Cataract o katarata sa mata: Sintomas, Sanhi, Lunas, Opera, cure, remedy, symptoms, Gamot, Salamin

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Mga Katotohanan at Mga Kathang-Isip Ukol sa Katarata / Mga Kamatuuran ug Tuo-tuo Mahitungod sa Katarata

Ang katarata ay natural na resulta ng pagkakaroon ng edad. Sa pagdating ng panahon kung saan ang lente ng mata, na matatagpuan sa likod ng “pupil” o butas ng mata, ay tumatanda, ang “cells” nito ay namamatay at natitipon na siyang nagpapa-kulay dilaw sa lente at nagpapalubog dito. Ang resulta ay hindi malinaw na paningin at “fuzzy” na mga imahe. Mayroong limang karaniwang maling akala ukol sa katarata na kailangan nating baguhin. Una na dito ay ang “eye drops” ay nakakapigil o nakakalusaw sa katarata. Hindi ito totoo dahil ang katarata ay natural na resulta ng pagtanda subalit dahil hindi naman bagay ang katarata, walang produkto na nakakalusaw dito. Ang ikalawang maling akala ay ang malapitang pagbabasa o pagtatahi ay nakakalubha sa katarata. Hindi ito totoo dahil hindi naman lumabas ang katarata dahil sa kung paano mo ginagamit ang iyong mga mata. Ang ikatlo ay ang katarata ay pwede pang ipawalang-bisa. Hindi ito posible dahil hindi mapipigilan ang pagtanda ng ating mga lente. Ang ika-apat ay ang operasyon para sa katarata ay napakadelikado at ang pagpapagaling ay inaabot ng buwan. Hindi ito totoo sapagkat ang “cataract surgery” ay isa sa mga pinakaligtas na operasyon at mataas ang porsyento ng tagumpay. Ang ika-lima sa maling akala ay tumutubo ulit ang katarata. Hindi ito totoo dahil sa oras na mamatay ang “cells” ng ating lente at natipon, hindi sila tumutubo na tumatabon sa mata.

Sanhi / Hinungdan ng Katarata (Cataract), Causes

Ang karamihan ng mga katarata ay nabubuo kapag ang pagkakaroon ng edad o isang aksidente ang nagdudulot ng pagbabago sa “tissue” na bumubuo sa lente ng mga mata. Ang ibang katarata ay konektado sa pagkakaroon ng mga sakit na nagpapataas sa tsansa ng pagkakaroon ng katarata. Ito ay ay maaaring dulot ng ibang problema sa mata, diabetes, trauma o ibang operasyon na natamo ng mata.

One of the main causes of cataract is aging because as we age, some of the protein may clump together and start to cloud a small area of the lens. This is a cataract, and over time, it may grow larger and cloud more of the lens, making it harder to see. No one knows exactly why aging can possibly cause cataract, but there are some known factors which can possibly increase the chance of having cataracts. Some of these are ultraviolet radiation from sunlight and other sources, diabetes, hypertension, obesity, smoking, prolonged use of corticosteroid medications, -statin medicines used to reduce cholesterol, previous eye injury or inflammation, previous eye surgery, hormone replacement therapy, significant alcohol consumption, high myopia and family history.


Paano nabubuo ang katarata? / Naunsa pagkaporama ang katarata?

Ang lente kung saan nabubuo ang katarata ay makikita sa likod ng may kulay na parte ng mata o “iris”. Ang lente ang siyang nagfo-focus ng liwanag na dumadaan sa mata, na nakakapagbuo ng malinaw na mga imahe sa “retina”. Ang katarata ang nagpapahiwa-hiwalay sa mga liwanag habang dumadaan ang liwanag sa mga lente kaya naman hindi klaro ang mga imahe na umaabot sa retina. Bilang resulta, ang iyong paningin ay lumalabo. Habang ikaw ay tumatanda, ang lente ng iyong mata ay mas hindi na “flexible”, hindi na masyadong klaro at kumakapal rin. Habang ang katarata ay patuloy na nabubuo, ang panlalabo ay mas lumalaki at mas malaking parte ng lente ang naaapektuhan. Ang katarata ay maaaring mabuo lamang sa isang mata subalit karaniwang nabubuo sila sa bawat mata. Subalit ang katarata ay karaniwang hindi masyadong pareho sa bawat mata, ang katarata sa isang mata ay maaaring mas malubha kaysa sa kabila. May iba’t-ibang klase ng katarata at sila ay ang “nuclear cataracts”, “cortical cataracts”, “posterior subcapsular cataracts”, at “congenital cataracts”.


Ano mga Sintomas? Symptoms

Maaaring hindi ka makapansin ng sintomas kapag bago pa ang katarata. Sa panahong mas malubha na ito, ang kabawasan sa pagiging malinaw ng mata na hindi nakokoreksyonan ng salamin ay nagiging kapansin-pansin. Merong pagkawala ng kakayanang tukuyin ang “contrast” ng mga kulay. Mayroon ring parang dumidisturbong liwanag sa paningin dahil sa mga liwanag na naghihiwa-hiwalay dahil sa katarata. Mayroon ring “halos” na mamakita sa paligid ng mga liwanag. Mawawalan ka ng kakayanang makakita sa gabi. Hindi naman nagdudulot ng pananakit sa mata o nagdudulot ng pag-iiba ng hitsura ng mga mata.

Cataract is an eye condition that develops slowly and may not be noticeable in its early stages. Generally, cataract is described as clouding of the normally clear lens of the eyes, which may interfere with your activities such as reading and driving a car. Moreover, patients who have this condition often complain of a clouded vision comparable to looking through a frosty or fogged-up window. Aside from this, other signs and symptoms associated with cataract are increasing difficulty with vision at night, sensitivity to light and glare, seeing "halos" around lights, frequent changes in eyeglass or contact lens prescription, fading or yellowing of colors and double vision in a single eye.


Lunas / Tambal, Cure, treatment, remedy

Ang nag-iisang lunas para sa katarata ay operasyon. Makipag-usap sa iyong doktor sa mata kung angkop ba para sa iyo ang operasyon. Karamihan sa mga doktor ay nagsasaalang-alang ng cataract surgery kapag ang iyong katarata ay nagsisimula nang umapekto sa kalidad ng iyong pamumuhay o sa iyong abilidad na gumawa ng normal na gawain tulad ng pagbabasa at pagmamaneho sa gabi. Nasa iyo ang desisyon at sa iyong doktor kung ikaw ba ay magpapa-opera sa katarata. Sa pag-oopera sa katarata, tinatanggal ang malabong lente at pinapalitan ng “clear” na “artificial lens”. Ang “artificial lens” na tinatawag na “intraocular lens” ay pinosisyon sa parehong pwesto ng natural na lente at nagiging permanenteng parte na ito ng mata. Ang operasyon na ito sa kabuuan ay napakaligtas ngunit may tsansa pa rin sa impeksyon o pagdurugo. Matapos ang operasyon, may mararamdaman kang kirot sa loob ng ilang araw at gagaling ka na matapos ang mga walong linggo.

Aside from the conventional management of cataracts which typically involves surgery, there are also natural ways to reverse the symptoms of this condition and improve the patient's vision. It is best to begin changing your lifestyle and limit your exposure to factors that can possibly lead to cataracts.

First, it is advisable that you change your diet to organic living foods. Avoid all preservatives, GMO foods and corn fructose. Second, maintain proper hydration. Cataracts are denatured lens proteins (denatured = dehydrated). Proper hydration is also the best way to reduce your toxic load. Third, be tested for heavy metal poisoning and if heavy metals are present have them treated. The only proper way is to have a six-hour urine challenge test with a provocative agent to measure the heavy metals. If you have elevated heavy metals you need to undergo chelation therapy. Aside from these, some home remedies are also found to be beneficial in managing cataracts and are supported by the results of some clinical trials. Some of these remedies are placing a few drops of raw organic honey in the eyes twice or more each day, consuming plenty of carrots or drinking two glasses of fresh carrot juice daily and eating two or three cloves of raw garlic daily, chewing slowly, to clean the crystalline lens of the eye.


 


Pagbabago sa Pamumuhay at Home Remedies/ Mga Kabag-uhan sa Panginabuhi ug mga Tambal ng Makita sa Balay

Kung paano mapakikitunguhan ang sintomas ng katarata (cataract) habang hindi ka pa nakakapag-desisyon na magpa-opera, subukan na:


· Siguraduhing ang iyong salamin o “contact lenses” ay ang eksaktong nireseta ng doktor

· Gumamit ng “magnifying glass” kapag nagbabasa

· Paigihin ang liwanag sa bahay sa pagdaragdag ng marami at maliliwanag na lampara


· Kapag ikaw ay lumalabas ng bahay sa araw, gumamit ng “sunglasses” at sombrero na makakabawas sa nakakasilaw na araw

· Limitahan ang pagmamaneho sa gabi


Kung nagsisimula nang umapekto sa iyong pamumuhay ang katarata, marapat nang isaalang-alang ang cataract surgery.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Almarie Aguilon
is in the Philippines
nakakabulag po ba ang katarata?
Almarie Aguilon
is in the Philippines
nakakabulag po ba ang katarata?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.