Bakit masakit ang ulo ko? Anong klase ng headache ba ito?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Importanteng malaman kung anong klase ng headache ang nagdudulot ng sakit. Kung alam mo ang tipo ng headache mo, malulunasan mo ito nang wasto.

Sa isang pag-aaral noong 2004, 80% ng mga taong kamakailan lamang nagkaroon ng self-described o doctor-diagnosed na sinus headache, pero wala namang impeksiyon sa sinus, ay tumumpak sa criteria ng migraine.


Ito ang mga tips na magpapangalan sa sakit na nararanasan mo.


Tension headaches

Ang tension headache, ang pinakakaraniwang uri ng headache. Para itong tuloy-tuloy na pagsakit o pressure sa ulo, lalo na sa may gilid ng noo o kaya sa likod ng ulo at leeg. Ito’y hindi kasing lala ng migraine, hindi ‘to nagdudulot ng pagkahilo o pagsusuka, at minsan lang ito nakakahadlang sa mga pang-araw-araw na gawain.

Ang mga over-the-counter treatments, tulad ng aspirin, ibuprofen, o acetaminophen, ay madalas sapat na para malunasan ito. Naniniwala ang mga eksperto na dulot ito ng paninikip ng mga muscles sa leeg at scalp (kasama na rin ang pagresponde sa stress), at posible rin na sa pagbago ng mga kemikal sa utak.

 

Cluster headaches

Ang cluster headache ay mas nakakaapekto sa mga lalake kaysa sa mga babae. Kadalasan pabalik-balik na sakit ito ng ulo na dumadating ng grupo-grupo o cycle. Bigla-biglaan na lang ito magpapakita at lalala. Makakaramdam ng nakapanghihinang pananakit sa isang bahagi ng ulo, at madalas itong sinasabayan ng nagluluhang mata at pagbabara sa ilong sa parehas ring bahagi ng mukha.

Sa pag-atake nito, madalas nararamdaman ng mga tao na hindi sila mapakali at hirap sila maging komportable; madalas silang hindi makahiga, di katulad ng isang may migraine na magagawa naman ito. Hindi pa natutukoy kung ano ang nagdudulot sa mga cluster headache, pero posibleng may kinalaman ang genetics dito. Wala itong lunas, pero may mga gamot naman na magbabawas sa pagkadalas nito.

 

Sinus headaches

Sa tuwing namamaga ang sinus, madalas dahil sa impeksiyon. Pwede itong makadulot ng sakit. Madalas itong sinasabayan ng lagnat at matutukoy ito sa mga sintomas o sa paglabas ng nana na makikita gamit ang fiber-optic scope.

Ang mga headache na dulot ng impeksiyon sa sinus ay magagamot ng mga antibiotic, pati na rin ng mga antihistamine o mga decongestant.

 

Rebound headaches

Ang sobrang pag-inom ng mga painkiller para sa headache ay magdudulot rin ng mga rebound headache.

Kasama sa mga may sala ang mga over-the-counter medications tulad ng aspirin, acetaminophen, o ibuprofen, at pati na rin mga prescription drugs.

Isang teorya dito ay ang sobrang pag-inom ng gamot ay nakakatulak sa utak na maging unstable, na magdudulot naman ng susunod pang mga sakit sa ulo. Isa pa, ang mga rebound headache ay sintomas ng withdrawal.

 

Migraine headaches

Ang mga migraine ay maaaring namamana sa pamilya o kamag-anak, at matutukoy ito gamit ng mga ilang criteria.

• Mahigit limang beses na pag-atake ng headache.

• Tumagal ng apat hanggang pitumpu’t dalawang oras.

• Kahit dalawa lamang sa apat nito: pananakit sa isang bahagi lang, namamagang pananakit, katamtaman hanggang sa malalang pananakit, at pananakit na nakakahadlang, napapalala, o nagpipigil sa mga pang-araw-araw na gawain.

• Kahit isa sa mga ito : panghihilo o/at pagsusuka, o, pag hindi naman nagpapakita ang mga ito, ay ang pagiging sensitibo sa ilaw at tunog.


Bago ang migraine ay pwedeng maramdaman ito sa awra, tulad ng pagdistort ng paningin o pagmanhid ng kamay. (Mga 10% hanggang 20% ng mga taong may migraine ay nakaranas nito.)

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.