Bakit wag gagamit ng cotton swabs para panlinis ng tenga tainga? Panganib

Medical Team
is a Medical expert in United States

May mga tao na naniniwalang ang pagsundot ng cotton buds (Q-tip) sa kanilang mga tainga para magtanggal ng tutuli. Kahit sinong nagtatrabaho sa larangang medikal ang makakapagsabi sayo na nakakita na sila ng napakaraming panganib na nagreresulta sa paggamit ng cotton buds. Mula sa nabutas na eardrums hanggang sa namumuong tutuli, maraming masamang epekto na nagmumula sa “do-it-yourself” na paglilinis ng tainga.

May iilang mga bagay na ginagamit ng mga tao para linisin ang kanilang tainga. Ang mga pinaka interesanteng bagay ay nakikita sa loob ng opisina ng doktor.

Maraming tao ang hindi alam na hindi dapat linisin ang tainga ng cotton buds. Ito ay maaaring magresulta sa pagkabingi, pagkasugat o higit pa.

- Cotton swabs o cotton buds (Q-Tips)

- Pang-ipit sa buhok

- Tsane

- Ballpen o lapis

- Straw

- Paper clip

- Mga laruan

Kahit na ito ay iilan lamang mga bagay sa listahan, importanteng alalahanin na dapat ay walang bahay na tinutusok o pinapasok sa tainga para magtanggal ng dumi. Ito ay napakadelikado at maaaring magresulta sa pagkabingi at pagkasugat ng ear canal.

Ang ear canal ay may mga specialized na mga cells na gumagawa ng cerumen, o mas kilala bilang tutuli. Para sa ibang tao, mas mabilis magbuo ng tutuli ang kanilang tainga kumpara sa iba. Ito ay maaaring magresulta sa pagbubuo ng tutuli sa tainga na nagiging dahilan ng pagkabawas sa kakayahang makarinig, at sa ibang sitwasyon, ay pananakit sa tainga. Para maiwasang magpakonsulta sa doktor, mas ginugusto ng ibang taong tanggalin na lang ang tutuli sa pamamagitan ng paggamit ng cotton buds. Ito man ay mabisang paraan sa mata ng iba kumpara sa matagal na paghihintay sa labas ng opisina ng doktor, ang paggamit ng cotton buds ay mas nakakasama kesa nakakabuti.

Ang eardrum ay medaling naaabot gamit ang cotton bud. At dahil napakasensitibo ng eardrum, mabilis itong nasusugat at nabubutas ng gahit napakahinang sundot gamit ang cotton buds. Tanungin ang kahit sino mang nakaranas na ng nasugatang eardrum-hindi ito maganda sa pakiramdam. Ang pananakit ay napakalala at ang tainga ay maaari ring magtagas ng klarong likido. Kahit na gagaling din naman ang nabutas na eardrum, kadalasang matagal bago ito gumaling at maaaring magresulta sa conductive hearing loss o pagkabingi.

Ang tanong ngayon, kailangan ba talagang linisin ang ating mga tainga? Ang tanong ay nakakalitong parehong oo at hindi. Ang panlabas na parte ng tainga na nakikita ay mangangailangan ng masinsinang paglilinis paminsan minsan. Maaari itong gawin gamit ang kaunting sabon, tubig at bimpo.

Sa ibang kaso, ang ear canal ay hindi kakailanganing linisin. Tuwing naliligo, sapat na ang tubig na nakakapasok sa tainga para mapalambot ang namumuong tutuli. Dagdag pa, ang balat sa iyong ear canal ay tumutubo palabas, sa isang paikot na direksyon. Sa pagkatanggal ng patay na balat, sumasama ang tutuli dito. Kadalasang lumalambot at natatanggal ng natural ang tutuli habang ikaw ay natutulog. Hindi na talaga kakailanganing gumamit ng cotton buds.

Para naman sa may malalalang pagbubuo ng tutuli, magpakonsulta sa doktor. Madaling matatanggal ng doktor ang tutuli gamit ang kaunting peroxide na hinalo sa tubig ang ininject sa tainga. Ang proseso ay hindi masakit at napakaepektibo para magtanggal ng namuong tutuli. Kung ito ay madalas na nagiging problema, maaaring magtanong sa doktor ang mga pasyente kung paano ito magagawa kapag nasa bahay.


Kung ikaw ay nakakaranas ng pagbubuo ng tutuli o dumi sa tainga, tawagan at magpakonsulta sa isang doktor o medical professionals kung paano maglinis ng tainga. Huwag na huwag magsundot ng kahit anong bahay sa iyong ear canal, pati daliri. Ito ay maaaring makapagbuo at makapagpatigas ng eardrum o bumutas dito. Ang mabuting gawin ay kung hindi ka sigurado na ligtas ang ginagawa mo, kumunsulta sa doktor o propesyunal.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.