Iba’t ibang dahilan kapag sumasakit ang nipples ng babae kahit anong edad. Pwedeng dahil ito sa puberty, PMS (pre menstural syndrome, o bago magka-menstural period), mensturation, kapag buntis, breastfeeding o menopause. Bagamat karaniwan nangyayari ito sa mga kababaihan, maaaring sintomas rin ito ng seryosong sakit. Kapag tumagal ito at may lagnat at lumalabas sa nipples mo, magpatingin agad sa doctor.