Tubol tae, dumudumi ng may kasamang dugo, hard stool, constipation

John Paul Alarcon
is in the Philippines

3 days ko na kase inaranas to pag dumudumi ako may kasama pong dugo. Tubol po ung tina tai ko, ang sakit po sa puwet kaya nag kasugat ata. Kaya lage po pag dumudumi ako tubol pa din po matigas. Kumakain naman po ako ng papaya. Ano po pwede ko gawin dok at kainin o inumin na gamot.

Translation: I've had constipation (hard stool) with blood for 3 days now. It is painful on my rectum, there seems to be a wound there. I eat papaya fruit, but I still have hard stool and am constipated. What could I do, or what medicine should I take, eat or drink?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
May Gablinez
is in United States
if madalian na gamot gusto mo, drink fresh milk until magsawa ka plus water. if gusto mo forever, add some fibers in your diet plus digestive system microbes in your digestion
John Paul Alarcon
is in the Philippines
tnx
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello John Paul. Mahirap nga pag matigas ang dumi lalo pa't gusto gusto mo talagang dumumi pa ng mas marami. Mas pahirap pa kung may pagdurugo sanhi ng sobrang tigas na fecal matter o dumi. Gaya ng sbi mo ay kumakain ka naman ng papaya. Subukan mo rin kayang uminom ng 8-12 baso ng tubig araw-araw? ang gamot sa hirap na pagdumi o constipation ay depende sa sanhi ng iyong constipation. Maari itong nakabatay sa iyong diet. Ano ba ang hilig mong kainin? Minsan nakakaconstipate din ang ibang mga prutas gaya ng bayabas at saging. Ang papaya ay nakakatigas din ng dumi alam mo ba yun? lalo na kapag hindi ito sinasabayan ng madaming tubig. Bilang isang paunang lunas sa iyong nararamdaman, maari kang bumili ng laxatibo o laxatives sa iyong suking drugstore. Inumin ito pagkatapos kumain sa umaga sabay ng isang maligamgam na tubig.

Kung hindi pa gumamagaling ang iyong constipation, mabuting ipatingin ito sa iyong gastroenterologist. Ayaw kasi nating baka lumala pa ang sitwasyong kung sakaling organic o mismo sa bituka mismo ang problema. Sa ngayong, gawin mo muna ang paunang lunas na aking nabanggit. Sana ay ok ka na =))

Doc Rands
John Paul Alarcon
is in the Philippines
ung pakiramdam ko po ung para akong lalagnatin pero hindi naman po tapos parang hapong hapo po ako tas may plema po akong dinudura pero ala naman akong ubo at nahihirapan minsan ako huminga ano po kaya un doc at kaya po ako ata nag ka constipation dahil sa side effect ng nireseta saken na recithromycin 150mg 3x a day ko pong iniinum sya
John Paul Alarcon
is in the Philippines
dr. randolf salamat po sa sagot sana po matulungan nyo ako
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello John Paul,

Ang una kong reply ay tugon sa tanong mo sa taas. Nagpa chest xray ka na ba?(Maaring namang hindi ka magpa-xray maliban na lamang kapag matagal ka nang inuubo) Nakitaan ka ba ng kung anumang sintomas ng pneumonia? Malalaman mo naman yan. eto sasabihin ko sayo. Nilalagnat ka ayon sa thermometer reading (37.8 deg C and above) lalo na pagdating ng gabi. Ang "parang nilalagnat" ay malabong deskripsyon kasi pwedeng mainit lang ang panahon. Matunog ang iyong ubo na may makapit o maluwag na plema na nagtagal ng higit sa 2 linggo na. Pangangayayat at pagkawalang gana sa pagkain. Balisa at pinagpapawisan. Kung nakitaan ka ng ganitong sintomas ay pwedeng may pneumonia ka nga at bibigyan ka ng nararapat na gamot.

TAMA KA! Ang erythromycin ay may sangkap na nakakaconstipate. Pero pag constipated ang tao, hindi naman yan laging dinudugo. Baka may hernia ka. Ipasuri mo kaya yan? RE ang gagawin sayo oh rectal exam. Madali namang malalaman yan. alam mo john paul mahirap pag nagkasabay ang hernia at constipation. Double whammy ba.. kawawa ka naman. hehe.. Biro lang. Akin lang, ipasuri mo na yan. At baka pwde namang palitan ang erythromycin mo. Madami namang antibotics jan na hindi nakakaconstipate.

Madaming kadahilanan ang hapong pakiramdam. Sobrang dami talaga. Mauubos ang isang araw pag kinuwento ko sayo lahat yan. Hindi laging pneumonia ang dahilan jan. Pwedeng anxiety o takot, stress o pwede ring autoimmune diseases gaya ng lupus halimbawa. Mainam sa ngayon na isama mo narin ang blood test para malaman kung may impeksyon ka nga talaga. Kapag nagawa mo ang mga sinabi ko, balik ka sa usapan natin dito. Alright? =))

Doc Randolf
John Paul Alarcon
is in the Philippines
dr.randolf wala naman po akong ubo at lagnat ung pakiramdam kolang para akong lalagnatin pero di naman ako gumgamit ng termomiter tas nagiging ok na ako pag pinagpawisan ala rin po akong ubo pero may plema akong dinudura kaya ako minsan nahihirapan huminga tapos ang gana ko naman po sa pag kain neto lang ako ng diet dahil sa side effect ng recithromycin at flumucin at ibufrupen +paracetamol ang nireceta sakin baka po this week pa chess xtray na ako wala na po kase akong pera mahirap lang po kame
John Paul Alarcon
is in the Philippines
dr.randolf baka po may referal ka po saken na mas mura mura or maka discounted po ako pag nag pa x-ray po ako sa saturday ngayon po ok naman na po ako nakadumi na po ako nainom po ako ng fressh milk pero ng bleed padin po sa una may sugat po kase talaga ung puwet ko pero malambot na po ung tae ko dr. dito lang po ako sa makati may fb ka po or viber doc to easy comunication ito po ung fb ko [email protected]
John Paul Alarcon
is in the Philippines
minsan ok na ok naman po ako pag may plema lang talaga dr. randolf kaya minsan minsan nahihirapan ako huminga ung plema ko po is hindi malapot kulay laway din po dr. randolf
John Paul Alarcon
is in the Philippines
dr.jr ung hernia po pala luslos ala po rin ako nun constipation po at ung plema ko at nahihirapan lang po ako huminga minsan
John Paul Alarcon
is in the Philippines
Dr. Randolf ano po kaya ang mga gulay at ula na pwde ko kainin sa constipation ko at para mabilis mag heal ung sugat ko sa puwet dr.

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.