Diaper rash o iritasyon sa balat ng baby: Sintomas, sanhi, gamot

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang diaper rash?

Ang diaper rash ay isang pangkaraniwang iritasyon ng balat sa bahagi na natatakpan ng diaper kung saan lumilitaw ito bilang maliliit at mapupulang butlig o tagpi-tagping pamumula sa balat. Lumilitaw ito sa may puwet ng bata o sa iba pang parte na dumidikit sa diaper kagaya ng singit at hita. Nauugnay ang diaper rash sa pagkakababad ng puwet sa basang disposable diaper o lampin mula sa hindi madalas na pagpalit dito o kaya sa pagtatae. Maaari din magkaron ng diaper rash kapag ang sanggol ay kumain na ng solid foods, kapag may nakain ang nanay na nagpapadede sa sanggol o kapag ang bata ay uminom ng antibiotic. Sadyang nakaka-alarma kapag may diaper rash ang bata, at nakakairita din ito mismo para sa batang apektado nito. Ngunit may mga simpleng home remedies na nakatutulong sa pag-ginhawa at paggamot dito.


Sintomas ng Diaper rash

Malalaman na may diaper rash ang isang bata kapag may sinyales at sintomas na nakikita sa balat. Nailalarawan ang diaper rash bilang pamumula ng balat, maaaring tagpi-tagpi o maraming mapupula at maliliit na butlig sa parte ng puwet, hita, singit o sa ari ng bata. Masasabing may diaper rash din ang bata kapag nahalatang hindi siya komportable habang pinapalitan ng diaper o lampin. Kadalasang umiiyak ang batang may diaper rash habang hinuhugasan ang apektadong parte ng balat. Nagkakaroon ng diaper rash ang kahit sinong nagsusuot ng diaper, at karaniwang naapektuhan ang mga batang may edad na 9 na buwan hanggang 12 na buwan.

Diaper rash is a condition described as redness over the diaper area, usually around the genitals, buttocks, and thighs. Other symptoms associated with diaper rash are increased discomfort, especially at diaper-changing time; tight, papery skin or skin that is shiny and bright red; a strong smell of ammonia; and inflammation. However, though diaper rash is common, there are other warning signs that may signal the presence of certain complications. Hence, if you see no improvement after four days of home treatment or you observed that it seems to be getting worse rather than better, it is possible that your child may have developed a strep or staph infection or a local reaction to a particular lotion, soap, or laundry detergent. Hence, immediate medical attention should be sought.


Sanhi ng Diaper rash

Ang mga susumusunod ay ang mga posibleng sanhi ng diaper rash:


· Iritasyon mula sa dumi at ihi. Ang matagal o madalas na exposure sa ihi at dumi ay nagdudulot ng iritasyon sa balat.


· Pagbigay ng bagong pagkain sa mga sanggol. Kapag nagsimulang kumain ng solid foods ang mga bata, nagbabago laman ng kanilang dumi kung saan mas nagdudulot ito ng iritasyon. Maaari din mabago ang dalas ng pagdumi kung saan nadadagdagan nito ang pagkakataong magkaroon ng diaper rash. Nagkakadiaper rash din ang batang dumedede sa ina kapag may nakain ang ina at naipapasa nito sa bata mula sa breastmilk.


· Iritasyon mula sa mga produkto. Ang mga ginagamit na disposable diapers, disposable wipes, at sabon, bleach o fabric softener na ginagamit na panlaba ng lampin ay nagdudulot ng iritasyon sa balat. Nakakairita din ng balat ang mga sangkap ng ibang polbo, lotion, at baby oil.


· Pagkakaroon ng impeksiyon mula sa bacteria o fungus.


· Sensitibong balat.


· Nagagasgas na bahagi ng balat mula sa sinusuot na diaper.


· Pag-inom ng antibiotic. Napapatay din ng antibiotic ang mga mikrobyo na kumokontrol sa dami ng iba pang mikrobyo. Pag nawala ang balanse ng mga mikrobyo sa balat, maaaring magdulot ito ng diaper rash.


Diaper rash is a result of many factors. One of the most common reasons why diaper rash develops is irritation from prolonged exposure to urine or stool. Hence, given the fact that introduction of solid foods to a baby may cause an increase in frequency of bowel movement and a change in the character of the stool, it can also contribute to diaper rash. On the other hand, tight-fitting diapers can also cause irritation. Lastly, a simple bacterial or fungal infection in a specific area of the body can also contribute to the development of diaper rash because the warm, moist environment permits the growth and multiplication of organisms on the anal and genital region.


Gamot sa Diaper Rash


Para agapan ang diaper rash, panatilihing malinis at tuyo ang balat. Magagawa ito sa pamamagitan ng madalas na pagpalit ng diaper. Kapag lumala ang diaper rash, maaaring magreseta ang doktor ng hydrocortisone cream, antifungal cream para sa fungal infection o kaya antibiotic para sa bacterial infection. Gamitin lamang ang mga sumusunod na gamot kapag nireseta ito ng doktor, at mahalagang sundin ang tamang paraan ng paggamit nito. Kadalasang umaabot ng ilang araw ang pagbuti ng diaper rash at minsan ay bumabalik pa ito. Sa ganitong sitwasyon, kailangan nang magpatingin sa dermatologist.


Home Remedies

Makatutulong ang sumusunod na agapan ang diaper rash:


· Maaaring gumamit ng diaper rash cream na may pangunahing sangkap na zinc oxide. Pinapahid ito sa apektadong balat para protektahan at bigyan ito ng ginhawa. Kahit walang diaper rash ay maaring ipahid ito para maiwasan ang iritasyon. Gumamit ng mga produktong para sa mga bata lamang.


Para mapabilis ang paggaling ng diaper rash, kailangang magkaron ng karagdagang airflow ang balat mula sa mga sumusunod na paraan:


· Hayaang hindi nakasuot ng diaper ang bata paminsan-minsan.


· Iwasan ang mga masisikip at plastic na diaper covers.


· Gumamit ng mas malaking sukat ng diaper kesa sa kadalasang ginagamit hanggang sa mawala ang diaper rash.


· Iwasang hugasan ang apektadong balat gamit ang sabon at wipes. Hugasan gamit lamang ang malinis na tubig.


Treating diaper rash does not always require application of antibacterial creams or ointment. In most cases, remedies for this condition are usually found at home. One of these is soaking the affected area in warm water mixed with baking soda. This should be done for 10 minutes, 3 times a day. On the other hand, adding oatmeal to the baby's bath may also help soothe and protect the skin. Lastly, vinegar can be used to balance the alkaline environment brought by the urine. Vinegar neutralizes the ammonia found in the urine and helps get rid of any soap build up, a potential cause of irritation.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)