Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD: Sintomas, gamot, lunas

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD): Pumapatay ng Maraming mga Baga

Ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) ay tawag sa grupo ng mga sakit sa baga na nagdudulot ng hindi normal na pagdaloy ng hangin sa loob ng baga at nagpapahirap sa atin sa paghinga. Sa United States, may estimated na 24 na milyon na tao ang pinaniniwalaang may COPD. Sa 24 na milyon, 12 million ang wala pang alam na sila ay may COPD. Ang COPD rin ang ikaapat sa mga nangungunang sakit na dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa United States, na tinatayang kumikitil ng 127, 000 na buhay kada taon at ikatlo sa cause of death sa buong mundo. Hindi lang paninigarilyo ang sanhi ng COPD, ang second-hand smoke, mga occupational dust at chemicals, air pollution, at genetic factors ay maaari ring magdala ng COPD. Mas maraming namamatay na babae buhat ng COPD kaysa sa mga lalaki. May apat na libong kabataan ang nagsisimulang manigarilyo kada araw.
Generally, symptoms of chronic obstructive pulmonary disease (COPD) do not appear until significant lung damage has occurred. This condition is also characterized by episodes of remissions and exacerbations. Two common respiratory conditions that fall under COPD are emphysema and chronic bronchitis. For chronic bronchitis, the main symptom is a cough that you have at least three months a year for two consecutive years. Other signs and symptoms of COPD include shortness of breath that worsens during physical activities, wheezing, chest tightness, excess mucus in the lungs, a chronic cough that produces sputum that may be clear, white, yellow or greenish, blueness of the lips or fingernail beds (cyanosis), frequent respiratory infections, lack of energy and unintended weight loss (in later stages).

Sanhi at Transmission
Ang Chronic Obstrcutive Pulonary Disease (COPD) ay nilalarawan ng chronic na obstrsuction sa airways na nagpapahirap sa paglabas ng hangin sa baga. Ang obstruction sa air flow sa kabuuan ay permanente at maaari pang maging mas seryoso pagdaan ng mga taon ngunit mayroong mga gamot upang malunasan ang mga nararamdamang sintomas. May dalawang sakit ang related sa COPD at ito ay ang chronic bronchitis at emphysema. Sa chronic bronchitis, mayroong “inflammation” at pamamaga sa lining ng airways na nagiging sanhi ng kanilang pagkipot at obstruction. Sa emphysema, mayroong permanenteng pagluwag ng airways na nagiging sanhi rin ng pagkipot at obstruction. Iyong may mga asthma, kapag hindi nahahanapan ng lunas tuwing umaatake ang sakit ay maaaring magkaroon ng COPD. Ito ay dahil sa chronic na inflammation na dala nito na maaaring maka-obstruct sa daanan ng hangin at maging permanente nang may bara. Ang COPD ay nagdudulot ng poor gas exchange sa baga na nagreresulta sa mababang oxygen level sa dugo, mataas na carbon dioxide level, at hirap sa paghinga. Ang pinakamalaking sanhi ng COPD ay ang paninigarilyo. Ang iba pang sanhi ay nasabi na sa itaas tulad ng polusyon sa hangin, pabalik-balik na infection sa baga, at isang inherited na sakit na tinatawag na “alpha-1 antitrypsin deficiency.”

The cause of COPD is multi-factorial and smoking is one of the top causes. Cigarette smoke is by the far the most common reason why people get COPD. You can also get it from tobacco products, like cigar and pipe smoke, especially if you breathe in the smoke. Moreover, even if you don't smoke yourself, you can get COPD from living with a smoker and breathing in smoke. On the other hand, air pollution can also lead to COPD. Inhalation of chemical fumes, dust, or toxic substances at work can also cause it. Furthermore, COPD can also be inherited. About 3 in 100 people with COPD have a defect in their DNA, the code that tells your body how to work properly. This defect is called alpha-1 antitrypsin deficiency or AAT deficiency. Your lungs don't have enough of a protein needed to protect them from damage. If you or a family member had serious lung problems - especially at a young age - you're more likely to have AAT deficiency. Lastly, though it's not common, asthma can also lead to COPD, especially if it was left untreated.

Sintomas
Ang mga sintomas ng COPD ay hindi nagiging kapansin-pansin hanggat hindi pa malaki ang damage na naidulot nito sa baga. Subalit kung nagsimula na itong lumabas, ang mga sintomas ay karaniwang gumagrabe sa paglipas ng oras. Para sa chronic bronchitis, ang main na sintomas ay ang ubo na may tagal na tatlong buwan kada taon sa loob ng sunod-sunod na dalawang taon. Ang iba pang mga sintomas ay hirap sa paghinga lalo na kapag may mga gawain, “wheezing” o mga tunog na naririnig sa baga, pagsikip ng dibdib, pag-ubo ng maraming plema sa umaga buhat ng sobra-sobrang plema na namumuo sa baga, ubong hindi mawala-wala na nagpo-produce ng plema na kulay puti, dilaw, o berde, pagiging kulay ube ng mga bibig at kuko, madalas na respiratory infections, mababang enerhiya, wala sa planong paggaan ng timbang.

Lunas, gamot, cures
Kapag nadiagnose kang may COPD, huwag isiping katapusan na ng mundo. Para sa bawat stage ng sakit, may lunas na epektibo sa pagkontrol ng sintomas, pagbaba ng komplikasyon, at magbagong buhay tungo sa malusog na pamumuhay. Ang pinaka-importanteng hakbang sa treatment plan ng may COPD ay ang pagtigil sa paninigarilyo. Ito ang tanging paraan upang hindi na grumabe pa ang sakit. May mga gamot ring maaaring ibigay ang doctor para sa iyo tulad ng bronchodilators. Ang mga gamot na ito ay karaniwang nagpaparelax ng muscles sa mga daanan ng hangin. Mayroon ring inhaled steroids na nagre-reduce ng airway inflammation at mayroon itong mga side effects na kailangang tandaan. Mayroon ring combination inhalers, oral steroids, theophylline, at antibiotics. Ang mga karagdagang therapies na maaaring i-order ng doctor ay oxygen therapy at pulmonary rehabilitation programs tulad ng pagkakaroon ng wastong kaalaman tungkol sa COPD, pag-eehersisyo, nutrition advice at counseling. Pwede ring sumailalim sa operasyon ng lung volume reduction surgery at lung transplant.

Treatment for COPD involves smoking cessation, management of airway inflammation and maintenance of adequate ventilation. This can be achieved by utilizing a multidisciplinary approach. Certain medications such as inhaled corticosteroids and mucolytic agents are used to manage COPD symptoms. Oxygen therapy is also beneficial to address progressive hypoxemia.

Home Remedies at Prevention (paano maiwasan)
Para sa pagkontrol ng COPD, may magagawa tayong mga simpleng gawain upang maibsan ang mga sintomas nito. Ito ay ang paglilinis sa airways sa pamamagitan ng wastong paraan ng pag-ubo, pag-inom ng maraming tubig. Mag-ehersisyo din regularly dahil ito ay nakakapag-improve ng overall strength at endurance ng respiratory muscles. Kumain ng masusustansyang pagkain. Iwasan ang paninigarilyo at air pollution at regular na magpa-check-up sa iyong doctor.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Magkatulad po ba ang hika at COPD? Pareho raba ang hubak ug COPD?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang hika at ang COPD ay nagdudulot ng pare-parehong sintomas. Ang malaking kaibahan ay ang sintomas ng hika ay karaniwang nandiyan o kaya nama’y nawawala kumpara sa COPD na hindi na nawawala pa at ang sintomas ay pabalik-balik.
Kung ikaw ay may hika, ang iyong daanan ng hangin ay naiirita at namamaga at sa ibang mga panahon, halimbawa kung ikaw ay na-expose sa alikabok o kapag ikaw ay nag-eehersisyo. Ito ay nagsasanhi para sila ay kumipot at nagpapahirap sa iyong paghinga. Subalit kung ikaw ay may COPD, ang pamamaga sa iyong daanan ng hangin ay permanente na at kaya naman ang sintomas ay hindi nawawala.
Ang COPD ay karaniwang nagdedelope sa mga tao na higit sa 40 taong gulang, kumpara sa hika na karaniwang nagsisimula sa pagkabata. Ang pinaka-karaniwang sanhi ng COPD ay ang paninigarilyo, at ikaw rin ay mas mataas ang tsansang makakuha nito kung meron kang hika.
Bagamat ang hika at COPD ay pare-pareho, ang sintomas ng hika ay bumabalik at nawawala. Ang mga sintomas ay tila nagsisimula bilang reaksyon sa ilang mga “triggers” at maaaring paiba-iba ang lubha. Mas madalas na nahihirapan kang huminga at may “wheezing” na gumigising sa iyo sa gabi kung meron kang hika. Mapapansin mong magkakaroon ka ng pangmatagalang ubo at nagkakaroon ka ng maraming plema kung ikaw ay may COPD.
Makipag-usap sa iyong doktor kung ikaw ay nababahala sa sintomas ng iyong hika o COPD. Maaari ka niyang tanungin sa iyong mga sintomas at susuriin ka rin ng doktor. Maaari ka niyang bigyan ng mga “breathing tests” tulad ng spirometry test upang masuri kung ikaw ba ay may hika o COPD. Ang “reversibility test” kung minsan ay nakakatulong sa pagtukoy sa kaibahan ng hika at COPD. Ito ay sinusuri ang iyong paghinga bago at matapos gumamit ng inhaler.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ba ang kahulugan ng resulta ng aking spirometry test? Unsa ang pasabot sa resulta sa akong spirometry test?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang iyong doktor o nurse ay susukatin kung gaano karaming hangin ang kaya mong ibuga sa isang paghinga, at kung gaano mo kabilis napapalabas ang hangin na ito. Ito ay tinatawag na “spirometry test”. Ito ay ang “forced expiratory volume” sa isang segundo (FEV1) at ang “forced vital capacity (FVC)”.
• Ang FEV1 ay ang dami ng hangin na kaya mong ibuga palabas sa loob ng isang segundo.
• Ang FVC ay ang suma ng dami ng hangin na kaya mong ibuga palabas sa isang mahabang malalim na hinga.
Ang iyong doktor ay pag-aaralan ang proporsyon ng suma ng hangin na iyong naibubuga sa loob ng isang segundo. Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng paghahati sa FEV1 sa FVC (FEV1/FVC). Ang tatlong resulta na ito ay nakakatulong sa iyong doktor upang malaman kung ikaw ba ay may COPD o iba pang problema sa paghinga. Siya ay makukumpara ang mga resultang ito sa resulta na inaasahan para sa isang kahalintulad sa iyong edad, tangkad at kasarian.
Kung ikaw ay may COPD, hindi mo kakayaning magbuga ng hangin palabas na kasing-bilis ng taong wala ang kondisyon na ito. Ang iyong FEV1 ay mas mababa sa normal (mababa sa 80 porsyento sa nararapat asahan) dahil maliit lang ang nabubuga mong hangin sa isang segundo.
Ang iyong FEV1/FVC ay mababa (mababa sa 0.7 kung ang pinakamataas na resulta ay 1). Ito ay dahil nakakabuga ka lamang ng maliit na kabuuang dami ng hangin sa iyong baga sa isang segundo.
Ang mas mababang resulta para sa FEV1 at FEV1/FVC, ay nangangahulugan ng mas malubhang COPD. Magtanong sa iyong doktor kung meron kang mga tanong para sa iyong spirometry results.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron po ba ako magagawa kung nakakaramdam ng hirap sa paghinga? Naa ba koy mahimo kung gakabatian nako nga lisud iginhawa?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, merong mga maraming pamamaraan sa paghinga ang makakatulong sa iyo na makasabay kapag ikaw ay nahihirapang huminga. Kung ikaw ay nakukulangan ng hangin, importante na subukan mong mag-relax at kumalma. Humanap ng komportableng posisyon at siguraduhing ang iyong likod ay may suporta at kung saan makakarelax ang iyong mga balikat, braso at kamay. Ito ay nangangahulugan na ikaw ay dapat maupo, o maghanap ng bagay kung saan ka makakayukod at siyang susuporta sa iyo, tulad ng silya o mesa. Tutukan ang iyong paghinga nang marahan sa iyong ilong at ibuga ito palabas sa iyong ilong o bibig.
Kung nararamdaman mong mas nahihirapan kang huminga kung mas aktibo ka, subukan ang mga pamamaraan na ito.
• Tumutok sa paghinga ng malalim, at dahan-dahang paghinga – hinga papasok sa ilong at palabas sa bunganga.
• Paliitin ang iyong bibig (na para bang ikaw ay pumipito) habang ikaw ay humihinga palabas. Nagpapabagal ito sa paghinga at ginagawang itong mas epektibo.
• Habaan ang paghinga at tipunin ito kung may gagawin na nangangailangan ng maraming tiyaga, tulad ng pag-akyat sa hagdan o matagal na pagtayo.
• Iakma ang iyong paghinga depende sa aktibidad na iyong ginagawa tulad ng pag-akyat sa hagdanan. Huminga ng hangin kapag umaakyat sa hagdan at palabas kapag ikaw ay aapak na sa susunod na hagdan.
Ang iyong “physiotherapist” ay maaari kang turuan ukol sa mga ehersisyo at kontrol sa paghinga.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kailangan ko po bang mag-ehersisyo kung meron akong COPD? Kinahanglan ba ko mag-exercise kung naa koy COPD?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, subukang mag-ehersisyo sa abot ng makakaya kung meron kang COPD kahit na mararamdaman mong mahihirapan kang huminga nang kaunti.
Kung ikaw ay may COPD, maaari mong maramdaman na hindi na gumawa pa ng kahit anong gawain na magdudulot sa iyo na lalong mahhirapan huminga. Maaari mong isiping kailangan mong bawasan ang iyong mga aktibidades dahil nababahala ka na baka hindi ka na makahinga. Subalit hindi ito totoo. Ang pagbabawas sa dami ng iyong gawain ay mas nakakalubh a sa sitwasyon dahil nababawasan nito ang iyong pagiging malusog – nangagahulugang mas madali kang mahihirapang huminga kapag ikaw ay nagiging aktibo.
Ang pagkakaroon ng regular at magaang ehersisyo at ang dahan-dahang pagpapabigat sa dami ng ehersisyo na iyong ginagawa ay tumutulong na mapabuti ang iyong paghinga at nagiging mas komportable ang iyong pakiramdam. Kapag ikaw ay nenerbyos o matagal-tagal nang hindi nakapag-ehersisyo, simulan ito sa maiikling paglalakad-lakad – hindi mo nga kakailanganing umalis sa bahay. Kung ikaw ay nakakapaglakad-lakad, subukang maglakad-lakad ng 20 hanggang 30 minuto, tatlo o apat na beses bawat linggo.
Huwag mabahala kung nakakaramdam ka ng kaunting hirap sa paghinga – maaaring huminto muna at siguraduhin munang nakakahinga ka nang normal at pwede ka ng bumalik ulit sa paglalakad. Kung hindi ka na makalakad, isang physiotherapist ang pwedeng magturo sa iyo ng mga ehersisyo sa bahay. Ang mga ehersisyong ito ay maaaring kakailanganin kang i-twist ang iyong itaas na katawan at ang pag-stretch ng iyong mga braso.
Importanteng maging aktibo sa lahat ng makakaya. Kahit na ang maliit na oras ng pag-eehersisyo ay nakakatulong kung ikaw ay may problema sa baga.
Ang ehersisyo ay importanteng parte ng programa sa rehabilitasyon ng baga. Magtanong sa iyong doktor kung ano ang kanyang mairerekomenda.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit po importante ang dyeta sa mga taong may COPD? Ngano kahang importante ang pag-diet sa mga tao nga nay COPD?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Importanteng kumain ng masustansya at balanseng pagkain at panatilihin ang malusog na timbang kung meron kang COPD. Pangkaraniwang nangyayari ang pagkawala ng timbang kung ikaw ay may COPD. Maaari kang makagamit ng maraming enerhiya sa mataas na pangangailangan na huminga. Ang pagiging maliit ang timbang ay negatibo ang hatid sa mga merong COPD. Subalit, importante ring hindi maging sobrang taba dahil nagpapataas rin ito sa mga problemang konektado sa COPD.
Kung ikaw ay may COPD, ang mga sumusunod na payo sa malusog ba pagkain ay maaaring makatulong.
• Kumain ng maliit ngunit parati at kainin ang iyong pagkain nang dahan-dahan. Ito ay mangangahulugang mas hindi ka mahihirapang huminga.
• Pumili ng pagkaing mataas sa protina tulad ng lean meat at isda. Subukang huwag masyadong kumain ng maaasukal na mga pagkain. Kung ikaw ay pinayuhang pabigatin ang iyong timbang, maaaring kakailanganin mong damihan ang taba sa iyong dyeta. Ito ay dahil ang taba ay maraming nilalamang “calories” o enerhiya.
• Kung magluluto, magluto ng maramihan at i-freeze ang sobra para meron kang pagkaing handa na kung sakaling tinatamad kang magluto. Pumili ng pagkaing hindi masyadong matagal kung ihanda.
• Siguraduhing uminom ng sapat na tubig. Ito ay makakatulong na panipisin ang iyong mga plema. Makipag-usap sa iyong doktor para sa kagdagang impormasyon ukol dito. Maaaring siya ay merong mga payo kung gaano karaming tubig ang pwedeng inumin.
Kung ikaw ay napakabigat ang timbang, ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda sa iyo na makipag-kita sa isang dietitian. Maaari ka niyang payuhan na uminom ng mga “nutritional supplements” upang tulungang maibalik ang iyong malusog na timbang. Tanungin ang iyong doktor para sa mga payo kung ikaw ay nababahala sa iyong timbang.
Kung sobra ang iyong timbang, subukang bawasan ang sobrang ito. Ang pinaka-epektibong paraan ay ang pagkain ng maliliit na bahagi at damihan ang ehersisyo na iyong ginagawa. Maaaring hindi masyadong maganda ang epekto sa iyo kung biglaan mong babawasan ang iyong sobrang timbang kaya naman magtanong sa iyong doktor o dietitian para sa mga payo.
Rizza Carla Bajilidad
is in the Philippines
Good morning.. COPD ba itong sakit ko? Umuubo ako pero Hindi sya continuous.. Merong SA umaga, sa gabi minsan nman sa madaling araw.. Merong plema Na puti din.. Tapos minsan sa subrang ubo ko ng susuka ako.. Tapos ayun Na yung hika ko... Please help nman.. Salamat.
1 person likes this
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day po, Sa mga nabasa ko po halos ata po lahat ay nagtugma sa sintomas na nararanasan ko halos mag 2 years na po ang ubo ko na pabalik balik. kaya nag alala po ako ng husto dahil wala naman po ako na bisyo lalo na ang paninigarilyo. Nag pa check up nadin po ako at naresitahan na po ng mga gamot at nasubukan ko na din po na mag ''spirometry test'' . Pero yung nakuha ko po ang result hindi na po ako bumalik sa doctor ko dahil po natatakot po ako, kaya pinag patuloy ko nalng po ang gamot na naresita ni doc sa akin and yung pangpausok po na 3 times a day para makatulong sa pag paluwag ng dibdib ko. pag katapos po nyan naging maayos naman po ako nawala po ang pag ubo ko na may ksamang plema na puti pero po nag sisimula na naman po ang pag ubo ko last August 2018 until now po. Active po ako sa mga activities nuon sa mga sports , sa pag drums etc. kung san napagpapawisan po ako, pero ngayon madalang nalang po ako talaga mapag pawisan o mkapag exercise simula po sa office po ako nag work, at naging mahina po ako talaga kumain ng mga gulay. Ang tanong ko naman po ang COPD po ba ay nakakahawa?
Maraming salamat po.