Eczema: Sanhi, Lunas, Symptoms, Natural Remedies, Causes, Diagnosis

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines


Ano Ang Eczema?

Ang eksema ay isang talamak na kondisyon sa balat kung saan ang balat ay nagiging makati, mapula, may lamat at tuyo. Ito ay nakakaapekto sa mga lalaki at babae. Humigit-kumulang sa 80% ng mga kaso ay nagsisimula bago mag-edad ng 5 years old ang isang bata, at bumubuo ito sa unang taon ng buhay.


Nasa ibaba ang ilang mga karaniwang sintomas (symptoms) ng atopic na eksema:

        • Ang balat ay maaaring masira
        • Ang ilang mga lugar ng balat ay may lamat.
        • Ang balat ay natutuyo
        • Maraming mga lugar ng balat ang makati, at kung minsan ay nagkakalamat kapag kinamot
        • Nangangati lalo na sa gabi
        • Ang pagkamot nito ay nagreresulta sa pagkapal ng balat
        • Ang ilang mga lugar ng balat ay nagiging mapula at namamaga
        • Ang ilang mga namamagang lugar ay bumubuo ng mga blisters at tumatagas
        • Ang balat ay nagiging mapula na brownish-gray ang kulay
        • Ang mga lugar ng balat ay may maliliit na mga bukol

Patients with eczema oftentimes feel embarrassed and refuses to seek medical help when symptoms appear. The word eczema comes from a Greek word that means to effervesce or bubble or boil over. Hence, as the term implies, one of the main symptoms associated with eczema is itchy, red rash which can be oozing or crusting. Aside from this, patients with eczema can also experience dry and sensitive skin, intense itching, red and inflamed skin, recurring rash, scaly areas, rough and leathery patches, areas of swelling and dark colored patches of skin.

Kahit na ang mga tagpi ay makikita sa anumang bahagi ng katawan, may posibilidad na lumitaw ito sa mga kamay, mga paa, mga braso, sa likod ng mga tuhod, ankles, wrists, mukha, leeg, at itaas na dibdib. Ang ilang mga pasyente ay may mga sintomas sa paligid ng mga mata, kabilang na sa mga eyelids. Ang pagkamot sa paligid ng mga mata ay maaaring humantong sa pagkawala ng kilay at buhok sa pilikmata.


Ang sumusunod ay maaaring magpasama pa ng mga sintomas ng atopic na eksema:

        • Matagal na pag-hot shower o bath
        • Ang pagpapatuyo ng balat
        • Mental stress.
        • Pagpapawis.
        • Mabilis na pagbabago ng temperatura.
        • Tuyong hangin
        • Ang ilang mga tela sa damit, tulad ng wool
        • Usok ng sigarilyo
        • Alikabok
        • Buhangin
        • Ang ilang mga sabon, solvents, o detergents




Ano ang mga dahilan ng atopic na eksema? Causes

Sabi ng mga eksperto, ang mga tao na may eksema ay ipinanganak na may ganitong uri ng sakit - ito ay minamanang kondisyon. Maaari itong sumiklab kapag ma-expose sa mga pollen o balahibo nga mga alagang hayop, at panloob na mga kadahilanan tulad ng mga antas ng hormone at stress.

Ang oily (lipid) barrier ng ​​balat ay karaniwang nababawasan sa mga tao na may atopic na eksema, kumpara sa ibang tao. Ang lipid barrier ay tumutulong upang maiwasan ang pagkawala ng tubig sa balat. Kung ang barrier ay mabawasan ikaw ay mas mabilis mawalan ng tubig at ang iyong balat ay magiging tuyo.

Ang immune system ng mga tao na may atopic eksema ay naglalabas ng mga kemikal sa ilalim ng balat na maaaring maging sanhi ng pamamaga.

Ang eksema ay naka-link sa bakterya sa loob ng tiyan ng mga bata – ang mga batang may eksema ay mayroong malawak na hanay ng mga bakterya sa loob ng kanilang mga tiyan kumpara sa mga bata na walang eksema.



Ang tatlong pinaka-karaniwang allergens sa atopic eksema ay:

        • House dust mites (bed bug)
        • Pollen
        • Balahibo ng hayop

Eczema is thought to be a result of an allergic reaction because most of its symptoms are manifestations of skin irritation. However, the root cause of eczema can be a combination of different factors such as genetics, abnormal function of the immune system, environment, activities that may cause skin to be more sensitive and a break in the skin barrier that allow moisture out and germs to penetrate. Aside from this, eczema can also be triggered by substances that can cause skin irritation such as contact with wool or man-made fibers.

Ang tatlong allergens ay ang mga pangunahing mga triggers din sa hika at hay fever.

Ito ang mga pagkain na karaniwang nagiging sanhi ng allergic na reaksyon sa mga taong may sensitibong immune system. Kabilang dito ang:

        • Gatas (Ng baka)
        • Mga itlog
        • Mga mani
        • Soy
        • Trigo/ Wheat

Diagnosis ng eksema

Walang laboratoryong pagsubok o skin test na makapag-diagnose ng atopic na eksema.

Ang duktor ay maka-diagnose ng atopic na eksema pagkatapos suriin ang pasyente at magtanong tungkol sa mga sintomas at kasaysayang medical, kasama na ang pagtanong tungkol sa pagkakaroon history ng eksema sa mga kamag-anak o kapamilya. Ang doktor ay maari ding magtanong tungkol sa iba pang mga kaugnay na allergy, tulad ng hika at hay fever.


Ano ang paggamot para sa atopic na eksema?

Sa kasalukuyan ay walang lunas para sa atopic na eksema. Subalit, may iba't-ibang mga treatments na tumutuon sa mga sintomas at pati na rin ang mga strategy para maiwasan ang mga trigger, at maaaring magpabuti ng kalidad ng buhay ng pasyente.




Pag-aalaga Sa Sarili - Ano ang maaaring gawin ng mga pasyente

        • Iwasan ang pagkamot
        • Iwasan ang mga trigger factors
        • Wastong pagkain: Ang gatas, itlog, nuts ang karaniwang mga triggers, pati na rin ang fast food.

Komplimentaryong Paggamot:

Bleach baths: Ito ay mabisang gamut para sa eksema ng mga bata

        • Emollients: Ang emollient ay nagpapalambot at nagpapakinis ng balat; maari itong maging krema, lotion o pamahid. Ang mga krema o lotion ang karaniwang ginagamit sa mapulang balat; ang pamahid naman ay para sa tuyong balat.
        • Topical corticosteroids: Ito ay nagbabawas ng pamamaga.
        • Alitretinoin (Toctino): Ito ay ginagamit para sa mga pasyenteng may malubha at talamak na eksema sa kamay na hindi tumutugon sa iba’t ibang mga gamot. Pawang duktor lamang ang maaring magreseta ng gamot na ito. Ito ay iniinom na gamot at hindi dapat ibigay sa mga buntis o sa mga breastfeeding na nanay.
        • Antihistamines: Ito ay nagbabawas ng epekto ng histamine na galing sa alerhiya. Maari itong magpa-antok
        • Antibiotics: Ito ay binibigay ng duktor kapag may impeksiyon na kalakip.
        • Light Therapy (Phototherapy): Ito ay gumagamit ng natural o artipisyal na liwanag. Maaring maglantad lamang ang pasyente sa natural na sinag ng araw. Ang iba pang uri ng phototherapy ay ang artificial ultraviolet A (UVA) or ultraviolet B (UVD) na liwanag.

Though the term 'eczema' can be somewhat overwhelming, treatment and management of this condition can start at home as long as there are no visible signs of complication. You may start by removing the triggering factors. For example, if your laundry detergent causes skin irritation, better switch to a hypoallergenic one. Next, take some measures to prevent skin dryness. Taking a warm shower or bath and using mild soap can help and prior to drying your skin with a towel, you can use emollient to lock in the moisture and prevent evaporation of water. Tight-fitting, rough and scratchy clothing should also be avoided. On the other hand, in the event that a flare (appearance of rash) occurs, do not engage in strenuous physical activities because sweat can induce irritation. Lastly, since itching associated with eczema is intense that you cannot avoid scratching keep your skin moist and supple.

This post has been reported for abuse

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc, may mairerekominda ba kayong espesialista na malapit lamang sa Bataan ang clinic? Maaaring sa San Fernando, Pampanga o sa Olongapo.. Salamat po ng marami.
Sheila Mae Niepes
is in the Philippines
ang aloe vera po ba ay makakatulong sa paggamot ng batang may eczema
Milka Sanchez
is in Italy
help po. namamaga ang mukha ko. makati sya. may eczema po ata ako.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.