Dysmenorrhea, menstrual cramps, sakit puson: Sanhi, Gamot, Lunas, ngalay balakang

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ba ang dysmenorrhea? / Unsa ba ang dysmenorrhea?

Ang dysmenorrhea o “menstrual cramps” ay isang pumipintig o nakakamanhid na pagkirot ng bandang puson. Maraming kababaihan ang nakararanas nito bago o habang sila ay nagreregla. Mayroong dalawang klase ng dysmenorrhea, ang “primary” o “secondary” depende sa kung ano ang sanhi. Ang primary dysmenorrhea ay kung saan ang kirot na nararamdaman ay hindi konektado sa problema sa “uterus” o sa puson o sa iba pang parte ng katawan. Ang secondary dysmenorrhea naman ay dulot ng mga kondisyon tulad ng “endometriosis”, “pelvic inflammatory disease”, “adhesions”, “ovarian cysts” at marami pang iba. Ang paglunas sa siyang dahilan ng dysmenorrhea ang susi sa pagbawas sa pananakit. Ang dysmenorrhea na hindi sanhi ng anumang kondisyon ay tila nababawasan habang nag-eedad at madalas sa mga babaeng nagsilang na ng sanggol.

Ano Sanhi? / Hinungdan , Causes

Habang ikaw ay nireregla, ang iyong “uterus” ay nagko-contract upang matulungan mailabas ang mga laman nitong nabuo. May isang parang “hormone” na bagay na tinatawag na “prostaglandin” ang siyang nagsasanhi ng kirot at pamamaga na nagsasanhi sa uterus upang mag-contract ang mga kalamnan. Ang mas mataas na antas “prostaglandin” ay konektado sa mas masakit na dysmenorrhea. Ang malubhang klase ng “contraction” ay maaaring magpakipot sa mga daanan ng dugo na patungo sa uterus. Ang resultang sakit ay maihahalintulad sa sumasakit na puso kapag ang daanan ng dugo patungo sa puso ay nagbara. Ang dysmenorrhea ay maaari ring sanhi ng:


· Endometriosis. Sa kondisyon na ito, ang tissue na naglilinya sa uterus ay tumatanim sa labas ng uterus, karaniwan sa “fallopian tubes”, obaryo o sa tissue na nagglilinya sa “pelvis”.


· Uterine fibroids. Ang mga ito na hindi naman kanser na tumutubo sa dingding ng uterus ay maaaring siyang dahilan ng sakit.


· Pelvic inflammatory disease. Ang impeksyong ito sa “female reproductive organs” ay karaniwang dulot ng bacteria na napasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.


· Cervical stenosis. Sa ilang mga kababaihan, ang daanan ng “cervix” ay napakaliit na pumipigil sa pagdaloy ng regla, na nagdudulot ng kirot dahil sa tumataas na pressure sa loob ng puson.

Dysmenorrhea is classified as either primary or secondary. Primary dysmenorrhea is thought to be caused by excessive levels of prostaglandins which results to uterine contractions when the blood supply to its lining (endometrium) is reduced. Usually, the pain will happen only during menstrual cycles in which an egg is released. The pain may progressively become worse as endometrial tissue shed during a menstrual period passes through the cervix, particularly when the cervical canal is narrow.


On the other hand, secondary dysmenorrhea is due to several medical conditions such as the presence of fibroids or benign tumors that develop within the uterine wall, adenomyosis or growth of the endometrium within its muscular walls, pelvic inflammatory disease and ovarian cyst or tumor.


Mga Sintomas / Symptoms

Ang dysmenorrhea ay kirot na nagsisimula sa ibaba ng tiyan patungo sa puson. Ang pananakit ay maaaring umabot sa likod o mga paa. Ang pagkirot ay maaaring napakasakit o hindi masyado ngunit hindi nawawala. Ito ay karaniwang nagsisimula matapos lang magsimula ang regla, gumagrabe sa unang 24 na oras at unti-unting nawawala makalipas ang dalawa o higit pang mga araw. Ito rin ay maaaring may kasamang sakit ng ulo o pagsusuka, hirap sa pagbabawas ng dumi o kaya nama’y pagtatae dahil ang “prostaglandins” na siyang nagdudulot na mag-contract ang kalamnan ng bituka. May iba ring kababaihan ang merong pakiramdam na palaging naiihi.

 


Ano Lunas, Gamot? / Tambal/ Treatments

Ang menstrual cramps ay nalulunasan. Ang iyong doktor ay maaaring mag-rekomenda ng:


· “Pain relievers” o pampawala ng kirot. Maaaring uminom ng mabibili lang sa botika na mga pain relievers tulad ng ibuprofen o naproxen sodium. Maaari ka ring uminom kung sa tingin mo’y malapit na ang iyong regla.


· “Hormonal birth control”. Ang “oral birth control pills” ay naglalaman ng mga hormones na pumipigil sa pagbuo ng itlog at nagbabawas sa lubha ng pagkirot. Ang mga hormones na ito ay maaari ring ibigay sa pamamagitan ng injection, o kaya’y “patch” na nilalapat sa balat, “flexible ring” na nilalagay sa loob ng ari, o “intrauterine device o (IUD)”.


· Operasyon. Kung ang iyong dysmenorrhea ay sanhi ng ibang karamdaman tulad ng “endometrisis o fibroids”, ang operasyon ay maaaring makabawas sa sintomas. Maaari ring kunin ang iyong “uterus” kung wala kang planong magdalang-tao.

Dysmenorrhea is oftentimes relieved by taking over-the-counter pain reliever. However, there are also several home remedies that can help relieve pain associated with this condition. Heat application can help relax the contracting uterine muscles. On the other hand, drinking chamomile tea that has anti-inflammatory properties which helps in decreasing the prostaglandin production can also relieve menstrual cramps. Lastly, adequate amount of Vitamin D should be included in your diet to prevent menstrual cramps.



Home Remedies, Natural Cures at Prevention, o paano maiwasan? Mga pwede mabuhat sa balay ug unsaon paglikay

Maaari mong subukan ang mga ito sa bahay upang mabawasan ang kirot.


· Ehersisyo. Ayon sa mga saliksik, ang paggalaw-galaw ay maaaring makabawas sa sakit.


· Init. Ang paglapag ng mainit-init na bagay sa iyong puson ay nakakabawas rin ng sakit. Kasing-epektibo ito ng pag-inom ng pain relievers.


· Mga supplements sa pagkain. Maraming saliksik ang nagsasabing ang Vitamin E, omega-3 fatty acids, Vitamin B1, B6 at magnesium ay epektibong nagpapabawas sa “menstrual cramps”.


· Pag-iwas sa alak at sigarilyo. Ang mga ito ay nagpapagrabe sa sakit.


· Bawasan ang stress. Nakakalubha rin ito sa kirot na nararamdaman.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Rachelleann Plamenco
is in the Philippines
hi doc tanung ko lang po irregular po kc mens ko
itong last 2016 sept,october5/6 po normal at nung november po 1/26 two times po ko nagkaron first time po un nangyri at ito nmn pong dec 22 naman po iba nmn petsa ...kadabuwan sumasakit muna mga likod puson at paa.po ndi ko lam kung anu ito..my 2 na po akong anak sa ngayuon ...
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc tanung ko lng po, bakit po sumasakit sobra puson ko pag 1st day ng regla ko? Bakit po ganun?? Pero pag 2nd day to last ndi na po sumasakit
Janine Gonzales
is in the Philippines
Hi po doc. Jen. Ako po si Janine Ask ko lng po. Buntis po kasi ako ng 13weeks. Nung thursday nagpa-transvagainal ultrasound po ako. At na fidings po na meron akong chocolate cyst (endometrioma) 2.5cm ang laki nya sa may right ovary ko. Nung nag pa transv po ako every time na tatama po yung monitor sa may right side masakit po sya na para pong may natatamaan kasi po masakit po talaga sya. Hnd katulad sa leftside hnd nmn po masakit. At minsan po sumasakit sakit yung puson ko sa may right side makirot kirot minsan at madalas po akong nag-cramps simula sa may puson pababa po. Minsan po yung likod ko.. pero mas madalas yung pag cramps at pagkirot ng puson ko. Normal lng po ba yun sa buntis at yung endometrioma ano po ang magiging epekto po nn sa pag bubuntis ko. Lagi dn po kasi sumasakit yung ulo ko sobrang sakit po sya. Sana po masagot po nnyo ang mga tanong ko. Maraming salamat po doc. Jen
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.