Vaginal Itching: BAKIT KUMAKATI ANG ARI KO? Dahilan, sintomas ng pangangati, paghapdi, at iritasyon ng ari, causes, symptoms

Medical Team
is a Medical expert in United States

(Note: The information provided herein should not be used during any medical emergency or for the diagnosis or treatment of any medical condition. A licensed physician should be consulted for diagnosis and treatment of any and all medical conditions.)

Ang pangangati o iritasyon saanmang bahagi ng katawan ay nagdudulot ng pagkabalisa. Kapag ito ay nangyari sa sensitibong lugar tulad ng ari at vulva (labia, clitoris, at bukana ng ari), ito ay maaaring magdulot ng labis na pagkabalisa. Karamihan ng pangangati at iritasyon ng ari ay hindi malaking intindihin. Ngunit dahil sila ay maaaring mga sintomas ng impeksyon, mas makakabuting tawagan mo ang iyong health care provider.

Ano ang nagdudulot ng pangangati, paghapdi, at iritasyon ng ari?

Mayroong iba’t ibang karaniwang dahilan ng pangangati, paghapdi, at iritasyon ng ari, tulad ng:
All rights reserved. Image property of Buhayofw.com 

1. Contact Dermatitis
Ang iritasyon ng balat na ito ay dulot ng allergy sa ilang mga produkto. Maaari itong makuha mula sa anumang bagay na mayroong pabango o additives, kabilang ang mga condom at lubricant. Dagdag sa pangangati, maaaring magkaroon ng pamumula, pamamaga, at pagkapal ng balat. Maaari din itong maging resulta ng pag-aahit. Kung alam mong ikaw ay madaling magkaroon ng iritasyon ng ari, gumamit ng hypoallergenic na mga produkto para sa paglilinis ng katawan, tulad ng shampoo, fabric softener, at sabong panlaba, habang iniiwasan ang mga kemikal, sabon, at nakakairitang lubricant. Kahit ang mga toilet paper na mayroong pabango o kulay ay nagdudulot ng ganitong abala. Ganundin, kailangang iwasan ang pag-ahit kung ikaw ay sensitibo – at huwag na huwag mag-douche. Ang ari ng babae ay naglilinis ng sarili, kung kaya’t hindi kinakailangang maglagay ng anuman sa ibabaw o loob nito.

2. Bacterial Vaginosis
Ang bacterial vaginosis (a.k.a. BV) ay ang pinakakaraniwang dahilan para sa pangangati ng ari. Ang sanhi nito ay ang kawalan ng balanse ng mabuting bacteria at pagbabago sa pH ng ari. Ang pakiramdam nito ay kaparehas ng pagkakaroon ng yeast infection, ngunit sa kasong ito, mas matubig ang discharge at kadalasan ay mayroong amoy. Kapag ginagamot ito, madalas na ginagamit at epektibo ang OTC cream. Kung hindi pa rin nawawala ang iyong BV matapos ang nakasaad na haba ng panahon ng paggamit, kailangan mong humingi sa iyong doktor ng mas malakas na resetang gamot.


3. Yeast infection
Tulad ng BV, ang yeast infection ay kadalasang bunga ng kawalan ng balanse ng pH ng ari. Maaari itong maganap anumang oras o kasunod ng paggamit ng antibiotic, pakikipagtalik, pagkapagod, o pagbabago sa diyeta (mayroon ding mas mataas na probabilidad na magkaroon nito ang mga kababaihang mayroong diabetes). Dagdag sa pangangati, maaari mong mapansin ang namumuo, puti, o makapal na discharge. Ang magandang balita ay maaari kang gumamit ng OTC na gamot, tulad ng Monistat, na siyang magpapagaling sa mga sintomas sa loob ng isang araw o higit pa. Upang maiwasan ang pagpapanumbalik ng mga impeksyon, iminumungkahi ng mga doktor ang probiotic na mayroong mataas na bilang ng bacteria na acidophilus, tulad ng Flora-Q, na tutulong na kontrolin ang yeast.

4. Eczema o Psoriasis
Ang mga namamanang sakit sa balat tulad ng dalawang ito ay maaaring maging sanhi ng pamumula at pangangati sa bahagi ng ari, kasabay ng tagpi-tagpi o pantal-pantal na hitsura. Kapag ikaw ay nasuri at nakitang mayroon ng alinman sa dalawa, maaari kang gumamit ng mahinang klaseng hydrocortisone at maligo nang may oatmeal upang maibsan ang pagkabalisa, ayon kay Askew. Kapag hindi bumuti ang pakiramdam sa loob ng isang linggo, tanungin ang iyong doktor hinggil sa iba pang paraan ng paggagamot.

5. Sakit na Naipapasa sa Pamamagitan ng Pakikipagtalik
Hindi na namin ito kailangang paulit-ulit na sabihin, ngunit ang hindi protektadong pakikipagtalik ay maaaring humantong sa STD (dahilan kung bakit kailangang palagiang gumamit ng proteksyon). Marami sa mga ito ang pupwedeng maging dahilan ng pangangati ng iyong ari, tulad ng chlamydia, herpes, trichomoniasis, at gonorrhea. Ang mga crabs, o iyong kuto sa bulbol, ay maaari ring makita sa mga babaeng mayroong buhok sa kanilang ari. Kapag mayroong alinman sa mga ito, ang pangangati (o pakiramdam na nakakakiliti) ay maaaring lumala patungo sa pananakit at paghapdi. Kung nakakaranas ka ng pangangati kasabay ng iba pang karaniwang sintomas ng STD tulad ng paghapdi habang umiihi, mabahong discharge, mga sugat sa iyong mga ari, pananakit tuwing nakikipagtalik, kailangan mong pumunta sa iyong gyno upang maeksamen sa lalong madaling panahon. Kapag ikaw ay positibo sa STD, bibigyan ka ng iyong doktor ng binabakuna o iniinom na antibiotics, o ng antiviral na gamot sa kaso ng herpes.

6. Lichen Sclerosus
Ang seryosong kundisyon na ito na dahilan ng pangangati ng vulva ay makikita bilang mga puting batik sa balak, ayon kay Streicher. Habang ito ay maaaring lumitaw basta na lamang, ang ilang mga propesyunal sa larangang medikal ay naniniwalang may kinalaman dito ang hormones o masyadong reaktibong immune system. Kailangang mai-diagnose ng isang gynecologist ang Lichen Sclerosus at magamot ng nireresetang gamot.

7. Hormones
Anumang oras na magbago ang lebel ng iyong hormones (tulad ng panahon ng regla, pagbubuntis, menopause, o kapag gumagamit ng birth control), ikaw ay maaaring makaranas ng pangangati ng ari. Ang pagkatuyo ay isa pang bagay na nagsasabing may kinalaman ang hormones sa iyong paghihirap. Ang iyong mga ginagamit na produkto sa panahon ng iyong regla (tulad ng mga sanitary napkin at panty liner) ay madalas na mayroong pabango o kulay na siyang nakakadagdag sa pagkabalisa. Kung madalas itong mangyari sa iyo, pupwede kang gumamit ng menstrual cup o organic na produktong gawa sa bulak, na hindi gaanong nakakairita. Gayunpaman, maaaring mahirap tukuyin kung ang iyong niresetang birth control ay siyang dahilan ng pangangati sa iyong ari (minsan ang tanging paraan para malaman ito ay ang pagtigil o pagsimula ng hormonal contraception). Kapag mayroong alinman sa mga pagbabago sa hormones, pwede kang resetahan ng doktor ng hormonal cream na ipinapahid sa ari at pupwede ka ring magtanong hinggil sa pagpapalit ng pills kung patuloy na nakakaranas ng pangangati. 
(Last reviewed: March 28, 2019)

Sources and List of references:

Centers for Disease Control and Prevention. (2017, August 4). Vaginal Candidiasis. Retrieved from https://www.cdc.gov/fungal/diseases/candidiasis/genital/

Centers for Disease Control and Prevention. (2015, December 17). Bacterial Vaginosis Statistics. Retrieved from https://www.cdc.gov/std/bv/stats.htm

Mayo Clinic. (2016, October 25). Vaginitis. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vaginitis/symptoms-causes/syc-20354707

MedlinePlus. (2017, September 28). Vaginal itching and discharge – adult and adolescent. Retrieved from https://medlineplus.gov/ency/article/003158.htm

 
More: Ano ang Genital Herpes? Buni sa ari
          Gamot at lunas sa nangangating ari

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Garry  Cabral
is in the Philippines
Makati po ang daanan ng ihi sa ari q Anu po ba ang sulotion para mawala po Ito.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.