Generic versus Branded Medicines: Benefits, Disadvantages, gamot

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mahal magkasakit. Ito ang dalawang katagang laging nasa isip ng bawat tao lalung-lalo na sa isang bansang hindi kabilang sa mga karapatan ng mga mamamayan ang libreng pagpapakonsulta o pagpapagamot. Ang malaking gastusin sa ospital at mga gamot ay ilan sa mga nagiging dahilan kung bakit madalas ay pinipili na lamang ng marami na tiisin o huwag indain ang sakit o di kaya'y lapatan ito ng paunang lunas gaya ng pag-inom ng mga gamot na madaling mabibili sa botika kahit walang reseta ng doktor (over-the-counter medications). Subalit minsan ay mahal din naman ang ilan sa mga ito lalo na kung ito ay may marka ng mga kilalang kompanya (branded medicines). Dahil dito, madalas na binibili ng karamihan ang mga generic na gamot. (vs. branded)

Kaugnay nito, marahil isa ka sa mga nagtatanong kung ano nga ba ang kaibahan ng generic sa branded na gamot. Magkasing-bisa kaya ito? Bakit mas mahal ang branded kumpara sa generic?


Una, dapat nating malaman na ang generic na pangalan ng isang gamot ay ang pinaikling chemical name o buong pangalan nito. Sa madaling salita, ang generic name ay ang palayaw o 'nickname' ng isang gamot upang madali itong matandaan at bigkasin. Halimbawa, ang 'paracetamol' ay ang ginagamit na generic name ng gamot na tinatawag na 'N-acetyl-p-aminophenol'. Sa kabilang dako, kapag naman ang isang kompanya ay nagsimulang maglabas ng kaparehong gamot sa merkado, binibigyan nila ito ng sariling pangalan. Upang madali natin itong maintindihan, muli nating gamitin ang gamot na 'paracetamol' bilang halimbawa. Ang 'paracetamol' na inilabas sa merkado ng kompanyang Unilab ay tinatawag na Biogesic samantalang ang nilikha naman ng GlaxoSmithKline (GSK) ay binigyan nila ng pangalang Calpol subalit kahit magkaiba ito ng pangalan, pareho pa rin itong paracetamol.


Pangalawa, marahil ang susunod nating tanong ay kung bakit mas mahal ang branded medicines kaysa generic medicines gayong magkatulad lamang ito. Ito ay dahil maraming ginastos na salapi ang kompanyang nagbigay ng marka at naglabas sa merkado ng isang gamot para sa mga pananaliksik, pagpapaunlad at pagpapatalastas nito.



Panghuli at ang pinakamahalagang bagay na dapat na isaalang-alang ay ang kalidad at bisa ng gamot at ang kaligtasan sa pag-inom nito. Kaugnay nito, hindi dapat mangamba ang sinuman sa pag-inom ng generic medicine sapagkat bago ito ilabas sa merkado, tinitiyak ng Food and Drug Administration na ito ay mabisa, ligtas at walang dulot na panganib sa sinumang iinom nito.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.