Foot Odor o mabaho o pangangamoy ng paa: Gamot at lunas (natural remedies)

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Gamot at lunas sa pangangamoy at mabaho na paa

Ang foot odor ay isang klase ng body odor, kung saan hindi maganda ang amoy ng mga paa. Ang ating mga paa at kamay ay may mga sweat glands na naglalabas ng pawis. Mas marami pa itong mga sweat glands kaysa sa ibang parte ng katawan.



Nagkakaroon ang paa ng hindi magandang amoy dahil sa pawis na nilalabas nito. Kapag pinawisan ang paa habang nakasuot ng medyas at sapatos, nakukulong ang pawis sa loob. Hindi naman masama ang amoy ng pawis ngunit dahil sa interaksiyon ng nito at ng bacteria sa paa, ito ang nagdudulot ng masamang amoy. Maliban sa mikrobyo, ang mga bagay na dumadagdag sa pagkakaroon ng amoy sa paa ay ang paggamit ng sapatos at medyas. Ang pagsuot ng sapatos at medyas ay nakakabawas sa bentilasyon ng paa ng ilang oras. May klase ng medyas na nakakadagdag sa pagpapawis ng paa. Ang mga medyas na gawa sa cotton ay mas nagbibigay ng sapat na bentilasyon sa paa kumpara sa mga medyas na gawa sa polyester. And medyas din ay nagsisilbing taga sipsip ng pawis ng paa, kaya ang pagsuot ng sapatos na walang medyas ay magdudulot ng karagdagang amoy mula sa mga bacteria at pawis.


Ang foot odor ay maaring dulot din ng namamanang karamdamang tinatawag na hyperhidrosis. Ito ay ang hindi normal na dami ng pawis na lumalabas sa katawan. Ang mga kamay, paa, at kili-kili ang kadalasang naaapektuhan ng hyperhidrosis, kaya maaari itong magdulot ng hindi magandang pangangamoy ng paa.


Foot odor, also known as bromhidrosis, is a common problem which is both unpleasant and embarrassing. The odor is usually described as cheesy or vinegary that sticks to the feet, socks, and shoes. It is accompanied by excessive sweat, which builds up on the soles of the foot.


Normally, our feet have more sweat glands than any part of our body. As the name implies, this structure produces sweat to keep the skin moist and supple. The sweat itself is odorless. However, some shoes and socks can promote excessive sweating, which provide a good medium for bacterial growth. When these bacteria combine with normal sweat, unpleasant odor may be produced.


Aside from using shoes and socks made of materials that can cause too much sweating, a medical condition known as hyperhidrosis (sweating more than usual) as well as hormonal changes among teenagers and pregnant women can also predispose a person to have foot odor. Lastly, poor hygiene can sometimes play a part too. Washing your feet infrequently or not changing socks at least once a day can allow bacteria to thrive.


Pagkontrol ng Foot Odor

Ang regular na paghugas ng paa gamit ang deodorant o kaya antibacterial na sabon ay makakatulong sa pagkontrol ng foot odor. Ang paghugas na ito ay tutulong sa pagtanggal ng bacteria, upang maiwasan ang interaction ng mga ito sa pawis nang hindi magdulot ng masamang amoy. Maaaring hugasan ang paa ng ilang beses sa isang araw at tuyuin ng maigi pagkatapos maghugas. Ang mga sumusunod ay ilan pang paraan para makontrol ang foot odor:


· Piliin at gumamit ng medyas at sapatos na magbibigay ng sapat na bentilasyon para sa paa tulad ng medyas na gawa sa cotton at mga sandals o kaya mga sapatos na gawa sa leather at canvas. Iwasan ang pagsuot ng mga medyas at sapatos na magdudulot ng matinding pagpapawis ng paa.


· Ugaliing magpalit ng medyas at sapatos isang beses o higit pa araw araw. Pagkatapos gamitin ang sapatos, patuyuin at ugaliing linisin at hugasan paminsan-minsan.


· Limitahan ang paggamit ng sapatos hanggat maaari para mabigyan ng sapat na bentilasyon ang mga paa.


· Maaari din gumamit ng antibacterial, deodorant o kaya antiperspirant sa paa upang maiwasan ang pagpapawis o ang masamang amoy. Ang mga deodorant at antiperspirant na ginagamit sa kili-kili ay pwede ding gamiting sa paa.


· Lagyan ng gawgaw ang loob ng sapatos para tumulong sa paghigop ng pawis at panatilihing tuyo ang paa.


The first step to treat foot odor is to eliminate or minimize environmental factors that can cause excessive sweating. Adequate and proper personal hygiene should also be practiced. In addition, there are also a lot of home remedies used to treat this condition. One of these is the application of talcum powder and antiperspirant to keep them dry for a longer period of time. Aside from this, soaking your feet for 15 to 20 minutes in a solution of one quart of warm water and one tablespoon of baking soda would also help. On the other hand, instead of using baking soda, a few drops of lavender essential oil can be utilized. Lastly, vinegar is also beneficial in getting rid of smelly feet because it creates an acidic environment which inhibits the growth of bacteria.


Home Remedy

Ang nirerekomendang home remedy para kontrolin ang foot odor ay ang pagbabad ng paa sa matapang na black tea (mga karaniwang iniinum na tea na nababili sa mga supermarket, pero hindi ang green o white tea) ng 30 minutos sa isang araw ng buong linggo. Ang asido sa tea ang pumapatay sa bacteria at nagsasara ng mga pores sa paa. Sa ganitong paraan, mananatiling tuyo ang paa. Gumamit ng dalawang tea bags kada isang pint (mga dalawant baso) ng tubig. Pakuluan ng 15 minuto at magdagdag ng dalawang quarts (mga 4 na baso) ng malamig na tubig at ibabad ang paa dito. Maaari din ibabad ang paa sa palanggana na may two thirds (2/3) na tubig at one third (1/3) ng vinegar.



About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jessie Dhan Estolas
is a machine operator in the Philippines
hello po doc tanong ko lng po bakit ayaw parin matanggal ung baho ng paa ko doc ginawa ko na po lahat pero ayaw parin ano pa po bang dapat kong gawin sana matulungan nyo po ako sa problema ko hindi narin kase ako nakakapasok sa work dahil po dto sa mabahong paa ko doc inuubu po ang mga tao tuwing napasok ako kahit po d ako magsapatos doc mabaho parin sana po matulungan po ako salamat .