BAKIT MAITIM ANG KILI-KILI AT PAANO PUMUTI ANG KILIKILI O DARK UNDERARMS O ARMPITS

Jennifer Magsaysay
is a Nurse / Beauty Consultant in Canada

Namomroblema ka ba sa itim ng iyong kilikili na kinasasanhi ng pagka-insecure mo sa iyong sarili? Karamihan sa mga kababaihan ay maitim ang kili-kili kung kaya’t takot magsuot ng sleeveless, swimsuit. Sa madaling salita laging nakatago ang armpits o underarms. Mahalaga na maintindihan kung bakit naging maitim ng kilikili, upang madaling gawin ang pagpapaputi nito. Natatakot ka bang magtaas ng kamay o magsuot ng sleeveless na damit dahil maitim ang kilikili mo? Nakakalungkot, maraming babae ang ganito at may epekto ito sa kumpyansa ng isang tao kung hindi mabibigyan ng solusyon.


Alamin natin kung bakit ba nagiging maitim ang kilikili. Iba-iba ang dahilan. Pero kadalasan, dahil ito sa regular na pag-gamit ng mga hair removing creams, pag-aahit, sobra sobrang pagpapawis, pamumuo ng libag o dumi, at pag-gamit ng mga alcohol-based na deodorant.

Madalas ang mga deodorant endorser ay laging sinasabi na ang product nila ay nagpapaputi ng kilikili, pero ang deodorant ang isa sa mga dahilan kung bakit umiitim ang ating kilikili.

PINAKAMADALAS NG MGA DAHILAN NG PAGKAITIM NG KILIKILI:
1. Pag-ahit – Kapag gumamit ka ng razor sa pag-ahit ng buhok sa kilikili, ang buhok ay napuputol at naiiwan pa rin ang dulo nito sa balat at nakakasanhi ng pagkaitim ng kilikili. Paggamit ng cream hair removal gaya ng veet or anne French, nakakatanggal ito ng buhok pero hindi ang pinakadulo nito sa ilalim ng balat. Kaya nakakaitim din ang ganitong paraan ng pagtanggal ng buhok. Subukan ang waxing treatment kung saan natatanggal pati ang pinaka-ugat ng buhok.

2. Dead Cells – Maraming dead cells kapag maitim ang kilikili, gamamit ng loofah (sponge) o scrub with lactic acid upang matanggal ang mga dead cells.

3. Deodorant at Antiperspirant – Maraming nagsasabi na ang paggamit ng deodorant ay nagpapaitim ng kilikili, gumamit ng deodorant for sensitive skin.

4. Pagkiskis – Minsan ang pagsuot ng masikip na damit ay nagiging dahilan ng pagkaitim ng armpit, dahil sa pagkiskis ng damit sa iyong armpit. Magsuot ng medyo maluluwang na damit na magiging komportable ka.

5. Birth Control Pills – Hindi napapansin ng ibang mga babae na ang birth control pills kapag hindi hiyang ang babae ay nagkakaroon ng side effects gaya ng pagkaitim ng kilikili at marami pang iba.

6. Diabetes – Ang pagkakaroon ng diabetes ay nakakasanhi ng pigmentation o dark spot, sun spot at age spot, na naging resulta ng pagkaitim ng kilikili.

One of the most common skin problems complained by women is hyperpigmentation or darkening of the underarms. Oftentimes, this problem becomes a source of embarrassment. Hence, you will not see sleeveless blouses and shirts as well as bathing suit in the closet or dresser of a woman with dark underarms. Also, when you look into their vanity kit or medicine cabinet, you will surely see various underarm whitening products, bleach and creams

There are several known causes of underarm darkening. The first common cause of this problem is its anatomy which permits rubbing of the skin together, according to a dermatologist Isabel Ballesteros-Mangubat, MD. explanation, shaving and plucking may also result to trauma to the skin known as microabrasions. When microabrasions heal, it may leave some marks which can cause darkening. In addition, antiperspirants and some deodorants may also contain ingredients that may irritate the skin. Hence, causing dark pits. Lastly, obesity aggravates pigmentation and darkens some areas of the body, including the nape, underarms, and back of the knees.

ANO PARAAN PARA PUMUTI ANG KILIKILI O PAANO PAPUTIIN ANG KILI-KILI?
Ø Waxing or Electrolysis – Ang paggamit ng waxing ay mas masakit compared sa shaving pero makakasiguro ka naman sa resulta ng armpit mo. Ang waxing ay ginagamitan ng exfoliating method kung saan tatanggalin nito ang dead cells at magiging malambot at radiant ang balat. Ang electrolysis ay nakakatanggal din ng mga dark spot at itim ng balat sa kilikili.

Ø Calamansi – Punasan ng lemon ang under arms bago maligo, gawin ito araw-araw. Ang lemon ay tumutulong sa pagpapaputi ng kili-kili kung saan unti-unti pinapaputi ang armpit mo. Pagkatapos maligo gumamit ng moisturizer upang lumambot ang balat at iwasang gumamit ng deodorant.

Ø Lightening Masks – Kung gusto mong gumawa ng whitening masks, haluin ang isang dakot na gram fluor at yogurt, lemon at konting turmeric powder. Keep it for 15-20 minutes sa kilikili at pagkatapos ay hugasan ito. Maari din bumili sng readymade mask, subukan ang kahit na anung clay para sa lightening skin mask.

Ø Patatas at Cucumber – Ang patatas ay isa sa mga natural na paraan ng pagpapaputi ng armpit. Ikiskis sa kilikili ang maliliit na slice ng potatas, maari din gadgarin ang patatas at ang juice nito ay ilagay sa mga maiitim na parte. Hayaan ito ng 20 minuto bago banlawan. Ganun din ang gagawin sa cucumber at mapapansin mo na pumuputi ang kilikili.

Ø Saffron – Mix a pinch(piranggot) of saffron sa 2 spoonfuls na gatas o cream at ilagay sa underarms bago matulog. Ibabad ito magdamag at banlawan paggising sa umaga. Hindi lang ito pampaputi ng kilikili kundi nakakapatay ng mga dumi at bacteria sa kilikili na nagiging sanhi ng bad odor kapag hindi natanggal ang mga dumi sa kilikili.

Ø Deodorant – Iwasan ang paggamit ng deodorant, at gumamit ng mga natural na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng bad odor. Haluin ang baking soda sa tubig at iaplay ito sa underarms, ang anti-fungal powder ay isa ding magandang alternatibo. Magpalit ng deodorant na for sensitive skin o specialised whitening deodorant, paalala mag-ingat sa pagbili ng produkto.

Ø Sandalwood at Rose Water – Gumawa ng paste ng sandalwood at ihalo sa rose water, ilagay sa kilikili at ibabad ng ilang minute. Ang sandalwood ay nagpapaputi, samantala ang rose water ay nagpapalambot ng balat.

Ø Whitening Scrub – Kung ang dahilan ng pagkaitim ng kilikili mo ay pagkaroon ng maraming dead cells, gumamit ng whitening scrub para matanggal ang mga dead cells. Pumili ng produkto na sa tingin mo ay mapagkakatiwalaan at magiging epektibo.


MAITIM NA KILI-KILI: PAANO PAPUTIIN AT PANO MAIWASAN?
Kung sariling karanasan ang pag-uusapan, talaga namang nakakainis ang maitim na kilikili. Bilang babae na medyo maitim, kailangan kong tiisin ang katotohanan na maitim ang kilikili ko sa buong buhay ko bilang adulto. Hindi ko naman talaga laging iniisip iyon. Halos lagi din naman na nakatago iyon. Pero noong summer, tinaas ko ang braso ko para mag selfie at nakabungad ang kilikili ko sa picture. Talagang nakakainis iyon. Kaya naisip ko, bakit ba umiitim ang kilikili? At ano ba ang pwede kong gawin?

Ayon sa mga dermatologist na nakausap ko, hindi lang ako ang nagtatanong ng ganoon. Madaming tao ang nagrereklamo sa maitim na kilikili, siko at tuhod. Sinabi niya na pwedeng namamana ito at minsan ay dahil sa diabetes. Pero sa kabuuan, mas madalas ito sa mga likas na maitim. Mas malamang na maglabas ng maitim na pigment ang mga selula natin sa parting maitim. Dahil diyan, mas kita at mas madalas ang hyperpigmentation.

At ano ang epekto nito? Pag-aahit o shaving. Paminsan-minsan, inaahit natin ang kili-kili na pwedeng magdulot ng pagsusugat o pagka-irita. Sa tuwing nagkakaroon ng friction o yung pag-gasgas sa balat, mas kumakapal ang balat at ang makapal na balat ay kadalasan ng maitim o hyperpigmented.

Okay, eh paano naman kung hindi ka naman nag-aahit? Paano naman kung waxing? Ang totoo, hindi din naman masasabing sobrang ganda ng epekto nito. Kapag regular ka na nag-wawax, mas palalalain lang niyan ang sitwasyon lalo na kung balbon ka. Kung makapal ang hibla ng buhok at lagi kang nag-wawax, mas malamang na mangitim ang kilikili. Sa katunayan, ang makapal at maitim na buhok sa kilikili ay mas mas magpapaitim sa kilikili mo bago pa man ito tuluyang lumago.

Makakatulong  ang laser hair removal. Ang mga tao na may maitim na kilikili  ay kadalasan ng sinusulosyunan gamit ang laser hair removal dahil hindi ito gaanong nakaka-irita sa balat. Makakatulong din iyan para tumubo ang mas manipis na buhok. Kapag mas manipis ang buhok na tutubo sa kilikili, hindi mo na kailangan na laging mag-ahit at maganda yan para maiwasan ang hyperpigmentation.

Kung wala ka namang plano na magpa-laser (kadalasan ng P5,000.00 ang isang sesyon at kailangang gawin ito ng 4-6 beses bago makita ang resulta), ito ang magagawa mo para maalis ang trauma sa balat. Subukan mong mag-ahit sa direksyon kung saan tumutubo ang buhok at siguraduhin na gagamit ka ng shaving cream bago mo gawin ito.

Gagamutin ng mga dermatologist ang maitim na kilikili gamit ang mga retinoid o fading creams, pero hindi ito ganoon kadali dahil palaging nagkikiskisan ang balat mo sa kili-kili na nagdudulot ng iritasyon. Kaya dapat na humingi ka ng tulong sa propesyonal para pumuti ang kilikili at palaging ingatan ang bahaging ito. Maging banayad sa tuwing lilinisin ang kilikili at iyan ang pinaka-magandang magagawa mo para maiwasan ang paglala.

Dahil diyan, hindi mo naman kailangan na ubusin ang pera mo sa mga dermatologist kasi puwede mo namang gamutin iyan sa bahay. Subukan ang mga epektibong solusyon na ito na makukuha mo sa kusina para pumuti ang kilikili.

1. Katas ng kamatis -
Mabisa ito na pampaputi ng kilikili. Makakatulong din iyan para mabawasan ang labis na pagpapawis na pinakadahilan ng pangingitim. Gaya ng lemon juice, may sangkap na pampaputi o bleaching ang kamatis na magpapaputi sa balat.
Paano gagawin:
- Ipahid ang hilaw na kamatis sa kilikili araw-araw. 
- Makakatuling din ang regular na pagawa nito sa gabi.

2.   Gatas
Dahil sa dami ng bitamina at fatty acids, pinapalambot ng gatas ang balat at binabawasan ang pangingitim.
Paano gagawin:
- Maglagay ng 3 kutsaritang gatas sa baso at gamit ang bulak, ilagay sa kilikili
- Gumawa ng paste gamit ang yoghurt at harina.
- Paghaluin at ipahid
-  Ibabad ng 20-30 minuto at banlawan
- Gawin ito ng tatlong beses sa isang linggo para makita ang resulta. Matapos banlawan, gumamit ng natural na langis para ma-moisturize o lumambot ito.
Gawin ito para makaiwas sa matatapang na kemikal mula sa mga ibat-ibang produkto na nagiging sanhi ng iritasyon at pangingitim.

3. Calamansi Lemon
Pinakamahusay ang lemon sa pagpapauti. Mayroon itong antibacterial, antiseptic at acidic na mga sangkap na nakakatulong sa pag-aalis ng libag o yung maiitim na bahagi ng balat at nagpapaputi. Kung sensitibo ang balat mo, baka hindi ito ang solusyon sayo.
Paano:
- Hiwain ang lemon at ipahid sa kili-kili.
- Ibabad ng 5-10 minuto at hugasan
- Pwede mo itong lagyan ng turmeric o pinulbos na luya, asukal, honey o yoghurt at saka ipahid. 

4. Patatas - 
Mayroong malic acid ang patatas na nagpapaputi na pwede sa kahit anong uri ng balat. Isa pa, mayroon itong sangkap na makakatulong para lumambot ang balat.
Paano:
-       Balatan ang patatas at hiwain ng maninipis at saka ipahid sa kili-kili.
-       Pwede mo ding katasin ito at ipahid ang katas sa apektadong bahagi.
-       Ibabad sa loob ng 15-30 minuto at saka banlawan.
Ang patatas ay mayroong bleaching o nakakaputing sangkap at nakakaginhawang pakiramdam matapos ilagay sa balat.

5. Baking soda
Ang magagawa ng baking soda ay talaga namang napakadami. Buti nalang, madaling makahanap nito at napakamura pa. Sinasarhan nito ang mga pores sa balat at
nakakaalis din ng mabahong amoy.
Paano:
-       Paghaluin ang 1 kutsaritang baking soda at 1 kutsaritang tubig para makabuo ng paste at saka ipahid.
-       Pwede mong gamitin ang lemon o gataas sa halip na tubig para makabuo ng paste.
-       Hayaang mababad ng 10 minuto
-       Banlawan        

6. Pipino
Hiwain ng maninipis ang pipino at ipahid ito. Pwede ding gamitin ang juice ng pipino at samahan ng turmeric o luyang dilaw at lemon. Ibabad ng 30 minuto at banlawan.
There are several commercially prepared treatment for dark underarms. However, in most cases, doing it the natural way is also effective and beneficial because most chemicals found in artificial treatment can sometimes do more harm than good. Most of these remedies are available at your own home.
One of these is the use of lemon. Lemon is not only a natural cleanser but also has anti-bacterial and anti-septic properties. Its acidic properties help extensively in lightening your skin along with exfoliating dead skin cells. Aside from this, cucumbers can help too. Cucumbers are known to soothe itching and irritation. Lastly, you can also use natural scrubs such as baking soda to exfoliate the skin and get rid of damaged and dead cell leading to unclogging pores.


About the author

Jennifer Magsaysay

I consider myself open minded and straightforward. I'm not afraid to tell people what I think because I feel that being honest with others is better. I care about people and try to help others as much as I can in any way. I love meeting people from around the world and learn new things. I love animals. I love to travel !! My weakness would be that I get disappointed quickly when things don’t go my way.
Profession: Nurse / Beauty Consultant
Canada , Greater Toronto Area , Toronto

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jon Cabron
is a Mouse Operator in United Arab Emirates
kahit medyo maitim 'yung kili kili sa picture hindi ako magdadalawang isip halikan 'yan kung may pagkakataon.

nabanggit ko lang naman.
walang malisya.