray painters ng mga sasakyan – dahil sila ay na-eexpose sa spray ng pintura
• Tagasolda ng bakal – dahil sila ay exposed sa alikabok ng bakal kapag nag-sosolda
• Mga woodworkers – dahil snakakalanghap sila ng alikabok mula sa lahat ng klase ng kahoy na kanilang pinuputol at liniliha
• Mga trabahante o empleyado ng Ospital – dahil sa exposure sa pulbos ng latex gloves, biocides at disinfectants
• Mga laboratory animal workers – dahil palagi silang in contact, nakikihalubilo, at naglilinis kasama ang mga hayop
• Mga inhinyero – dahil ang mga alikabok sa mga bakal habang gumagawa ng mga makina ay palagi nilang nalalanghap
Hindi madaling malaman kung ang iyong trabaho ay nakakadulot ng asthma sa iyo. Dahil hindi agad-agad lumalabas ang sintomas kahit na ikaw ay na-expose na sa mga bagay na nakaka-asthma, ngunit maaari itong umatake matapos ang iyong trabaho o tuwing gabi. Mapapansin mong nawawala ang sintomas na nararamdaman kung ikaw ay nag-day off o nagbakasyon sa trabaho. Kung ikaw ay may asthma, kailangang magpatingin sa iyong doktor. Maaari ka niyang isangguni sa espesyalista sa baga – doctor na tumutukoy sa paglunas ng mga sakit sa baga. Ang doctor ay magtatanong sa iyong sintomas at kung ikaw ba ay na-expose sa mga bagay na nakaka-asthma. Kung minsan, maaari kang sumailalim sa skin patch test upang malaman kung meron kang allergic reaction o ang doctor ay maaaring magrekomenda ng espesyal na inhalation test upang ma-monitor ang iyong reaction sa ilang mga bagay.
Kung ang iyong doctor ay natukoy na ang relasyon ng iyong asthma at sa bagay na nagpapasimula nito sa iyong working area, ikaw ay ida-diagnose na may occupational asthma. Kung ikaw ay may karagdagang tanong ukol sa occupational asthma, maaaring magtanong sa iyong doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Makakapagpalubha po ba ang pagbubuntis sa sintomas ng asthma? Kakailanganin ko pa rin bang inumin ang mga gamot para sa asthma?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Habang nagbubuntis, ang iyong asthma ay maaaring gumaling, o grumabe o manatiling katulad pa rin sa dati. Kung ang iyong asthma naman ay kontrolado, maaaring konti lamang o wala itong epekto sa iyong pagbubuntis.
Dapat mong ipagpatuloy na inumin ang iyong gamot para sa asthma habang nagbubuntis. Sabihin sa iyong doctor na ikaw ay buntis, para masiguradong hindi nakakaapekto ang gamot na iniinum sa iyong pagbubuntis. Para sa maraming mga babae na kontrolado ang asthma, walang epekto ang kondisyon sa kanilang pagbubuntis, at normal silang nanganganak.
Subalit para sa mga may grabeng asthma na nagbubuntis, madalas na nararamdaman nilang lumulubha ang kanilang sintomas habang nagbubuntis. Kung ikaw ay may grabeng asthma, marapat na bisitahin ang iyong doktor sa regular na beses upang siguraduhing ang iyong sintomas ay hindi lalala. Kung ikaw ay may problema, ang iyong doktor ay maaari kang isangguni sa doktor sa baga.
Ang malubhang sintomas ng asthma habang nagbubuntis ay konektado sa mga komplikasyon tulad ng maliit na timbang ng sanggol, premature birth at pre-eclampsia. Gayundin, kapag ikaw ay naninigarilyo, dapat mo itong tigilan upang umepekto ang iyong mga gamot para sa asthma at ito rin ay nagdadala ng komplikasyon sa iyong kalusugan at sa sanggol. Kapag ikaw ay naninigarilyo habang nagbubuntis, ang iyong sanggol ay mataas ang tsansang magka-asthma rin.
Habang nagbubuntis, importanteng inumin ang mga gamot para sa asthma dahil kapag itinigil ito ay tumataas tsansang magka-problema sa iyong kalusugan pati na sa bata.
Ang iyong doktor ay mas tutukan rin ang iyong mga gamot upang ito ay ma-adjust base sa iyong pangangailangan. Makakatulong na kumonsulta muna sa iyong doctor kung may planong magbuntis. Kung ikaw ay naninigarilyo, siya ay maaaring may mga payo ukol sa paghinto nito.
Ang mga karaniwang gamot sa asthma tulad ng mga bronchodilators (halimbawa ang salbutamol, terbutaline, theophylline) at mga sinisinhok na corticosteroids ay kilalang ligtas gamitin bago, habang, at pagkatapos manganak (pati na ring habang nagpapasuso). Kung ikaw ay nagbubuntis at ina-asthma, importanteng magbakuna laban sa influenza virus lalo na sa flu season dahil mas mataas ang tsansa ng mga buntis na magka-infection. Kung ikaw ay may iba pang mga tanong tungkol sa asthma at pagbubuntis, makipag-usap sa iyong doctor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May non-wheezy asthma daw po anak ko, ano po bang hika ito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang non-wheezy asthma ay ang pagkakaroon ng asthma na walang tunog habang humihinga, sa halip ay ang pagkakaroon lamang ng dry cough. Umaapekto ang ganitong asthma sa mga bata at matatanda.
Isa sa pinaka-kilalang sintomas ng asthma ay ang “wheezing”, sumingasing o may tunog habang humihinga. Subalit posibleng magkaroon ng asthma na walang wheezing – at sa halip ang sintomas lamang ay dry cough. Ang ganitong klase ng asthma ay tinatawag na “atypical asthma”, “hidden asthma”, “cough-variant asthma” at “cough-type” asthma. Ito ay karaniwan sa mga pamilyang may lahi ng allergy, at bagamat apektado nito ang kahit anong edad, ito ang pinaka karaniwan na sanhi ng matagalang ubo ng mga kabataan.
Ang ubong dala nito ay tuyo at pabalik-balik, at makakaranas ang anak mo nito sa araw ngunit mas madalas itong umaatake sa gabi. Mapapansin mo ring gumagrabe ito kapag ang iyong anak ay mayroong sipon, kapag siya ay nag-eexercise o nakakalanghap ng maginaw na hangin. Kung mayroong sintomas ang iyong anak gaya ng nabanggit, importanteng kumunsulta sa doktor.
Kadalasang pareho sa regular na asthma ang gamot sa non-wheezy asthma. Bibigyan ang iyong anak ng “short-acting inhaler” tulad ng salbutamol (Ventolin), at sinisinhok na steroid medicine tulad ng beclomethasone.
Kung may mga katanungan sa ganitong klase ng asthma, makipag-usap sa iyong doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nagiging sanhi po ba ng hika ang pagod sa pag-exercise o ehersisyo?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang exercise-induced asthma ay mga sintomas ng asthma na nararamdaman habang o pagkatapos mong mag-exercise. Maaari itong mangyari kahit anong oras at kahit wala kang sintomas ng asthma. Ang exercise ay karaniwang nakakapagsimula ng hika. Hindi pa natutukoy kung paano nagdadala ng asthma ang exercise subalit ito raw ay konektado sa paglanghap ng maginaw at tuyong hangin. Kapag kasi mabilis ang iyong paghinga habang nag-eehersisyo, nahihirapan ang ilong at daanan ng hangin na painitin at gawing mamasa-masa ang hangin na pumapasok dito. Ito ay nangangahulugan na ang hangin na pumapasok sa iyong daanan ng hangin ay mas malamig at mas tuyo kaysa sa normal. Ang mga sintomas ng exercise-induced asthma ay:
• Pag-ubo
• Paghatsing
• Hirap sa paghinga
• Masikip na dibdib
Mapapansin mong ang iyong mga sintomas ay nagsisimula habang nag-iexercise hanggang 15 minuto matapos kang huminto. Dagdag pa ay nagkakaroon ka lamang ng sintomas habang o kaya nama’y pagkatapos ng ehersisyo at hindi nagaganap sa iba mo pang mga gawain. Mahalagang magpunta sa iyong doktor kapag nagkaroon ng ganitong sintomas habang nag-eehersisyo upang malunasan ang nararamdaman.
Ang gamot ay karaniwang inhaler. O kaya naman ay maaari kang resetahan ng inhaled steroids. Ginagamit ang short-acting na inhaler bago magsimula sa pag-eehersisyo.
May ibang klase ng ehersisyo na nagpapalala sa mga sintomas. Ang mga matagalan at malayuang pagtakbo ay nagdadala ng sintomas kapag ang hangin ay maginaw dahil ikaw ay aktibo ng mahabang oras at walang pahinga. Ang mga team sports, tulad ng football, ay hindi malimit na nagdudulot ng sintomas dahil sila ay karaniwang mataas ang enerhiyang kinakailangan ngunit sinusundan ng mga pahinga. Ang swimming ay magandang ehersisyo para sa mayroong asthma dahil sa maligamgam na hangin sa pool. Ngunit ang pagsi-swimming sa malamig na pools na maraming chlorine ay maaaring maka-trigger ng asthma. Ang relaxation exercises at yoga ay nakakatulong rin para ma-relax ang katawan.
Kapag ikaw ay nagpa-planong pumasok sa adventure sports tulad ng scuba diving, mountaineering, at skiing, dapat munang makipag-usap sa iyong doktor at siguraduhing pinaalam sa iyong instructor ang iyong kondisyon.
Kapag ikaw ay mayroon nang asthma at tumatanggap ng lunas subalit mayroon pa ring sintomas kapag nag-eehersisyo, dapat tumungo sa iyong doktor. Ito ay karaniwang sintomas na hindi na-ma-manage nang husto ang iyong asthma. Makipag-usap pa rin sa iyong doktor kapag may katanungan sa exercise-induced asthma.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ang paglanghap po ba ng usok ng sigarilyo sa iba ay nakakasanhi ng hika o asthma?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, may mga ebidensya na ang “passive smoking” kung tawagin ay nakakasanhi ng asthma at iba pang problema sa baga ng mga bata.
Ang “passive smoking” ay nagaganap kapag nalanghap mo ang usok ng sinisigarilyo ng ibang tao. Ang passive smoking ay masama para sa lahat at lalo na sa mga bata. Habang lumalaki ang mga bata, ang kanilang baga ay nagde-develop pa at napaka-sensitibo sa air pollution. Ang mga sanggol ay apektado rin ng paninigarilyo kahit nasa sinapupunan pa sila.
May pagsasaliksik nagsasabi na ang exposure sa tobacco smoke ay nagpapataas sa tsansa na magka-asthma ang iyong anak at magdala ng asthma attacks. Sa mga batang hindi pa ina-asthma, mas pinapagrabe ng sigarilyo ang kanilang mga sintomas.
Ang pinaka-maiging gawin – mayroon mang asthma o wala ang bata – ay dapat ilayo ang bata sa mauuusok na lugar. Kung mayroon kang mga anak o nagbubuntis, pag-isipang tumigil na dito. Ang iyong doktor ay mayroong maipapayo sa iyo tungkol sa pagtigil sa bisyo.
Kung hindi ka pa handang tumigil sa paninigarilyo, lumayo na lang muna sa kanila habang naninigarilyo. Manigarilyo sa labas imbes na sa loob ng bahay. Ang usok ng sigarilyo ay matagal na nawawala sa kwarto kahit pa matagal ka nang natapos manigarilyo kaya siguradong malalanghap ito ng iyong mga anak. Kapag naman mahabang oras na kapiling mo ang iyong pamilya tulad ng holiday, subukang gumamit ng nicotine gum o nicotine patches, o ibang mga nicotine replacement products (para mabawasan ang pananabik sa sigarilyo).
Kung meron kang mga tanong ukol sa passive smoking at asthma, makipag-usap sa iyong doctor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nawawala ba ang asthma o hika ng bata paglaki nila?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, maraming mga bata ang nababawasan ang sintomas habang lumalaki sila at kung minsan nawawala nang lubos ang lahat ng sintomas paglipas ng panahon.
May milyon-milyong bata sa buong mundo ang may asthma. Ang mga sintomas ng asthma ay nawawala habang nagkaka-edad. Yung mga merong sintomas na lumalabas paminsan-minsan ay lumalaki na nawawala ang asthma.
Para sa mga batang palaging may asthma o chronic asthma, ang tsansang mawala ang asthma sa paglaki ay malabo. At mas lumalabo pa ang tsansang mawala ang asthma kung ang iyong anak ay merong
• Eczema o pangangati
• Matagal nang sakit sa baga
• Nagsimulang manigarilyo sa murang edad
• Sensitibo sa alikabok ng bahay
Kung may mga katanungan sa asthma ng iyong anak, tumungo sa iyong doctor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakatulong daw ang pagpapa dede para hindi magka hika ang anak ko?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, may ilang pagsasaliksik na nagpapatunay na ang breastfeeding sa unang buwan ng sanggol ay nakakatulong upang bumaba ang tsansa na magka-asthma ang bata.
Ang pagpapasuso sa bata ay maraming pangmatagalan na benepisyo. Halimbawa, nakakatulong itong maiwasan ang maraming sakit tulad ng infection sa tenga, problema sa tiyan, mga sakit sa balat at asthma.
Isang bagong saliksik ang nakadiskubre na ang breastfeeding sa unang mga buwan ng kapanganakan ay nakakabawas sa tsansa ng sanggol na magka-asthma. Subalit, marami pang pananaliksik ang kinakailangan upang makompirma ito dahil hindi pa rin malinaw kung ito ba ay may kinalaman sa pag-develop ng asthma sa mga susunod na taon o kung may epekto ba ito sa allergic asthma.
May panukala ang mga eksperto na magpa-suso o breastfeed sa sanggol sa unang anim na buwan mula sa kanilang kapanganakan na purong gatas lamang ng ina ang ibibigay at walang tubig, inumin, o pagkain na ibibigay sa bata. Matapos ang unang anim na buwan na ito, maaari na silang bigyan ng solid foods at inumin habang nagbe-breastfeed pa rin.
Kung mayroong katanungan sa breastfeeding at asthma, kausapin ang iyong doctor.
Ehcy Cagascas
is in the Philippines
hi po.. tanong ko lang po.. nung isang kasi masakit na po ang lalamunan ko, hirap po ako lumunok at hirap na din huminga. tapos kinagabihan umuungol daw ako, akala tuloy ng mama at kuya ko ay bibangungot ako pero ang totoo ay hirap lang ako huminga.. nangyayari po ito sa tuwing malamig ang panahon.. senyales po ba ito ng asthma? hindi ko po kasi alam kasi never pa po ako ngpacheck up about dito.. ano po ba ang dapat ko gawin o gamot n dapat ko inumin? maraming salamat po
Angelixa Justinbaste
is in the Philippines
paano po kung wala kaming pera .? ano pong pwedeng gawin pag inaatake ako
Mhay Tenasas
is in the Philippines
NAkakaranas po ako ng kati ng lalamunan na sanhi ng sobra ko pagubo na halos ngkakanda sususka na ko kakaubo sabayan ng sobra sipon...ngpa check up na po ako dati naging ok na po kaso bumalik po ulit...ang ubo ko..isa po ako call centr agent hindi ko po alam kung anung gamot na pekto sakin..
Rem Manalo
is in the Philippines
Madalas ko po maranasan ang pagsikip ng aking dibdib, pangangalay ng likod. eto pa ba ay dahil sa hikia ?
Evelyn Garino
is in Lebanon
Sabi po nila mana mana lang daw ang ashma pero sa akin hindi po yon totoo tanong ko po paano ba maiiwasan ito isa sa mga pamanggkin ko ang may ashma pinapausukan palagi cia para gumnhawa ang pakiramdam nya tanong ko po di ba nakakasama s akalusugan ng bata ang palaging pausok at pag gamit ng mga gamot..
Maricel Ricamonte
is in the Philippines
Hilo po tatanong ko po kng anu ang gamot para sa ubo?halos kalahating taon na po ako ganito nagpacheck up na po ako sa dalawang doctor binigay po gamot skin ay ang LEVOCETIRIZINE (zykast)pag naiinom ko po ito tumitigil ang aking pag ubo pero pag dpo ako nakainom ng isang araw umataki nnmn po ang aking pagubo.nagpa x-ray nrin po ako wala nmn daw problema.anu ang gamot para tumigil ang aking paguubo.?salamat po
Anonymous Lao
is in the Philippines
nakakahawa po ba ang ashtma o namamana po ba ito
Susie CAballero
is in United States
Last check up namin May16 diagnose siya bronchial asthma pinatapos po dra. Niya any pag gamot ng seretide 50/25 at yong montelukast niya sabi po clear na siya.Nitong July hinika sya nagpacheck po kami dito sà probinsya namin meptin po binigay nawala naman po.August kasalukuyan hika naman po may tunog po dibdib,nahirapanpo siya huminga kagabi sà kakaubo gumamit po ako nebulizer ok naman po sya.Naawa na po ako sà anak ko lalao na sà Gabi na hindi na nakakatulog sà Gabi parang sobrang kati ng lalamunan niya na hirap siya huminga.
Ron Bobadilla
is a non-Filipino member from United States
ung baby ko po kasi ang daming iniinum n mga gamot at 2 kaklaseng nebulization ginagamit nmin. my herbal po bang pwdeng gamitin pra sa hika?
Elocin Manggad
is in the Philippines
Ganu na po ba kalala ang hika ng anak ko, sabi nya po kaz sumaaakit yong likod nya tuwing aatakhin sya ng hika, tas ubo dn sya ng ubo at ng ssuka
Catherine Chen
is in Taiwan
Mekaniko po ang aking Papa at palagi po siyang inaatake ng hika at palagi po siyang gumagamit ng nebulizer kapag ito ay inaatake na ng hika..ayaw naman niyang tumigil s pagtratrabaho .. anu po ang mabisang gamot para sa hika niya at kung my paraan pa po para gumaling siya...
Catherine Chen
is in Taiwan
Mekaniko po ang aking ama.. at palagi po siyang inaatake ng kanyang hika.. at sa tuwing inaatake siya ng hika ay gumagamit po siya ng nebulizer.. anu po ang mabisang gamot para s hika niya kung paano niya ito maiiwasan..
Atchel Delfin
is in the Philippines
ung anak ko po madalas n hikain sa gabi ang atake ng ubo nya ung sipon nya malinaw ilang araw ndn cyang sinisipon .ano po bng dapat gawin para hindi n po hikain ung anak ko.. mga bawal at pangontra sa hika ng bata.. mraming slamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ung anak ko po madalas n hikain sa gabi ang atake ng ubo nya ung sipon nya malinaw ilang araw ndn cyang sinisipon .ano po bng dapat gawin para hindi n po hikain ung anak ko.. mga bawal at pangontra sa hika ng bata.. mraming slamat po
AeronPaul Tiongco
is in the Philippines
simula po nung nag kaubo ako tapos nag ka trangkaso nag pa xray ako tapos sabi ay meron daw akong irregular heart beat at nag karoon din ako nang hika pero dati wala akong hika.ano ang magandang lunas para sa hika?
Ramel Macalos
is in the Philippines
Dok ano poh gamot sa hika or asthma inumin
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc,Welder po aq matagal na since 1996 tel now 2018...Ngaun lng po aq nkaramdam ng kaiba sa pag inhale at exhale,parang may sumasab8 sa lalamunan q,at parang may plima s pkrmamdam q pero pag inubo q wla nman,parang makati lagi lalo n s ngaun malamig sa UAE,kpag nag welding aq gam8 ang argon sa stainless steel saka aq atakihin ng makati lalamunan q..at kpag nasa bed aq parang may na amoy aq sa hininga q na dq ma laman qng ano..dpat n po b aq magpa chk-up?d po b e2 nkakahawa lalo n asawa q?salamat po from UAE...
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit ganun kagagaling lang namin sa hospital dahil naadmit anak ko.dahil hirap nga huminga..march 1 naadmit nkalabas ng 5 tapus nitong april 25 inoobo cxa tapus nung 26 sinisipon cxa tapus ngayung araw 27 hiningal sxa nagsimula ng tanghali anu po ba ang dapat kung gawin .anu iggamot ko sa hingal nya pra gumaan na pkiramdam nya asap po
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.