Bakit nagkaka pantal pantal sa pwet ng sanggol o baby? Diaper rashes buttocks, balm, paste thighs

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Bakit po nagkaka pantal pantal sa pwet ang sanggol o baby?


Topic: Why does my baby's butt have skin rashes?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang diaper rash ay isang pangkaraniwang iritasyon ng balat sa bahagi na natatakpan ng diaper kung saan lumilitaw ito bilang maliliit at mapupulang butlig o tagpi-tagping pamumula sa balat. Lumilitaw ito sa may puwet ng bata o sa iba pang parte na dumidikit sa diaper kagaya ng singit at hita. Nauugnay ang diaper rash sa pagkakababad ng puwet sa basang disposable diaper o lampin mula sa hindi madalas na pagpalit dito o kaya sa pagtatae. Maaari din magkaron ng diaper rash kapag ang sanggol ay kumain na ng solid foods, kapag may nakain ang nanay na nagpapadede sa sanggol o kapag ang bata ay uminom ng antibiotic. Sadyang nakaka-alarma kapag may diaper rash ang bata, at nakakairita din ito mismo para sa batang apektado nito. Ngunit may mga simpleng home remedies na nakatutulong sa pag-ginhawa at paggamot dito.

Ang mga susumusunod ay ang mga posibleng sanhi ng diaper rash:
• Iritasyon mula sa dumi at ihi. Ang matagal o madalas na exposure sa ihi at dumi ay nagdudulot ng iritasyon sa balat.
• Pagbigay ng bagong pagkain sa mga sanggol. Kapag nagsimulang kumain ng solid foods ang mga bata, nagbabago laman ng kanilang dumi kung saan mas nagdudulot ito ng iritasyon. Maaari din mabago ang dalas ng pagdumi kung saan nadadagdagan nito ang pagkakataong magkaroon ng diaper rash. Nagkakadiaper rash din ang batang dumedede sa ina kapag may nakain ang ina at naipapasa nito sa bata mula sa breastmilk.
• Iritasyon mula sa mga produkto. Ang mga ginagamit na disposable diapers, disposable wipes, at sabon, bleach o fabric softener na ginagamit na panlaba ng lampin ay nagdudulot ng iritasyon sa balat. Nakakairita din ng balat ang mga sangkap ng ibang polbo, lotion, at baby oil.
• Pagkakaroon ng impeksiyon mula sa bacteria o fungus.
• Sensitibong balat.
• Nagagasgas na bahagi ng balat mula sa sinusuot na diaper.
• Pag-inom ng antibiotic. Napapatay din ng antibiotic ang mga mikrobyo na kumokontrol sa dami ng iba pang mikrobyo. Pag nawala ang balanse ng mga mikrobyo sa balat, maaaring magdulot ito ng diaper rash.

Makatutulong ang sumusunod na agapan ang diaper rash:
• Maaaring gumamit ng diaper rash cream na may pangunahing sangkap na zinc oxide. Pinapahid ito sa apektadong balat para protektahan at bigyan ito ng ginhawa. Kahit walang diaper rash ay maaring ipahid ito para maiwasan ang iritasyon. Gumamit ng mga produktong para sa mga bata lamang.
Para mapabilis ang paggaling ng diaper rash, kailangang magkaron ng karagdagang airflow ang balat mula sa mga sumusunod na paraan:
• Hayaang hindi nakasuot ng diaper ang bata paminsan-minsan.
• Iwasan ang mga masisikip at plastic na diaper covers.
• Gumamit ng mas malaking sukat ng diaper kesa sa kadalasang ginagamit hanggang sa mawala ang diaper rash.
• Iwasang hugasan ang apektadong balat gamit ang sabon at wipes. Hugasan gamit lamang ang malinis na tubig.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.