Food Poisoning, lason pagkain o panis: Medication, Gamot, Pagkaon Pan-os, Causes, Remedy

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang food poisoning, na tinatawag ring “food-borne illness”, ay isang sakit na dulot ng pagkain ng kontaminadong pagkain o pagkaing panis. Ang mga organismo na nagdadala ng sakit – tulad ng maraming bacteria, viruses at parasitiko – o ang kanilang mga “toxins” ay ang mga pinaka-karaniwang sanhi ng food poisoning. Sa loob ng isang taon, kasing-rami ng 5.5 milyon ka tao sa isang kilalang bansa ang maaaring makaranas mula sa food-borne illness – iyan ay 1 sa bawat sampung tao. Ang isang mas seryosong food poisoning ay iyong dala ng bacteria. Kung mas maraming bacteria ang nandoon, mas mataas ang tsansang ikaw ay magkasakit. Ang bacteria ay madaling dumami at upang maisagawa nila ito, kailangan nila ng mamasa-masang paligid, pagkain, sapat na init at oras. Ang presensya o kawalan ng hangin, asin, asukal at acidity sa paligid ay importante rin. Sa tamang mga kondisyon, ang isang bacterium ay maaaring dumami nang apat na milyong beses sa loob lamang ng walong oras. Sila ay dumadami sa gitna ng temperaturang 5 hanggang 63 degress Celsius ngunit namamatay sa temperaturang 70 degress Celsius.

Ano mga Sanhi ng food poisoning? / Hinungdan , Causes

Ang kontaminasyon sa pagkain ay maaaring mangyari sa kahit anumang punto sa produksyon: sa pagpapatubo, pag-ani, pag-proseso, pag-imbak, pag-angkat o sa preparasyon ng pagkain. Ang “cross-contamination” – ang tawag sa transfer ng nakakapinsalang organism sa isang lugar patungo sa isa pa – ay ang karaniwang dahilan nito. Ito ay talaga namang problema sa mga hilaw, “ready-to-eat” na mga pagkain, tulad ng salads at iba pa. Dahil ang mga pagkaing ito ay hindi linuluto, may mga nakakapinsalang organismo na maaaring hindi namatay bago ito kainin at nakakasanhi ng food poisoning. Maraming bacterial, viral o parasitikong sanhi ng food poisoning. Ang ilan sa mga organismong nakakakontamina ay ang campylobacter, clostridium botulinum, clostridium perfrigens, escherieia coli, giardia lamblia, hepatitis A, listeria, rotavirus, salmonella, shigella, at marami pang iba.


Ano mga Sintomas? Symptoms, Signs

Ang food poisoning ay karaniwang nagdudulot ng pananakit ng tiyan, pagsusuka (pagkahilo mahitungod), pagtatae, at lagnat. Ito ay nakakasanhi rin ng pagkawala ng maraming tubig sa katawan at kung nagsusuka, maaaring mahirapang palitan ang mga nawalang tubig – dahilan para magkaroon ng dehydration. Sa mga bansang nagdedevelop pa lamang at kung saan ang epidemya ay nagdadala ng pagtatae at kalakip na mga karamdaman, libo-libong tao ang namamatay dahil sa dehydration.


Sino ang malaki ang tsansang magka-food poisoning? / Kinsa ang mga tao nga kasagara mahilo sa pagkaon?

Kung minsan, may mga grupo ng mga tao na maaaring makakuha sa sakit sa pare-parehong oras. Maaaring sila ay kumain sa isang piging, o restaurant, o maaaring may mga grupo ng kontaminadong pagkain ang ipinagbibili sa ibat-ibang lugar. Sa mga kasong ganito, may mga opisyal ng kalusugan, na nagtatrabaho sa lokal na awtoridad ay siyang nag-iimbestiga sa nangyari at naghahanap ng dahilan kung bakit iyon naganap. Sila rin ay magbibigay babala sa iba at sa mga “food offenders”.


Ano mga Gamot at Lunas? / Tambal

Ang gamot para sa food poisoning ay karaniwang nagdedepende sa pinanggalingan ng sakit, kapag napag-alaman, at sa pamamagitan ng lubha ng mga sintomas. Para sa karamihan, ang sakit ay nawawala lamang sa loob ng ilang araw kahit walang gamot, datapuwat may mga klase ng food poisoning ang tumatagal ng ilang linggo o higit pa. Ang gamot sa food poisoning ay ang:

· Ang pagdaragdag sa mga tubig na nawala. Ang tubig at “electrolytes” – minerals tulad ng sodium, potassium, at calcium na siyang nagmementena sa balanse ng tubig sa katawan – na nawala sa patuloy na pagtatae ay kailangang mapalitan. Ang mga bata o matatanda na lubhang dehydrated ay nangangailangan ng gamutan sa ospital, kung saan sila ay makakatanggap ng “asin at fluids” na idadaan sa ugat, imbes na sa bibig lamang. Ang “intravenous” na hydration ay nagbibigay sa katawan ng tubig at esensyal na mga nutrisyon nang mas mabilis kaysa sa sa solusyon na iniinom.

· Antibiotics. Ang iyong doktor ay maaaring magreseta sa iyo ng mga antibiotics kung ikaw ay merong “bacterial food poisoning” at ang iyong mga sintomas ay malubha. Ang food poisoning na dulot ng listeria ay nangangailangan ng “intravenous na antibiotics” sa ospital. Sa mas maagang gamutan, mas maganda ang resulta.


Natural Cures, Home Remedies / Mga mabuhat nato sa balay, Medication, treatment

Ang food poisoning ay karaniwang nag-iimprove matapos ang 48 oras. Upang mas maging maganda ang iyong pakiramdam at maiwasan ang dehydration habang ikaw ay nagpapagaling, subukan ang mga ito:


· Pagpahingahin muna ang iyong tiyan. Tumigil muna sa pagkain at pag-inom sa loob ng ilang oras.


· Subukang kumain muna ng ice chips o sumipsip ng kaunti lamang na tubig. Pwede mo ring subukang uminom ng “clear soda” tulad ng 7Up o Sprite, sabaw at sports drinks. Ang mga matatanda ay dapat uminom ng 8 hanggang 16 na baso ng tubig araw-araw.


· Dahan-dahan sa pagkain. Magsimula munang kumain ng wala masyadong lasa na pagkain, at madaling malusaw, tulad ng soda crackers, gelatin, saging at kanin.


· Iwasan muna ang ilang mga pagkain hanggang umayos na ang iyong pakiramdam. Ito ay ang mga pagkain tulad ng mga gawa sa gatas, kape, alkohol, nicotine, mamantika at masyadong malalasang mga pagkain.


· Magpahinga ng mabuti.


· Huwag uminom ng mga “anti-diarrheal” na gamot. Ang mga gamot na naglalayong pigilan ang diarrhea tulad ng loperamide ay nagpapabagal sa eliminasyon ng bacteria o “toxins” sa iyong sistema na maaaring makalubha sa iyong kondisyon.


Paano maiwasan, Prevention / Unsaon paglikay

Narito ang mga hakbang upang maiwasan ang food poisoning (Pagkaon ug Pan-os): palaging maghugas ng kamay, mga gamit sa pagkain at mga lugar na pinagkakainan, ihiwalay ang mga hilaw na pagkain sa mga “ready-to-eat” na pagkain, lutuin nang mabuti ang mga pagkain, ilagay sa refrigerator ang mga napapanis na pagkain, at kapag hindi ka na sigurado, itapon na ang mga patapong pagkain.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)