Dengue: Sintomas, paano maiwasan, gamot, cures, remedies, sanhi

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang Dengue Fever ay isang sakit na dala ng kagat ng lamok na karaniwang nakukuha sa mga tropikal o subtropikal na mga bansa. May klase ng Dengue na hindi masyadong malubha at ito ay ang Dengue Fever. Ang isang seryosong klase ay tinatawag na Dengue Hemorrhagic Fever na nagdudulot ng grabeng bleeding, biglaang pagbaba ng blood pressure o kaya ay pagkamatay.


Description at Sanhi (Causes)

Milyon ang kaso ng Dengue na naitatala taon-taon. Ito ay pinaka-karaniwan sa Southeast Asia at Western Pacific Islands. Ngunit ang sakit ngayon ay tumataas na ang bilang sa Latin America at Caribbean. Mayroong mga researchers ngayon na sumusubok lumikha ng vaccines para sa dengue. Ngunit ang pinaka-maigi pa ring prevention nito ay ang pagsira sa mga pugad ng mga lamok na nagdadala ng nito.


Ang Dengue virus ay dala ng lamok na Aedes Aegypti. Maraming klase ang Dengue Virus na kapag nakapasok sa Circulatory System ay maaaring magdulot ng mga epekto tulad ng mga flu-like na sintomas hanggang sa severe forms na umaapekto sa lapot ng dugo, madaling pagkasira ng mga ugat at madaling paglabas ng mga blood components sa blood vessels patungo sa mga tissue at hindi sa circulatory system. Itong mga epekto ng severe forms ay nagdudulot ng iba pang grabeng sintomas tulad ng pagbaba ng blood pressure hanggang hindi na kaya ng blood pressure na magcirculate ng dugo sa buong katawan. Magkakaroon ng kakulangan ng oxygenation ang ibat-ibang parte ng katawan dahil hindi na nakakabot ang dugo dito. Dahil mababa ang blood pressure, binibilisan at pinalalakas ng puso ang pagtibok nito upang makaabot ang dugo sa malalayong parte ng katawan. Subalit umaabot ang puso sa kanyang hangganan at bigla itong manghihina, hindi na gumanang mabuti, huminto sa pagtibok, at maaaring ikamatay ng pasyente. Maraming komplikasyon ang Dengue tulad ng Pneumonia, pagkasira ng kidney, paglaki ng puso, at marami pang iba. Tinutugunan ang mga ito sa pamamagitan ng pagmanage sa mga sintomas.



Sintomas or Symptoms

Ang sintomas ng Dengue ay lumalabas sa ika-apat hanggang ika-sampung araw mula nang makagat ng Aedes Aegypti na lamok na may dalang Dengue virus. Ang mga sintomas nito ay lagnat, pagsakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan. Maaari ring magkaroon ng mga rashes, mahilo at magsuka, konting pagdurugo sa gilagid at ilong. Ito ang mga sintomas sa hindi pa masyadong malala na klase ng Dengue. Subalit kung hindi nakaya ng katawan ng magrecover mula sa minor na sintomas, maaaring lumabas ang malalalang sintomas na maaaring makamatay. Dahil ang mga blood vessels ay nagiging “leaky” dahil rin sa pagbaba ng platelet sa bloodstream, ito ay nakapagdudulot ng pagdurugo sa ilong at bibig, grabeng pagsakit ng tiyan, pagsusuka, problema sa baga, atay, kidney at puso. Nada-diagnose ang Dengue fever sa pamamagitan ng Complete Blood Count. Ang biglaang pagbaba ng platelet count ay isang objective na sintomas at kapag pinagsama ang ibang sintomas ay umaabot ang mga doctor sa konklusiyon na may dengue ang pasyente.



Lunas or cures and treatments

Walang specific na matatawag na lunas para sa dengue. Ang doctor ay maaaring magrekomenda na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration mula sa pagsusuka at mataas na lagnat. Binibigyan ng paracetamol ang pasyente upang maibsan ang pananakit ng katawan at pababain ang lagnat. Iniiwasan din ang mga pain reliever na maaaring mag-increase ng bleeding tulad ng aspirin, ibuprofen at mga naproxen sodium. Sa hospital, supportive care ang tinatawag kapag bawat sintoma ay binibigyan ng kaukulang lunas. Ikinakabit ang pasyente sa Intravenous fluid upang hindi madehydrate at mapunan ang electrolytes na nawala, minomonitor ang blood pressure, at kung minsan, kung maraming nawalang dugo ay nagbibigay ng blood transfusion ang doctor para sa pasyente.



Home Remedies:

Tulad ng maraming sakit, ang dengue kapag nasa bahay lang ay kailangan ng maraming tubig at pahinga. May ibang nagsasabing uminom ng ganitong gamot, herbal at kung anu-ano pa. Ngunit walang lunas ang dengue. Kung masyadong bumababa ang platelet at may nagdurugo na sa iyong katawan ay huwag nang mag-atubiling magpa-hospital, magpakuha ng blood tests, at magpamonitor ng blood pressure. Importanteng-importante na i-monitor ang blood pressure dahil mas maraming komplikasyon kapag nagsimula na itong bumaba. At ibat-iba ang hatid na sintomas ng dengue virus. May mga virus na mas mabilis ang epekto at may klase na mahihina lamang. Nakakarecover ang tao sa dengue sa pamamagitan lamang ng kanyang immune system kung kaya naman ang maagang pagdetect nito ay mabisang gamot.


Paano maiwasan ang dengue?

Para rin maiwasang makagat ng Aedes Aegyti na lamok ay huwag natin hayaang makapamugad sila sa ating tahanan. Itapon ang lahat ng stagnant waters at mga container na maaaring masidlan ng hindi dumadaloy na tubig. Ito ang mga lugar na panaka-aasam-asam ng Aedes Aegypti na lamok.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Lahat po b tong mga sintomas (lagnat, rashes, pagsusuka, muscle at joint pains) sabay nararanasan ng lahat ng biktima ng dengue?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Pinaka-madalas na sintomas ang lagnat joint pains at muscle aches. Importante ang maagang diagnosis at maagapan, dahil maaaring maging dengue hemorrhagic fever (DHF) o dengue shock syndrome, na maaaring ikamatay.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakahawa po ba ang dengue sa ibang tao? Mahahawaan po ba ako kung may kasama ako sa bahay na may dengue?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Hindi ka naman mahawaan ng dengue fever kapag lumapit ka lang sa taong may dengue. Madalang din na maipasa ang sakit sa pamamagitan ng organ transplant, pagsalin ng dugo o di kaya mula sa ina sa sanggol sa kanyang sinapupunan.
Makukuha ang dengue fever mula sa kagat ng infected na lamok na Aedes. Hindi man mahahawaan ng taong may dengue ang ibang tao, pero maaari itong ikalat ng mga lamok sa mga lugar kung saan maraming tao. May mga pagsusuri na nagsasabing maaaring maipasa ang dengue ng ina sa kanyang dinadalang sanggol. Kung buntis ka at naghihinalang may dengue fever agad na magpatingin sa doctor.
Kung ikaw ay may dengue fever, magingat na makagat ng lamok, para maiwasan ang pagkalat nito sa iba. Ito ang mga dapat gawin para maiwasan makagat ng lamok.
 Mag suot ng mapusyaw (hindi matingkad) na kulay na damit at katamtaman ang luwag na kung maari ay natatakpan ang buong katawan..
 Gumamit ng insect repellant sa bahagi ng katawan na nakalabas at lalo na sa damit na medyo maluwag tulad ng kwelyo o cuffs. Pinakaepektibo ang repellant na may DEET (N, N-diethylmetatoluamide)
 Gumamit ng mga plug-in devices na may insecticide para patayin ang mga lamok.
 Gumamit ng kulambo sa pagtulog .
 Iwasan ang mga lugar na pinag-iitlogan ng lamok (‘stagnant water’ o tubig na hindi dumadaloy o nagagalaw). Takpan ang mga nakabukas na drum na pinag-iimbakan ng tubig.
Kung kailangan pa ng karagdagang impormasyon makipag-ugnayan sa iyong doctor o di kaya sa health center at mga clinic.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Mahilig po ako maglibot sa iba’t ibang dako at maglakbay sa ibang lugar. Gaano ka delikado pumunta sa mga lugar na apektado ng dengue?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
May mga dapat isa-alang alang kung ikaw ay pupunta sa lugar na apektado ng dengue. Una ay kung gaano ka katagal dito at pangalawa ay kung anong buwan ng taon ka pupunta.
Sa mga mga nakaraang taon ang bilang ng mga turistang naglalakbay na nagkakaroon ng dengue ay dumarami dahil ang sakit ay nagiging mas karaniwan na sa buong mundo at nadagdagan ang mga pagbisita sa apektadong mga lugar. Mas mataas ang panganib makakuha ng dengue virus sa mga tumatagal sa apektadong lugar, tulad ng mga health workers na nananatili ng matagal sa lugar na kung saan may dengue virus. Gayunpaman ang mga bumibisita ng panandalian lamang ay pwede parin magkaroon nito. Ang pinakamabuting gawin ay mag ingat ng doble para hindi makagat ng lamok kung ikaw ay pupunta sa apektadong lugar.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ba ang concentration ng DEET ( N,N-diethyl-meta-toluamide) repellant ang dapat gamitin panlaban sa dengue?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Depende ito sa proteksyon na nais mo magkaroon laban sa kagat ng lamok at sa gaano kadelikado ang lugar na iyong pupuntahan.
Ang mga produktong mayroon DEET ay may ibat-ibang concentration. Mas mataas ang concentration level, mas matagal ang maidulot nitong proteksyon. Ang concentration na 20% ay nagbibigay ng 1 hanggang 3 oras lamang at kung mas mataas na percent na concentration ay may mas matagal ka protektado sa kagat ng lamok. Gayunpaman hindi kailangan gumamit ng mataas pa sa 50% na concentration level dahil ang 50% pataas ay parehong proteksyon lang ang naiibigay. Hindi pwede gamitin ang mga produktong may DEET sa mga sanggol edad 2 buwan pababa.. Maari naman itong gamitin ng mga buntis o nagpapasuso ngunit dapat hindi tataas sa 50% ang concentration ng repellant Dapat sundin ang anumang instruction na nakalagay sa produkto na may DEET lalo na yung may mga age restrictions.
Gemma Castro
is in the Philippines
Positive po as dengue ang anak ko pero ok naman po ang platelet nya,238 po pero ang wbc nya mababa po.dpat ko n po b sya iconfine o pwde po n home remedy n lang? As of now naman po umiinom naman po sya ng tubig,ok lang po b kung pocari sweat ang iniinom nya kasi ayaw po nya inumin ang oresol. Ano po ba ang dapat ko gawin?
Reynald Calumpit
is in Saudi Arabia
positive ako sa dengue at nasa Jeddah KSA ako. di ako na confine sa hospital. 6 days na ang dengue ko. pinapainom ako ng anti vomiting at pang lagnat. masakit ang tiyan ko, mababa na ang lagnat ko nawawala nadin sakit sa ulo ko. makakarecover naba ako?