ANO ANG SANHI AT PINAKAMABISANG GAMOT SA BALAKUBAK? SINTOMAS, LUNAS, DAHILAN

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Gamot sa Balakubak

Ano ang nagiging sanhi ng balakubak? Causes
Ang eksaktong dahilan ng balakubak, ay hindi kilala. Gayunman, karamihan sa mga eksperto ay sumasang-ayon na ito ay HINDI dulot ng poor hygiene.

Several factors can contribute to the development of dandruff. First, failure to brush or comb hair regularly can be one of these factors. Brushing or combing aids the shedding of skin and failure to do it may result to the accumulation of dead skin on the scalp. Another factor that can cause dandruff is yeast which may worsen during colder months. Aside from this, certain medical conditions such as seborrheic dermatitis (irritated, oily skin), psoriasis, eczema, Parkinson's disease and decreased immunity can also lead to dandruff. Lastly, a deficiency in zinc, B vitamins, and some types of fats is also a triggering factor.

Ang mga salik na maaaring mag-ambag sa balakubak:
- Hindi sapat na pag brush ng buhok - Ang mga tao na hindi palaging nagsusuklay / nagbu-brush ng buhok ay may mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng balakubaK
- Yeast. Ang mga tao na sensitibo sa yeast ay nagkakaroon ng bahagyang mataas na panganib na magkaroon ng balakub
- Tuyong balat. Ang mga taong may dry skin ay may posibilidad na makakuha ng balakubak nang mas madalas. Ang malamig na hangin at mainit na kuwarto ay karaniwang sanhi ng kati at pagtuklap ng balat.
- Seborrheic dermatitis (irritated, oily skin). Ang mga taong may ganito ay madaling kapitan ng balakubak
- Hindi sapat na pag-shampoo. Ito ay maaring mag-ipon ng langis at cell buildup sa buhok na nagdudulot ng balakubak
- Ilang mga kundisyon sa balat. Ang mga tao na may psoriasis, eksema at iba pang mga karamdaman sa balat ay may posibilidad na makakuha ng balakubak
- Ilang mga sakit - Ang mga taong may sakit na Parkinson’s at iba pang mga neurological na sakit ay mas madaling kapitan ng balakubak at seborrheic dermatitis, pati na rin ang mga nagpapagaling mula sa atake sa puso at stroke, at ang ilang mga taong may mahinang immune system
- Reaksyon sa mga produkto para sa buhok at balat- Ang ilang mga tao ay may reaksyon dito bilang mapula, makati, at nagngangaliskis na anit
- Malassezia – ito ay fungus na nakatira sa anit ng tao at kumakain ng langis mula sa mga hair follicles; ito ay nagdudulot ng iritasyon at pangangaliskis ng anit
- Pagkain – Maaring magresulta sa balakubak ang hindi pagkain ng mga pagkain na mayaman sa zinc, B bitamina, at ilang mga uri ng mga bitamina
- Mental stress – Naniniwala ang mga eksperto na mayroong link sa pagitan ng stress at maraming problema sa balat
- HIV – Ayon sa pag-aaral, 10.6% ng mga taong may HIV ay may seborrheic dermatitis.

Diagnosis ng balakubak
Hindi mo kailangan ng isang doktor upang mag-diagnose ang balakubak. Magagawa mo ito sa iyong sarili. Kung nakikita mo ang katangi-tanging puting mga tuklap sa iyong anit, mayroon kang balakubak.

Kung gusto mo pa rin na magpatingin sa isang doktor, walang mga espesyal na paghahanda ang kakailanganin upang makatulong sa doktor na madiagnose ang balakubak.

Kung ang iyong balakubak ay hindi pa rin nawawala pagkatapos ng ilang linggo ng paggamot, dapat kang kumunsulta sa iyong doktor, lalo na kung may mga pula at namamagang tagpi sa anit.

Paano ko gamutin ang balakubak? Treatments
Maraming mga shampoo at produkto para sa anit sa mga botika, supermarket, at iba pang mga tindahan (tulad ng mga anti-dandruff shampoo na Gard, Head N Shoulders, etc). Bago gamitin ang antifungal shampoo tulad ng Nizoral, dahan-dahang alisin muna ang mga nangangaliskis o magaspang na mga tagpi sa iyong anit.

Kung mayroon kang balakubak sa iyong balbas maaari mong gamitin ang shampoo dito.

Karamihan sa mga anti-dandruff o anti-fungal shampoos ay naglaman ng isa sa mga sumusunod na aktibong sangkap:
- Zinc pyrithione. Nagpapahina ng produksyon ng yeast
- Selenium sulphide. nagpapahina ng produksyon ng natural na langis sa iyong anit
- Coal tar. ito ay natural anti-fungal agent
- Ketoconazole – isang epektibong anti-fungal
- Salicylic acids – Ito ay nag-aalis ng skin cells sa anit
- Tea-tree oil – Ito ay galing sa Australian Tea Tree (Melaleuca alternifolia) at isang antifungal, antibiotic, at antiseptic
- Green Tea- May potensyal sa paggamot ng dandruff and psoriasis

Tiyakin na ang mga shampoo ay manatili sa iyong anit ng hindi bababa sa limang minute bago mo banlawan ito.

Kung pagkatapos ng ilang linggo ay mayroon ka pa ring balakubak, dapat kang kumunsulta sa iyong doktor o dermatologist (espesyalista sa balat).

Since dandruff is a common condition affecting people of different ages, there are also several ways to manage it. One of these remedies is coconut oil which helps eliminate dandruff due to its antifungal properties. Coconut oil should be combined with lemon juice and the mixture should be rubbed and massaged on the scalp for a few minutes and then, left for at least 20 minutes before rinsing. This should be done two to three times a week. Aside from this, baking soda can also help reduce the overactive fungi that causes dandruff and with repeated use, it can restore production of natural oils that keep your scalp from becoming dry and flaky.

Ano ang mga posibleng komplikasyon ng balakubak?
Ang isang taong may balakubak o seborrheic dermatitis ay hindi kadalasang nakakaranas ng komplikasyon. Kung ito ay mangyari, malamang dahil ito sa mga produkto na ginamit. Kung nagdudulot ng pangangati ang iyong shampoo, itigil ang paggamit nito at magtanong sa iyong duktor.

Kung ang iyong anit ay nagiging mapula, malambot at namamaga, pumunta kaagad sa iyong doktor at magpakonsulta.


Dandruff commonly affects teens and adults and is easy to spot. White, oily looking flakes of dead skin that dot your hair and shoulders, and a possibly itchy, scaly scalp can be some of the indicators. However a form of dandruff known as cradle cap can also affect babies.This disorder, which causes a scaly, crusty scalp, is most common in newborns, but it can occur anytime during infancy. Although it can be alarming for parents, cradle cap isn't dangerous and usually clears up on its own by the time a baby is 3 years old.

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Makakapagdulot ba ng panlalagas ng buhok ang seborrhoeic dermatitis?
Makapagpaglagas ya bang buwak ing seborrhoeic dermatitis?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang malalang seborrheic dermatitis ay kalimitang nakakapagdulot ng pansamantalang pagkalagas ng buhok. Ang pagkalagas ng buhok na dulot ng seborrhoeic dermatitis ay bunga ng pangangaliskis at pamamaga ng iyong balat at kadalasan ito’y tumitigil kapag ang condition ay nasailalim ng mabisang pangagamot. Ang seborrhoeic dermatitits ay hindi nagdudulot ng permanenteng pagkalagas ng buhok.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maari ba akong gumamit ng moisturizers at make-up kung meron akong seborrheic dermatitis sa mukha?
Malyari kubang gumamit moisturizers ampong make-up nung atin kung seborrhoeic dermatitis keng lupa?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, maari kang gumamit ng mga ganitong produkto, ngunit ang make-up ay maaring magsanhi ng labis na irritation sa iyong balat. Ang mga non-greasy moisturisers at moisturizing soap substitutes ay nakakatulong sa seborrhoeic dermatitis, kay’t ito’y hinihikayat gamitin.
Walang dahilan kung bakit hindi ka pweding gumamit ng makeup sa mga parte ng iyong mukha na mayroong seborrhoeic dermatitis. Ngunit, maraming tao ang nakakarasnas ng labis na irritation sa balat kapag gumagamit ng make-up. Maari mo rin mapansin na hindi umiipekto ang make-up dahil sa mga bagbabago ng ng iyong balat.
Ang mga sabon at cosmetics na maroong alcohol ay maaring makairita sa iyong balat. Maari ka rinbumili ng mga produktong walang alcohol at pabango, na nakadesenyo para sa mga sensitibong balat, ito rin ay maaring magtaglay ng moisturizers. Sumangguni sa iyong GP kapag ika’y nagaalinlangan sa produktong gagamitin.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po ba gumamit ng antifungal shampoo? Makananung gagamit antifungal shampoo?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang paggamit ng antifungal shampoo ay tulad din sa paggamit ng ordinaryong shampoo, ngunit kailangan mo lang itong patagalin sa iyong buhok.
Kailiangan mo itong patagalin sa iyong buhok ng tatlo hanggang limang minuto bago ito banlawan. Maari mo rin ikalat ang bula nito sa iyong mukha, dibdib o likod kung apektado din ang mga bahanging ito. Madalas kailangan mo itong gamitin ng dalawa hanggang apat na beses sa isang lingo. Huwag itong gamitin ng mas madalas ng walang pahintulot sa iyong GP. Kung kailangan mong linisin ang iyong buhok ng dalawang beses o higit pa sa isang lingo, gamitin ang iyong pangakaraniwang shampoo.
Ang iba’t ibang produkto ay maaring may iba’t iba bisa. Laging basahin ang patient information leaflet na kasma ng shampoo, at kapag mayroon kang mga katanungan, sumangguni muna sa pharmacist o di kaya sa GP. Ang panggamot na shampoo ay kalimitan nakakapadama ng pagtutuyo ng buhok. Kung ito’y napansin, subukan gumamit ng moisturizing shampoo at conditioner pagkatapos banlwan ang buhok o di kaya sa pagitan ng paggamit ng antigungal shampoo.
Pitch Caneo
is in the Philippines
Sa isang linngo ilang beses lng pde mg shampoo at conditioner?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ang paggamit ng shampoo at conditioner everyday ay safe. Kapag wala kang dandruff avoid using anti dandruff shampoo dahil maaring mag-dry ang anit mo.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.