Dapat bang inumin ang gamot na expired na o lagpas sa expiration date?
Sari-sari ang sinasabi at pala-palagay ng mga tao jan. May mga nagsasabi na hindi mo na dapat pang gamitin ang gamot na nag expired na. Sabi naman ng iba, walang kaso dahil gamot pa din naman at nasubukan na nila yon ng maraming ulit pero wala namang nangyaring masama.
Kung iinumin mo ang gamot, ikakamatay mo ba yon o mas magpapalala lang ng nararamdaman mo? Mahal nga naman ang gamot ngayon, mapa over the counter drugs man yan o may preskripsyon ng doktor. Ano ba talaga ang maaasahang sagot sa mga tanong na yan. Syempre, mga ekspert lang ang makakasagot. Alamin muna natin kung ano ba ang ibig sabihin ng expiration date.
Karaniwan ng yung mga manufacturer ang naglalagay niyan. Eto kasi yung huling araw na makakatiyak ka sa bisa, at kalidad ng gamot. Diyan mo din matutukoy kung ligtas pa bang gamitin ang isang gamot. Yan ang trabaho ang FDA o Food and Drug Administration. Isa pa, may natuklasan ang mga nasa military force. Palagi kasi silang may mga stock ng napakaraming gamot sa base militar nila. Napakagastos kung taon taon eh magpapalit sila ng mga gamot. Kaya natuklasan nila 90% ng 100 gamot eh okay pa ding gamitin ang mabisa pa din kahit na 15 taon ng lagpas sa expiration date. Kaya maliwanag na hindi sukatan ang epiration date para masabing hindi na epektibo o ligtas na inumin ang isang gamot. Totoo naman na habang tumatagal ang gamot na hindi naiinom, bahagyang nawawala ang potency nito o yung bisa na magpagaling pero hindi ibig sabihin eh hindi na yan epektibo kahit nga dekada pa ang lumipas. Di gaya ng liquid antibiotics, insulin o nitroglycerin, madaming gamot ang epektibo pa din kahit lumipas na ang mahabang panahon. Makakatulong ang paglalagay sa ref o lugar na may malamig na temperatura ng mga gamot para mas tumagal ito. Pwedeng ang isang dahilan kaya inilalagay ng mga manufacturer ang expiry date ng isang gamot eh para sa komersiyo. Syempre, kapag nasa isip ng isang konsyumer na kailangan niyang palaging palitan ang mga gamot kapag malapit na ang expiry date nito, mas kikita ang mga manufacturers. Kung minsan paraan din nila yan para patunayan na nakukuha mo ang talagang mahalaga sa gamot na iniinom mo, ang bisa nito. Pinatunayan yan ng The Medical Letter on Drugs and Therapeutics.
Kaya hindi mo dapat masyadong isipin o masyadong alalahanin ang mga gamot na lagpas na sa expiry date. Hindi naman ibig sabihin niyan eh hindi mo na papalitan ang mga gamot mo. Siguraduhin pa din na napapalitan ang mga gamot kapag lagpas na yon sa expiration date kasi mas ina-uup to date ng mga manufacturer ang gamot sa pana-panahon. Nagbabago din ang paraan ng pag gamit ng mga gamot pati na ang mga babala at dosage ng gamot. Iwasan din na gamitin ang mga gamot na nabuksan na ng matagal o na hantad na sa mainit na temperatura. Maging maingat sa pag-gamit ng gamot. Nakatulong sana sayo ang artikulo na yan.