Gaano kalaki ang tsansa na ang actinic keratoses ay magiging kanser? Cancer

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Gaano po ba kalaki ang tsansa na ang actinic keratoses ay magiging cancer/kanser? Unsa kadako ang tsansa nga mahimong kanser ang akong actinic keratosis?


Topic: How high are the chances that actinic keratoses would become cancer?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ang actinic keratosis ba ay nananalaytay sa magkaka-pamilya? Kaliwat ba ang actinic keratosis?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Hindi. Subalit may mga kadahilanan na nagpapataas sa tsansa na mamana ang kondisyon tulad ng pagkakaroon ng maputing balat, magandang buhok, at madaling pagkapaso o pagkasunog.
Ikaw ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng “actinic keratosis”kung ikaw ay may maputing balat o kapag madali kang napapaso sa init kahit hindi ka nagbibilad sa araw. Ito rin ay nagdedepende sa klase ng iyong balat na maaari mong namana sa iyong mga magulang. Dahil ang matagal na pagkakabilad sa araw ang siyang nangungunang dahilan ng pagkakaroon ng kondisyon, kailangan mo ng sapat na proteksyon sa araw.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maaari po ba akong makakuha ng actinic keratoses mula sa ibang tao?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Hindi. Ang “actinic keratosis” ay hindi nakakahawa, kaya hindi mo sila makukuha mula sa ibang tao o maikakalat sa iba.
Ang “actinic keratosis” ay nabubuo kapag ang “cells” ng balat ay nasisira dahil sa matagal na pagkakabilad sa araw. Ang mga pantal na magaspang, at nagkakaliskis na balat ay mga katangian ng kondisyon at hindi naman nakakahawa, kaya naman hindi mo sila makukuha mula sa ibang mga tao. Gayundin, kung ikaw ay may “actinic keratosis”, hindi mo sila maikakalat sa sinuman.
Medical Team
is a Medical expert in United States
Karamihan sa “actinic keratosis” ay hindi nagiging kanser. Ang sintomas na nagiging kanser ang iyong “actinic keratosis” ay ang pananakit, pag-umbok, pagkakaroon ng mas maraming kaliskis, pagdurugo at paglaki ng sugat na dala nito.
Kung minsan ang “actinic keratosis” ay nawawala nang kusa at hindi nangangailangan ng lunas. Subalit maaari silang hindi magbago o maging isang klase ng kanser na tinatawag na “squamous cell carcinoma” bagamat ito ay madalang lamang mangyari. Ito ay nangyayari sa mababa sa anim ka tao sa bawat isang daan na mayroong “actinic keratosis”. Kapag napansin mong ang “actinic keratosis” ay masakit hawakan, nagkukumpol, o mas nagkakaliskis, o sila ay nagsusugat at nagdurugo, maaari itong indikasyon na ito ay nagiging kanser. Bumisita agad sa iyong doktor o dermatologist (isang doktor na spesyalista sa pagtukoy at paglunas sa mga kondisyon sa balat) kapag napansin mong nangyayari ang mga pagbabagong ito. Ang paggamit ng “sunscreen” ay nakakatulong upang mabawasan ang tsansa na magkaroon ng “actinic keratosis” at nagpapababa sa iyong tsansa na magka-kanser sa balat.
May Gablinez
is in United States
mag-sunblock ka at iwasan mabilad sa araw
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.